Chapter 10

-EMMA-

"Good morning po," bati ko sa magandang dilag na nasa front desk.

"Good morning, Ma'am," nakangiting bati niya sa akin.

"Ma'am, saan po magsa-submit ng application para sa secretarial position?" tanong ko, marahang inilapag ang envelope na naglalaman ng resume ko sa ibabaw ng counter.

"Para po ba 'yan sa secretarial position?" tanong niya, tila nagko-confirm lang.

Tumango ako. "Opo."

"Sa HR department po, Ma'am. Sa second floor, diretso lang po kayo sa dulo ng hallway, tapos kumatok po kayo sa pangalawang pinto sa kanan."

Tumango ako at ngumiti. "Sige po, salamat."

Dumeretso ako sa elevator at pinindot ang up button. Agad namang bumukas ang pinto, kaya pumasok ako at pinindot ang number two bago pinindot ang close door. Maya-maya lang, bumukas ulit ang pintuan, kaya lumabas na ako.

Sinunod ko ang direksyon na sinabi ng receptionist, at habang naglalakad papunta sa itinurong opisina, humigpit ang hawak ko sa envelope. Sa totoo lang, kinakabahan ako.

Ilang taon na rin ang lumipas mula noong huli akong nag-submit ng application. Submission pa lang ito, ha... paano pa kaya kapag interview na?

In case pumasa ang papers ko, ito pa lang ang pangalawang beses na mai-interview ako sa buong buhay ko. At sa totoo lang? I'm not good at interviews. Or talking in general.

Isang linggo na rin mula nang magpa-pasta ako ng ngipin nang bigla akong tawagan ni Jake. Sabi niya, magkita daw kami dahil may very important siyang sasabihin. Syempre, dahil curious ako kung ano iyon, pumayag ako at dahil doon, hindi natuloy iyong balak kong libre kay Bobby.

Speaking of libre, hindi ko pa nga pala siya nililibre. Sinabi ko pang tatawagan ko siya pero hindi ko naman ginawa. Ang ending? Pinakape ko lang siya noong pumunta sila ni Seb sa unit ko.

Anyway, nagkita nga kami ni Jake at sinabi niyang may opening sa office nila. Nag-resign daw ang secretary ng boss nila, kaya kailangan ng papalit. Sinabi niya na subukan ko mag-apply kasi related naman sa course ko at sa dati kong trabaho ang posisyon. Eh, wala namang masama kung mag-apply ako, 'di ba? Kaya gora.

Pagdating ko sa pintuan na may nakasulat na Human Resources, napalunok ako. This is it, pancit.

Huminga ako nang malalim, saka marahang kumatok.

"Pasok."

Marahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna bago tuluyang pumasok. Sa loob, may isang babae na nakaupo sa harap ng computer, halatang abala sa pagta-type.

Lumapit ako sa kanya at marahang nagsalita. "Good morning po. Ako po si Emma, magpapasa po sana ako ng application para sa secretarial position."

Itinaas niya ang tingin mula sa monitor at tumango bago iniabot ang kamay. Agad ko namang ibinigay ang folder ko sa kanya.

"Upo ka muna," aniya, kaya umupo ako sa upuan sa harap ng table niya.

Tahimik.

Walang nagsasalita.

Pinanood ko siyang dahan-dahang mag-scroll ng tingin sa resume ko.

Ba't hindi siya nagsasalita? Tama kaya 'yung font na ginamit ko? Baka dapat pala sinamahan ko ng cover letter? Sabi ni Seb hindi na raw kailangan ng cover letter. Diyos ko, baka may typo!

Napansin kong bumuntong-hininga siya bago may isinulat sa isang papel.

Diyos ko, ano 'yon? Disqualified ba ako?

I came here not expecting to get accepted, but I'd still feel down if I got disqualified.

Ramdam ko ang pawis sa palad ko, kaya palihim kong pinunasan iyon sa gilid ng pantalon ko. Magsa-submit lang naman ako ng resume, bakit parang interview na agad 'to?!

Naputol ang pag-overthink ko nang tumayo siya. Umalis siya sa kanyang kinauupuan, lumapit sa gilid, at kumatok sa pintuan na ngayon ko lang napansin bago iyon binuksan at tuluyang pumasok sa loob.

Maya-maya lang ay lumabas siya, kaya napaayos ako ng upo bigla.

"Ma'am, dito po kayo," aniya.

Tumayo ako, inayos ang bag ko, at saka pumasok. Sa loob, may isang babae na medyo may edad, at sa mesa niya ay may nakalagay na Chief Human Resources Officer. Hula ko, siya ang boss ng HR.

"Good morning po," bati ko, pilit ipinapakita ang ngiti kahit ramdam ko ang kaba.

"Good morning. Upo ka, Ma'am," aniya, kaya agad akong naupo sa upuang nasa tapat ng desk niya.

"I'm Daisy Esteban, Chief HRO dito. Base sa PDS mo, dati kang VA?" tanong niya habang sinusuri ang hawak niyang papel.

"Opo."

"Can you tell me why you resigned?" tanong niya.

Ahh... English. May nagsabi sa akin noon na kapag English ang tanong, dapat English din ang sagot. Hindi ko alam kung tama 'yon, pero wala namang mawawala kung gagawin ko.

"Umm... I've been working from home for the past years, and... umm... I wanted to broaden my knowledge and experience by working in a corporate setting," pagsisimula ko, at narinig ko ang medyo panginginig ng aking boses. Parang naiiyak din ako. My god!

"I felt like I was stuck in the same routine, and I wanted to challenge myself in a more structured environment where I could learn new skills and grow professionally," dagdag ko pa.

Tama ba 'yung sagot ko? Yung grammar ko kaya? Wait... ano na nga pala 'yung sinabi ko? Hindi ko na matandaan. Naiiyak na yata ako sa nerbyos.

"You're hired."

Lumaki ang mga mata ko sa gulat at napa-lean back pa ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, plus naka-ngiti siya kaya hindi ko alam kung nagjo-joke siya o seryoso.

"Hoh?" tanong ko ulit para makasigurado.

"You're hired. You can start Monday next week para may time ka na ayusin 'yung ibang requirements."

Napakurap ako, hinihintay na may kasunod pa siyang sabihin. Tipong, "Joke lang!" o kaya "I'm just testing your reaction!" Pero wala. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, still smiling.

"Seryoso ka po, Ma'am?" inulit ko, nagbabakasakaling may mali lang akong narinig.

"Wala po bang mga behavioral questions na usual sa corporate jobs? O kaya written exam? Background check?"

Tumawa siya nang mahina, halatang naaaliw sa pagiging defensive ko. "We just did the interview."

"Po?"

"Just give this to Miss Claire, yung babae sa labas ng office ko," aniya, sabay kuha ng isang papel mula sa printer, pinirmahan iyon, at inabot sa akin.

"Congratulations. You can start Monday next week para maayos mo muna lahat ng requirements," dagdag pa niya.

Ganun lang? Isang tanong tapos hired na? Agad agad?

"Also, make sure to submit all the requirements before your first day. Welcome to the team."

Nag-aalangan kong kinuha ang papel. "Thank you po," sagot ko, may halong pagdududa, bago tuluyang lumabas ng office.

Itinaas niya ang tingin sa akin mula sa ginagawa niya. "Yes po?"

"Ma'am, ibigay ko daw po ito sa inyo," sabi ko sabay abot ng papel.

Kinuha niya iyon at mabilis na binasa. Napansin ko ang pag-ngiti niya bago niya ako muling tiningnan.

"Congratulations," aniya. "Mukhang sa Monday ang first day mo."

"Opo, para daw po maayos ko 'yung mga requirements ko," sagot ko, bahagyang hindi pa rin makapaniwala.

"Ahh, ito pala 'yung list ng requirements," sabi niya habang may hinugot na papel at iniabot iyon sa akin.

"I-accomplish mo lahat ito, tapos ibigay mo na lang sa akin sa Monday. 8 AM po ang start ng trabaho hanggang 5 PM."

Tiningnan ko ang listahan, saka muling napatingin sa kanya. "Ma'am, seryoso ba 'to? Tanggap na po ba talaga ako?" tanong ko, ramdam ang pag-aalinlangan sa boses ko.

Tumawa siya nang bahagya. "Opo, may pirma na po ng head ng HR."

"Wala na po bang ibang interview? Ganun lang po kadali?" tanong ko ulit, hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng proseso.

"Hindi ka ba ininterview ni Ma'am Daisy?" balik niyang tanong, halatang natutuwa sa pagtataka ko.

"Nagtanong po siya, pero isang tanong lang. Tapos hired na agad?" Napa-kamot ako sa batok.

Natawa siya. "Ahhh, kaya pala. Usually po kasi, mag-iinterview rin ang head of office, pero busy siya ngayon. May tiwala naman siya kay Ma'am Daisy, kaya kahit hindi na siya mag-interview, okay lang."

Napabuntong-hininga ako, hindi sigurado kung matatawa o maiiyak.

"Seryoso po talaga?" tanong ko ulit, para lang makasigurado.

"Oo, don't worry, hindi ito scam," sagot niya, atsaka ngumiti. "Ito po, copy mo rin itong isa. Sa Monday, dumiretso ka sa akin para ma-orient ko kayo bago kayo magsimula."

Paglabas ko ng building, lutang pa rin ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Napahinto ako saglit sa tapat ng entrance at napatingin sa papel na hawak ko. Binasa ko ulit ang nakasulat, tinitigan ang pirma sa dulo, at pinisil ang gilid ng papel para lang siguruhing hindi ako namamalikmata.

Napatingin ako sa paligid, parang hinihintay na may biglang lumabas mula sa loob ng building at sabihing, "Sorry, nagkamali lang kami. Hindi ka pa pala tanggap." Pero wala. Tahimik lang ang paligid maliban sa ingay ng kalsada at yapak ng mga taong nagmamadali.

Ilang taon na rin akong hindi nag-a-apply, tapos isang tanong lang—hired agad?!

Napabuntong-hininga ako, sabay kagat sa labi para pigilan ang ngiti ko. Pero sa loob-loob ko, gusto kong tumili. Gusto kong sumayaw sa sidewalk at mag-twerk it like Miley.

Tanggap ako.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko, pero parang hindi pa rin nagsi-sink in. Nangingiti ako, pero hindi ko rin alam kung gusto kong matawa o maiyak.

Habang naglalakad ako sa side walk, hawak-hawak ko pa rin ang papel na parang at any moment, bigla itong maglalaho. Hindi ko alam kung paano ako makakapag-focus sa ibang bagay ngayong may bago na akong trabaho. Kailangan ko ring ipaalam ito kay Hilda at kay Jake din pala.

Habang medyo lutang pa rin ang isip ko, biglang nag-vibrate ang phone ko.

Tumigil ako at kinuha ito mula sa bag. Speaking of Jake...

"Hello," sagot ko.

"Ano? Nag-submit ka na ng application mo?" tanong niya agad.

Ngumiti ako. "Tanggap na ako."

"Hah?"

Natatawa akong umiling. "Ganyan din ang naging reaction ko. Akala ko magsu-submit lang ako ng application, pero bigla akong kinausap ni Ma'am Daisy. Isang tanong lang ang tinanong niya, tapos sinabi niyang tanggap na ako. Shocking, 'di ba?"

"Ano 'to, may secret charm ka ba na hindi ko alam? Isang tanong lang tapos hired agad? May pinalanghap ka 'no."

Natawa ako. "Gagi! Wala akong ginawang ganyan!"

"Eh paano nangyari 'yon? Akala ko ba dadaan ka pa sa matinding interview?"

"Yun din ang iniisip ko!" Napahinto ako sandali, parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Pero sabi ni Ma'am Claire, may tiwala raw kay Ma'am Daisy 'yung head ng office, kaya kahit hindi na ako dumaan sa final interview."

"Naks naman! Eh 'di dapat ilibre mo ako bilang pasasalamat sa nag-udyok sa'yo mag-apply! Kung hindi dahil sa akin, hindi mo malalaman na may opening sa opisina namin."

"Wow, agad-agad? Wala pa nga akong sweldo, eh!"

"Eh 'di sa first sweldo mo na lang. Kahit samgyup lang, hindi naman ako mapili," sagot niya.

Napailing ako, pero hindi ko rin maitago ang ngiti ko. "Sige na nga, bahala na. Pero ikaw ang sasagot sa drinks!"

"Deal!" sagot ni Jake, halatang tuwang-tuwa sa libreng pagkain.

Pagkatapos ng tawag, ibinulsa ko ang phone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Pero ilang hakbang pa lang ang naitutuloy ko nang biglang bumagsak ang isang realization sa utak ko.

"Kailangan ko na namang bumili ng bagong office wear!"

Napairap ako sa sarili ko. Diyos ko, bagong trabaho, bagong gastos!