WebNovelMCS80.00%

Condo

Cas

It was the longest minute of my life. Kinain ako ng kaba habang kami lang dalawa ni Jigo sa loob ng elevator. Anong plano niya sa akin? May intensyon ba talaga siya sa akin? Ikakama ba niya ako? O diyos ko, ano bang kasalanang ginawa ko para ma-deserve ko 'to?

Tumigil yung elevator sa pinakamataas na floor ng condo. Kung gaano ka-luma ng MCS, ganun din kaluma yung condominium sa taas niya. Puting pader, puting tiles, puting ilaw...ang makikita mo lang kulay ay yung brown strips sa baba ng pader at yung pinto ng mga kwarto. Mukhang sa isang penthouse siya nakatira.

"Pardon my humble abode..." Pinindot niya yung smart lock na nakakabit sa pinto. Una siyang pumasok at napilitan naman akong sumunod. Biglang tumunog yung smart lock na para bang may napansing magnanakaw yung camera nito.

"Oops, let me turn that off." Tumigil naman iyon sa pag-alarm pagkasara niya ng pinto. Binuksan niya ang mga ilaw at tumambad sa akin ang kanyang malaki pero boring na condo.

"Feel free to sit anywhere..." As if naman may choice ako between sa sofa at sa dining table. Mukha naman siyang sosyal, pero antique. Hindi fit sa image niya. "I'm sorry if my condo seems dirty."

"Actually ang linis niya para sa condo ng isang lalaki." I decided na umupo sa kanyang leather sofa. Wala man lang alikabok o agiw ng gagamba sa paligid. Para bang may on-call siyang taga-linis o kaya robot vacuum.

"You've been to condos of other men?"

"Gago. Pinupuri ka na nga." Ayan na naman siya sa paglalandi niya. "Hindi naman ako loner ako. Marami naman akong napuntahang mga bahay ng kaibigan ko. Pero hindi ganito kasosyal."

"I accept your compliments." Reaksyon niya habang hawak ang door knob ng isa pang kwarto. "I mean, someone does visit me to clean this, but I do have my vacuum and walis."

I was expecting him na aayain niya akong pumasok sa kwarto pero hindi. Nagtagal siya ng ilang minuto; paglabas nya meron na siyang hawak na mga damit. Na-realize siguro niyang basa at nilalamig ako.

"I doubt these will fit you, but please..." Lumapit siya sa akin para i-abot iyon. Plain shirt na may logo ng sports brand, jogging pants na may tali. "We can buy briefs later sa 7-11 or something."

"Tang ina, planado mo talaga lahat 'to no?" Saka ko naalalang may pending agenda pa kami. I've seen you at the CCTVs before. Stalker talaga itong manyak na 'to! Bakit kasi ako sumunod sa kanya? Ang tanga ko talaga!

"No, I'm not a feng shui expert or manghuhula no like Hans...wait I forgot the name."

"Hanz Cua."

"Right." Tumayo siya malapit sa isang upuan sa dining table, naghahandang tanggalin ang damit na suot niya. Hindi naman siya sobrang fit pero may detalye ang mga braso at dibdib niya. Laking advantage na matangkad pa siya. Fuck. Huwag ka muna magpalit, gusto ko sanang sabihin. WTF. Bakit ko naisip yun for a few seconds.

"Oops, sorry...force of habit. I'll change clothes in my room."

Nagtago muna siya sa kwarto niya habang napilitan akong magpalit ng damit sa sofa. Dapat pala tinanong ko saan ang banyo niya dahil nakalimutan kong pati pangbaba gusto niya akong pagpalitin. Napilitan tuloy akong unahing isuot yung jogging pants, takot na baka maabutan niya akong naka-boxers lang.

Thank god hindi basa ang underwear ko. Pero nangangati na ata ako. LMAO. Pero mas malaking problema na maluwag yung damit niya sa akin. Pwede kong itali yung jogging pants pero yung t-shirt, maluwag talaga't papasok ang lamig sa katawan ko.

Paglabas niya, nakasuot siya ng white t-shirt at black na jogging pants. Let them know how valuable your time is, sabi ng design sa likod niya. Gusto ko tuloy sundin ang advice na iyon knowing na kanina pa niya ako sukbit. Wala 'to sa mga plano ko today. Hindi sana ako inabutan ng ulan kung di ko sinakyan mga kalokohan niya.

"Let's get this straight..." Funny lang, wala namang straight sa kwarto na 'to. "Bakit kilala mo ako? At anong meron sa CCTV, ha?"

"It's what it is. I've seen you at the CCTVs."

"Security guard ka ba, ha? Stay-in maintenance?"

"No, I'm just a kid who lives in a mall." Linapitan niya ako ulit, sabay abot ng kamay niya. Shake hands pala ang gusto. "Jigoro Gregorio. I'm sorry we skipped all the formalities."

Gregorio? WTF, siya nga talaga hari ng lugar na 'to. Alam mong sobrang yaman at may sinabi ang isang pamilya kung may kalsadang nakapangalan sa kanila. At sa kalsadang iyon, merong mataas na building na sila mismo ang may-ari. Sikat ang mga Ayala pero hindi nila alam gaano karami sa mga skyscraper sa Metro Manila ang di magiging posible kung hindi sa mga Gregorio.

Pwede naman siyang tumira sa Forbes o sa sosyal na condo sa Ayala o BGC pero bakit dito siya sa lumang mall nakatira?

"Ulitin ko ba pangalan ko? Casper." Napilitan akong kamayan din siya.

"Casper Antonino. Google Maps Expert Level 7."

"Pati iyon alam mo?!"

"Yes. As well as the Skyscrapercity thing." WTF, pati iyon alam niya?

"Don't tell me may account ka dun."

"No. I don't do social media. But I had it bookmarked on my phone." Binuksan niya yung hawak niyang foldable phone, sabay pakita sa akin ng isang page mula sa malls thread kung saan member ako. "I've seen all your posts."

"So you're saying, kinidnap mo ako the whole day para lang sabihin iyan?"

"Grabe naman sa kidnap!" Ngumiti siya at tumawa, na tinakpan niya gamit ang kamao. Akala ko susuntukin niya ako, eh. "Partly yes, but don't you think I wanna thank you for all the things you said about our mall?"

"Ordinaryong post lang yun." Amused ako gaano ka-importante sa kanya iyong mga bagay na iyon. "Nothing special."

"I've never loved this place that intensely, you know..." Tumayo siya at lumakad para buksan ang pinto ng kanyang balcony. Sinubukan niyang tignan kung umuulan pa rin; mahina na ang ulan pero rinig pa rin at randam ang lamig mula sa bukas na pinto. "Or any place, for that matter. Like, it's just a building. They come and go, like the ones my family built throughout the years. I'm sure they would've demolished this long time ago, but it's complicated."

Complicated? I know condominium 'to pero hindi ba nila kayang bayaran na lang yung mga tenants nila't palayasin sila?

"Gaano katagal ka na ba dito?" Sinundan ko naman siyang tumambay sa balcony. Parehas kaming walang paki sa lamig ng hangin.

"Since elementary, I think?" Napatanaw siya sa mga kumikinang na skyscraper at mga kotseng dumadaan sa rampa ng Skyway. "You know Don Bosco? I studied there. Obviously, we own this place so they decided to assign this penthouse to me. Convenient nga naman, I just walk a few steps to school."

Tumatak sa akin yung gamit niya ng words na they at assign. Napaka-impersonal, para bang empleyado lang siya ng isang korporasyon.

"Hindi ka ba nagsasawang tumira dito all this time? Like, there are more sosyal places naman." Pagtataka ko. Wala ba siyang trabaho in the first place? Ano siya, hikikomori? Nakadepende sa trust fund o allowance ng magulang niya?

"One time I joked they should've given me a condo at The Beacon kaso wala na daw unit." Turo niya sa mas bagong condo na katabi ng MCS. "Their infinity pool's fancy. They even have a jacuzzi. Dito wala! Anyway...I have no business outside of this place in the first place. It's like they already entrusted this to me."

"As in you don't work anywhere?"

"Well officially, I'm the property manager of MCS. Parang landlord, you get it. But in reality it's my tita who takes care of the major stuff and the contracts. I just follow her bilin."

"Wow, I would've imagined para kang executive o kaya board member ng corporation. You're not that powerful pala."

"I am part of the corporation." Correction niya with emphasis. "But I let the adults do the talking."

"Adults?" Ilang taon na ba 'tong kausap ko?

"I'm 25 years old."

Shet, mas bata pa pala 'to sa akin!

"Akala ko pa naman 30+ ka na. Tapos ang lakas ng loob mong i-pick up ako? Shet."

"How old are you ba?"

"31."

"Ooh, akala ko early 20s ka lang."

"Pinagtatawanan mo ba height ko, ha?" I know 5'6" lang ako at 6-footer siya pero humanda siya sa akin pag dinala niya talaga ako sa kama.

"No, wala naman konek yun. I just find you cute, that's all."

"Yeah, the short, chubby, ugly old man you're talking to is cute."

"Don't sound too negative." Ngumiti siya sa akin, para bang gusto niya akong i-assure na di siya nagbibiro. "You're not fat. And what old? You're just a millenial. You're fine just the way you are."

"Bruno mars yern?" Napahalakhak na lang kami pareho sa biro niya. "Pero seryoso. Are you even gay?"

"I dunno. Siguro." 25 na siya pero di pa rin siya sure? Sa bagay, may tinatawag nga namang mga late bloomer. "I never really understood all the fuss about love."

"But did you...er...fucked a man?"

"Yes." Honest niyang sagot.

"Then you're gay."

"I also fucked girls but yeah. No girlfriend, boyfriend...all those business."

"Wow. Ikaw na top seller sa Shopee at Lazada."

"I'm not a pokpok naman, grabe ka." Alta-sociedad siya pero alam niya ang word na iyon.

Bumalik siya sa loob at pumasok sa isang pinto. CR niya ata iyon. "I don't have stocks pala ng toiletries so yeah, do you wanna go back downstairs?"

"Okay." Siyempre kailangan ko magsepilyo, no. "Pwede maki-CR?"

"Please." Sinunod ko naman siya at sinubukang ilabas lahat ng kabang kanina ko pa nararamdaman. Sosyal, meron siyang bathtub. At yung CR niya, parang studio unit na sa ibang condo. He's definitely locked and loaded.