DADALAWIN ni Martin si Sheila sa ward nito nang may tao itong kasama, sinilip na muna siya kung sino ito, nabigla na lamang siya sa kanyang nakita, nanginig ang buo niyang kalamnan sa kanyang nasaksihan, hindi niya alam kung ano ang emosyon na ipalalabas niya ngayon, naghalo ang galit, lungkot sa kanyang nasaksihan.
Kitang – kita niya sa kanyang mata kung paano naglaplapan ang dalawa nito, na tila walang pakialam sa paligid nito. Hindi niya sinabi ni Sheila na dadalaw siya para sana surprisahin niya ito, imbes na si Sheila ang masurpresa siya ang nasurpresa.
Huminga siya nang malalim, kinokontrol niya ang kanyang emosyon ngayon.
Matagal na bang may relasyon ang dalawang iyan? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Kaya pala talagang nagpilit siyang ito ang magiging abogado namin, dahil kalaguyo niya ito. Napangiti siya noon, hindi na muna siya papasok, gusto niyang pakalmahin ang lahat.
Martin, ang bilis naman ng karma mo. Napasabi na lamang sa kanyang isipan at napatawa.
She tried to called her, pero, hindi ito sumasagot, dahil nakipaglaplapan pa rin ito sa lalaking si Justine, napailing – iling na lamang siya.
Lupaypay siyang lumabas sa hospital at nasa kotse siya ngayon, hindi niya magawang diretsahin ang dalawa, ngayon niya lang napagtanto kung gaano kahirap tiniis ng kanyang dating asawa na pakisamahan siya kahit alam nito na nagloloko siya sa likuran nito.
Hinampas niya ang nasa harapan niya.
"Damn this! Damn this! Kung kailan naging seryoso ako sa isang babae, ngayon, lolokohin ako nang ganito!" Galit na galit niyang sabi sa kanyang sarili.
Kung matagal na kayong may relasyon, matagal mo na pala akong ginagago, Sheila, handa pa naman akong gawin para sa ikakaligaya mo. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Hindi siya pwedeng hindi makaganti, naisip niyang hindi siya ginantihan ng kanyang dating asawa.
Lintik lang ang walang ganti I will keep playing your games, Sheila. I will keep playing kung anong habol mo sa akin. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Nagmaneho na siya, pilit niyang winawaksi ang masamang nakita niya, biglang nag – vibrate ang kanyang phone ngayon, tiningnan niya kung sinong tumawag nito. Malalim na ang gabi, hindi na siya tumuloy at baka magambala pa niya ang dalawa.
Napakunot ang kanyang noo. Hindi niya inaasahang tatawag si Sharlene sa kanya. Agad naman itong sinagot.
Pareho silang tahimik, narinig niya ang pagtikhim nito bago ito nagsalita.
"Malaki nang tulong ang pag – advance payment mo sa bata, salamat. Iyon, lang at magandang gabi." Matapos itong sabihin ay agad itong binaba ang tawag.
Napabuntong – hininga na lamang siya, kailanman hindi niya minahal si Sharlene ang nangyari sa kanila noong college sila ay dala ng alak at kalasingan, nabuntis niya ito nang wala sa plano, they're total stranger, pareho sila ng paaralang pinapasukan.
Napasama lang ito sa kaibigan nito na mahilig magparty sa club at ang kasintahan nito ay kaklase niya at kaibigan.
"Hey Martin, samahan mo ako sa club ngayon, gusto mong mag – unwind di ba?" akbay nito sa kanya na niyaya na naman silang maglasing.
Napabuntong – hininga na lamang siya noon, dahil patapos na rin naman ang internship nila at ga – graduate na sila kaya naman sumama siya nito.
"Sino kasama mo?" tanong naman niya niya rito.
Napangisi pa ito sa kanya. "Sino pa ba kundi ang girlfriend ko, alam kong marami kang babae, ngayon, Martin." Napatawa pa ito sa kanya.
Napailing – iling na lamang siya, pagdating nila sa club agad silang sinalubong ng kasintahan nito, may kasama rin pala ito, napatitig naman siya sa isang babaeng kitang – kita sa mukha na hindi ito sanay sa ganitong lugar.
"Pasensya na kayo sa kaibigan ko, napilitan lang iyan." Napasabi naman nito sa kanila.
Ang dalawa naman ay may ibang mundo kaya nandoon lang siya nag – iinom sa table, wala siya sa mood na makipagharutan sa babae ngayon, kaya naman tiningnan niya ang tahimik.
"Hey, anong pangalan mo?" tanong naman niya, pakiramdam niya tipsy na siya ngayon, kaya ibinabaling niya ang kanyang pansin rito, papalakas na rin ang tugtog at mas lalong naging wild ang mga tao sa loob, ang dalawa namang kasama nila'y hindi na nila matanaw.
Ayaw niyang mag – isang makalabas sa club kaya hila – hila niya ang isang babaeng nagulat sa kanyang ginawa, pilit pa nitong kumawala sa kanya.
"Samahan mo na lang ako rito, nabibingi na ako sa kaingayan. Saka, hindi mo pa nasagot ang katanungan ko." Sabi pa ni Martin na may dala – dalang alak noon.
"Sharlene Rosario." Tipid nitong sagot sa kanyang katanungan.
"Martin Francisco. Nice to meet you." Kinuha pa niya ang kamay ng bagong kakilala niya.
Tumango lang ito sa kanya, umiinit ang katawan niya noon. Tahimik lang ang babaeng nakakunot sa kanya na tinitigan siya, kaya nama'y binigyan niya ito ng alak.
"It's not a nice thing to do, na ako lang ang tumutungga ng alak rito. Shot." Yaya pa niya.
"Hindi ako umiinom ng alak." Tanggi pa nito sa kanya.
"Kahit ngayon lang." napasabi naman niya, nahihilo na siya, dahil naparami na rin ang inom niya ngayong gabi.
Hawak – hawak pa rin niya ang isang maliit na baso noon para painumin niya ang kanyang kaharap. Napabuntong – hininga na lamang ito sa kanya, kinuha na lamang nito at uminom na rin kahit hindi ito sanay.
Napapatawa pa siya noon, dahil gusto nitong isuka ang nainom nito. Binigyan pa niya ng tatlong beses na shot si Sharlene.
"Ayoko na, uuwi na ako. Masakit na ang ulo ko." Naglakad – lakad ito na parang matutumba na.
"Hatid na kita, uuwi na rin ako." Yaya niya rito.
"Ayokong may maghatid sa akin na lasing, baka mabangga pa tayo." Lalakad na sana ito papalayo sa kanya, hinila naman niya ito agad at hinalikan sa labi.
Dahil sa kalasingan niya nagawa niya iyon, ngumisi lang si Martin at gulat na gulat ang babaeng kaharap niya, sasampalin na sana siya nito nang halikan niya ulit ito.
Hinila niya ito patungo sa kotse niya, inuwi niya si Sharlene, hindi na rin ito makatanggi dahil sa kalasingan din nito, hanggang sa may nangyari sa kanilang dalawa.
Kinaumagahan, habang may hang – over siya, nagising na lamang siyang may katabing babae at si Sharlene iyon.
Napabalikwas rin ang kasama nito, hindi ito nagsalitang tumayo at nagbihis.
"Walang nangyari sa atin." Iyon lang ang narinig niya kay Sharlene at dali – daling umalis, kahit hindi nito alam ang pauwi.
Kahit man sabihin na walang nangyari ay may ebedinsyang naiwan sa kanilang ginawa nang gabing hango sila sa alak.
"Ouch." Reklamo sa kanyang isipan na siyang hinihilot ang sentido niya.
Napatda siya nang nag – vibrate ang kanyang phone noon, he unintentionally remembers it, kung paano sila nagkaroon ng pamilya at anak nang dahil sa gabing iyon.
Tiningnan niya kung sinong tumawag sa kanya, napakunot noo na lamang siya kung sino ang tumawag sa kanya. Kaagad naman niyang sinagot ang tawag nito na wala siyang alam at walang nakita kanina.