DIRETSO kaagad si Tashia sa ospital, pagkatapos ng kanyang klase, nasa private room na inilagay si Ashley noon, nalaman nila sa assessment na nag – re – respond ang gamot nito at isa pang gamot para malusaw ang blood clot nito sa utak.
Ngunit, kasabay ng magandang balitang iyon, ay may kailangan silang gawin, tutulungan nila si Sharlene sa gagawin nito, pinagsawalang – bahala pa rin ng kanyang ate ang asawa nito, at ang naging kaibigan ni Sharlene kay Sheila.
Dahil alam nilang may kinalaman ang kapatid nito noon. Sa kanyang pag – iisip ay nakaabot na siya, at dali – dali siyang pumasok.
Nandoon si Sharlene, hinahaplos ang noo ng anak na alam niyang nangungulila sa yakap at lambing ni Ashley, hindi pa rin ito tinanggalan ng oxygen, para matulungan pa rin itong huminga.
Tiningnan niya ang kanyang pamangkin na mahimbing na natutulog. Napapansin niyang ang sugat sa katawan nito ay unti – unti ng naghihilom, ang mga natanggap nitong pasa ay unti – unti na ring nawawala.
Nagpapasalamat siya na may improvement ito, nagdadasal pa rin siyang hindi na manganib ang buhay nito, at kapag gising na ang bata'y mawala na sana ang blood clot nito.
"Tapos ka na bang kumain, Tash?" tanging tanong na lamang ni Sharlene sa kanya.
Tumango – tango siya, nagtatrabaho pa ang kanyang kapatid.
"Ate, malapit ng semestral break namin, baka makatulong ako sa iyo." Iyon lang ang nasabi niya.
Napatitig na lamang ito sa kanya, at ningitian siya ng tipid. "Salamat, Tashia."
"Pinayohan ako ng head namin na mag – leave naman ako." Tanging narinig naman niya sa kanyang kausap.
"With pay ba iyan ate? Tuloy – tuloy pa rin ba ang salary mo?" tanong naman niya rito.
Mahina itong napatango sa kanya.
"Siguro'y desisyon rin iyon ng may – ari at ibang heads sa school namin na mag – leave na muna ako para matutukan ko si Ashley." Napasabi naman nito sa kanya.
"Ano naman ang desisyon mo?" tanong naman niya na nakikinig lang sa sinasabi ni Sharlene.
"Well, if iyon ang gusto nila, I will take it, saka inaayos ko lang ang mga papeles ko para madaling ma – approve ang leave ko."
"Mabuti na iyon ate, para rin makapagpahinga ka." Sabi naman niya.
"Tashia, hindi ako pwedeng magpahinga, kailangan ko munang alamin ang katotohanan, k—kung bakit ganoon na lamang ang galit nito."
"Okay po, kung iyan ang desisyon mo, nandito lang kami." Napasabi na lamang niya.
"May discount ba iyang pagtulong mo?" pabiro naman nitong tanong sa kanya.
Nagpang – abot na lamang ang kilay niya. Napailing – iling na lamang siya.
"Ang mahalaga sa akin, maging ligtas ang pamangkin ko."
"Salamat at itinuring mo totoong pamangkin ang anak ko, Tashia. Gayong, hindi naman tayo magkadugo." Ngumiti ito sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa, para sa kanya, kahit man hindi sila magkadugo ni Sharlene, itinuring na niya itong totoong kapatid, kahit man hindi nila alam ang buong pagkatao nito ay tinanggap pa rin niya iyon, dahil sa kanyang ate Sharlene, nag – aaral siya ngayon sa maayos na paaralan.
"May ipapabili ka ba ate?" tanong na lamang niya.
"Ah, oo." Sabi pa nitong nag – isip, isip. "Nakalimutan kong bumili ng maiinom." Kinuha pa nito ang wallet.
"Tubig lang ba ang ipabibili mo?" tanong na lamag niya.
"Bumili ka na rin ng makakain natin bukas, salamat. Tash."
Tumango na lamang siya, nandoon lang ang gamit niya sa paaralan, hindi na siya nagbihis pa, dahil mamaya na siya magbibihis kapag tapos na niyang bilhan ang ipinautos ni Sharlene sa kanya.
Malapit lang naman ang hospital sa mga convenience store na nandoon, pwede ring bumili ng gamot rito, dahil marami ding botika ang nandoon nakaantabay.
Pumasok siya sa convience store, naglakad lang naman siya, maaga pa naman, dahil maagang natapos ang klase niya ngayon.
Agad niyang binili ang sinabi ni Sharlene, pati na ang makakain nila bukas nang maaga. Pagkatapos niyang bumili, agad naman siyang bumalik sa private room na nandoon si Ashley, nagpapasalamat siyang wala na sila sa I.C.U, dahil natatakot siya sa kalagayan ng bata.
Tatawagin na sana niya si Ashley nang napansin niyang mahimbing itong natutulog, nakahawak ito sa kamay ng bata.
Inilagay na lamang niya ang mga ipinamili niya, umupo siya at pinagmasdan ang mag -ina.
Kailangan rin nitong magpahinga. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Nagbabasa na lamang siya ng kanyang notes at kailangan rin niyang mag – aral, kailangan niyang gawin ang multi – task.
Bumukas ang pintuan, akala niya dumating na ang kanyang kapatid na si Vivianne, napatingin siya, at nakita niya si Sheila na nakamasid may kasamang lalaking hindi niya kilala, at hindi iyon si Martin.
Napataas lang ang kilay niya, inilagay niya ang kanyang binabasa ngayon.
"Anong ginagawa mo rito?" diretsahan niyang tanong sa babae.
Napatingin ito sa kanya, napabuntong – hininga pa ito. "Walang respond ang babaeng iyang sa mga sulat sa lawyer ko, ipapadampot ko si Sharlene." Matapang nitong sabi.
"Kung ipapadampot mo, sana nagsama ka na ng pulis rito, di ba?"
Tumayo siya, ayaw niyang disturbuhin ang natutulog na si Sharlene.
"Pwede ba, kung mag – iskandalo ka rito, huwag rito."
Bigla niyang hinila si Sheila sa labas, nagulat ito sa kanyang ginawa.
"Umalis ka na." utos niya rito.
"Aba, Tashia ang kapatid mo ang may kasalanan sa akin, nakalimutan mo iyon?" tanong nitong pagtataray.
Sasagot na sana si Tashia.
"Kung ikaw kaya ang ipapakulong ko." Sabat ni Vivianne sa usapan nila noon.
"Ako ang ipapakulong mo?" napatawa pa ito.
Napangiti na lamang si Vivianne sa nakita nitong lalaki.
"Pinagsawaan mo ba si Martin?"
Hindi ito nakasagot kaagad.
"Wala akong pakialam sa inyong dalawa, sumama ako sa lawyer ko pa para masiguradong maibigay iyan ng babaeng iyon!" sabay bato ng isang envelope.
Agad niyang kinuha iyon, napataas ulit ang kilay niya.
"Let's go, Ma'am." Magalang ng sabi ng lalaki.
Mahinang napatawa si Vivianne na ikinagulat naman niya.
Napailing – iling na lamang ang kanyang kapatid.
"Pasensya na, sige rito na ako, and I will make sure na maibibigay ko kay Sharlene iyan."
"You little--- "
"Let's go."
Tinapunan sila ng masamang tingin ng lalaking kasama nito. Naglakad na rin ito papaalis.
Inihatid niya ng tingin ang dalawa, napabuntong – hininga na lamang siya, at napatitig kay Vivianne.
Walang salita si Vivianne at lumakad ito na parang walang nangyari, sumunod lang si Tashia at napabuntong – hininga na lamang sa maikling sagutan na nangyari kanina.
Maldita talaga. Napasabi sa kanyang isipan at napailing – iling na lamang.
Nakabalik na sila sa private room, tulog pa rin ang si Sharlene, malalim ang tulog nito ngayon, sana nga lang hindi ito binabagabag sa nakaraan.
"Ibibigay mo ba iyan?" tanong naman ni Vivianne sa kanya.
"Kailangan nating ibigay." Iyon lang ang sinagot niya sa kanyang kapatid.
Umupo ito at walang imik na minasdan si Sharlene na natutulog nang mahimbing noon.