UMUWI na muna si Tashia sa tinutuluyan nila ngayon, dahil magpapahinga rin siya at kasali sa usapan na magpapalitan sila kung sino ang naka – schedule magbantay kay Ashley. Simula nang sagutan na nangyari kina Martin at Sheila hindi na ito nagpakita pa sa hospital. Napapailing na lamang siya.
Pumunta siya sa kwarto at magpapahinga na muna siya, isa pa'y may klase pa siya bukas.
Ashley,please, magpagaling ka, kailangan ka ni ate Sharlene ngayon. Dasal sa isipan ni Tashia. Napahiga siya sa kama niya, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya nang mahimbing.
Napansin niyang may pumapatak na likido sa pisngi niya, naalimpungatan siya at kinusot – kusot ang kanyang mata, napatitig siya at tiningnan kung anong likido ang nasa pisngi niya ngayon. Nandito pa rin siya sa kanyang kama, nakahiga.
May nakatingin sa kanya, kaya naman napalingon siya kung saan nanggaling ang naramdaman niya, ngunit, wala naman siyang nakita sa kwarto. Napabuntong – hininga na lamang siya.
Naramdaman niya ulit na may nakatingin sa kanya, doon, nakita niyang may isang batang babaeng nakatalikod sa kanya, nakasoot na pang -ospital na damit, napalunok siya noon.
Napabuntong – hininga siya.
"Ashley?" tawag niya sa bata.
Lumingon ito, subalit, hindi pa rin niya kita ang mukha ng bata, nakasirado ang pinto niya noon at lumusot lang ito sa kanyang pintuan, napalunok na lamang siya, bumangon siya sa kanyang hihigan, at dali – daling binuksan ang pintuan.
Nandoon pa rin ang batang nakita niya, nakaupo sa couch, at na may tinitigan sa loob ng kanilang bahay.
"Ashley, may kailangan ka ba ni ate Tashia?" kahit natatakot siya, kinakausap pa rin niya ito.
Lumingon ito sa kanya. "Ate Tashia," tawag niya rito.
Tawag sa kanya, umiiyak at humihikbi ito ngayon.
"Ashley, may problema ba?" tanong naman nito sa bata, naaawa siya rito ngayon, malapit siya kay Ashley kaya hindi rin niya maiwasan ang mahabag sa kalagayan nito ngayon.
"Si Lola," sumbong nito sa kanya.
"Bakit?" tanong niya noon. "Huwag ka na munang sumama sa lola Felicia, please, kailangan ka ng Mama mo ngayon." siya na ang nagmamakaawa nito, para kay Sharlene.
"Isasama niya ako." Sumbong naman nito sa kanya.
Napailing siya at pinipigilan niya ang batang sumama sa isang kaluluwang namayapa.
Namayapa na ba talaga si Lola? Napatanong na lamang sa kanyang isipan, kapag bumabalik ang nakita niya noong nakakulong ito sa isang kulungang hindi madaling takasan.
"Tulong, ayoko doon, ate Tashia, sinasabi nilang tulungan ko si lola Felicia para papuntahin si Mama sa kanila."
Nakunot at napatingin siya sa bata sa kanyang narinig, hindi niya kaagad naunawaan kung ano ang gusto nitong iparating sa kanya.
"N --- Naguguluhan ako, Ashley." Napailing – iling na lamang siya na hanggang ngayon, prinoproseso pa rin sa kanyang isipan iyon.
"Si Mama, Si Mama, ang gusto nilang tumulong sa kanila." Napasabi naman nito.
Ashley. Malumanay ang pagtawag nito sa pangalan ng bata.
Nagpakita ang kanyang lola Felicia noon.
"Sumama ka sa akin, Ashley." Iyon lang ang sabi nito sa bata, nakita niya ang takot sa mga mata nito, mahina itong napailing – iling at pilit iniiwasan ang kanyang lola.
Pinigilan niya ang paglapit ng kanyang lola sa bata.
"La, ano bang nangyari sa inyo? Ako na ang nagmamakaawa ngayon, huwag ninyo itong gawin sa apo mo." Pakiusap niya rito.
"Pakisabihan mo si Sharlene, magmadali na siya."
Matapos sabihin iyon, naglaho ito sa kanyang paningin, at si Ashley naman nakatingin lang ito sa kanya na umiling – iling sa kanya na huwag maniwala sa sinabi nito.
"Ate Tashia, pakialagaan mo si mama ha?" nakita pa niyang ngumit sa kanya at naglaho ito.
"Ashley!" Napabangon siya sa kanyang hihigan noon.
Panaginip ba ang lahat ng iyon? Tanong niya rito. Napansin niyang kanina pa nag – vibrate ang phone niya, tiningnan niya, maraming missed calls galing sa kapatid niyang si Vivianne.
Dumaklot ang kaba niya noon, tila, napanghihinaan siya ng loob, kung ano ang ibabalita nito sa kanya. Muli, nag- vibrate na naman ang phone niya.
Kaya dali – dali siyang sumagot.
"Ate Vivianne, napatawag ka?" tanong naman niya rito.
"Tashia, si Ashley ---"narinig pa niyang napalunok ito.
"A --- Anong nangyari kay Ashley?" tanong naman niya rito.
Huminga pa ito nang malalim, tila nahihirapan itong sagutin ang katanungan niya, biglang nanginig ang kamay niya, hindi siya handa kung anong maririnig niya ngayon.
"Ate!" tawag niya rito.
"Ang sabi ng doctor, hindi na raw normal na hindi nagigising si Ashley." Nanginginig pa ang boses nito.
"B --- Bakit?" tanong naman niya rito.
"She's on comatose."
Hindi siya makapangusap nang marinig niya iyon.
"Comatose?" tanong niya, kung tama ba ang naririnig niya ngayon.
"Oo, she's on state in comatose, which is --- which is may posibilidad na mawala si Ashley, k--- kung hindi lalaban ang katawan niya, pati na rin sa blood clot na natamo niya." Paliwanag nito, alam niyang pinipigilan nito ang emosyon ng kapatid niya ngayon.
"A --- Alam ba ito ni ate Sharlene?" tanging tanong niya.
Hindi niya kayang tumayo noon, nanghihina ang tuhod niya sa nalaman niyang balita.
"Nandito siya ngayon, nasa loob siyang tinitigan si Ashley."
"Anong sabi ng doctor, may posibilidad bang mawala ang blood clot na natamo ng bata?" tanong naman niya.
"Kailangan nilang magsagawa ng surgery, k --- kahit comatose ang bata, pero, it will take risk din. Kaya nga ngayon, pinapili siya ng doctor."
"Another option bukod sa surgery, ate."
Gusto niyang humanap kahit katiting na pag – asa lamang.
Napabuntong – hininga pa ito, bago sumagot sa kanya. "The other option is, they need to observe Ashley, may na pampalusaw para mawala ang blood clot nito, pero, kung hindi ito mawala, magkakaroon ng operasyon." Sabi pa nito sa kanya.
"Ilang weeks ang observatory nito?" tanong naman niya.
"One week to two weeks, kung kaya ba ng bata na labanan ang gamot na ituturok nito."
Napatango – tango naman siya noon.
"Anong desisyon ni ate Sharlene?" tanong naman niya kay Vivianne.
"Alam mo namang ayaw din niya ang first option na ooperahan ang bata, nanalangin siyang sa two weeks may improvement ito, kahit nasa state ito ng comatose." Sabi naman nito.
Nakahinga siya nang maluwag noon sa desisyon ni Sharlene na hindi ito ipapa – opera ang bata, naniniwala siyang may improvement si Ashley.
"S – Salamat ate Vivianne, please support ate Sharlene there, kailangan niya tayo ngayon." tanging napasabi na lamang niya.
"Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin iyon, Tashia." Napabuntong – hininga na lamang ito sa pinagsasabi niya.
Hindi ako papayag na mawala ka Ashley, hindi papayag si ate Tashia na iwan mo kami rito. Lalaban tayo, pamangkin. Lalaban tayo. Iyon lang ang sabi niya sa kanyang isipan.
"Samahan mo muna si ate Sharlene diyan." Sabi na lamang niya.
"Magpahinga ka na muna, bukas, may pasok ka." Sabi pa nito.
Tumango na lamang siya noon, kailangan niyang sabihin ang nakikita niya ngayon. Napapikit na lamang siya at napabuntong – hininga na lamang.