CHAPTER FORTY-SEVEN

Tama ba ang naging desisyon ko na ikuwento ko sa kanya? Bigla na lamang niyang napatanong sa kanyang isipan. Habang ginagamot niya ang kamay nitong nasaktan.

 

Nakonsensya siya sa nangyari ngayon.

 

"I—I'm sorry, Sharlene. Hindi ko naman napigilan ang emosyon ko." Paghihingi pa nito ng pasensya sa kanya.

 

Napailing-iling lamang siya rito. "Ako dapat ang humingi nang pasensya sa iyo, hindi ko man lang nalagay ang konsiderasyon sa mararamdaman mo."

 

Napabuntong-hininga lang ito sa pinagsasabi niya. Nakita niya na medyo kumalma na ito ngayon.

 

"Mabuti pa'y hindi ko na muna ipagpapatuloy." Napasabi na lamang niya.

 

Hinawakan siya sa balikat nito. "It's okay, Sharlene, we need to talk about it." Sabi naman sa kanyang kaharap.

 

"Halika na muna, papasyal na muna tayo, para maging kalma ang paligid natin." Yaya pa nito sa kanya.

 

Tumango na lamang siya, lumabas kaagad sila sa mansion, at pumunta na muna sila sa hardin na nandoon.

 

"Saan siya inilibing?" tanong naman nito sa kanya.

 

Humihinga na muna siya nang malalim bago niya ipagpatuloy.

 

"Naalala mo iyong abandunadong lugar na sinasabing hindi nadadaanan ng tao?" Tanong naman niya sa kausap niya habang tinitingnan ang mga naggagandahang halaman.

 

"Yeah, I remembered it. Doon ba ang naging libingan ng ate ko?" Tanong naman nito na malayo ang tingin nito.

 

Tumango na lamang siya. Bigla itong napahinto sa paglalakad, at nakita niya ang pagkunot ng noo; nag-iisip ito nang malalim.

 

"No way," mahina nitong napasabi.

 

"No way." Pag-uulit nito.

 

Tumango siya. "Tama ka nga ng hinala, nadaanan ko iyon kangina, properties iyon ng mga Atienza." Napasabi na lamang niya, napakuyom na lamang siya sa kanyang kamay.

 

"Sharlene." Tawag naman nito sa kanya.

 

Napalingon na lamang siya.

 

"Nandoon si Sheila, hindi ba?" tanong naman nito sa kanya.

 

Tumango naman siya.

 

"Kausapin natin siya."

 

Nabigla naman siya sa desisyon ng kanyang kausap. Napakuyom na lamang siya sa kanyang kamay; ayaw pa niyang harapin si Sheila dahil sa nangyari sa kanilang dalawa.

 

"H—Huwag na lang, kung dadalaw ka sa kanya, huwag mo na akong isama." Napasabi na lamang niya sa kanyang kaharap.

 

Napakunot naman ang noo ng kanyang kausap ngayon, napatitig ito sa kanya nang matagal na parang inaalam kung ano ba ang problema.

 

Napabuntong-hininga na lamang ito. "May issue ba kayong dalawa?" napatanong na lamang nito sa kanya.

 

Manghuhula ba itong kasama ko? Napatanong na lamang sa kanyang sarili.

 

"W – Wala naman, nahihiya kasi ako sa kanya."

 

Mas lalong nagdududa ang pagmumukha nitong tinitigan siya. "Nahihiya? Halos hindi nga kayo maghiwalay noong high school kayo, hindi ba?"

 

"Huwag mo na iyong balikan, nakaraan na iyon."

 

Napailing-iling na lamang ito sa kanya.

 

"Aalis na ako, pupunta na muna ako sa bahay ng lola."

 

"Wait,"

 

Tiningnan naman niya ito at may kinuha pa itong susi sa bulsa nito.

 

"Samahan na kita." Ningitian na lamang siya nito. "Tara."

 

"May sugat ka, ako na, personal ko itong problema."

 

"Eh? Baka may mahanap din ako kapag sinamahan kita sa bahay ng lola mo."

 

Napailing-iling na lamang si Sharlene. "Mahilig ka talagang magpilit."

 

Tinawanan na lamang siya nito. "Tara."

 

Hindi na niya ito pinigilan pa. Naghintay lang naman siya sa labasan, matapos kaagad siyang sumakay sa sasakyan sa front seat.

 

Tahimik lang na nagmamaneho si Lawrence, siya naman, tinitingnan niya ang paligid. May nadaanan silang isang lugar, walang katao-tao, nagtataasan ang mga damong nandoon, bigla na lamang niyang nahagip ang isang duguang babae, napatitig siya sa side mirror ng sasakyan na may hinahanap.

 

"What's wrong, Sharlene?" Napatanong na lamang ni Lawrence sa kanya.

 

Agad niyang binawi ang tingin niya sa lugar na iyon. "W – Wala."

 

Sinundan nito ang tingin niya. "Ah, ang sabi'y diyan nakita ang dalawang bangkay na mag-asawa, iyong naikwento ko sa iyo, kanina."

 

Napatango—tango na lamang siya. Napabuntong-hininga na lamang siya; may warehouse din silang nadaanan noon.

 

Tinitigan naman niya iyon, ang napakalumang warehouse.

 

Ellena, diyan ka na muna, magtago ka, anak, babalikan kita—bababalikan ka ni mommy rito. Bigla na lamang nasagi sa kanyang isipan ang napaginipan niyang isang batang babae.

 

Nakita na naman niya ang pulseras na soot-soot sa kamay ng batang babae, nakaramdam siya nang pananakit ng kanyang ulo ngayon, kapag bigla-bigla niyang naalala ang pangyayari sa bawat panaginip niya.

 

Napahawak siya sa kanyang ulo.

 

"Are you okay?" tanong nitong nag-aalala.

 

"I'm sorry, biglang sumakit ang ulo ko."

 

Napatango na lamang ito sa kanya. "Magpahinga ka kapag nakarating na tayo sa bahay ng lola mo."

 

Napatango na lamang siya noon. Nadaanan nila ang property ng Atienza. Bigla na lamang itong huminto ang sasakyan, tinitigan pa ito ng kanyang kasama.

 

"Gagawa ako ng paraan para makapasok ako riyan, at kunin ang natitirang alaala ni Leah. Babalik ako riyan." Napasabi na lamang sa kanyang kasama.

 

Matapos, agad nitong pinatakbo ang sasakyan. Tiningnan niya si Lawrence, seryoso itong nagmamaneho, nasa malalim itong iniisip.

 

Hindi niya masisisi ang kasama niya kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito. Naintindihan niya iyon, naiintindihan niya iyon, kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay.

 

Nasilayan na niya ang bahay ng kanyang lola; pinatuloy na niya rin si Lawrence.

 

"Ipaghahanda lang kita nang maiinom." Napasabi na lamang niya rito.

 

"Huwag ka nang mag-abala, Sharlene." Binigyan niya lamang siya ng tipid na ngiti ni Lawrence.

 

"Pwede ba akong maglibot-libot rito?" tanong naman nito sa kanya.

 

"Feel free. Bisita kita." Napangiti na lamang siya noon.

 

"Aakyat na muna ako sa taas; kung may kailangan ka, puntahan mo na lamang ako." Napasabi na lamang niya.

 

Tumango ito, at siya naman agad pumanhik sa taas, dahil nandoon ang kwarto ng kanyang lola. Napabuntong-hininga na lamang siya; dito rin niya nakita ang lumang notebook ng kanyang lola.

 

Baka may makita pa ako rito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Binuksan niya ang closet isa-isa; hindi niya pinakialaman ang mga damit nito, kung anong makita sa kanyang mata at sinasabi ng kanyang isipan na kunin, kukunin niya ito. Ngunit, wala siyang makitang importanteng gamit.

 

Isang closet na lang ang hahanapin niya at may cabinet din ito sa loob. Sa huling closet, may photo album ito, kaya nama'y binuksan niya iyon. Napangiti na lamang siya, dahil may mga alaala siyang bumabalik sa pagkabata niya.

 

Mag—concentrate, Sharlene. Hindi na niya tinapos ang tinitingnan niyang mga larawan; dali-dali niyang binuksan ang cabinet na nandoon.

 

Nagulat na lamang siyang may mga gamit ito, na tila iniingatan ng kanyang lola. May mga nakalagay sa brown envelope; dali-dali niya itong tiningnan.

 

Napasinghap na lamang siya. Mga bank accounts, mga lupaing nilipat sa pangalan ng lola niya. Biglang nanginig ang kamay niya nang masilayan niya ang pangalan ni Leah; binasa niya iyon.

 

Buhay pa ba ang magulang ni Leah noong pumanaw siya? Napasabi sa kanyang isipan.

 

Paano niya nakuha ang ganitong kalaking ari-arian? Sunod-sunod na tanong sa kanyang isipan noon.

 

Dadalhin niya ang importanteng nakita niya ngayon, aalis na sana siya at tatawagin si Lawrence nang may nakita siyang isang maliit na box. Hindi na sana niya ito pakikialaman, ngunit may sariling pag-iisip ang kanyang kamay.

 

Dahil din sa kyuryosidad ni Sharlene, binuksan niya ito.

 

Pulseras? Sinusuri pa ito ni Sharlene, isang mamahaling pulseras.

 

May nakita siyang larawan, ibinigay ng isang ina sa isang anak. Napatitig siya rito, biglang sumikip ang dibdib niya.

 

Tumulo bigla ang luha sa kanyang mga mata na hindi niya namamalayan.