Chapter 2

-EMMA-

Kinaumagahan, sinundo ako ni Jake pagkatapos ng trabaho niya, at pumunta kami sa bahay ng Tito niya na located lang naman sa isang high-end village. Hindi nakapagtataka, may kaya kasi ang pamilya ni Jake. 

Hindi naman siya mayabang, pero malalaman mo agad na hindi siya nahihirapan sa buhay. May ibang tao na kahit hindi mo tanungin, ramdam mong proud sila sa estado nila, pero si Jake hindi ganun, maasikaso, matulungin, at tahimik lang sa mga bagay na iyon.

Pagdating namin sa lugar, sinalubong kami ng guard, at nakilala agad ng mga staff si Jake at binuksan nila agad iyong gate. Maya-maya lang ay tumigil na ang sasakyan sa harap ng isang itim na gate. Pagbukas ng sasakyan, napansin ko agad ang laki ng bahay, at may dalawang palapag pa ito.

Napansin ko rin ang garden sa... wait... anyare sa mga pananim? Pinagdamutan nang tubig? Mukha namang hindi sila as in wala nang pag-asa. Talagang kulang lang sila ng tubig, pero yung bermuda grass, talagang kailangan ng trim.

Noong pumasok kami sa loob ng bahay, napansin ko agad ang minimalist na disenyo. Ang mga furniture ay simple pero eleganteng tignan. Kakaunti lang ang mga gamit pero mukhang mamahalin. It's giving very demure, very mindful, very elegant vibes hah.

Sinimulan na naming libutin ang paligid, at si Jake ang nagsilbing tour guide ko. Sa kanan, may maluwang na living room na may mahabang sofa at isang malaking TV na nakasabit sa dingding. Sa kaliwa naman, may dining area na may mahabang mesa at maraming upuan, katabi ng isang open kitchen.

May isang banyo sa ibaba, at katabi nito ang sliding door na diretsong papunta sa bakuran. Sa second floor naman, may tatlong kwarto na mas malawak pa sa kwarto ko at may mga bintana na nag-aallow ng natural light. Ang bawat kwarto ay may minimalist at modernong disenyo, kaya ang linis at aliwalas tignan.

"Ano? Bet na?" tanong ni Jake nung nasa huling kwarto na kami, which is kwarto ng tito niya.

"Bet na bet," sagot ko. Nakita ko din iyong bakuran mula sa veranda ng kwarto, at malawak sa likod. Katulad sa harap, hindi naalagaan iyong mga pananim, pero may pool din sa likod.

Lumabas na kami ng kwarto.

"Wala bang pamilya ang tito mo?" tanong ko habang pababa kami ng hagdanan.

"Wala, pero feeling ko may secret relationship siya."

"Secret relationship, talaga?" natatawang tanong ko habang papunta kami sa kusina.

"Ang tanda na kaya niya, pero hanggang ngayon, wala pa kaming nabalitaang bagong jowa. Parehas kami ng tito ko na gwapo, kaya nagtataka nga ako... Imposibleng wala siyang tinatagong babae," sabi ni Jake tas mukhang convince pa talaga siya ng tinatagong karelasyon ang tito niya.

"May point ka, pero sabi mo nga, gwapo ka, bakit wala ka ring jowa?" biro ko sabay tawa, habang tinitingnan ang mga cabinet sa kusina na puro walang laman.

"Ako ba ang pinag-uusapan dito? Iyong tito ko lang ang tinatanong mo, 'di ba?" reklamo niya.

Natawa ako sa sagot niya. Akala mo naman may jowa 'tong Jake na 'to, parehas lang naman kaming single.

"Ba't mo nga pala natanong?" tanong niya, may halong pagtataka.

"Malay ko ba kung may maabutan ako dito at sa ganda kong 'to, mapagkamalan akong other woman," biro ko, sabay tawa.

"Huwag kang mag-alala, iyong mga sexy ang tipo ng tito ko, kaya imposible yang sinasabi mo."

Napa-hawak ako sa dibdib, parang natamaan sa sinabi niya. "Grabe siya, oh." 

Nakaka-ouch, hah. So, tell me you're insulting me without telling me, ganun ba 'to? Seksi din kaya ako... kapag naka-girdle. Pero siyempre, hindi ko na lang pinansin.

"Architect din ba ang Tito mo?" tanong ko para maiba ang usaan.

"Ba't mo alam?" tanong niya, halatang naguguluhan.

"Yung mga naka-display sa kwarto ng tito mo, katulad ng mga display sa kwarto mo," sagot ko sabay pagpag ng aking kamay. Okay, I think I've seen everything. Madali lang maglinis dito.

"So, kelan ako mag-uumpisa?" tanong ko, sabay ngiti, ready na akong magtrabaho

"You can start tomorrow or the next day. May pagka-clean freak ang tito ko, at kapag nalaman niyang hindi nalilinisan araw-araw ang bahay niya... lagot ako," sabi niya, at nagseryoso ulit ang mukha niya. Sobrang nakakatakot ba yung tito niya?

"May dati bang tagalinis dito?" tanong ko.

"Meron, pero nag-resign siya a month ago. Nakalimutan kong mag-hire ng kapalit. Kaya siguraduhin mong walang alikabok pagdating niya." aniya tas hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinitigan. "Also, if you happen to run into him, huwag mong sasabihin na hindi nalinisan ng isang buwan ang bahay niya."

Halimaw ba tito niya? "Sobrang nakakatakot ba yung tito mo?" tanong ko, medyo natawa.

"Sobra," sagot niya.

"Ta's nakalimutan mo pa ng isang buwan? Akala ko ba takot ka sa tito mo?"

"I don't even clean my own room. How do you expect me to remember if someone's house is cleaned or not?" sagot niya, bahagyang tinagilid ang ulo.

Tumawa ako. May point nga naman siya. I've been inside his room, and grabe... it's a total mess.

"Don't worry. Hindi mo man ako maasahan sa pagluluto, maaasahan mo naman ako sa paglilinis," sabi ko sabay tapik sa dibdib ko, para ipakita sa kanya na mapagkakatiwalaan ako. 

Hindi man ako magaling magluto, pero magaling akong maglinis. Matagal akong kasama sa bahay ang kuya ko, at tamad siya maglinis, kaya ako palagi ang naglilinis at si kuya ang tagaluto.

"Sigurado ka ba talaga? You don't have to say yes just because we're friends," aniya, habang palabas kami ng bahay.

"Oo. Thankful nga ako dahil sa akin mo inalok yung trabaho." I may not know how to say no but I really like the job.

"Huwag kang mag-alala, hindi kuripot yung tito ko at kakausapin ko siyang taasan ang sahod mo considering na mag-isa ka lang at maraming lilinisan," ani Jake, parang gusto talagang matulungan ako.

Ngumiti ako agad, sabay taas ng kaliwang palad ko. "Ililibre kita ng samgyup sa sahod ko," sabi ko, sabay tawa. Nag-appear kami dalawa.

"Uuwi ka na ba?" tanong niya.

"Nope. May imi-meet ako ngayon," naka-ngiting sagot ko sabay kindat.

Ngumiti siya ng mapanukso. "Ooooh. Sino? May boyfri-..." tas nawala yung ngiti niya at napalitan ng awa. "Ah, wala ka nga palang boyfriend. Siguradong mga barkada mo lang 'yan. Anyway, ihahatid na kita. Saan kayo magkikita?"

"Ai, grabe siya. Naka-dalawa ka na sa'kin. Paano mo naman nalamang hindi 'yung boyfriend ko ang kikitain ko ngayon?" sagot ko.

"May boyfriend ka ba?" tanong niya, sabay tawa. Maka-tawa, wagas hah.

"Wala," sagot ko.

Ngumisi siya. "'Yon naman pala eh. Hindi 'yon maling akala, tamang akala.'"

Tsk... Pwede namang mag-assume na boyfriend ko 'yung ka-meet ko.

"Whatever. Ihatid mo na lang ako sa clinic ni Seb," sabi ko sabay irap.

"May lakad kayo ni Seb?" tanong niya habang papasok kami ng elevator.

"May pinakuha akong mga gamit ko nung umuwi siya," sagot ko.

Hinatid ako ni Jake sa clinic, at pagpasok ko pa lang, agad akong natigilan.

"EMMA!" sigaw niya, halos matumba ako sa sobrang gulat.

"Bakit?" gulat na tanong ko.

"Gagi, yang sapatos mo! Kaka-mop ko lang eh!" sigaw niya, sabay turo sa sahig.

Napatigil ako at tiningnan ang sapatos ko na medyo marumi dahil umaambon sa labas. "Ay, oo nga pala. Pasensya na!" sambit ko, sabay tinutuloy ang pagpasok.

"EMMA!" sigaw ulit ni Seb, kaya't natigilan na naman ako sa gulat.

"Sinadya mo ba 'yan?!" asar niyang tanong, sabay kuha nung mop para linisan ang inapakan ko. "May tsinelas naman, ha!"

"Asan?" tanong ko, sabay tingin sa paligid ngunit wala akong makita. Balak ko na sanang lumapit sa likod ng counter para maghanap, nang bigla akong hinila ni Seb.

"Sa likod... EMMA!"

"Ano na naman?" asar kong tanong.

"Dito ka lang," ani Seb, sabay buhat sa akin ng parang wala lang at pinaupo ako sa sofa. Umalis siya, at pagbalik niya, may dala na siyang tsinelas.

"Napaka-arte," reklamo ko habang inaalis yung sapatos ko, saka mabilis na nilagay ang mga paa ko sa tsinelas na inabot ni Seb.

"Bakit? Ikaw ba naglilinis?" aniya sabay irap.

"Grabe, parang ikaw lang ang may malasakit sa sahig, ha," sabi ko, tapos inirapan niya ako ulit habang mina-mop yung sahig. Sungit, hah.

"Asan yung mga gamit ko para maka-uwi na ako? Nakakahiya naman sa malinis mong floor," biro ko.

"Nasa likod. Hintayin mo ako. Magsasara lang ako tas kain tayo sa labas," ani Seb.

Napangisi ako. "Libre mo, 'di ba? Syempre, maghihintay talaga ako!"

Napailing siya pero hindi na kumontra habang inaayos ang counter.

Napailing siya pero hindi na kumontra habang inaayos ang counter. Napangiti ako habang pinapanood siyang nagliligpit. Buti na lang talaga at may Seb akong kilala. Kung alam ko lang na palagi akong ililibre kapag lumipat ako dito eh matagal na sana akong lumipat.

Habang naglalakad kami ni Seb papunta sa karinderya, nauna siya at may hawak pang maliit na flashlight, kahit na may mga poste ng ilaw sa daan.

"Para saan pa 'yan? Kita naman 'yung daan," tanong ko, nakakunot-noo habang pinapanood siyang nag-iinarte.

"Baka madapa ka kasi lagi kang tulala," sagot niya, sabay ilaw sa mukha ko.

"Ay, gago!" Natawa ako at tinampal ang braso niya. "Napaka-OA mo naman, eh ilang beses na akong naglakad dito nang hindi nadadapa."

"Malay mo, baka 'yan ang plot twist ngayong gabi," sagot niya bago inilayo ang flashlight. "Tapos ako pa 'yung pagbibintangan mong may kasalanan."

Napailing na lang ako. "Tsk. Buti na lang ililibre mo ako, kung hindi—"

"Kung hindi, ano?" Tumingin siya sa akin na may nakakalokong ngiti.

"Eh 'di ikaw ang uutangan ko," sagot ko sabay tawa.

Natawa siya at umiling. "Hay nako, Emma. Ang swerte mo talaga sa akin."

"Oo nga. Dapat yata may award ka na bilang Best Sponsor."

Napatawa na lang siya habang tinuloy namin ang paglalakad. Pagtapak pa lang sa tapat ng karinderya, bumungad na agad ang amoy ng mainit na pagkain. Napahinga ako ng malalim, sinabayan pa ng kumulob kong tiyan.

"Sige, order ka na, pero 'yung reasonable lang ha," sabi ni Seb habang kinukuha ang wallet niya.

Tumingin ako sa kanya nang may ngiting may pagka-mapanukso. "Paano kung gusto kong mag-ulam ng tatlo?"

Napakunot ang noo niya. "Patay gutom ka ba? Kung wala kang hiya, edi go."

"Ai, grabe siya oh." Napatawa ako at siniko siya nang mahina. "Libre naman, eh. Dapat sinusulit."

"Aba't!" Umiling siya at sinamaan ako ng tingin, pero halata namang natatawa rin. "Sige na nga, order ka na bago pa kita pagbawalan." Sabay abot ng pera sa akin.

Ngumiti ako at humarap sa nagtitinda. "Ate, isang rice, tapos ito, ito, at ito po," sabi ko habang tinuturo ang mga ulam na gusto ko.

Narinig ko ang mahina niyang bulong mula sa likod. "Tsk, lugi yata ako sa'yo, ah."

Lumingon ako sa kanya, kunwari hindi ko narinig. "Ano 'yun?"

Umismid siya. "Wala. Dalian mo na lang diyan, gutom na 'ko," aniya bago umupo sa pinakamalapit na mesa.

Napangisi ako at tinuloy ang pag-order. Mahirap na, baka magbago pa ang isip ng sponsor ko ngayong gabi. Syempre, nag-order din ako ng ulam niya. At dahil siya ang nanlibre, ako na rin ang nagbuhat ng lahat ng pagkain namin.

Napatawa si Seb nang makita niya akong bitbit ang tray na punong-puno ng pagkain. "Grabe, parang pang-handaan 'yan ah."

Ngumiti ako at pabirong sinabi, "Mag-order ka lang, ha. Huwag kang mahiya."

Napailing si Seb habang kumakain. "Next time, ikaw naman manlibre," aniya bago sumubo.

"Walang problema. May sahod ako sa friday kaya ililibre ko kayo," sagot ko na may halong pagyayabang... medyo lang naman, sabay inom ng tubig.

Mabuti na lang talaga at nadagdagan ang side line ko. Hindi ko in-expect na nakakabagot din pala ang walang ginagawa. At least bukas, ang schedule ko ay sa umaga sa bahay ng tito ni Jake, maglilinis ako, at sa hapon naman sa bahay ni Hilda.