Cas
"Hello, ma?" Bungad ko sa nanay ko habang kausap siya sa telepono. Nasa 7-Eleven kami noon ni Jigo para bumili ng mga toiletries. Nakapila siya noon sa cashier, habang ako naman nakatambay sa isa sa mga upuan. "Malakas ulan dito, di pa ako makauwi."
"Gabi na ah. May masasakyan ka pa ba niyan?"
"Actually nasa 7-Eleven ako. Wala akong mabook sa Grab o Angkas." Totoo naman iyon, pero sa puntong iyon parang sinungaling ako dahil wala akong planong magbook pa. Especially na kidnapped pa rin ako ni Jigo. "Buti na lang nandito kaibigan ko, mag-stay daw muna ako sa kanila."
"Ay mabuti nga siguro. So bukas na uwi mo niyan? Wala ka bang trabaho?" Nagulat akong pumayag siya agad. Parang hindi man lang siya nag-aalala.
"Sunday bukas, ma."
"Ay oo nga pala. Makakalimutin na talaga ako." Minsan nga inaalala ko siya dahil may lahi kami ng Alzheimer's. "O siya, text mo ako pag pauwi ka na bukas, ah."
"Okay. Umaga ako uuwi." Pinindot ko yung end call button. Saktong linapitan na rin ako ni Jigo dala ang toothbrush, sabon at isang pack ng boxer briefs.
"How's your mom?"
"Okay na. Pumayag naman siya."
"Ay good!" Napa-ngisi siya na parang nanalo lang sa isang round ng Mobile Legends. Victory! Wala nang harang sa maitim niyang balak. Tang ina niya. "Oh wait, they have hot coffee pala dito. You want some?"
Pumayag naman ako, kahit puro caffeine na ang dugo ko. Bumalik siya sa counter para bumili ng dalawang cup ng kape. Hindi na masyadong malakas ang ulan, pero walang tigil pa rin. Halata sa mga bintana ang lamig sa labas.
"Good evening ser..." Magalang na bati kay Jigo ng isang guard na pang-night shift. Siya pa ang nagbukas ng saradong pinto ng mall para sa amin. Halatang namukhaan niya ang kanyang boss sa kung paano siya gumalang.
"Good evening po." Polite din naman niyang balik. Tahimik ko lang siyang sinundan habang papunta kami sa elevator lobby, pero biglang nagbago ang isip niya.
"Maybe I should give you a tour of the mall?" Alok niya sa akin. Sosyal naman ng ka-hook up kong 'to, libre na lahat, may private tour pa.
"Ikaw bahala." Wala rin naman akong choice kundi sakyan ang trip niya.
Wala na ring interesting na makikita sa mall dahil sarado na ang lahat ng tindahan. Halos alas-diyes na ata noon. May mangilan-ilan pang nasa loob, nagbabalot ng mga tinda at naglalagay ng fish net na taklob sa mga estante. Good evening ser, bati ng lahat ng nakakakita sa kanya. Binati din niya yung mga tindera, sabay sitang dapat umuwi na rin sila dahil gabi na.
"Our mall got renovated recently, actually..." Simula niya habang iniikot namin ang Upper Ground Floor na napapaligiran ng cellphone tiangge. "We had the lights replaced, new tiles, fake plants, repaint, ceiling..."
"Magkano inabot lahat?"
"Not sure. Maybe 100 million plus?" Hindi niya siguradong sagot. Pero malaking halaga na rin iyon para sa isang lumang mall. "It's still ongoing, honestly. We need to replace the escalators too. And maybe add a new elevator."
In fairness, nagustuhan kong walang puting tiles sa kahit anong part ng MCS. Kaso ang lungkot tignan ng gray na tiles tapos gray din yung pader gaya ng mga brutalist building.
Naglakad kami pababa sa Lower Ground Floor gamit ang escalator na naka-patay na. Sarado na ang food court; wala nang mabibilhan ng midnight snack. Sumunod naman kaming bumaba ng Basement kung saan agaw-atensyon yung gun shop na katabi ng Super 8.
"Oh I thought bukas pa sila..." Sumilip siya sa loob, tanaw ang mga merchandiser na naglalatag ng mga paninda sa mga istante. Kumaway naman sila nang nakita ang landlord nila.
"Di na nila kailangan ng guard, no?"
"Yeah. We have thirty-plus of these gun shops, I think. If you want, we can practice at the firing range." Diyos ko, may balak pa ata 'tong patayin ako.
Lumakad kami pakaliwa at bukod sa mga gun shop, kaliwa't kanan ang mga tindahan ng plaka at audio equipment. Nasilip ko pa nga, mga 100 thousand ata yung tindang speaker at vinyl player sa isang stall. Makati naman 'to, sure ako may makaka-afford nun. Luma man ang mall na 'to, marami silang interesting na tenants na di mo makikita sa SM or Robinsons.
"Hindi ba paninda iyan?" Sita ko kay Jigo nang umupo siya sa isang custom-made na wooden sala set. Gawang Benguet daw.
"Oh geez, closing hours naman na." Naiirita na siguro siya sa pagiging istrikto ko. Humigop siya sa hawak niyang kape, sabay aya sa aking umupo din ako. "You must be tired."
"Actually, oo." Sabay upo ko't higop din ng hawak kong kape.
"There's the admin office, by the way..." Turo niya sa isang transparent na stall na may nakasulat na condominium corporation sa loob. Para siyang office ng government agency na may counter and all. "If you'll visit us again in the future, just drop by. I'm the only staff most of the day anyway."
"Sa mga ginagawa mo ngayon, do you think babalik pa ako?"
"Aw, don't be harsh." Pakiusap niya. Itong mokong 'to, kung di lang siya anak-mayaman nireport ko na siya sa pulis. "But yeah, I'm really sorry for..."
"The stalking."
"Right. I should've been forward with my intentions. I was just starstruck, okay?"
"Starstruck ka diyan. Ano 'to, GMA?" Dinadaan ko na lang sa biro ang sumbat ko. "Ganyan ka ba makipag-flirt sa mga ka-jugjugan mo?"
"Jugjugan?" Alam niya yung word na pokpok kanina pero yung jugjug hindi. WTF.
"Sex. Ayan."
"They're the ones who approach me..." At sa tono niya, parang seryoso siyang hindi siya interesante sa ganung bagay. Is he actually asexual? "I just go with their flow."
"So you never dated? Not even Tinder or Grindr?"
"Nope." Pag-amin niya.
"Sayang naman iyang Samsung Flip mo kung di mo gagamitin." I was about to say sayang ang kagwapuhan niya pero nag-iba tabas ng dila ko. Nakakahinayang nga naman talaga. May itsura naman siya. Mayaman. Magaling pumorma. Pero sumpa rin siguro iyon. Hindi ka sigurado kung mahal ka talaga ng iba sa kung ano ka, hindi dahil sa kayamanan mo.
Nang naubos ang kape namin, nag-iba kami ng direksyon. Dumaan kami sa isang hidden corridor na puno ng ukay-ukay, tapos may hagdan sa dulo papuntang 2nd Floor. Akala ko susundan kami ng mga multong damit sa kung gaano katahimik sa itaas. Tanging yung nakasabit na Christmas Light lang ang liwanag sa paligid.
"All of these used to be cinemas before..." Description ni Jigo sa mga tinuturo niyang stall sa paligid. Bukod sa teatro, naging art gallery o dance studio na. "We used to operate cinemas before we got into real estate. But we exited the business in the 90s, I think? Nung bata pa ako, ang naabutan ko na lang we had a boxing ring here for wrestling and stuff."
Yung sinasabi niyang boxing ring, sarado ngayon at abandonado.
"Sayang naman. It would've been cool if you guys had one still."
"Well minsan we just need to make tough choices..." Matured niyang sagot. "I grew up seeing more of the worst of this mall. We even had illegal stuff happening here. Raids and all. Aircon broke, pandemic happended, tenants coming and going..."
"Di niyo naconsider ibenta 'to?" Curious kong tanong. "Isara?"
"Surprisingly, no." Sagot niya pabalik habang relaxed na relaxed sa inupuan niyang bean bag. "Not that I'm aware of. Maybe because it's still Makati and it's profitable."
"But what if it happens?"
"Well no choice but to leave..." Para bang nagtatago si Jigo ng lungkot sa sagot niyang iyon. "But I admit, I'll miss the place. I literally grew up here. And the tenants are already my friends. I worry if they move somewhere else, they won't afford the rent and all."
Nakatingin lang siya sa mga Christmas lights na para bang nasa camping siya't pinagmamasdan ang mga bituin sa kalawakan. Jigo must've loved this place more than anyone, pero he's clueless how to take care of it. Or hopeless. Pero ayaw niya aminin iyon. He could've chosen to leave MCS, pero nandito pa rin siya. It must've been free will and not just others forcing him to take care of it.
"How about your parents, pala?" Pagtataka kong hindi man lang niya sila nababanggit. "Don't they help you with this place?"
"My dad's the CEO of one of our corporations, so no."
"And your mom?"
Natahimik lang siya, implying to me na wala siyang mother figure na matuturing.
"I see. Sorry I should've not asked."
"It's fine." Kalmado niyang assurance niya sa akin. "It's the truth, either way."
Bigla kaming nakarinig ng kalabog nang umakyat ang isang security guard sa second floor. He's doing his rounds at napansin niyang may ingay sa taas. Nakita niya ang boss niya, who assured him na okay lang kami't pabalik na kami sa condo. Sumunod naman siya't dali-daling inikot ang ibang floors.
"I guess we should go back?" Aya ni Jigo habang sinusubukang i-angat ang sarili niya mula sa bean bag.
"Hahaha! Ayan masyado ka nang lumubog sa bean bag mo."
Nilapitan ko siya't hinawakan ang kamay niya para makatayo din siya. Pero wala pang ilang segundo siyang nakatayo, binulilyaso ako ng dila ko.
"Hey...have you tried doing something nasty here?"
"Like what?"
"You know."
Ang loko, he got immediately what I said. Pinagkrus niya ang braso't kamay niya sa balikat ko, sumesenyas na tumumba din ako sa bean bag kasama niya. His lips shut me up as I was on top of him. Soft, parang alaga sa Chapstick. Passionate, parang soft porn movie.
Loving, parang isang chick flick.
"That's the first time." Confession niya sa akin.
"Ay puta. Nakalimutan ko, tadtad nga pala ng CCTV 'tong mall na 'to!"
"I don't think the guard's back at the admin so..." Napahalakhak na lang kami sa kalokohan namin. "Also I'm sorry for the lack of consent."
"Consent ka diyan ako pa nga nagpahamak sa iyo." Kids surely have different values these days.
"Maybe you want some ramen?" Kanina pa niya ako tino-torture sa pagkain, ah. Puro ba bulate laman ng tiyan niya?
"Hindi ka ba nabubusog?"
"Not really. Just craving some hot stuff." Hot stuff niya mukha niya. "And I'll tell you more about my life in this dungeon."