TAHIMIK niyang pinagmamasdan ang mga nakakulong sa silda na gawa ni Leah, nakaupo siya at wala siyang pakialam sa mga ito, taas – noo niyang tiningnan ang mga ito, punong – puno ng galit ang puso niya, simula nang huling kataksilan na nangyari sa kanya.
Nakapanluksang damit siya, at nagustuhan naman niya ang damit niya noon, dahil naglalarawan ito sa kanyang nararamdaman. Abala siya ngayon, dahil marami siyang dinalaw sa mundo ng tao, pinagmamasdan na lamang niya ang mga nangyayari sa mahal nito sa buhay.
"Felicia," pabulong niyang tawag sa isang kaluluwa.
Tinitigan lamang siya nito, nahihirapan itong tumayo man lamang, kitang – kita sa mukha nito ang pagkamuhi sa kanya, unti – unti siyang napapangiti. Wala itong salita.
"Humihingi ka ba ng tulong sa mga apo mo?" tanong niya rito.
"Wala kang pakialam."
Mahina na lamang siyang napatawa. "Sabihin mo naman sa akin, para naman makahanda ako, nakakahiyang silipin ang buhay ko." Patuya niyang sabi at tumatawa pa na parang nagagalak.
"Nahihiya akong maging kontrabida sa buhay nila, Felicia." Napatitig na lamang siya nito, alam niya ang pinaplano nito. Sino bang kaluluwa ang gustong makasama ang kagaya niya dito sa kadiliman.
"Pakawalan mo na kami rito, Leah, kung kayamanan ang habol mo, ibibigay ko sa iyo." Iyon lang ang narinig niya kay Manuel.
"Manuel, Manuel, Manuel, mahal kong Manuel." Nagpalit pa siya ng anyo nakadamit siya ng isang puting damit at iniba ang kanyang anyo.
"Pakakawalan kita rito." Inosente niyang sabi, habang may hinahanap pa sa paligid. "Hindi ko rin mahahanap ang kapayapaan kapag nandito ako. Magtulungan tayo, dahil mahal pa rin naman kita."
Biglang bumukas ang silda, sinadya niya iyon, alam niya ang takbo ng iniisip ng mga taong nakasalamuha niya, nawala siya sa paningin.
"Manuel, tayo na." Rinig niyang sabi ni Angely noon.
"Pinaglalaruan na naman tayo ni Leah." Iyon lang ang narinig niya kay Felicia.
"Kung gusto mong magpaiwan rito, maiwan ka. Total, ikaw ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon nandiyan pa rin si Leah." Sisi ni Manuel kay Felicia.
"Anong pinagsasabi mong ako ang may kasalanan? Kung hindi mo lang niloko at tinigilan mo ang pagiging babaero mo, hindi ako madadamay sa gulong ito." sagot naman ni Felicia.
Rinig na rinig ni Leah ang bawat bangayan ng tatlong tao, gusto niyang humalagapak sa tawa, hindi pa siya nagpakita at inalis niya ang presensya, pinagaan niya ang paligid, kaya niyang gawin ang mga ilusyon ng hangad ng isang tao.
"Sige na pwede na kayong umalis, sundan ninyo ang liwanag." Malamyos ang tinig niyang humalo sa hangin.
"Huwag na kayong magbangayan, magiging tahimik na rin tayo sa wakas." Nakita pa niya ang ngiti ni Angely noon, kahit nag – aatubili si Felicia, dahil sa kanyang ginawang ilusyon at gumaan ang paligid ay tumayo ito.
Sinusundan at sinusundan nito ang liwanag, papalihim siyang napapatawa ngayon na minamasdan ang mga ito.
Mas lalo niyang pinaglaruan ang isipan nito pati na ang emosyon.
"Hindi kayo makakatakas!"
Gumawa siya ng dalawang siya, ang mabait niyang pagkatao at ang siya ngayon.
Unti – unti ring bumabalik ang dating paligid nito, ang kadiliman.
"Hayaan mo na sila." Pagmamakaawa sa isa niyang pagkatao.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa nila sa atin?" pasinghal nitong tanong na matamang tinitigan ang tatlo.
Umiling – iling pa ito sa kanya. "Kailangan na nating magpatawad." Sabi naman niya.
"Sige na sundan lang ninyo ang liwanag na iyan." Sabi pa nitong ngumiti.
Naabutan na rin nito ang liwanag.
"Magkikita tayo roon, Leah. Maraming salamat." Napasabi naman ni Angely.
"Isa lang masasabi ko, ngayon, Leah na pinalaya mo kami." Tanging sabi ni Manuel.
"Hindi pa ring nagbabagong tanga ka pa rin." Napailing – iling pa ito.
"Manuel." Nasaktan ang puting si Leah.
"Madali ka pa ring maniwala, hindi ka pa rin natututo." Dagdag ni Angely.
Napailing na lamang siya sa pinagagawa nito.
Hindi ba nila alam na naglalaro lang ako? Hay, lumalabas talaga ang totoo nilang ugali. Napasabi sa kanyang isipan noon.
Noong nakatakas na ito dahil sinundan nito ang liwanag, napatawa na lamang siya nang lihim. Rinig na rinig niya ang sigawan nilang Angely.
Pinapakita niya ang mga nangyayari noon. Binura niya ang ilusyon at naging madilim na naman ang paligid.
"Leah! Bakit nandito ulit kami rito?" Sigaw na tanong ni Angely noon na nasusunog na naman ang kaluluwa nito.
"P --- Pasensya n –na." sabi ng puting Leah na naiiyak sa kanilang kalagayan.
Sumilay nito ang ngiti at unti – unting napapalitan ang damit nitong panluksa, tumatawa siya, hanggang ang tawa niya'y naging isang halakhak, nandito ulit ito sa sildang hindi makatatakas ni kahit sino man.
"Really? Naniniwala kayo roon?" tanong naman niya sa tatlo.
Hindi niya mapigilang mapatawa ulit at sumasakit na rin ang tiyan niya dahil sa pagtawa niya sa tatlo.
"Leah!" Galit ang boses ni Manuel na kinalampag pa ang silda nila. Nasunog ang mukha nito, dahil pinabaunan niya lamang ito ng kaparusahan.
"Hindi naman talaga ninyo ginamit ang kokote ninyo, ang dali – dali pala ninyong paikutin." Napatawa naman siya.
"Anong pakiramdam na napaikot ko kayo? Masaya hindi ba?" tanong naman niya sa tatlo.
Nanlilisik ang mga mata nitong tiningnan siya nang masama.
"Dadalhin ka namin sa impyerno, Leah." Sabi naman ni Felicia.
Ngumiti naman siya noon.
"Nandito na kayo sa impyerno, ngunit, nabagsak kayo sa kamay ko." Napatawa naman siya.
"Gaganti kami sa pinagagawa mo sa amin, Leah." Sabi pa ni Manuel.
"Really? Hayaan ninyo naman akong makaganti sa sarili kong paraan. Kayo ang dahilan ng lahat ng ito, kayo ang dahilan kung bakit hindi ako nananahimik." Naging seryoso ang boses niya.
"Hindi ka magtatagumpay, Leah. May tutulong sa amin na makalaya rito, at ikaw nandito nag – iisa at hindi matahimik ang kaluluwa mong maagnas sa kadiliman na ito."
"What a big word coming from you, Angely. Maagnas ba? Well, hindi maagnas ang kaluluwa ko, hinding – hindi ko makakalimutan ang ginawa ninyo sa akin." napangiti naman siya.
"Kayo ang gumawa sa mundong ito, nakalimutan ba ninyo? Huwag kayong maging inosente, dahil hindi tayo inosente sa lugar na ito."
May kung anong pwersang nagpabagsak sa katawan nito na may nakadagan na mabigat na bagay na napadaing ang tatlo.
"Makakaganti kami sa iyo, ibabalik namin ang karma mo, Leah." Iyon lang ang nasabi ni Felicia sa kanya.
Napatawa na lamang siya, naglalakad siyang papalayo sa silda ng tatlo.
Karma? Napatawa niyang tanong noon.
Karma laban sa karma? Mas lalo siyang napatawa sa kanyang naiisip.
Tingnan natin kung sino ang mananalo sa karma na bitbit ko mula noong nabubuhay at namatay ako, tingnan natin ang mangyayari. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Nakalabas siya sa kadiliman, minasdan niya ang mundong ginawa niya, nababalot ito ng kasinungalingan, paghihiganti, pagkapoot. Sinirado niya ang kanyang puso at maging tuso sa mga taong sumirang puri sa kanya noon.
Hinding – hindi ko kayo mapapatawad. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon.