NASA office si Martin ngayon, ayaw na muna niyang umuwi, dahil nandoon na naman ang asawa niyang si Sharlene, sa pagtulog, hindi sila magkatabi, napipilitan lang siya palagi, na sumabay minsan sa pagkain sa hapag kapag nandoon ang kanyang anak na si Ashley.
Ayaw na niyang maglaro ng bahay – bahayan pa, pero kahit anong pilit at pananakit nito sa damdamin ay walang pakialam si Sharlene noon. Ewan ba niya kung hanggang kailan magigising sa katotohanan ang asawa niya.
Napabuntong – hininga na lamang siya, magpapagabi na naman siya para tulog na ang nasa bahay. Magpapalipas na muna siya ng gabi sa kanyang kompanyang pinagtatrabahuan.
Bigla na lang nag – vibrate ang phone niya, may tumatawag sa kanyang numero, agad niyang tiningnan kung sinong napatawag.
Napangisi siya at agad niyang sinagot.
"Yeah?" sagot niya, si Sheila ang tumawag sa kanya.
"Mart, hindi mo pa ba nabalitaan?" tanong nito sa kanya, halata sa boses nito ang pag – aalala.
Napakunot naman ang kanyang noo. "Nabalitaan ang alin?" tanong naman niya rito.
"Naaksidente daw si Ashley?" tanong naman nito sa kabilang linya.
Nagulat naman siya sa balitang kanyang nalaman ngayon.
"Nasaan ka ngayon?" tanong naman niya rito.
"Hindi ka ba nag – aalala kay Ashley?" tanong naman ni Sheila sa kanya.
Napabuntong – hininga na lamang siya sa kanyang kausap. "Baka nadapa lang iyang bata at saka nasa clinic lang." iyon lang ang nasabi niya.
Napabuntong – hininga lang ang tumawag sa inaasta niya ngayon.
"Makinig ka sa akin, nanonood ka ba ng balita ngayon?" napatanong naman nito sa kanya.
"I'm here in office, bakit ba Sheila?" tanong niya at hindi na niya maiwasan ang mairita sa kausap niya.
"Puntahan natin sila sa ospital, nandoon ang asawa mo."
"Fine, whatever, susunduin kita ngayon." sabi naman nito.
"Huwag na, mas lalong gugulo kung magkasabay tayo."
"Mas mabuting gumulo at para may hint si Sharlene sa atin."
"Don't be so insensitive now, Martin. Seryoso ang pinag – uusapan natin, kahit man gusto nating mawala sila sa buhay mo, pero, hindi sa ganitong paraan." Bungad naman ni Sheila sa kanya na halatang naiirita na rin sa kanya.
"I'm going now, magkita na lang tayo sa hospital, nag – send na ako ng address kung saang hospital."
Agad binaba ni Sheila ang tawag, napailing – iling na lamang siya. Agad niyang tiningnan ang text ni Sheila sa kanya kung saang address napunta ang asawa niya.
Dali – dali niyang tinahak ang parking lot nila sa office, sumakay siya sa kotse, nagmaneho patungong hospital, pagdating niya abalang – abala ang mga nurse at doctor noon, may mga magulang na nag – aalala at ang iba'y nag – iiyakan. Agad niyang nakita si Sheila na katabi si Sharlene.
Lumapit siya sa dalawa, at may iba pang sumunod ang mga kapatid ni Sharlene.
"Ate, ate." Tawag ni Tashia kay Sharlene.
Nilingon si Tashia noon, nakita niya ang blankong ekpresyon ng kanyang asawa, kaya naman, mahina niyang hinila si Sheila.
"Anong nangyari?" pabulong niyang tanong.
"Sabi ko sa iyo kanina, naaksidente si Ashley, ang sabi'y papauwi na ito sa field trip nang mawalan ng brake ang school bus nito at nahulog sa pampang." Pabulong nitong sabi.
"Marami ang nasawing mga bata, ang iba'y nasugod sa hospital."
Hindi siya makapagsalita sa nabalitaan niya, nagulat na lamang siyang may isang magulang na lumabas sa morgue at panay ang iyak ng ina.
"Pull yourself together, ate." Iyon lang ang narinig niya kay Tashia kay Sharlene na hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagsasalita.
"Anong inaantay ni Sharlene rito?" tanong naman niya kay Vivianne. Napalingon na lamang ito sa kanya at napataas ang isang kilay nito.
"Nag – aantay siya na makompirma kung may --- " hindi nito tinapos ang sinabi dahil umiling lang si Tashia na huwag silang mag – usap – usap rito.
"Isa sa mga bata si Ashley na nasa bingit ng kamatayan." Pabulong na sabi ni Sheila sa kanya.
"Francisco." May biglang tumawag na doctor sa kanilang apilyedo, kaya naman napalingon din siya.
Dali – daling tumayo si Sharlene sa kinauupuan nito, kabadong – kabado ang mukha nito. Siya rin ay sumunod at pumasok sa isang kwarto, kasama ang mga kapatid ni Sharlene.
Nakita niya ang anyo ng bata, maraming pasa ang katawan nito at tila'y isang lantang gulay ang katawan, naka – oxygen, at maraming ang mga gamit pang – medisina ang nakakabit sa katawan ng bata, napansin niyang halos lahat ng katawan nito'y nakabinda pa.
"Ashley, anak." Pag – aalalang banggit ni Sharlene rito na halos hindi makayanang tingnan ang anyo ng batang si Ashley.
"K--- Kumusta si Ashley, doc?" iyon lang ang narinig niya kay Sharlene na pinipilit na maging matapang.
"Sa ngayon, hindi na crucial ang buhay ng bata, but the sad thing is, kailangan pa ang malalimang recovery ni Ashley, matindi ang tama ng bata lalong – lalo na sa utak, may namumuong dugo rito at kailangang obserbahan ang bata kung malulusaw pa ba ang namuong dugo niya sa brain nito."
Narinig niya ang paliwanag ng doctor sa kanila. Iniisip na naman sa isipan niya ang finance na maaaring gugolin sa health service ng anak niya, kaya napabuntong – hininga na lamang siya.
"Wala po bang mas madaling paraan po riyan?" tanong naman niya.
Napatitig naman si Sharlene sa kanya.
"Magtatagal ang bata sa hospital because of her injuries and the other thing my blood clot ito sa utak dahilan ng pagpasapok ng ulo nito dahil sa aksidente. Kaya, under observation pa po siya ngayon, hindi po namin nire – recommend ang agarang surgery, dahil we don't know kung kakayanin ba sa batang ito, lalong – lalo na sa katawan nito."
Napatango na lamang siya noon.
God damn it! Another problem. Gastusin na naman! Reklamo niya sa kanyang isipan noon.
"Ma'am, malilipat po ang bata sa I.C.U. mamaya – maya po malilipat po siya roon, she's very a brave girl." Binalingan nito si Sharlene na tahimik na nakikinig sa paliwanag ng doctor. Napangiti naman ang doctor sa anak niya.
Tanging tango na lamang ang kanyang nagawa noon.
"Thank you po, Doc." Iyon lang ang narinig niya kay Sharlene. Lumabas na rin sila at kakausapin sila ng nurse mamaya – maya to make arrangements sa pasyente.
Muli silang napaupo sa waiting area, may mga iyakan silang naririnig, dahil sa hindi nakayanan ng bata ang nangyari, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya ngayon, kung magdadabog ba siya o sisihin si Sharlene dahil hinayaan nitong mangyari sa anak nila.
"Bakit nangyari ito, Sharlene?" hindi na niya makayanan ang emosyon na bumabalot sa kanya.
Napatingin na lamang si Sharlene sa kanya, wala ito sa huwesyo dahil hindi siya matingnan ng asawa niya.
"Hindi mo binabantayan ang anak mo, gayong malapit ka lang sa paaralan nila."
Napakunot naman ang noo nito. Hindi ito nagsalita at prinoproseso ang sinabi niya ngayon. Napabuntong – hininga na lamang ito sa pinagsasabi niya.
"Hindi ako pabaya sa anak ko." Iyon lang ang narinig niya kay Sharlene.
"Kung hindi ka pabaya, hindi magkakaganito ang problema natin, Sharlene. Nag – iisip ka ba?" pang – iinsulto niya sa kaharap niya.
"Aksidente ang nangyari, hindi inaasahang pangyayari, anong iniisip mo ngayon, Martin? Naging mabuti ka bang ama sa kanya?" tanong nito na makikita ang galit sa mga mata nito.
"Tama na, tama na, hindi ito ang panahon para magtalo kayo." Rinig niyang sabi ni Vivianne na pumagitna sa kanila, baka magkainitan pa ang sagutan nilang dalawa ngayon.
"Damn this!" napasabi niya at naglakad papalabas sa hospital.
"Martin!" tawag ni Sheila sa kanya, ngunit, hindi siya nakinig noon at naglakad siya patungong labasan.
Masama ang loob niya ngayon, nasa parking lot siya sa hospital, sinundan pala siya ni Sheila, sumakay lang ito sa kanyang sasakyan.
"Calm down, Martin." Sabi pa nito sa kanya.
"How can I calm down now, Sheila?" tanong naman niya sa kausap niya.
"Hindi mo ako ang kalaban mo ngayon, I'm here for you, okay?" tanong naman nito sa kanya.
Napatango na lamang siya, niyakap na lamang siya ni Sheila na pinapakalma ang galit niya.