CHAPTER TWENTY

NASA paaralan ngayon si Sharlene, hindi niya maiwasang mahati ang kanyang isipan ngayon, lalong – lalo na na nandoon pa ang kanyang anak na si Ashley na idineklara ng doctor na comatose ito.

 

Noong sabado'y muntik ng manganib ang buhay ng kanyang anak at kahapo'y idineklara ito na comatose ang bata.

 

Diyos ko, bakit ang anak ko pa? Sana ako na lang ang pinarusahan mo. Napasabi sa kanyang isipan. Pilit niyang pinipigilan ang emosyon niya ngayon, ang takot na nararamdaman niya na nangyayari kay Ashley.

 

Gusto ng bumitaw ng puso niya at mag – iiyak, pero, wala siyang panahon rito, kailangan niyang tatagan ang kanyang loob, dahil, siya na lamang ang inaasahan ng kanyang anak.

 

Walang klase ang Basic Education, dahil sa nangyari, pinakalma na muna ang lahat, at sila lang noon ang may pasok. Nakausap na noon ang may – ari sa paaralan at mga department heads nito. Magbibigay ito ng assistance, lalong – lalo na sa mga nasawing mga bata, dahil, ito'y aksidente na hindi nila inaasahan.

 

Kung may sisihin man ay ang mga facilities na hindi naihanda noong may field trip ang mga bata, lalong – lalo na sasakyan nito.

 

Isa na siya sa matutulungan, nabalitaan din niyang kakaunting survivor lang ang napalayo sa kamatayan.

 

Kasali ba ang anak ko roon? Napatanong niya ulit.

 

Tatlong mga bata ang kagaya ngayon sa kalagayan ni Ashley, ngunit, ang dalawa'y hindi kinaya at si Ashley na lamang ang natira, ang ibang kinder ay nandoon din sa ospital, may kaunting mga pasa ngunit, hindi rin nanganganib ang buhay, ipinagpapasalamat niya iyon.

 

Twenty – five students sa iisang seksyon, walo na ang nabawian ng buhay, tama na, masyadong masakit ang nangyari sa mga batang umuusbong pa lamang ang pangarap. Napatitig na lamang siya sa kawalan. Wala pa rin siyang huwesyo ngayon.

 

"Sharlene." May tumawag sa kanya.

 

Lumingon siya at nakita niya ang kanyang kasamahan.

 

"Ayos ka lang ba?" tanong nito sa kanya at nakikita ang nag – aalala nitong mata.

Mahina lang siyang napatango at pinilit niyang ngumiti noon.

 

"Leave ka na muna, Sharlene." Iyon lang ang nasabi ng kanyang kasamahan.

 

"Hindi ako pwedeng mag – leave ngayon, kailangan kong kumayod pa para sa anak ko." Sabi naman niya.

 

Napabuntong – hininga na lamang ito at mahinang napatango, halatang ginagalang nito ang desisiyon niya.

 

"Huwag mo sana ring pabayaan ang sarili mo, Sharlene." Napasabi na lamang nito.

 

"Maraming salamat sa pagpapahinga." Iyon lang ang tangi niyang nasabi.

 

Nagpaalam ito sa kanya at umalis na rin. May vacant pa naman siya, nahihilo siya dahil wala pa siyang tulog, dahil hindi rin naman siya makatulog dahil binabantayan niya ang kanyang anak.

 

Masakit din ang ulo niya, kaya naman, hinilot – hilot niya ang sentedo niya para maibsan ang sakit.

 

Ipinikit na muna niya ang kanyang mata, gusto na muna niyang ipahinga ang buo niyang katawan ngayon. Agad siyang nakatulog dahil sa pagod na naramdaman niya.

 

Mama, Mama, Mama. Sunod – sunod na tawag ng isang boses, naalimpungatan siya noon, inaakala niyang guni – guni lang ang kanyang narinig.

 

Mama, Mama, bumubulong na ang boses na kanyang narinig, may naririnig siyang umiiyak na isang bata. Kaya naman, dali – dali niyang tiningnan ang paligid niya, nabigla na lamang siya na nasa kawalan siya ngayon.

 

Nasalubong niya ang tingin ng isang bata, agad niyang nakilala ito.

 

Ashley? Tawag niya sa kanyang anak.

 

Tiningnan niya ang anyo nito, humihikbi itong nakatingin sa kanyang gawi. Kinurot ang puso niya noon, dali – dali niyang nilapitan ang bata.

 

Ashley, b --- bakit? A --- anong ginagawa mo rito? Sunod – sunod niyang tanong sa bata. Hinawakan siya ng bata, at napadpad ito sa isang kadiliman na walang katapusan, tiningnan niya ang paligid, nabigla na lamang siya, dahil may nakikita siyang mga taong parang nakakulong, sa harap niya, may nakita siyang bata na nakapungko at malungkot na parang hindi ito makawala kung nasaan siya.

 

"A --- Anak, bakit nakakulong ka riyan?" tanong niya sa kanyang anak na pilit inaabot niya ang kamay nito.

 

Mama. Tawag nito sa kanya at tumayo, nais din damhin nito ang kamay niya na inaabot ito.

 

"Hindi siya makawala riyan, Sharlene." Pamilyar ang boses nito, kaya agad niyang nilingon ito, hindi siya makapaniwalang nakita niya ang kanyang lola Felicia, ngunit, ang kaluluwa nito ay tila bumalik sa kabataan nito.

 

"L—Lola, b---- bakit nakakulong ka?" tanong naman niya na hindi na maintindihan ang nakikita niya ngayon.

 

"Ikinulong kami rito." Sagot naman nito.

 

"S --- Sinong nagkulong sa inyo?" tanong naman niya, binalingan niya ang kanyang anak noon na inaabot siya, tila may gusto itong sabihin sa kanya.

 

"Sino ang nagkulong dito kay Ashley, hindi pa patay ang anak ko." Nagsimula na siyang makaramdam ng galit dahil sa nakikita niya ngayon.

 

"Sharlene, kailangan mo kaming palayain rito."

 

"Palayain? Anong gusto ninyong gawin ko para mapalaya ko kayo riyan?" tanong naman ni Sharlene.

 

"Abotin mo lang ang kamay ko, Sharlene, ikaw ang nagsisilbing susi para makalaya kami."

 

Napakunot naman ang kanyang noo. "Susi?" unti – unti siyang lumapit, hindi lang ang lola ang nakakulong, kundi may dalawa pa itong kasamahan.

 

Nagsasabi ang intuition niya na huwag ng makialam sa nangyayari, ang importante sa kanya ay ang kanyang anak na nakakulong sa isang sildang hindi niya nakikita, ngunit, hindi niya maabot ang kanyang anak, kahit anong gawin niya rito.

 

"Oo, susi para makalaya kami rito." Sagot nito sa kanyang katanungan.

 

"Kapag ba nakalaya kayo, tutulungan ninyo akong mabawi ang anak ko?" tanong niya sa tatlo.

 

Dali – daling tumango ang dalawang kasama ng kanyang lola.

 

"Sige na Sharlene, abutin mo ang kamay ko."

 

Sinunod niya ang sinabi ng ni Felicia, ewan ba niya kung bakit tila may humihila papalapit sa kanyang lola.

 

Napapansin niyang panay iling lang ang nakikita niya kay Ashley, hindi niya marinig ang sinasabi nito.

 

Tutulungan kita, pagkatapos nito anak. Napasabi na lamang sa kanyang iniisip.

 

"Oh no." Napatda siya nang may palad na pumigil sa kanyang kamay. Malapit na niyang maabot ang kamay ni Felicia, napansin niyang isa itong babae.

 

May bumabalik na alaala sa memorya ni Sharlene noon, bigla na lamang sumakit ang ulo niya. Kaya naman, marahas niyang hinawi ang kamay ng babae.

 

Tiningnan niya ang babaeng humawak sa kanya, nakapadamit ito ng panluksa. Napalunok siya, dahil tila kilala niya ang babae. Narinig niyang mahinang dumaing ang tatlo na tiningnan ng masama ang nakaluksang babae.

 

"Kilala mo pa ba ako, Sharlene?" tanong naman ng babaeng nakaupo na tinitigan siya.

 

Nagtaas ito ng mukha at nasilayan niya ang ngiti nito.

 

Hindi maaari, hindi maaari. Pilit niyang tinatanggi sa kanyang isipan ang nakikita niya ngayon.

 

Napalunok siya at nagsalita. "Leah?" tanong naman niya rito.

 

Malapad ang ngiting iginanti nito sa kanya.

 

Litong – lito siya sa kanyang nakita ngayon, dahil ang mga panaginip niya kay Leah ay ibang – iba sa kanyang nakita ngayon.

 

Ang mga mata nitong punong – puno ng galit, ibang – iba ito sa nakilala niyang Leah.

 

"Oh dear, sasabihin ko lang sa iyo na hindi ako nagdadala ng impormasyon na iyon sa buhay ko noon."

 

Nagulat naman siya na tila nababasa nito ang kanyang iniisip. Napatitig naman siya noon.

 

"Ano ang ibig mong sabihin?" napatanong na lamang ni Sharlene.

 

"Bakit hindi mo tanungin ang lola mo?" tanong naman nitong ningitian siya.