CHAPTER THIRTY – EIGHT

TINAWAGAN ni Sheila si Martin ngayon, gusto niya lang makasiguro kung hindi ito dadalaw sa kanya. Nakikinig lang si Justine sa kanya na nakangisi sa kanya, panay ring pa rin ang phone nito.

 

"Hindi pa ba sinasagot?" tanong naman ng kanyang kasama.

 

Umling – iling na lamang siya. Inulit niya ang pag – dial ng number ni Martin. Nag -ring na naman ito, pero ilang segundo'y sumagot ito kaagad. Sinenyasan niya si Justine na huwag maingay.

 

"Nasaan ka ngayon, hon?" ginamit niya ang matamis niyang tinig.

 

"Oh, I'm sorry, hon, abala lang ako sa trabaho ngayon, at hindi ako nakadalaw, I'm sorry about it." Pagpapasensya naman nito.

 

"I understand, hon, pero, magtatampo na talaga ako kapag hindi mo ako dinalaw rito." Sabi naman niya.

 

Pinipigilang huwag matawa ni Justine noon.

 

"Magpagaling ka na muna riyan. I will text you if pupunta ako." Sabi pa nito sa kanya.

 

"Okay, hon, can I ask a favor?" tanong naman niyang naglalambing nito.

 

"Yeah, what is it?" tanong naman nito sa kanya "Anything you want, hon." Sabi pa nito.

 

Napangisi na lamang siya.

 

"Hon, can you give me some money, para pambayad ng bills sa hospital, kapag nakabawi ako isasauli ko rin ang ibinigay mong pera sa akin."

 

"I will pay your bills in hospital if you want too."

 

"Oh no, ako na ang magbabayad, ang sabi naman ng doctor, ipapahinga ko na lamang itong sugat ko." Sabi pa niya.

 

"Baka balikan ka ng babaeng nanakit sa iyo."

 

Naniniwala talaga ito sa sasabihin niya, kahit man nasaksihan nito ang nangyari sa kanya noon.

 

"Oh, magpapahinga ako sa Villa namin, babalik na muna ako roon."

 

"I see, sige magkano ba ang tantiya mo?" tanong naman nito sa kanya. "I will send it right away." Napasabi pa nito.

 

Nagkatinginan naman sila ni Justine. Sinenyasan itong huwag maingay.

 

"Oh, may pera ka pa ba riyan?" nag – aalala pa niyang sab isa kanyang kausap.

 

"Yeah, I have." Napatawa pa ito sa kanya. "So magkano nga? You want million? Alam mo namang ibibigay ko ulit sa iyo, hindi ba?"

 

Kailangan niyang itago ang tuwa niya ngayon.

 

Sheila, you need to control yourselves. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

"Yes, I need a million I will spend it wisely, may investment din kasi ako ngayon, saka negosyo na kailangan ng puhunan, soon, hon, I will give it back to you." Pangako pa niya sa kanyang kausap.

 

"No need to return it, hon. Spend it wisely. Just checked your account after our call."

 

"Okay, nasaan ka ba ngayon?" napatanong na lamang niya.

 

"I need to sleep now, hon. Kasi kailangan pa ako ng mga kasamahan ko bukas, you too, you need to sleep and rest." Napasabi naman nito.

 

"Yeah, I love you. See you kapag gumaling na ako."

 

"Yeah, I love you too. See you hon."

 

Agad niyang binaga ang tawag. Narinig niyang napatawa na lamang si Justine sa kanya.

 

"Sheesh, bilib na talaga ako sa iyo." Napasabi na lamang sa kanya.

 

Dali – dali niyang I -chineck ang bank account niya through online. Nanlaki ang mata niya sa kanyang nakita.

 

"Gosh," pabulong niyang sabi at natutop niya ang kanyang bibig. "One million lang ang hiningi ko, but look at this." Agad niyang ipinakita kay Justine.

 

"Wow, fifty million? Ang yaman talaga ng mga Fransisco." Napasabi naman nitong napailing – iling na lamang.

 

Malaki ang ngiti niyang ibinigay kay Justine. "Sumama ka sa akin sa Villa." Sabi pa nito sa kanya.

 

Ngumisi ito sa kanya. "Hindi mo talaga ako matitiis." Napasabi pa naman nito.

 

"Of course." Siya na ang humalik sa kaharap niyang lalaki. "Paano natin ito gagastahin?" pabulong na lamang niyang tanong sa lalaking kahalikan niya.

 

"It's up to you." Pabulong na lamang nitong sabi. Natigil lang ang halikan nila nang may kumatok sa kanyang kwarto.

 

Pumasok kaagad ang nurse, para suriin ang mga sugat niya sa katawan, binilinan rin siya ng doctor na makakauwi siya bukas para makapagpahinga na rin siya. Tumango – tango na lamang siya.

 

Babalik siya sa kinalakihan niyang bayan sa San Mateo, kung saan nakilala niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Sharlene noong nasa high school pa sila noon. Babalik siya roon para ayosin ang minana niyang galing sa kanyang kapatid na babae.

 

Baka multuhin pa siya kapag hindi niya inayos iyon. Tiningnan niya ang kanyang mga pasa, hindi siya makapaniwalang gawin iyon sa kanyang sarili, kaya gusto niyang may ibunton siya kay Sharlene, gusto niyang mapakulong ito.

 

Ngunit, nandoon si Martin at malinaw ang alibi na ibinigay nito sa kapulisan, kaya, hindi niya ito napakulong man lang. Hindi rin siya makapaniwalang lininaw ni Martin iyon.

 

Anong nangyayari? May hindi ba ako nalalaman sa kanilang dalawa? tanong naman niya sa kanyang isipan.

 

"Hey," tawag ni Justine sa kanya.

 

Tiningnan na lamang itong nag – aayos ng gamit. "I need to go, bukas, susunduin kita." Sabi pa nito sa kanya.

 

"Yeah." Iyon lang ang tanging sagot niya rito, binilinan pa siya ng isang mapusok na halik, at umalis kaagad ito.

 

Siya lang mag – isa ngayon sa kanyang ward, saka, kaya naman niyang alagaan ang kanyang sarili, nakatatayo na rin siya at nakalalakad na rin.

 

May salamin sa banyo, tiningnan niya ang kanyang hitsura na may benda pa dahilang medyo sariwa pa ang sugat na kanyang natamo. Naiisip pa rin niya ang ngiti ng babaeng gumawa sa kanya.

 

Hindi siya makapaniwalang sasaktan siya ng isang kaluluwang walang muwang sa mundo. Hindi niya kilala ang babaeng nanakit sa kanya.

 

Nakita ko na ba ang babaeng iyon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.

 

Mahina siyang napailing – iling, bumalik siya sa kanyang patient bed, bigla na lamang may pumasok na isang nurse, hindi na siya magrereklamo, dahil para rin naman iyon sa kanyang kapakanan.

 

Tahimik lang ginagawa ng nurse ang trabaho nito na nagc- c-check sa kanyang bp, sugat, kung tuluyan na nga bai tong gumaling. Habang patagal nang patagal siyang nakatitig nito, unti – unting nagbabago ang anyo ng nurse, napapitlag siya na ito ay ang babaeng sumaksak sa kanya na may hawak – hawak na basag na salamin.

 

Nakangiti ito sa kanya nang makahulugan.

 

Kumusta? Maglaro ulit tayo. Narinig niyang bulong sa kanya.

 

Hindi siya naka – imik kaagad, nanginginig ang kanyang kalamnan sa takot niya ngayon.

 

"M –Ma'am, Ma'am." Tawag sa kanya ng nurse.

 

Napasinghap na lamang siya at tiningnan ulit ito at hindi na ang babaeng nakapanluksa ang kaharap niya. Napakurap – kurap na lamang siya na sinisigurado kung ito na ba ang kanyang nakita.

 

"Okay ka lang po ba?" tanong naman nito sa kanya.

 

Agad naman siyang tumango noon, napalunok na lamang siya, at napailing – iling na lamang.

 

Kailangan ko ng magpahinga kung ano – ano na lamang ang nakikita ko. Napasabi sa kanyang isipan at napabuntong – hininga.

 

Umalis na rin ang nag – assist na nurse sa kanya, huminga siya nang malalim bago siya pumikit para makapagpahinga na ulit.