CHAPTER SEVENTEEN

NAGULAT na lamang si Vivianne sa sagutan na nangyari kanina. Nakita niyang napaupo na lamang si Sharlene nang makaalis ang dalawa. Bumili na siya ng pagkain nilang tatlo, sasamahan na niya rito ang dalawa.

 

Alam niyang mag – iiba na naman ang takbo ng kanilang oras at panahon ngayon, dahil sa nangyari kay Ashley. Napakuyom siya sa kanyang kamay at napatitig siya kay Tashia noon.

 

Sinisisi rin niya ang nangyari, dahil hindi niya sinabi kay Sharlene ang mga pangitain niya.

 

Napabuntong – hininga siya at tumabi kay Sharlene, pinagitnaan na lamang nila ito. Tahimik lang itong nakahalumbaba na nasa malalim ang pag – iisip.

 

"Huwag mong sabihin sa akin na nagsisisi ka?" napatanong na lamang niya at napabuntong – hininga.

 

Nagpakawala ito ng hangin at tiningnan siya noon. "Tama ba iyong ginawa ko?" tanong naman nito sa kanya.

 

"Hindi ko masasabing tama ang ginawa mo sa kanila kanina, pero, masama ring ikimkim mo ang lahat ng sama ng loob mo sa kanila. Maybe, hindi tama, dahil sa hindi magandang pagkakataon." Sagot na lamang niya.

 

Hindi ito sumagot sa kanya, mahina lang itong napatango.

 

"Hindi ko na alam, punong – puno na ang utak ko, hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Pag – amin nito sa sarili.

 

Tinapik lang niya si Sharlene. Nagdadalawang – isip siya kung sasabihin ba niya ang pangitain na kanyang nakita, bago pa nangyari ang aksidente.

 

"Alam ninyo, kasalanan ko rin naman kung bakit naaksidente at nadawit si Ashley." Napasandal pa ito at tiningnan ang kisame sa ospital.

 

Napakunot naman siya ng noo, kung anong nais nitong sabihin sa kanila.

 

"Nanaginip ako ng isang bata at si Ashley iyon, malungkot niya akong tinitingnan at umiiyak siya, nakasoot siya ng pang – ospital." Napapikit ito nang nagkwento.

 

"Kung hindi ko lang ipinagsawalang bahala ang panaginip o pangitain na iyon at kutob ko kaninang umaga, masaya pa sanang tumatawa ngayon si Ashley." Napansin niya ang pagpatak ng luha nito at mahinang paghikbi.

 

Napatingin siya kay Tashia, na naawa sa babaeng katabi nila ngayon.

 

"Ate, hindi natin mapipigilan ang panahon, wala tayong kontrol noon, ang magagawa lang natin ngayo'y manalig na gagaling si Ashley at babalik siyang nakangiti sa atin." Iyon lang ang narinig niya kay Tashia.

 

Tumango si Sharlene na pinapahid ang luhang nag – uunahang pumatak. "Matapang ang anak ko." Napangiti ito, "Matapang si Ashley." Sabi naman nito.

 

"Anong plano mo ngayon?" iyon lang ang napatanong niya rito.

 

Bumuntong – hininga siya. "Pasensya na kung hihingi na naman ako ng tulong sa inyo, pero, pwede bang delay ang payment?" mahina pa itong napatawa.

 

Napabuntong – hininga na lamang si Vivianne. "Okay lang delayed payment, bayaran mo lang kapag okay na ang lahat na nakangiti na si Ashley."

 

Napatawa pa ito. "Salamat." Rinig niyang sabi kay Sharlene.

 

Tiningnan niya ang oras, wala silang tulog ngayon, dahil hindi rin sila dinadalaw ng antok noon, malaki naman ang waiting area, at wala ng masyadong tao, may ibang nagbabantay na may dala – dalang gamit pantulog noon.

 

Kumain na muna silang tatlo, nagbihis na rin ang dalawa, kailangan nilang mapag – usapan kung anong gagawin nila habang binabantayan nila si Ashley na hindi nasasagasaan ang bawat trabaho pati na pag – aaral ni Tashia.

 

May mga napagkasunduan sila na mabantayan ang bata. Kailangan ring kumayod si Sharlene, hindi na ito inisip kung saan kukuha ng bayarin sa hospital ang mahalaga'y maagapan si Ashley. Iyon ang hinihiling nilang tatlo.

 

Dahil sabado naman ngayon, dito na muna sila sa hospital.

 

Umaga na noon, tahimik pa ring nakaupo si Sharlene, minsan, sinisilip nito si Ashley at kapag pumapasok sila ay kailangan pa ang pahintulot ng doctor, binibigyan sila ng ilang minuto kapag nakapasok sila sa loob, nakatanaw lang sila noon sa bata para makita kung maayos ba ito sa loob.

 

Naawa siya sa kalagayan nito. Kung maaari tutulong siya rito, sila lang naman ang inaasahan ni Sharlene, nagpaalam lang saglit si Sharlene sa kanila, dahil may mahalagang meeting itong pupuntahan sa paaralan, siguro'y pag – uusapan nito ang kalunos – lunos na trahedya na nangyari kahapon.

 

Tahimik din si Tashia na may binabasa sa phone, wala pa itong tulog, dahil, nandoon pa rin ang adrenaline rush nila kahapon nang malaman nilang naaksidente si Ashley.

 

Napansin niyang pumasok ang doctor at ilang nurse sa kwarto ni Ashley, nakatanaw lang siya noon, kung anong ginagawa nito, marahil nag – c- check ito sa vital signs ni Ashley noon. Nakatingin din siya.

 

Lumabas ang isang nurse.

 

"Mrs Francisco." Tawag naman ng nurse noon.

 

Agad siyang tumayo noon.

 

"Excuse me po, wala po ang ina ng bata ngayon, pero, pinasabi naman nito sa akin na ako na muna magbabantay kay Ashley, ah, pamangkin ko po ang bata." Saad naman niya.

 

Tumango na lamang ang nurse. "Humihina po ang pulse rate ni Ashley ngayon." iyon lang ang ibinalita nito sa kanya.

 

Kaya naman, nagulat siya, hindi siya nakapagsalita noon, hindi niya alam kung anong ire – respond niya.

 

Tantiya niya'y nagkakagulo rin sa loob na parang nire – revive si Ashley.

 

"Tashia, Tashia, tawagan mo si ate Sharlene." Iyon lang ang nasabi niya, si Tashia nama'y nagmamadali ring tawagan ang kapatid nito sa messenger.

 

Diyos ko, huwag lang si Ashley, huwag lang ang bata. Kahapon maayos pa itong humihinga ah, kahit puno ito ng sugat. Diyos ko huwag naman sana. Napadasal na lamang sa kanyang isipan.

 

"Tashia, antayin mo si ate sa labas." Sabi pa nito.

 

Dali – dali siyang pumasok sa loob dahil sinenyasan siya ng doctor na pumasok. Tama nga siyang ni- rerive si Ashley, nakikita niyang nag – re – respond naman ito, mahina ang pulse rate nito. Gusto niyang mawalan ng ulirat kung ano ang kahihinatnan nito.

 

Bumabalik na ang pulse rate ng bata, kaya nakahinga siya nang maluwag. Hinarap siya ng doctor noon.

 

"Kailangan pong lagyang ng ventilation ang bata ngayon, nahihirapan na po siyang makakuha ng hangin sa baga niya, kaya, humihina ang pulse rate niya dahil nahihirapan siyang maghanap ng hangin." Paliwanag ng doctor sa kanya.

 

Nakita niyang nilagyan ito ng hose ng ilong ng bata, at nilagyan din ito sa baba.

 

"Magiging maayos ba si Ashley kapag nakabitan po ng Ventilator Machine?" napatanong na lamang siya.

 

"Yes po, ma'am,"

 

Biglang may pumasok na tao sa loob, nakita niya ang mukha ni Sharlene, halata nito ang pagmamadali.

 

"A --- Anong nangyayari po doc? Bakit nilagyan po siyang Ventilator Machine?" tanong naman ni Sharlene na halatang nagulat.

 

"Ma'am, inatake po kasi ang bata kanina na nahihirapang huminga at iyong pulse rate niya bumababa kaya kailangan ng bata ang Ventilator Machine para masuportahan po ang stable ng paghinga ng bata." Paliwanag naman ni doctor kay Sharlene.

 

Napatango na lamang ito. "H --- Hindi na ba nahihirapan ang anak kong huminga?" tanong naman nito.

 

Tumango ito sa katanungan ni Sharlene. "Under monitoring pa po ang bata ma'am, the good thing is nag – r – respond po ang katawan niya sa gamot para sa mga sugat niya, hoping na magising na rin si Ashley." Sabi naman nito sa kanila.

 

"Maiwan mo muna namin kayo." Agad lumabas ang doctor sa kwarto.

 

Nagpakawala pa ito ng hangin noon. Nakita niyang pilit pinapakalma ni Sharlene ang sarili nito sa nangyari. Siya rin naman ay nagpanic sa ganoong pangyayari.

 

"Halika na." pabulong niyang sabi ni Sharlene.

 

"P --- Pagmamasdan ko na muna ang anak ko, saglit, Vivianne." Tanging hiling nito sa kanya. Tumango na lamang siya at hinayaan na munang pagmasdan ni Sharlene si Ashley sa loob.