APAT na araw na ang nakalipas nang maihatid na nila ang kanilang lola sa huling pahingahan nito. Balik na rin ang normal nilang pamumuhay, at makaka – focus na rin sa pag – aaral si Tashia.
Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit nagpapakita at nagpaparamdam pa rin sa kanya ang lola niya sa panaginip niya, ilang araw na ring pabalik – balik at nagpapakita ito sa kanya, na minsa'y nakamasid sa kawalan at malungkot ang tingin.
Minsa'y iisang salita lamang ang sinasabi nito.
Tulong. Napasabi sa kanyang isipan. Hindi niya maintindihan, nawala na rin iyong babaeng nakapanluksa, at lalong – lalo siyang hindi maka – focus, dahil nakita na naman niya si Ashley na umiiyak na duguan ang mukha.
Napapakamot na lamang siya sa kanyang batok, noong mga bata pa sila, talagang may kakayahan silang makakita ng mga pangyayaring hindi pinapaniwalaan ng mga tao sa mundo ngayon. Alam niyang namana niya ito sa kanyang lola Felicia, at alam niya ring may abilidad din si Vivianne.
Napatitig siya sa kanyang gawain 3rd year college na siya ngayon at kinuha niya'y BS Chemical Engineering kailangan na niyang pagtuunan ang pag – aaral dahil nasa majorship na siya at hindi siya pwedeng bumagsak sa subject, ngunit, ginugulo siya ng kanyang kakayahan ngayon.
Lola, kung ano man ang nais mong iparating, please, sabihin mo sa akin. Dasal niya sa kanyang isipan.
Napabuntong – hininga na lamang siya, siya lang mag – isa sa kwarto, dahil, nagtatrabaho rin ang kanyang kapatid.
Mamaya ko na ito tatapusin, kailangan ko ng umidlip na muna. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Lumalalim na rin ang gabi, pinatay niya ang ilaw at tanging lamp shade na lamang ang naging ilaw niya noon. Nakapajama na siya noon, kaya humiga na lamang siya sa kanyang hihigan.
Hindi naman siya binigo ng kanyang mata dahil nakatulog siya. Nagising siya ulit ngunit, wala siya sa kwarto.
Naglalakbay na naman ba ako? Tanong sa kanyang isipan. Matagal na niyang iniiwasan na maglakbay dahil hindi niya kayang tanggapin ang mga pangyayaring kanyang nakikita kapag naglalakbay siya.
Kahit man gusto niyang magising ngunit, huli na ang lahat, inilibot niya ang kanyang paningin, may nakita siyang nakaputing naglalakad sa kadiliman.
Lumingon ito sa kanya. Nasalubong niya ang tingin nito.
Lola Felicia. Tawag niya rito.
Hindi ito sumagot at patuloy itong naglalakad sa kadiliman. Maya – maya pa ay may biglang lumitaw sa tabi nito dalawang tao babae at lalaki, pinagmamasdan siya noon. Huminto ang dalawa nitong kasama.
Tulungan mo kami. Nakita nito ang mapanglaw nitong titig.
Napalunok na lamang siya ng laway.
Sa paanong paraan ko kayo tutulungan? Lola, please huwag mo akong takutin nang ganito, hindi ako sanay na makipag – usap sa kaluluwa. Napasabi na lamang niya dahil tumataas ang balahibo niya sa katawan.
Tulong, wala ng oras, Tash, tulongan mo kami.
Bigla siyang dinala sa isang lugar na hindi abot ng liwanag, nakita niya ang tatlong kaluluwang kanyang nakita. Nakagapos ito sa hindi niya makita at nakasilda ito sa hindi niya makita.
A – Anong nangyayari, bakit nandiyan kayo? Tanong na lamang niya sa mga ito.
Tulungan mo kaming makatakas rito. Sabi ng isang babae.
Litong – lito ang isipan niya kung ano ang kanyang gagawin kung paano niya papalayain ang mga ito.
T --- Teka, sino ang nagkulong sa inyo? Bakit kayo ikinulong? Sunod – sunod niyang tanong sa mga ito.
Wala ng oras! Palayain mo kami rito! Sinigawan siya ng isang lalaking kasama niya.
My, my, inimbitahan ninyo siya rito, pagkatapos sinigawan ninyo, hindi naman kayo marunong mag -asikaso sa bisita ninyo.
May narinig siyang yabag na patungo sa kanilang direksyon, nagsitahimik naman ang mga ito. May tumapik sa kanyang braso, kaya naman, napalingon siya.
Nagulat siya sa kanyang nakita.
Siya iyong --- napasinghap siya, dahil nakita niya ito noon na kasa – kasama ni Sheila. Ngumiti ito sa kanya.
Ito rin ang ikwenento sa akin ni ate Vivianne. Napalunok siya at hindi makapangusap.
Dear, kailangan mo ng umalis rito, hindi nababagay sa iyo ang buhay mong kaluluwa sa lugar na ito. Tangi niyang narinig na pinapangaralan siya.
P --- Pero, nakakulong po sila. Napasabi naman ni Tashia na hinahanap ang boses niya.
Ikinulong ko sila riyan. Pag – amin naman ng kausap sa kanya.
B --- Bakit? Anong kasalanan nila sa iyo? Tanong naman niya rito, naguguluhan pa rin siya sa pangyayari.
Felicia, dinadamay mo ang isang batang hindi alam ang pangyayari, ginagawa mo talaga ang lahat, gusto mo bang mapahamak ang batang iyan? Tanong naman nito sa kanyang lola na seryosong nakatingin sa mga ito.
Bakit? Anong kasalanan ni Lola sa iyo? Tanong naman niya rito.
Napabuntong – hininga na lamang ito sa kanya.
Hija, kailangan mo ng bumalik, hindi ikaw ang inaantay kong bisita. Ngumiti ito sa kanya.
Bisita? Napatanong sa kanyang isipan.
Mahina siyang tinulak ng babaeng nakapanluksa, bago pa man siya makabalik sa kanyang sarili may ibinulong ito sa kanya.
Ingatan mo ang batang nakikita sa panaginip mo.
Nagising siya bigla sa kanyang panaginip, tinatambol ng kaba ang dibdib niya, bigla siyang nauuhaw, kaya naman, bumangon siya at pumunta sa kusina. Nakita niya ang kanyang kapatid na kumakain.
Dumating na pala ito galing trabaho.
"Tashia, okay ka lang ba?" tanong bigla ng kanyang kapatid.
Hindi naman siya nakasagot kaagad, tinitigan niya ang basong hawak – hawak niya ngayon. Kaya naman, tumango na lamang siya sa katanungan ng kanyang kapatid.
"Hindi na kita ginising kanina, para makapagpahinga ka." Sabi pa nito.
Umupo siya doon sa lamesa na kung saan kumakain ang kanyang kapatid. Hindi pa rin niya lubos maisip na naglalakbay na naman siya.
Sino siya? Napatanong sa kanyang isipan. Bakit ipinakulong niya silang lola?
Sinong bisitang inaantay niya, at sinong bata? Sunod – sunod niyang tanong noon.
Bata? Balik niyang tanong noon.
Nanlamig ang buo niyang katawan.
Si Ashley? Napatanong na lamang sa kanyang isipan noon.
"Hoy, Tashia. Anong nangyayari sa iyo?" yinugyog na siya ng kanyang kapatid noon, dahil wala siya ngayon sa huwesyo.
Kahit pinipilit niyang balewalain ang kanyang iniisip, bumabalik pa rin sa kanya si Ashley.
"Ate, may sasabihin ako sa iyo." Mataman niyang tinitigan si Vivianne.
Nagulat naman ito sa inaasta niya, tahimik lang itong nag – aantay sa sasabihin niya ngayon.
"Nagkakaroon ulit ako ng paglalakbay."
Matapos nitong sabihin ay nangunot ang noo nito.
"Nagkakaroon ka ba ng pangitain ngayon?" tanong pa nito sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong pangitain ang tinutukoy mo ngayon, ate." Sabi naman niya na litong – lito pa rin.
"Nakikita mo rin ba si Ashley? Nakasoot ng damit – ospital, umiiyak sa kawalan?" tanong naman nito sa kanya.
Doon, nakaramdam siya tila binuhusan siya ng malamig na yelo sa buo niyang katawan, napatitig ito sa kanyang kapatid kung tama ba ang kanyang naririnig ngayon.
"Ganoon din ang nakikita ko, Tashia, pero, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa babaeng iyon." Nakahalumbaba na lamang ito.
Si Sharlene ang tinutukoy nito, siya rin naman ay naguguluhan kung anong ipapaliwanag niya rito. Napabuntong – hininga na lamang siya.
"Ninanais kong maging ligtas si Ashley, dahil, minsa'y hindi nagkakamali ang nakikita ko at ang kutob ko, Tashia." Naging seryoso ang mukha ng kanyang kapatid na tinitigan siya.