NAKITA niya ang pagkalito sa mukha ng babaeng kanyang kaharap ngayon.
"Pwede ba ninyong ipaliwanag kung bakit nadadamay ang anak ko rito? Bakit nakakulong ang kaluluwa niya, hindi pa patay ang katawan ng batang iyan." Tanong nito, halata sa mukha nito ang pagtataka at pag – aalala sa anak nito.
"Kasalanan niya iyon, Sharlene, kasalanan niya." Sisi naman ni Felicia kay Leah, sanay na sanay na siyang sisihin siya sa ganitong pagkakataon, kalma niyang tiningnan ang nasa harap niya.
"Ang dami – dami kong katanungan, b – bakit nandito sila? A --- Anong lugar ito?" Sunod – sunod naman nitong tanong.
Napabuntong – hininga na lamang siya. "Sharlene," tawag niya rito sa pangalan ng kaharap niya at tinitigan niya ito.
"Alam kong masasagot mo ang mga katanungan mo." Tumayo siya noon sa kanyang upuan.
"Hindi ko alam kung sinong kakampihan mo, o sinong tutulungan mo."
"Huwag ninyong idamay ang bata rito, k – kung ano mang kasalanan ko sa inyo, sa iyo lola, please huwag ninyong idamay ang anak ko." Napakuyom na lamang ito.
"Isa pa, labas ako sa gulo ninyo at sa anak ko, may sarili akong kinakaharap na problema, kaya pakawalan ninyo ang kaluluwa ng anak ko."
"Rinig mo iyon, Felicia?" binalingan niya ang isang silda masama siyang tinitigan nito. "Anak niya ang prinoproblema niya ngayon." sabi pa niya naman.
Tinitigan siya mula ulo hanggang paa nito, at inilipat ang tingin kay Sharlene.
"Sharlene, kapag nakalaya kami rito, tutulungan ka namin, itong mga kasama ko pwede silang makatulong sa problema mo ngayon, lalong – lalo na kay Ashley, Sharlene, alam ko ang pakiramdam na kinasadlakan mo ngayon, kaya sige na, apo. Para matahimik na ang kaluluwa ko." Pangungumbinsi nito kay Sharlene, nakita pa nito kung paano ito magmakaawa.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti at mapailing – iling na lamang.
Tiningnan naman ni Sharlene ang kamay nito. nagdadalawang – isip ito.
"Bakit kinulong ninyo ang anak ko?" ulit nitong tanong. "Hindi pa ninyo sinasagot ang katanungan ko."
"Ako ang nagkulong kay Ashley." Pag – amin niya rito.
"Anong ginawa ng anak ko sa iyo?" tanong naman nito na nakita niya ang nag – aapoy na galit nito.
"Sharlene, masamang kaluluwa ang kinakausap mo, walang magandang maidudulot iyang si Leah." Rinig pa niyang sabi nito.
"Ginawa ko iyon, dahil gusto ko." Ngumiti siya rito.
"Pakawalan mo ang anak ko, kundi pakakawalan ko si lola." Pananakot nito sa kanya.
Ngumiti ito sa kanya. "Iyon ang hindi ko papayagang mangyari." Seryoso naman niyang sabi noon.
"Anong kasalanan nila sa iyo at nababalot ka ng galit? Hindi ka ganyan nang makita kita na nabubuhay pa lamang."
Napangisi na lamang siya at mahinang napatawa. "Alam kong malalaman mo rin iyan, kung gusto mo talagang malaman, may kakayahan kang maglakbay at makita ang nangyari noon, kaya mo iyong gawin na wala ang tulong ng lola mo." Sabi pa niya.
"Lola, sabihin mo sa akin ang totoo, ikaw ba ang dahilan kung bakit palagi kong nakikita ang buhay niya noon?" Tanong na lamang nito sa kanya.
"Dahil gusto kong matahimik, at gusto kong makita ang nakaraan niya, pagkatapos nito, hindi na ako manggugulo, ginawa ko ito para rin sa ikabubuti mo."
Hindi ito sumagot, nag – isip ito at tiningnan siya nang maigi. Lumapit ito sa kanyang anak na nakakulong.
"Babalik ako, anak, babalik ako. Huwag kang sumuko, please." Iyon lang ang narinig niya kay Leah.
Tiningnan nito ang tatlo. "Babalik ako, ako na mismo ang umalam sa katotohanan, kung pakakawalan ko ba kayo o hindi." Rinig niyang sabi.
"Sharlene."
Hindi pa ito pinatapos ni Sharlene. "Babalik ako, Lola."
Nawala ito na parang bola sa kanilang paningin, tantiya niya nagising na ang diwa nito, nanggaling sa isang mahabang panaginip. Nababalot ang buong katahimikan na namagitan na nawala si Sharlene.
Umupo siya noon na pinagmasdan ang tatlo, napatawa siya, dahil hindi naman nagtagumpay ang plano ni Felicia na palayain sila.
"Felicia! Nandoon na ang susi natin, apo mo ba talaga iyon?" tanong ni Manuel rito.
Hindi ito nagsalita, nasisisi pa ito.
"Naniniwala ka bang ganoon katanga ang apo mo mag – isip, Felicia?" tanong naman niya na mahinang napatawa.
Nanginginig na ito sa galit na masama siyang tinitigan. Napapailing na lamang siya, tumayo siya at umalis na lamang.
Hinipo niya ang silid ni Ashley na tiningnan ang bata.
Bakit nagsinungaling ka kay Mama, na sinagip mo ako? Siya lamang ang nakarinig sa boses nito.
Hindi siya nagsalita. Makakalaya ka rin dito, gagawa ako nang paraan para mawala ang sumpa ng lola mo sa iyo.
Umalis siya matapos sabihin iyon sa bata. Nakalabas siya sa kanyang itinuring na tahanan na kadiliman. She waves her hand, at napunta siya sa isang pinaglumaan na mansion. May mga alaala siyang naiiwan nang nabubuhay pa siya rito.
Pumasok siya sa mansion, mga pinaglumaang gamit, ang ibang kakilala niya ay lumapit na rin at iniwan ang mansion na ito, ang dating masayang mansion niya, ay kagaya rin niyang punong – puno ng kalungkutan at poot.
Dati siyang mapayapang tumitira rito, nahagip niya ang kanyang dating kwarto na nabubuhay siya, naalala niya ang matamis na pag -ibig na naranasan niya noon na mapagpapahamak sa kanya.
"Napakatanga mo talaga noon, Leah." Komento niya sa kanyang sarili at napatawa na lamang, umupo siya sa kanyang hihigan.
Ibinigay niya ang lahat sa lalaking minahal niya nang husto, binigay ang pagiging babae niya, naging mabuting asawa at nagiging mabuting manugang sa magulang nito.
Lumabas siya sa kanyang kwarto, may pinuntahan siya. May hinanap siyang isang puntod.
Nakita niya ang kanyang sarili noon, halos hindi magkamaliw sa pag – iyak, dahil sensitibo ang pagbubuntis niya, pinalaglag nito ang bata sa kanyang sinapupunan.
Anak! Naririnig pa rin niya ang palahaw niya noon, noong ginawan niya ito ng isang puntod, dahil siya lang naman ang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang anak, walong buwan siyang buntis at nabubuo na itong sanggol, doon, gumuho ang mundo niya bilang isang ina.
Nandito pa pala ito hanggang ngayon. Napasabi sa kanyang isipan. Hindi niya nakita ang anak niya noong pumanaw siya, dahil hindi siya matahimik, dahil sa gusto niyang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay niya.
Isang kaluluwang gustong matahimik noon, subalit, ginago nila ako. Napasabi sa kanyang isipan noon na napapatawa lang.
Gagaguhin ko rin kayo, Felicia, Angely, Manuel. Ginamit ninyo ang isang taong walang kinalaman rito, hanggang ngayon, hindi pa rin kayo nagbabago.
Naglalakad siya sa maraming taong dumaraan at halos nagmamadali ito para makarating sa paroroonan, minsan, nakabangga niya ito, ngunit, lumulusot na lamang siya. Nababasa ni Leah ang mga isipan nito, ngayon niya lang napagtantong nakakatakot ang tao, natatakot siya sa pwedeng gawin nito para lang marating nito ang gustong patunguhan.
Pinagmasdan niya ang mga nabubuhay, kailangan niyang bumalik ulit. Dinalaw niya ang kanyang mga kakilala, nandito pa sana siya kung hindi pinagkait ang buhay niya.