NANDITO si Sharlene, kinausap naman siyan nang matino ng isang pulis, siguro'y tinitingnan kung tam aba ang lahat ng kanyang alibi at hindi siya madawit sa pananakit sa kanyang kaibigan.
"Sa cctv sa hospital, nakita kang umalis ng bandang tanghali at nakabalik ka nang hatinggabi, which is kasagsagan ng nangyari kay Ms. Atienza, pwede mo bang isalaysay kung saan ka nanggaling at bakit ka nakauwi nang ganoon katagal?" tanong naman nito sa kanya.
Napabuntong – hininga na lamang siya, isinalaysay niya ang pangyayari na kung saan umuwi na muna siya sa bahay ng kanyang lola para magpahinga na muna. Isa pa'y nakausap niya rin ang mga kakilala niya doon.
"Pinatawag ko ang dalawang kapatid ko para kumain na muna saglit, kaya natagalan akong makauwi sa hospital, naabotan ko pa si Martin noon, pwede ninyo siyang tanungin, nandoon na ako sa hospital bago pa man iyong krimen na sinasabi ninyo." Kalma niyang paliwanag.
Mataman lang siyang tinitigan ng kapulisan. Pinakita nito sa kanya ang isang basag na salamin.
"Iyan ang ginamit ng suspek."
Hindi naman siya nagsalita noon, wala naman talaga siyang masagot dahil wala siyang kaalam – alam sa pangyayari.
"Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon kayo ng alitan ni Sheila, talaga bang wala kang kinalaman rito."
"Wala po, sir." Direkta niyang sagot rito. "Nakabalik na po ako bago po ang krimen sa bahay nilang Sheila, saka kasama ko ang mga kapatid ko, at naabutan ko si Martin na dumalaw sa anak kong si Ashley."
Bigla na lamang dumating si Martin sa police station. Napabuntong – hininga ito. Tiningnan naman ng pulis ang kararating na si Martin.
"Totoo bang naabutan mo siya sa ward ng bata?" pagkokompirma pa nito.
Tumango ito kaagad. "Walang kinalaman ang babaeng iyan, naabutan ko siya sa ospital noon, pagkatapos kung dumalaw sa bata, dumiretso ako kay Sheila." Paliwanag pa nito.
"May nakita ka bang babaeng umaaligid sa bahay niya, Mr. Francisco?" tanong naman nito sa lalaking kaharap nito.
"Wala akong nakitang babaeng umaaligid, naulinagan na lang naming sumisigaw si Sheila nang ubod lakas na nanggaling sa kwarto nito, naabutan naming sinasaktan niya ang kanyang sarili na nagmamakaawa ang boses na nakangisi naman." Napailing – iling pa ito sa nasaksihan.
"Sinasabi mo bang self – inflicted ang ginawa nito?" tanong ng isang abogadong tahimik lang na nakikinig.
"Y—Yeah, parang ganoon na nga." Napasabi naman nito.
Tahimik siyang nakikinig, hindi niya alam kung ano ng nangyayari sa kanyang paligid.
"Sige na pakawalan ninyo ang babaeng iyan, but, she's under investigation pa rin." Napasabi naman ng abogado.
Napataas naman ang kanyang kilay, hindi na lamang siya nagsalita, agad inalis nito sa kanyang kamay ang posas. Napahawak na lamang siya sa kanyang kamay. Kailangan na niyang umalis at bumalik sa hospital.
Nakabalik naman siya kaagad nang may mukha siyang pamilyar sa kanya na kinakausap si Tashia.
"Tashia." Tawag niya rito.
"Ate."
Agad niyang kinilala ang kaharap nito. Napalunok na lamang siya.
"Lawrence." Banggit niya sa pangalan nito.
"Pwede ba kaming mag – usap ng ate mo?" tanong naman nito kay Tashia.
Pabalik – balik ang tingin ni Tashia sa kanya at sa lalaki, kahit man naguguluhan ito, tumango ito.
"Babantayan ko na muna si Ashley." Tanging sabi ng kanyang kapatid na dali – daling bumalik sa kwarto kung saan nandoon si Ashley.
Mahina siyang hinila ni Lawrence nandoon sila sa waiting area nag – uusap na walang makaririnig sa kanilang pag – uusap ngayon.
"Bakit nandito ka sa ospital?" tanong naman niya rito.
Tiningnan naman siya nang mataman. Bumuntong – hininga pa ito bago magsalita.
"Bibisitahin sana kita sa paaralan kung saan ka nagtuturo, at saka, maraming nakakakilala sa iyo sa atin, at naging ganap ka na ngang guro." Ngumiti ito sa kanya na tiningnan siya.
"Pasensya ka na kung hindi ko maka – reply sa bawat chat mo sa akin, talagang abala ako." Paghihingi niya ng pasensya sa kanyang kausap.
"No problem, may kanya – kanya na tayong buhay ngayon, at naiintindihan ko." Ngumiti ito sa kanya.
Sumandal ito sa pader at tiningnan siya.
"I --- I heard of what happened to your child." Sabi pa nito sa kanya.
Napatingin naman siya sa kanyang kausap.
"Saan mo nalaman iyan, Lawrence?" tanong naman niya sa kanyang kausap.
Napabuntong – hininga na lamang ito bago sumagot. "As I told you before, bumisita ako sa school mo hindi ba? Saka, naka – leave ka para alagaan ang anak mo."
Hindi na niya kailangang magsinungaling pa rito.
"Yeah, naka – leave ako para alagaan ang bata." Pag – amin niya.
"How can I help you? As I heard to your sister that she's on comatose."
Ang mga batang talagang iyon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
"Huwag mong sisihin ang kapatid mo, pinilit ko lang siyang magkwento, pwede ko bang makita ang anak mo?" tanong naman nito sa kanya.
"Y --- Yeah." Napatango na lamang siya. Nagpatiuna siya sa paglalakad para makapasok sila. Agad niyang pinihit ang pintuan, nandoon si Tashia na nagbabantay kay Ashley, nabigla rin ito sa kanyang pagpasok na may kasamang bisita.
"How is she now?" tanong naman nito sa kanya.
"Naka – recover na iyong mga sugat – sugat niya sa katawan, unti – unti na ring natutunaw iyong dugo na namuo nito sa utak." Sabi pa niya na pinipigilan ang emosyon niya.
Napatango na lamang ito sa kanya. Bigla siyang tinapik noon.
"Kung may maitulong ako sa iyo, sabihin mo lang sa akin."
"Kararating mo lang rito hindi ba? Huwag na, kasi alam kong unti – unti ng naka – recover ang bata, naghihintay lang akong magising si Ashley." Napasabi naman niya na hinipo ang pisngi ng batang mahimbing na natutulog.
"Please, Sharlene, huwag mo na akong tanggihan, alam mong mapilit din akong tao, at saka, kaibigan kita, wala na rin naman akong pamilya na babalikan rito." Malungkot ang boses nito.
Ayaw niyang marinig niya ito ngayon. Ngumiti na lamang siya. "Huwag kang magsalita ng ganyan, alam mo ring matapang ako hindi ba, huwag kang mag – aalala, hihingi rin ako ng tulong sa iyo." Napangiti na lamang siya.
"Jeez, as usual you really are hard – headed person." Sabi pa nito at napailing. "Aalis na ako, alam mo naman kung kailan mo ako pwedeng kausapin di ba?" tanong naman nito sa kanya.
Tumango na lamang siya. Kumaway lang ito sa kanya. Napatitig na lamang siya sa pintuan.
"A – Ate, sino iyon?" tanong naman ni Tashia sa kanya.
"Ah, isa sa mga kaibigan ko, at unang naging kaibigan ko." Ngumiti na lamang siya kay Tashia. "Siya si Lawrence Martinez Salazar." Inaalala pa niya ang pangalan.
Martinez? Napatanong sa kanyang isipan.
Kilala ba niya si Leah Martinez? Sunod – sunod niyang tanong rito.
"Tashia, diyan ka lang, may tatanungin lang ako sa kanya." Dali – dali siyang lumabas. Hinanap niya si Lawrence, nakita niya agad na sasakay na ito sa sa elevator.
"Lawrence, saglit." Tawag niya na habol – habol sa paghinga.
Nabigla naman si Lawrence sa kanya, imbes na sasakay na ito inantay siya nito.
"May kailangan ka ba, Sharlene?" tanong nito sa kanya.
"P--- Pwede ba tayong mag – usap? May katanungan lang ako sa iyo." Napasabi na lamang niya.
Nakita niya ang pagkagulat nito, ngunit tumango na lamang ito sa kanya.