TINAWAGAN ni Martin si Sheila, dahil pupunta siya sa bahay ng kanyang kasintahan. Ngunit, hindi sinasagot ang tawag niya.
That's odd. Napasabi na lamang sa kanyang isipan na nag – iisip – isip. Tapos na ang three – day business trip nila sa kompanya, kaya kailangan niyang mag – unwind kasama si Sheila.
Maybe she's busy. Napasabi sa kanyang isipan.
Kaya agad niyang tinext si Sheila, and he's very excited to see her. Napangisi na lamang siya sa kanyang iniisip.
You're very naughty, Martin. Napatawa pa siya ng mahina sa kanyang iniisip.
Nasa bahay siya ngayon, mag – isa at napakatahimik ng kanyang paligid. May mga kasambahay naman siiyang nagsasaayos at sinisigurado ang kalinisan ng kanyang bahay. Kailangan na muna niyang ipahinga ang isipan niya ngayon.
Nagising siya bigla, dahil may naramdaman siyang may katabi siya sa kama. Kaya naman, napabaling na lamang siya kung sino ang kanyang katabi, wala naman siyang katabi, napailing – iling si Martin sa kanyang iniisip.
Kaya bumalik siya sa kanyang pagpikit, may mga matang nakatingin sa kanya, kaya agad niyang binuka ang kanyang mata, may nasilayan siyang isang bata na nakasoot ng puting damit, nabigla si Martin at napabangon ito bigla – bigla.
Tinitigan niya nang matagal ang bata, nakatingin lang ito sa kanya na walang salita.
Bigla itong nawala sa kanyang paningin, kaya kinusot – kusot naman siya. Biglang nawala ang antok niya.
Patay na ba ang batang iyon? Napatanong sa kanyang isipan.
Irita siyang tumayo, lumabas siya sa kanyang kwarto.
"Manang," tawag niya sa matandang kasambahay.
Nabigla naman ito.
"B --- Bakit po sir, Martin?" tanong naman nito sa kanya.
"Pumupunta ba rito si Sharlene?" direkta niyang tanong sa kanyang kausap.
Nabigla naman ito sa kanyang katanungan. Nagdadalawang – isip ito sa isasagot, mahina itong umiling – iling.
"H ---- Hindi na po bumabalik si Ma'am Sharlene, dito sir." Nauutal pa nitong sagot.
"Make sure, hindi mo pinagtatakpan ang babaeng iyan! Ako ang nagpapasweldo sa inyo." Pasinghal niyang sabi.
"Ye --- Yes po sir, h --- hindi po ako nagsisinungaling, hindi na po talaga nagpupunta si Ma'am Sharlene." Takot naman ang boses nito.
Tinitigan niya nang mataman ang kasambahay, nakita naman niyang hindi ito nagsisinungaling, kaya pinabalik na niya ito, para magtrabaho nang matiwasay.
Anong bang nangyayari sa iyo? Napatanong sa kanyang sarili.
Tiningnan niya ang oras, maaga pa, bibisitahin na muna niya ang bata para matahimik ang konsensya niya.
Dali – daling nagtungo si Martin, sa kanyang parking lot at nagmaneho sa kanyang sasakyan patungong ospital.
Nakaabot naman siya kaagad, diretso siya ICU kung saan nandoon ang bata, ngunit, wala na roon si Ashley. Nangunot ang kanyang noo, napalingon – lingon na lamang siya, pabalik – balik siyang naglakad at baka naligaw lang siya.
Pinagtitinginan na siya ng nurse na nandoon, hanggang sa napagdesisyonan niyang magtanong sa nurse station na nandoon.
"Excuse me, Nurse, magtatanong lang sana." Agad niyang bungad.
Hinarap naman siya kaagad ng nurse na nandoon. "Yes po, sir, ano po iyon?" tanong naman nito sa kanya.
"Ah, anong nangyari sa pasyente na si Ashley Francisco?" tanong naman niya kaagad rito.
"Kaano – ano mo po ang pasyente, sir?" pabalik nitong tanong sa kanya.
"A --- Ah, a close relative to that child." Palusot naman niya.
Napatango – tango naman ito.
"Nasa private room na po siya sir, nandoon po sa 4th floor." Iyon lang ang tanging nasabi nito sa kanya.
"G --- Gumaling na po ba ang bata?" Tanong niya rito.
"Lumalaban po ang batang iyon, saka iyong blood clot niya, unti – unti na ring nawawala sa gamotan, kahit comatose ito." nalungkot pang balita sa kanya.
Comatose? Napasabi sa kanyang isipan.
"Ah, thank you." Sabi naman niya. "A – Anong number po?" tanong ni Martin ulit.
Agad siyang nagtungo sa 4th floor at hinanap ang kwarto ng kanyang anak. Agad niyang nakita ang pangalan ng pasyente, nag – aalangan siyang pumasok o silipin ang bata.
Kailangan niyang lakasan ang kanyang loob. Pinihit niya ang pintuan, sumalubong kaagad ang batang nakaratay sa hihigan nito, kabit ang maraming gamutan noon. Tiningnan niya kung sinong nagbabantay.
Ngunit, hindi niya nakita ang kanyang magaling na asawa na si Sharlene, pati na ang mga kapatid nito.
Tiningnan niya ang kanyang anak na mahimbing na natutulog. Napaupo siya sa tabi nito, almost three weeks na rin ang nangyaring aksidente, nakikita niya na gumagaling na ang sugat nito, pati na ang pasa nito sa katawan ng bata ay nawawala na.
Anak ko pa rin ito, anak ko pa rin si Ashley, kahit man nagkaroon na ng lamat ang pagsasama ng ina ng batang ito, nanggaling pa rin siya sa dugo't laman ko. Napasabi sa kanyang isipan.
Napansin niyang may nakatingin sa kanya, kaya naman napabaling si Martin at nasalubong niya ang tingin ni Sharlene, wala itong salita na tiningnan lang siya.
Wala siyang kibo na humakbang para makaalis na sa room ng bata. Walang sabi siyang tinitigan nito.
"Dinalaw ko lang ang bata." Napasabi na lang niya.
Tumango lang ito. "Ama ka pa rin ng bata, at hindi kita pinagbabawalang maging ama nito." iyon lang ang sinabi ni Sharlene sa kanya.
Hindi siya nagsalita pa, nakalabas na siya sa pribadong silid ng bata. Napabuntong – hininga siya, dumiretso na muna siya sa cashier ng hospital, para tanungin kung magkano na ang bill na babayaran nito.
"Magtatanong lang ako, magkano na po ang bill ng pasyente na si Ashley Francisco?" tanong naman nito.
"Anong relasyon mo po sa bata?" tanong naman nito sa kanya.
"Ah, I'm her father."
Napatango na lamang ang nagtanong sa kanya.
"As of now sir, nabayaran na kasi ng asawa mo ang ibang bills lalong – lalo na noong nasa I.C.U ang bata, ngayon, babayaran niya ay one hundred thousand and twenty-five pesos." Tiningnan na lamang siya.
"Iyon na lang ba ang kulang niya ngayon na bayaran sa hospital?" tanong naman niya rito.
"Yes po sir."
"Tumatanggap ba kayo ng credit card?" tanong nito.
"Yes po sir, accepted po iyon." Tumango naman ang kausap niya.
"Babayaran ko ang balance niya ngayon, and for advance payment please, include it."
"Okay po sir."
Agad niyang binigay ang credit card niya sa cashier.
"Magkano po ang advance payment na isasali ko po sir?" tanong naman nito sa kanya.
"One hundred thousand pesos, will do."
Tumango naman ang cashier naghintay lang siya noong prinoseso ang bayarin na natitira.
Napabuntong – hininga na lamang siya.
Sa ganito, makabawi ako kay Ashley. Napasabi sa kanyang isipan.
Bigla na lamang may tumawag sa kanya.
"Sheila." Napasabi na lamang niya.
"I'm sorry kung hindi ako nakasagot sa mga tawag mo, I'm very busy sa kaso ngayon." paghihinging pagpaumanhin sa kanya.
"No, it's okay, really." Iyon lang ang sabi niya.
"Thank you, hon, saan ka ngayon?" tanong naman nito sa kanya.
"Nasa hospital ako ngayon, dinalaw ko lang ang bata."
"Oh, I see. Okay, see you, love you."
"See you, didiretso ako riyan, pagkatapos ko rito."
"Okay."
Agad binaba nito ang tawag, tinawag rin siya ng cashier at may nilagdaan siya noon, matapos, kinuha niya ang kanyang credit card.
Agad siyang nagmaneho patungo sa bahay ni Sheila.