NAPAPAHAGALAPAK lang nang tawa si Leah sa kanyang ginagawa sa mga taong nananakit sa kanya.
Kailangan ko ng bumalik sa palasyo ko. Napasabi sa kanyang isipan. Masaya siyang naglalakad at pumasok sa kanyang palasyo, nakita niya ulit ang tatlo. Tahimik siyang umupo ulit sa kanyang trono.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko, Leah? Walang kasalanan si Sheila rito." Bungad na tanong sa kanya.
Napataas naman ang kanyang kilay, ngunit, ningitian na lamang niya si Angely na galit na galit siyang tiningnan.
"Huwag kang mag – aalala, hindi ko naman pinatay ang kapatid mo, Angely, I'm not that bad." Napailing – iling na lamang siya.
"Hay! They're growing so fast, right? Ang sakit naman makalimutan nang ganoon kadali, well they're very young kaya naman hindi ako masyadong naalala." Tiningnan niya ang mga ito.
"Paano nga ulit tayo, nagkakilala, Angely?" nang – aasar niyang tanong rito.
Sinipatan siya noon. "Ano ba ang sekretong iniingitan mo?" tanong pa niya rito na nag – iisip naman.
"Wala ka na roong pakialam, Leah! Wala ka ng pakialam doon!" paangil nitong sabi sa kanya.
"May pakialam ako!" palaban naman niyang sabi.
Napatawa pa ito sa kanya at humalakhak. "Bakit hindi mo alamin ang katotohanan, Leah? Magaling ka naman doon."
Ngumiti naman ito sa kanyang kausap. "Thank you for your suggestions, may nakalimutan pala akong gagawin."
Liningon niya ang tatlo. "Kawawa naman kayo, hindi kayo makakapasyal sa mahal na mahal ninyong mundo." Napailing – iling na lamang siya. "Magdurusa kayo rito kapag tumagal nang tumagal ang panahon." Napangisi siya sa mga taong kaharap niya.
"Ganoon rin ba ang mangyayari sa anak ni Sharlene?" napatanong naman ni Felicia sa kanya, na nakangisi sa kanya.
Napatitig naman siya sa matanda, alam niyang may pinaplano ito.
"Hindi makalalabas ang batang iyan, kapag nakalabas siya dala – dala niya ang sumpa na ginawa ko noon."
Hindi siya sumagot, napabuntong – hininga na lamang siya.
"Ang ibig sabihi'y mananatili ang kaluluwa ng batang iyan, hanggang ang katawan nito'y maagnas."
"Sa bandang huli, pupunta rito si Sharlene, pupunta siya at tutulungan niya kami rito." Napatawa pa ito sa kanya.
"Nakikita ko ngang mag- aaway kayo rito, Leah." Napailing – iling pa ito sa kanya.
Hinayaan na lamang niya ang matanda na magsalita, tiningnan niya ang kulungan ng batang si Ashley. Naghahanap pa rin siya nang paraan.
Bitiwan mo na ang galit mo, Leah. May bumubulong na naman sa kanya, nakikita niya ang sarili niya, ang isang katauhan niya, para masagawa ang plano at paghihiganti niya, inalis niya ang totoong siya.
Hindi, hindi ako titigil, hindi ako titigil. Nakipagtalo na naman siya sa kanyang isang katauhan.
Kailan ka titigil? Hanggang may mga inosenteng madadamay? Please, itigil mo na iyan. Pagmamakaawa nito sa kanya.
Bantayan mo ang bata. Utos niya rito. Huwag na huwag mong pairalin ang awa na nararamdaman mo ngayon. Tandaan mo, ikaw ang gumawa sa akin. Nilampasan niya ang kanyang isang sarili na nakatingin sa kanya.
Oo, ako ang gumawa sa iyo, kaya nga, nandito ako para itigil mo na ang lahat nang ito.
Hindi ka ba naawa sa sarili mo? Walang kaalam – alam ang pamilya mo sa nangyari sa iyo. Higit sa lahat wala kang libingan, isa tayong kaluluwang naghahanap sa katawan natin, kagaya ng ginawa sa anak mo. Pagpapaalala naman nito.
Hindi na ito nagsalita, natahimik ito.
Pasensya na kung naging mahina ako, pero, hindi ako papayag na saktan mo ang mga inosente.
Hindi sila inosente. Matipid niyang sagot.
Hindi inosente ang angkan nila.
Idadamay mo rito si Sharlene? Napatanong naman nito sa kanya.
Hindi siya sumagot.
Madadamay siya rito kung mangingialam siya, pero, alam ko ang gagawin niya ngayon, hindi siya nagpapalamon sa poot na nararamdaman niya, kahit, sunod – sunod ang kamalasan niya, nakakahanap pa rin siya ng taong tutulong sa kanya. Napangiti naman siya.
Nawala ito bigla sa kanyang harapan, patuloy siyang naglalakad sa kadiliman. Napadpad siya sa isang lugar, naalala niya bigla na dito siya inilibing nang buhay. isang abandunadong lugar, tahimik, at walang katao – tao.
Isang linggo ang pagitan nang isinagawang pilit na aborsyon kay Leah. Inilibing niya ang bata sa mansion nila na hindi man lamang niya nabigyan nang pangalan.
May pagtatalo silang mag – asawa, dahil pinatay ng kanyang asawa ang kanilang sariling anak, ang masakit pa'y namatay ito sa kanyang sinapupunan, kapag naalala niya iyon, hindi niya mapigilan ang nanginginig niya galit.
"Mapapatawad ko pa kayo, mapapatawad ko pa kayo, kapag sumuko kayo sa kapulisan! Manuel, kahit sobrang mahal kita, tao ang pinatay mo na walang kalaban – laban! Higit sa lahat, anak pa natin! Anak pa natin!" Harap – harapan niyang kinausap ito.
"Sumuko na kayo, huwag kayong mag – aalala, hindi ko idadagdag ang pambabae mo, hindi ko idadagdag ang ninakaw ninyo sa pamilya ko, nais ko lang nama'y maisilang ko anak ko, at bigyan siya ng hustisya." Nangingilid ang kanyang luhang nakikiusap sa taong minahal niya noon.
Ngunit, hindi niya ito nadala ng paki – usap, sinuntok siya nito sa sikmura na siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang malay, dahil sa natamo niyang suntok, at susumahin na bago lang siyang nawalan ng anak sa sinapupunan, hindi niya alam kung saan siya dinala. Nagising na lamang si Leah na nasa loob na siya ng kabaong.
Natatakot siya, hindi siya makabangon, kaya pinipilit niyang itulak ang nakatakip sa kanya, para makalabas siya, kahit anong tulak ang gawin niya, hindi niya ito maiangat.
Naririnig niya ang mahihinang usapan noon, umiiyak na siya sa takot, nagmamakaawa siyang buksan siya nito. Hilam ang kanyang mukha sa luhang pumapatak.
"Anong ginawa kong kasalanan? Anong ginawa kong kasalanan sa inyo?" mahina niyang napatanong habang unti – unti nang sumisikip ang mundo niya.
Nag- iisa siya sa kadiliman, masakit ang kanyang mga daliri, dahil umaasa siyang makakatakas siya, ngunit, hindi niya iyon kaya.
"A --- Anong nagawa kong k --- kasalanan?" unti – unting tumahimik ang kanyang paligid.
Agad niyang nahanap ang kanyang naging libingan, ilang dekada ang nakalipas ay may mansion ng nakatayo, tiningnan niya iyon, hindi niya alam kung kaninong mansion ito, kahit nagbago man ang anyo nito
Natanaw niya iyon, nandoon pa rin ang alaala niyang umiiyak siya na walang nakaririnig kundi siya lamang, ang kanyang dating libingan ay may naggagandahang harden.
Isa ba akong magandang bulaklak? Napatanong na lamang sa kanyang sarili. May dalawang taong pumasok sa mansion, tiningnan niya kung sino ang nagmamay – ari sa mansion na naging himlayan ng kaluluwang kagaya niya.
Bigla na lamang napataas ang kaniyang kilay nang masilayan niya ang pamilyar nitong mukha. Napatawa siya pa nang walang bukas.
Sadyang mapaglaro talaga ang panahon, hindi mo alam kung sino ang makakasalubong mo. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon.
Sumunod siya, maaliwalas ang mansion na sumalubong sa kanyang paningin. Napatawa na lamang siya at napailing.
Ito ba ang sekretong itinago mo sa akin, Angely? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Bigla niyang nakita ang pangyayari noon, at tama siya nang hinala na binili ang lupa kung saan siya inilibing noon.
Well, well, a good choice to protect it. Napasabi na lamang niya sa kanyang isipan.
Binili ang lupa para pagtakpan ng Atienza, kasama ang kanyang naging asawa kung paano siya nawala sa mundo.