PINATAWAG si Sharlene sa opisina, kaya naman, dali – dali siyang pumunta roon. Nakapag – desisyon siya na mag – leave kahit isang buwan lang para hanapin at alamin ang katotohanan na bumabalot ngayon sa kanyang pagkatao.
Nasa harap na siya principal's office, ngayon na ring araw ang opisyal na mag – le – leave siya, ma – mimiss niya ang advisory class niya, pero para sa kanya mas nakaububti iyon, dahil nawawalan siya ng huwesyo dahil sa iniisip niya at sa kanyang anak.
Napabuntong – hininga na lamang siya bago siya pumasok, dala – dala niya ang ibang documents sa kanyang official leave form, agad siyang kumatok at nandoon naman ang secretary sa office.
Sinenyasan siya na hinihintay din siya nito.
Kinatok niya ang pintuan para ipagpaalam na nakarating na siya.
"Yes, come in." iyon na lamang ang kanyang narinig.
"Mrs. Fransisco." Tumango pa ito sa kanya na tiningnan siya nang mataman.
"Good morning po, Ma'am." Pagbibigay – galang niya sa kanyang nakatataas.
"Good morning, take your seat."
"Thank you po."
Nagkaroon naman ng katahimikan sa kanilang dalawa.
"This will be your last duty, right? Magkakaroon ka ng vacation leave which is one month, at magkakaroon ka ng sweldo kahit naka on – leave ka." Sabi pa nito sa kanya.
Napatango na lamang siya bilang pagsang – ayon sa sinabi ng kanyang principal.
"Ibibigay ko na po itong last documents na ibibigay ko mamaya sa H.R. dahil may hiningi din sila sa akin."
Napatango naman ito sa kanya na pinagmasdan siya. Napabuntong – hininga pa ito.
"Maraming nagulat sa insidenteng nangyari, at maraming pumanaw na mga bata, it's very scandalous event to out school. Kaya, ipinagbabawal na muna ang field trip ng mga bata pati na rin sa junior high school at senior high school department." Napasabi pa nito sa kanya.
"How's your child?" biglang tanong sa kanya at tiningnan siya.
"S--- She's doing fine, Ma'am."
"I heard she's on comatose right now, alam kong gaano kabikat ang dinadala mong problema ngayon, Sharlene. But, please, come back here if she's doing well, okay?" tanong pa nito na nakangiti sa kanya.
"Yes po Ma'am, maraming salamat po sa concern ninyo."
Tinapik pa siya noon. "Huwag kang mag – aalala sa advisory class mo, papasok rin iyong substitute teacher nila bukas."
Napatango siya ulit.
"May papipirmahan ka ba sa akin?" tanong naman nito sa kanya.
"W --- Wala po ma'am, matatapos na rin ito." Napasabi na lamang niya.
"Okay, just take time and take care sa vacation leave mo." Tumango lang ito sa kanya.
"Salamat po." Tumayo na rin siya noon. Bago siya lumabas, nagbigay - galang siya at marahang isinara ang pinto sa office.
Napabuntong – hininga na lamang siya. Bigla siyang tinapik ng kanyang isang kasamahan. Kahit papaano'y naiibsan ang mga pangamba niya sa mangyayari sa kanyang buhay ngayon, dahil, sa simpleng pagsuporta at pagtapik sa balikat niya at nagpapagaan ito ng kanyang kalooban.
Ihahatid na muna niya ang mga documents sa kanilang H.R. para hindi na siya babalik bukas, dahil focus na muna siya sa kanyang anak ngayon.
May notice na naman siyang natanggap sa abogado na kinuha ni Sheila, talagang hindi siya tinatantanan nito, pero, dedma lang iyon sa kanya, saka, nagkasagutan pa ito sa kanyang kapatid na si Vivianne.
Ang babaeng iyon, kahit kailan talaga. Napasabi na lamang sa kanyang isipan at napabuntong – hininga na lamang.
Dumaan siya sa H.R. at agad ibinigay ang kulang niyang mga pansuportang papel. Nakakatanggap rin siya ng monthly assistance, hanggang gumaling ang kanyang anak, nagpapasalamat siya dahil sa assistance na iyon, hindi siya mangangapa kung saan kukuha nang ganoong kalaking pera na ibabayad niya sa ospital patin na rin ang gamotan ng kanyang anak.
Kailangan kong magmadali. Napasabi sa kanyang isipan.
May kinuha na muna siya sa kanyang classroom, ihahanda na rin niya ang learning plan, para malaman kung anong lesson siya tumigil sa pagtuturo sa mga bata.
"Ma'am." Mahinang tawag sa kanya.
Napalingon naman ito sa kanya.
"Babalik ka rin naman po ba?" tanong naman nito sa kanya.
"One-month lang ang leave ko, saka, pakisabi ng magiging subject teacher ninyo kung saan kayo tumigil sa talakayan," pinaalalahanan niya ang mga mag – aaral niya.
"Sana at sana nga magpakabuti kayo habang naka – leave ako, ayokong makarinig na may nagrereklamo sa section ninyo." Napabuntong – hininga na lamang siya.
Puro tango lang ang natanggap niya. Tiningnan niya ang mga mukha ng kanyang mga estudyante, hindi nito ipinapakita sa kanya na malungkot sila, kaya napangiti siya nang palihim noon.
Mga bata nga naman. Napasabi sa kanyang isipan.
"Aalis na ako, see you when I see you." Ngumiti na lamang siya sa kanyang advisory class.
Hindi na siya magiging guro sa isang buwan, magiging in ana muna siya at aalamin ang misteryo na balot ng kasinungalingan sa pagkatao ng babaeng si Leah.
Diretso siya agad sa pinaglumaang bahay na pagmamay – ari ng kanyang lola, nabigla na lamang siyang may taong nakaantabay sa gate na parang nag – aantay ito sa kanyang pagdating.
Hindi niya maaninag ang pagmumukha ng lalaking nag – aantay sa kanya, sa paglapit niya ay unti – unti niyang naaninag ang mukha nito, na siyang ikinabigla niya.
"Lawrence?" napatanong naman niya.
Ngumiti ito sa kanya. "I'm glad naalala mo pa ako." Napasabi naman nito sa kanya.
Nagpang – abot naman ang kanyang kilay dahil, dahil ito ang naging kaibigan niya simula nang kupkopin siya ng kanyang naging ina na si Linda Rosario, anak ng kanyang lola Felicia.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong naman niya.
Napatawa pa ito. "Nagbabakasyon lang ako, ang sabi ng iba na nakapag – asawa ka na at lumipat sa karatig – bayan." Ngumiti pa ito sa kanya. "Kumusta ka naman?" tanong naman nito sa kanya.
"Ah, oo, lumipat nga kami kasi nandoon ang asawa ko. O – okay lang naman ako." Pagsisinungaling niya rito.
"Eh? Nagbabakasyon ba kayo ng asawa mo rito?" tanong naman nito sa kanya.
"Ah, O--- Oo, pero, wala siya ngayon, busy siya ngayon."
Napatango – tango na lamang ang kanyang kaharap.
"T—Tumuloy ka na muna." Yaya niya sa lalaki.
Napatawa pa ito sa kanya. "Glad to see you, again Sharlene. Napadaan rin ako rito at timing nadatnan kita."
Tumango na lamang siya.
"Sige, aalis na ako." Sabi pa nito sa kanya.
"Sige- sige, mag – ingat ka."
Agad itong sumakay sa sasakyan, nagmaneho ito, siya naman nakatingin lang sa papalayong sasakyan nito.
Napabuntong – hininga siya, hindi niya inaasahan ang pagtatagpo nila ngayon.
Hindi ko man lang natanong sa kanya kung kumusta siya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan na tumuloy na rin sa loob ng bahay.
Palatawa pa rin ang lalaking iyon. Komento niya at napatawa na lamang siya nang mahina. Hindi niya dapat sabihin ang katotohanan, ayaw niyang madamay ang nag – iisang kaibigan niya sa mundong ginagalawan niya ngayon.
Inayos na muna niya ang kanyang sarili, pati na rin ang bahay. Tiningnan niya ang kabuuan noon, napakatahimik ng paligid. Magpapahinga na muna siya, at babalik rin siya nang maaga sa ospital bukas.