CHAPTER THIRTY – THREE

Nabigla na lamang sila sa balita na isinugod sa hospital si Sheila, dahil may babae daw na umatake sa bahay nito.

 

"Deserve." Tanging sabi ni Vivianne na napapataas na lamang ng kilay, nakita rin niya ang kalagayan nito kagabi, marami nga itong sugat ang iba'y malalalim pa.

 

"Siguro'y may babaeng galit na galit sa kanya, kaya sinugod sa kanilang bahay." Napasabi na lamang niya noon.

 

"Vivianne, huwag na." Iyon lamang ang narinig niya kay Sharlene, kaya naman, she zipped her mouth, baka kung ano pa ang masabi niya sa babaeng iyon.

 

Hindi na lamang siya nagsalita at tahimik na lang na nakaupo.

 

"Kailangan ko munang ma – check ang bill ngayon." narinig niyang sabi ni Sharlene na tumayo para makaalis na ito sa kwarto.

 

Napabuntong – hininga naman siya.

 

"Huwag ka ng magsayang ng oras doon."

 

Binalingan na lamang siya nito at kumunot ang noo.

 

"Paid na ang bill na nakabinbin doon, saka may advance na one hundred thousand para sa bata."

 

Nagtataka naman ito.

 

"S—Sino ang nagbayad?" tanong naman nito sa kanya.

 

"Sino pa ba? Iyong magaling mong asawa." Tiningnan pa niya nang mataman si Sharlene, naguluhan naman ito sa pinagsasabi ni Vivianne ngayon.

 

"I guess may konsensya pa ring natitira para sa bata." Dagdag pa niyang sabi noon.

 

Bigla na lamang may kumatok sa kanilang ward noon, kaya agad niyang pinagbuksan kung sino ang kumakatok. Tumambad kaagad ang mukha nito, napangisi naman siya noon, dahil alam niyang kalaguyo rin ito ni Sheila, isa sa mga lawyer nito.

 

"Anong ginagawa mo rito?" tanong na lamang ni Sharlene sa kaharap nila ngayon.

 

"May itatanong lang ang mga kapulisan sa nangyari kay Sheila Atienza." Paliwanag nito sa kanila.

 

Napataas naman ang kanyang kilay at mas lalong napakunot ang noo ng kanyang kasama habang pinoproseso sa pinagsasabi nito ngayon.

 

"Anong ibig ninyong sabihin?" direktang tanong nito "Pinagbibintangan ninyo ako sa nangyari kay Sheila ngayon?" napatanong pa nito.

 

"Lead suspect po namin kayo, ma'am, ikaw rin kasi ang nakita namin na malapit sa biktima." Paliwanag pa ng pulis sa kanila.

 

"Mga gago ba kayo?" napatanong na lamang niya at biglang umarko ang kilay niya.

 

"I can testify, na wala siya sa bahay ng babaeng iyon." Sabi pa ni Vivianne sa mga kaharap niya.

 

"Please, don't be bias, umalis ka kahapon dito sa hospital, hindi ba? Naiintindihan namin ang sitwasyon mo Mrs. Francisco you can defend yourself." Bigla nilang pinusasan si Sharlene.

 

Hindi ito lumaban. "Huwag kang mag – aalala, Vivianne, babalik kaagad ako rito, dahil malinis ang konsensya ko." Sabi pa nito sa kanya.

 

"Pakibantay na muna si Ashley."

 

Tahimik itong sumama sa mga kapulisan at siya naman ay hindi makapaniwala sa nangyari.

 

Alam sa isipan niyang hindi magagawa iyon ni Sharlene, kahit gaano man ito winalangya, tinitiis nito hanggang kaya nito, pero ang manakit hindi nito kayang gawin.

 

Tiningnan niya ang natutulog na si Ashley noon.

 

Kailangang may gawin ako. Napasabi sa kanyang isipan.

 

Biglang nasagi sa kanyang isipan ang isang pangyayari, isang babaeng may hawak – hawak na basag na salamin, hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya, nakangisi ito habang may tinitingnan.

 

Nagulat na lamang siya na tumambad sa kanya ang mukha ni Sheila, sumanib ito sa katawan ng babae at doon sinaktan ang sarili.

 

Napasinghap siya sa pangyayari. Pumitik bigla ang sentido niya at sumakit ito bigla, kaya naman napahawak siya sa kanyang noo na hinihilot – hilot niya ito.

 

Sabi ko na nga ba, hindi kasalanan iyon ni Sharlene. Napasabi sa kanyang isipan. May kutob siya kung sinong gumawa nito kay Sheila, kundi si Leah ang gumawa nito.

 

Bigla na lamang siyang napadpaf sa isang lugar, kaya napapitlag siya, tiningnan niya ang paligid, hindi niya alam kung anong lugar, may isang babaeng nakatalikod sa kanya, tila umiiyak ito, isang puntod, nilapitan niya ang babaeng nandoon.

 

Anak ko. Palahaw nito, umagos ang luha nito na hindi matahan – tahan.

 

Bakit ganoon, kung kailan masisilayan na kita, ilang buwan na at masisilayan kita,iniwan mo si Mommy. Tumutulo ang luha nito sa isang puntod.

 

Tiningnan niya iyon, walang pangalang nakalagay, tinabunan lang ito ng puro lupa, may krus ngunit, kahoy lang ang gamit nito.

 

Biglang nagbago ulit ang paligid, nasa loob siya ng isang mansion, hindi niya alam kung bakit – bakit pamilyar ito sa kanya, hindi niya alam kung nasaan niya ito nakita noon.

 

May dalawang taong nagtatalo. Nagulat na lamang siyang bigla itong sinampal na paglakas – lakas na siyang hindi agad nagpa – imik sa isang babaeng hawak – hawak ang nasaktan nitong pisngi.

 

Tapos na tayo! Tapos na tayo, Leah! Hindi kita mahal! Iyon ang narinig niya sa isang lalaking sumampal sa babae.

 

Mapapatawad ko pa kayo, mapapatawad ko pa kayo ni Angely, pina – inom ninyo ako ng pampalaglag! Dinamay ninyo ang batang walang kinalaman rito. Ano bang kulang, Manuel? Saan ako nagkulang? Ramdam nito ang pait at sakit sa boses nito na pinipigilan ang pag – iyak.

 

Hindi ito sinagot ng lalaki, hinila nito ang mahabang buhok, at bigla na lamang sinuntok na siyang nagpawalang – malay kay Leah.

 

Dinala ito sa liblib na lugar, nandoon si Angely may mga taong nakapaligid sa walang kalabang – laban na si Leah, inilagay nito sa isang ataul.

 

Angely, kausapin na lang muna natin si Leah. Iyon ang narinig niya kay Manuel, nakita ni Vivianne sa mukha ng lalaki na nakokonsensya ito.

 

Inirapan na lamang nito si Manuel. Here you go again, kailangan natin itong gawin para mapasaatin ang kayamanan ni Leah, di ba? Nandito na tayo, kapag umatras pa tayo, tayo ang tutudasin ng mga ito. pabulong na paliwanag ni Angely sa lalaki.

 

Sit back and relax, Manuel.

 

Sige na ihulog ninyo ang ataul na iyan, malalim na ba ang hukay na ginawa ninyo? Gusto ko iyong sobrang lalim para hindi siya muling makaahon. Sabi pa ni Angely sa mga kalalakihan.

 

Malalim na po iyan, Ma'am. Tanging sagot nito.

 

Sige, ihulog na ninyo iyan. Utos pa ni Angely.

 

Agad naman nitong ihinulog. Naririnig ni Vivianne ang pagsusumamo ni Leah, naririnig niya ang bawat paghikbi nito, habang nagmamakaawa ito sa mga taong naglibing nito sa buhay.

 

Matapos ihulog, dali – dali nilang tinakpan ng lupa ang naging libingan ni Leah. Naiwan siyang mag – isa, nagsialisan na ang mga taong naglibing kay Leah.

 

Magbabayad kayo, magbabayad kayo. Naririnig niya ang kaluluwang hindi matahimik na si Leah.

 

Magbabayad kayo! Sigaw nito na ubod lakas na siya lang ang nakaririnig. Halos magwala ang kaluluwa nito, ang daliri nitong punong – puno ng sugat na pilit hinuhukay at nililigtas ang sarili nito.

 

Tahimik lang niyang pinagmamasdan ni Vivianne ang kaluluwa ni Leah na tinitingnan din ang puntod na nandoon.

 

Nakita ko na ba dati ang lugar na ito? tanong sa kanyang isipan, na nagmumuni – muni pa rin.

 

May yumuyugyog sa balikat niya.

 

"----Te, Ate!" untag sa kanya ni Tashia.

 

Napapitlag na lamang siyang tiningnan ang kanyang kapatid, napapikit na lamang siya at hindi nagsalita sa mga nakikita niya ngayon.