Si Chiara ay isang mapanganib na nilalang na tahimik na naninirahan sa Havaianas, ang kilalang pinaka-haunted na lugar sa Allanis City. Hinihigop niya ang takot ng mga naliligaw sa kanyang teritoryo bilang pagkain.
Ngunit paano kung maka-encounter siya ng isang high school student na hindi niya makapaan ng anumang takot?
Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong tao, at napukaw nito ang kanyang interes.
Hindi niya inakalang hahantong siya sa sitwasyon kung saan ang sarili niyang buhay ang unti-unting nahihigop dahil sa pananatili niya sa tabi nito.