GULONG – GULO ang isipan ni Sharlene ngayon, wala siyang pakialam sa asawa niya ngayong nasa labas. Iniisip niya ang kaligtasan ng anak niya.
Naging pabaya ba ako kay Ashley? Napatanong niya sa kanyang sarili noon. Gusto niyang saktan ang sarili niya dahil sa desisyon niya noong pinayagan niya ito sa field – trip.
Gusto niyang sabunutan ang sarili niya, pero, hindi siya dapat magwala ngayon, pinakalma niya ang sarili niya.
Noong nabalitaan niya ang nangyari, biglang binuhusan siya na malamig na tubig at ang puso niya'y gustong kumawala sa katawan niya. Hindi pa niya alam kung anong mangyayari sa paaralan, lalong – lalo na sa basic department ngayon, narinig niyang marami ang nangamatay na mga bata na ang iba'y dead on the spot o kaya'y dead on arrival.
May ibang bata rin na kagaya sa kalagayan ni Ashley nasa bingit ng kamatayan, nang makita niya ang kalagayan ng kanyang anak ay para ring hinila ang kanyang kaluluwa sa kanyang nasaksihan, hindi niya makilala kung anak pa ba niya ito ang kaharap niya kanina. Pilit siyang nagpakatatag ngayon, kahit ang totoo'y gumuho ang mundo niya sa nangyari.
Diyos ko, huwag naman sana. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
"Tashia, samahan mo muna si ate rito." Rinig niyang sabi ni Vivianne.
"Kukuha lang ako ng gamit sa bahay nila, saka, bibili na rin ako ng pagkain ngayon." sabi pa nito.
"S --- Sandali, Vivianne, m –may pera ako rito." Dali – dali niyang kinuha ang bag niya, nanginginig pa rin ang buo niyang kalamnan ngayon.
"Ate, sa iyo muna iyan." Pagkatapos ay naglakad ito papalabas sa hospital.
Naririnig niya ang bawat pag – iyak ng ina nito sa bawat balitang naririnig nito. Hindi niya makayanan ang makinig, naiintindihan niya ang mga ito.
"Bibili na muna ako ng tubig. Dito ka na muna." Sabi ni Tashia sa kanya.
Napatango na lamang siya noon, nakaupo siya sa waiting area, mga iyakan na kanyang naririnig sa paligid, mas lalong sumakit ang dibdib niya at baka hindi niya makayanan.
Bakit nangyari pa ito sa iyo, Ashley? Napatanong na lamang niya sa kanyang isipan.
Bago pa man nangyari ang aksidente, palagi ng sumusulpot at nakikita si Ashley na nakasoot ng puting damit na pang – ospital, may mga pangitain na siyang nakikita at kutob niya bilang isang ina, ngunit, hindi siya naniniwala rito.
Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito. Kung hindi lang ako pumayag, hindi ito nangyari kay Ashley. Anak, please magpakatatag ka, lumaban ka, huwag mo akong iwan ritong mag – isa. Sumamo niya sa kanyang isipan, hindi siya makapag – isip nang maayos ngayon, nasa denial phase pa ang isipan niya sa nangyayari.
Tinabunan niya ang kanyang mukha sa dalawang palad, at pilit niyang iniunawa ang lahat na nangyayari ngayon, pinilig niya ang kanyang ulo. Napadako ang tingin niya sa nangyayari sa paligid.
May ibang ina na nahihimatay kapag nasaksihan nila ang kanilang anak, ngayon lang siya nakaramdam na nangangatog ang buo niyang kalamnan. Matagal niyang tinitigan ang mga ito. May mga kagaya ni Ashley na hindi na makayanan at namatay ito.
Napasandal siya sa sementadong dingding, maya maya'y may nakikita na siyang mga batang duguan ang uniporme na nakasunod sa magulang nitong umiiyak, hindi niya alam kung dahilan ba ito sa pagod niyang isipan.
Yumakap ito sa magulang at bigla itong naging puting liwanag. Pinagmasdan na lamang niya ang mga ito.
Niloloko ba ako sa mata ko? Napatanong niya ulit sa kanyang isipan noon, habang minamasdan ang mga batang duguan nakasunod sa magulang nito.
Tiningnan siya ng isang batang babae na hindi makilala ang hitsura, naka – uniporme ito, bigla itong lumapit sa kanya.
Hindi ko makita si mama, tulungan mo ako. Naririnig niya ang sumamo ng batang babae. Hindi siya sumagot noon na pinagmasdan niya lang ito.
Binasa niya ang name – tag ng bata at nakasulat doon ang apilyedo.
Dela Cruz. Napakunot ang noo nito, dahil pamilyar ang apilyedo nito. Napasinghap siya noon, ayon sa balitang nakalap nila kani – kanina may isang gurong nasawi, dahil prinotektahan nito ang ibang bata na hindi masaktan.
Bernadith Dela Cruz, isa sa mga guro sa kinder – garden. Napasabi sa kanyang isipan.
Mama, Mama, nasaaan ka? Palahaw ng isang batang babae.
Nabigla na lamang siyang may tumapik sa bata, hindi niya halos makilala ang mukha nito.
Nandito si Mama. Sabi naman ng kakululuwa.
Napasinghap pa siya noon, tumahan na ito sa pag – iyak at yumakap ito, tinitigan siya ni Bernadith, bigla itong ngumiti sa kanya, naging maaliwalas ang mukha ng dalawa, naging maliwanag na ilaw ang dalawang kaluluwa at bigla itong nawala sa kanyang paningin.
Nagulantang na lamang siya sa biglang sigaw na kanyang narinig sa isang silid.
"Bernadith! Sarah! Huwag ninyo akong iiwan!" iyon ang narinig niya.
Asawa pala ito ng nasawi. Humahagulhol ito, habang niyayakap ang bangkay ng asawa at anak nito. May kumurot sa puso niya at naawa siya rito, hindi niya masabing naging masaya na ito, na kasama ang anak.
Magiging masaya ba siya kapag sinabi kong masaya na ang asawa niya? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
"Ate, uminom ka na muna ng tubig." Tiningnan niya si Tashia.
Wala siyang lakas noon, inalalayan siya ng kanyang kapatid, dahil hindi pa bumabalik ang buo niyang lakas noon.
"Salamat." Pabulong niyang sabi.
Umupo ito sa kanyang tabi, hindi niya alam na uhaw na uhaw na pala siya. Biglang umikot ang paligid niya, pero, pinipilit niyang maging gising, baka anong mangyari sa anak niya.
May lumapit na nurse patungo sa kanila, kaya naman, pinilit niya ang kanyang sariling maging maayos, tumayo siya para salubungin ang nurse, inilalayan siya ng kanyang kapatid na makatayo sa sariling paa.
May dala – dala itong mga papeles, ipinaliwanag ng nurse ang kalagayan ng kanyang anak ngayon, at ihahatid na ito sa I.C.U. nasa 4th floor ito, hinanap pa nito ang kanyang asawa, subalit, sinagot niya lang itong nagpapahangin sa labas sa ospital. Hindi na rin inantay ng nurse si Martin ang mahalaga'y nandoon siyang alam ito.
"Maselan pa ang kalagayan ng bata ha? Kaya oras – oras may monitoring po na nangyayari, humihina minsan ang heartbeat ng bata, saka, sana po bukas, magising na si baby para tuloy – tuloy ang recovery niya, at malaman natin kung kinakailangan ba ang surgery para mawala ang namuong dugo sa utak niya." Mahabang pagpapaalala sa kanya ng nurse na kausap niya.
Hindi niya magawang magsalita at baka pangunahan pa siya ng kanyang emosyon.
"Himala nga ang nangyari sa bata e, gagawin namin ang lahat para sa anak ninyo." Panigurado sa kanyang kausap.
Tumango na lamang siya noon.
Pagkatapos siyang kausapin ng nurse, agad itong inasikaso ang kanyang anak. Nawala nan ang pakunti – kunti ang mga tao sa labas, may mga kaunting hikbi pa rin ang naririnig niya.
Napakalaking trahedya ang haharapin ng paaralan nila ngayon, lalong – lalo na maraming mga bata ang naaksidente, namatay rin ang driver ng school bus, hindi na muna niya iisipin iyon, kailangan niyang matutukan ang anak niya.