CHAPTER SIXTEEN

"PUNTAHAN na muna natin si Sharlene." Iyon lang ang sinabi ni Sheila noong kumalma na si Martin.

 

Hindi ito sumagot sa kanyang suhestiyon. "Come on, sasamahan kita roon." Sabi pa niya na hinawakan ang kamay ni Martin.

 

"Yeah, whatever."

 

Ilang oras ding hindi ito umimik at nagrereklamo ito sa bayarin, kaya naman, kinausap niya ito nang masinsinan. Ngayon, lumabas na sila sa kotse, medyo tahimik na rin ang paligid, kumpara kanina na maraming mga tao at nag – iiyakan sa loob ng ospital.

 

Sumunod sa kanya si Martin papasok sa hospital, hinanap ng kanyang paningin si Sharlene at kapatid niya, nakita niya si Vivianne, nagtatanong sa Information Desk, kaya naman, kinalabit niya si Vivianne.

 

Napatingin naman ito sa kanilang dalawa.

 

"Nandito pa pala kayo?" tanong naman sa kanila.

 

"Ah, oo, patungo ka ba sa room ni Ashley?" tanong naman niya na ningitian si Vivianne.

 

"Oo, patungo ako roon." May bitbit itong mga gamit na pambahay.

 

"Tulungan ka na namin?" tanong naman niya.

 

Tiningnan naman sila at binawi kaagad. "No, but thank you." Tanggi sa kanila.

 

Hindi niya talaga maatim ang pag – uugali ng dalawa, na ang alam niya'y hindi naman talaga nila kapatid si Sharlene at umaasta ito na parang may pakialam kay Sharlene.

 

"Hinuhuthutan na naman ito si Sharlene." Napasabi niya, gusto niyang marinig iyon ni Vivianne. Sumakay sila ng elevator, napatingin naman si Vivianne sa kanya na tinaasan siya ng kilay, hindi ito nagsalita pa.

 

"Nagiging mabait para may pera." Napabuntong – hininga na lamang siya.

 

"What are you talking about?" pabulong na tanong ni Martin sa kanya.

 

"Nothing." Ngumiti lang siya sa kasama niya.

Nasa fourth floor pa ang private room, nandoon na sila, nabigla siya dahil dumiretso si Vivianne sa waiting area na kung saan magbabantay sa mga na I.C.U na mga pasyente. Sumunod lang sila noon.

 

Nakita niya nga silang Sharlene at Tashia na nakaupo doon, na hindi pa nakabihis. Dali – dali niyang yinakap ang kaibigan niya, nagulat pa ito sa kanyang inaasta ngayon.

 

Marahan siyang tinulak ni Sharlene. Hindi ito kumibo sa kanilang dalawa.

 

"Look, I'm sorry, Sharlene sa binitawan ko kanina."

 

Napatitig pa si Sharlene at napataas ang kilay.

 

"Anong nakain mo ngayon?" napatanong pa ito.

 

"Sharlene, patawarin mo na si Martin." Sabi pa niya para kumalma ito.

 

"Ha? May nagawa ba siyang kasalanan?" tanong pa nito sa kanila.

 

"Pwede ba, magulo ang utak ko ngayon, huwag na muna ninyo akong pakialaman ngayon." sabi nitong walang gana at may hinahanap sa bag na ibinigay ni Vivianne.

 

"Sharlene, ano ang pwede naming maitulong sa bata?" tanong naman niya rito.

 

"Sinabi ko na sa inyo hindi ba? Hindi ba kayo nakakaintindi?" tumaas ang boses nito. Kaya naman nagulat sila sa inaasta ngayon ni Sharlene.

 

"Umalis na kayo." Iyon lang ang sabi ni Vivianne sa kanila. "Wala siya ngayon si huwesyo para makita kayong dalawa." sabi pa nito sa kanila.

 

"Gusto ko lang tumulong, Sharlene." Seryoso ang boses nito.

 

"Tumulong?" pabulong nitong tanong, nilingon siya. "Anong tulong ba iyan, Sheila?"

 

"If you need medical finance para sa bata, I can help, alam ko naman na malaki – laki rin ang gagastuhin ninyong mag – asawa, at bilang kaibigan handa akong tumulong."

 

"Kaibigan?" mahina pa itong napatawa sa kanya. "Hanggang saan ba ninyo ako kayang paikutin?" tanong naman nito.

 

Nagulat siya sa pinagsasabi, kaya naman napatingin na lamang siya kay Martin.

 

"Kung alam mo na palang may relasyon kami, sana, lumayo ka na sa akin." iyon ang narinig niyang sabi ni Martin.

 

May isang malakas na sampal ang narinig nila doon sa waiting area, nagulat pa ang mga taong nakasaksi noon sa pagsampal ni Sharlene sa kanyang kasama.

 

"Sharlene!" tumaas ang boses niya sa ginawa nito sa lalaki.

 

"Ah, nagawa ko na rin ang nais kong gawin na sampalin ka, Martin." Ito lang ang namutawi sa bibig nito na matalim na tinitigan ang asawa nito.

 

"Kailan mo lang nalaman ito, Sharlene?" tanong niya.

 

"Matagal na, ginagawa ko lang ito sa anak ko, wala akong pakialam kung anong ginagawa ninyo sa balahura kong asawang iyan!"

 

"You damn bitch!" susugod na sana si Martin na saktan din si Sharlene, ngunit pinigilan niya ito.

 

"Tama na!" pagpipigil niya kay Martin "Ngayong alam mo na, para mo ring sinaktan ang anak mo ngayon."

 

Napatawa pa ito. "Gosh, ngayon lang yata ako nagising sa katotohanan, kayang – kaya kong buhayin si Ashley, kaya ko namang tiisin ang lahat ng kababoyan ng lalaking iyan,para sa anak ko, pero ngayon, buti hindi naririnig ng bata, kayo kong tumayo sa sarili kong paa para sa anak ko." Naninindigan ang boses ni Sharlene.

 

"Kung ganoon, huwag na huwag kang hihingi ng tulong sa akin sa pagpapagamot ng batang iyan! Huwag na huwag kang magpapakita dahil hindi mo kayang buhayin ang batang iyan! You release me with this stupid responsibility, Sharlene. I'm glad, nagising ka sa katotohanan ngayon." sabi pa ni Martin.

 

"Sa batas natin, kargo – kargo mo ang batang sinasabi mo, kahit man magkaroon ka ng ibang babae, hinding – hindi mo matatakasan ang responsibilidad mo bilang ama ni Ashley." Napabuntong – hininga pa ito.

 

"Well, wala ka namang silbing ama, hindi mo nga kayang ibigay sa bata iyon e. Huwag mong ipagmalaki sa akin iyon, Martin. Wala ka namang kwenta."

 

"What are you saying? You damn bitch! Wala naman akong planong pakasalan ka noon, dahil, sa lola mo na hindi ka naman totoong apo at isang ampon, napilitan akong pakasalan ka."

 

Narinig pa niyang tumawa si Sharlene. "Dahil takot ka sa pamilya mo, hindi ba? Nirerespeto ko lang ang lola Felicia ko noon, pero ikaw, dahil din gahaman ang pamilya ninyo pati na ikaw ay gahaman napilit ka hindi ba? Huwag kang magmalinis ngayon, Martin. Gahaman ka sa kapangyarihan, kaya huwag mong isisi sa akin ang lahat."

 

Binalingan pa siya ni Sharlene at napangiti ito sa kanya. Lumapit ito sa kanya at tinapik. "You will get my point if you marry that man, Sheila. May kaunting awa pa akong natitira para sa iyo." Sabi pa nito sa kanya.

 

"What the hell are you saying? Magkaiba kayo ni Sheila." Sabi pa ni Martin na hinila siya.

 

"Same feathers flock together, naamoy ko ang baho ninyo."

 

Nainsulto siya sa pinagsasabi ni Sharlene ngayon, may sariling pag – iisip ang kamay niya, dadapo na sana ito sa pisngi ng kausap niya, ngunit, napigilan ang kamay niya, kaya naman siya ang nasampal ni Sharlene noon.

 

"Tapos na akong makipaglaro sa inyo." Napabuntong – hininga na lamang ito.

 

Nasapo niya ang pisngi niya.

 

"Umalis na kayo, huwag na huwag na kayong magpakita sa akin." nagbabala ang tingin na ipinukol sa kanila.

 

Wala siyang salita at diretso sa pag – alis, sinundan siya ni Martin noon sa elevator.

 

Hindi niya inaasahan ang mangyayari ngayon sa kanila. Napatingin siya ni Martin, ngunit, tahimik itong hinimas – himas ang pisngi ding nasaktan.

 

"Makakaganti rin ako sa pamamahiya ng babaeng iyon." Napasabi niya noon.

 

Hindi sumagot ang kasama niya. Masama ang loob niya ngayon, dahil wala pang nakagawa nito sa kanya.