"WHO ARE YOU?" tanong ni Martin sa isang lalaking naglilibot sa mansion na pag-aari ng lola ni Sharlene.
Tinitigan pa siya nito mula ulo hanggang paa. "Ako dapat ang magtatanong sa iyo. Sino ka?" pabalik nitong tanong sa kanya.
Napakunot naman ang kanyang noo. Naisipan niyang pumunta na muna ngayon, dahil narinig niyang nandito rin si Sharlene.
"Sino ang nagpatuloy sa iyo?" tanong naman niya sa lalaki.
"It's none of your business. Ako nga ang dapat magtanong sa iyo kung bakit nakapasok ka sa mansion na ito."
Naasar naman siya sa kaharap niya ngayon, napatawa na lamang siya.
"Gusto mo ipakulong kita?" panghahamon niya.
"Go on."
Isa pa kung bakit nandito siya sa San Mateo para dalawin din si Sheila sa mansion na ipinamana nito sa kapatid nito. Kailangan niyang subaybayan ang kilos nito, kailangan niyang lunukin ang pride niya, at kapag nagkikita sila ni Sheila, kailangan niyang maging maayos siya para hindi mahalata iyon ng kanyang kasamang si Sheila.
"Whatever. Umalis ka na, habang mabait pa ako ngayon," tanging sabi na lamang niya.
"Why should I leave if I'm invited here in the first place?" tanong pa nito sa kanya.
"Invited? Sino ang taong nag-invite sa iyo?"
"Oh, dapat ka ngang umalis, kung hindi mo kilala ang may-ari rito."
Napatitig siya sa kanyang kausap. "Who the heck this person invited you here?" tanong naman niya na nakakunot ang noo.
May narinig siyang yabag na nanggaling sa taas.
"Lawrence, kailangan na nating umalis."
Iyon lamang ang narinig niya; nabigla siya kung sino iyon. Hindi nakatingin si Sharlene sa kanya; may dala-dala itong mga gamit na hinalungkat na nanggaling sa loob.
"May kailangan kang malaman." Ito na lamang ang narinig niya sa babae.
Nagpang-abot na lamang ang kanyang kilay na nalilito siya sa ikinikilos ni Sharlene; hindi na rin siya pinansin ng lalaking kasagutan niya kanina.
Humihinga na muna siya nang malalim.
"May kailangan din ba akong malaman, Sharlene?" agaw – atensyon niya rito.
Nagtagumpay naman siya at napabaling ito sa kanya.
"Martin," tawag nito sa kanya na nagulat pa. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong naman ito sa kanya.
Nag-isip naman ito. "Oh, hindi ko na pala dapat kailangang tanungin kung anong ginagawa mo rito, dahil alam ko na ang kasagutan."
"Yeah? Why are you here also? Imbes na bantayan mo si Ashley, nandito ka pa talaga na may dala-dalang lalaki." Napaismid na lamang siya rito.
Biglang umarko ang kilay nito. "What are you talking about?" tanong naman nito sa kanya.
Napatawa naman siya kay Sharlene. "Kagaya ka rin pala sa akin, say, bago ka nagpakasal sa akin, ako ba talaga ang ama ni Ashley? O kaya ang lalaking iyan?" turo pa nito.
"Stop it, dude, walang namamagitan sa amin ni Sharlene; kung mayroon man, hindi mo na siya nakilala noon pa." Mataman siyang tinitigan nito. Nakita nito sa mga mata na nagbabanta kung magsasalita pa siya laban kay Sharlene.
"Huwag mong ipasa sa akin ang kasalanan mo sa akin, Martin." Iyon lang ang narinig niya kay Sharlene.
Hindi na siya nagsalita pa.
"By the way, nice meeting you here, Martin Chris Francisco. I mean, ex-husband of my childhood friend."
"Bakit alam mo ang pangalan ko?"
"Why not? Isa sa mga mayayamang angkan dito sa San Mateo, right? Lawrence Dennis Salazar." Pakilala naman ito sa kanya.
Napakunot naman ang kanyang noo at napatitig siya sa dalawa.
"Halika na, Sharlene." Rinig niyang sabi at iginayak ang babae sa labasan ng mansion. Si Martin naman ay naiwang gulat sa pangyayari.
Salazar? Malapit na kamag-anak sa Martinez. Napasabi sa kanyang isipan.
Napailing-iling na lamang siya ngayon. Mas lalo siyang naging interesado kung ano ang pinagagawa ni Sharlene sa bayan ng San Mateo at bakit ito abalang-abala.
May itinatago rin ba ang babaeng iyon? Napatanong sa kanyang isipan.
Napangiti naman siya. Well, let's see kung ano ang madidiskubre ko, but I will focus on that bitch. Sinusumpa niya ang babaeng minahal niya nang husto.
Kailangan niya ring makaalis sa lugar ngayon. Pinaandar niya kaagad ang sasakyan, nagmaneho sa papalayong mansion ng lola ni Sharlene. Ewan ba niya at hindi pinamana ng lola nito ang ari-arian ng Rosario.
Nabalitaan niyang wala ni kahit isa sa mga apo nito na ipinamana ang mga ari-arian. Hindi ito kagaya sa angkan na kinalakihan niya; bigla lang itong umusbong at naging kilala sa bayan ng San Mateo, pati na rin ang Atienza, kung saan ang kapatid ng kanyang kasintahan ay nagpakasal sa Martinez.
Hindi na nangingialam ang pamilyang Francisco sa gulo ng ibang angkan, kagaya na lamang sa nangyari sa Santiago – Gonzalez na nagkaroon ng malaking lamat.
Pinakasalan lang niya si Sharlene dahil ayaw masira ang iniingatan nilang apelyido at pagkakakilanlan sa bayan kung saan siya lumaki.
Wala naman talaga siyang pakialam kung may kalaguyo si Sharlene na lalaki; ang hindi lang niya matanggap ay baka niloloko rin siya ng babaeng kinakasama niya na halos limang taon at pilit nitong pinapanagutan ang bata.
Bigla na lamang niyang naalala na siya ang unang nagwasak sa pagkababae nito nang malasing silang dalawa noon.
What if hindi talaga ako nakabuntis sa kanya? Ang lalaking iyon ang bumuntis sa kanya? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Ngunit, sinasabi ng kanyang isipan na anak niyang tunay si Ashley. Napabuntong-hininga na lamang si Martin. Napansin niya ang sasakyang huminto sa harapan ng pinaglumaang warehouse, nakita niyang nagmamadaling nanaog si Sharlene, napahinto naman siya at tiningnan ang mangyayari.
Sinundan lang ito ng lalaki, pumasok kaagad ito sa warehouse. Siya naman ay nagtaka noon, kaya naman ipinarada niya ang kanyang sasakyan na hindi kaagad makikita nang iilan. Pinakiramdaman niya ang paligid kung wala na ba'ng taong nakasunod sa kanila.
May dalawang taong nag-uusap.
"Sharlene, anong ginagawa natin rito?" Rinig niyang tanong sa lalaking kasama nito.
Nakinig na lamang siya sa pag-uusap ng dalawa.
Hindi kaagad ito sumagot; tila may hinahanap ito. May nakakita itong pinaglumaang cartoon noon, bigla na lamang itong lumapit.
"Sharlene?" tanong nitong pag – aalala.
"Lawrence, may anak ba iyong nabanggit mong mag-asawa?" tanong naman nito.
"Si Carmela at Donald may anak sila, hindi ba?" sunod-sunod nitong tanong.
Kumunot ang noo ni Martin sa kanyang narinig.
Dalawang dekada na'ng nangyari iyon ah, iyon ang dahilan kung bakit nagkagulo ang pamilyang Santiago-Gonzalez noon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
May hawak-hawak itong isang pulseras sa kamay nito.
"Lawrence, nakita ko to sa cabinet ng lola ko."
"May pangalan bang nakalagay riyan?"
Tiningnan kaagad ito ni Sharlene. "S.E.," rinig niyang basa ni Sharlene.
"A—Anong ibig sabihin niyan?" takang tanong naman ng kasama nito.
Hindi kaagad nakasagot si Sharlene, nakikinig lang siya sa pinag -uusapan nito.
"E – Ellena, E – Ellena ang pangalan ng anak nila. I—iyon lang naririnig ko kapag tinatawag ni Carmela ang bata." Sabi naman nito.
"Aray." Mahinang daing ni Sharlene na napahawak sa ulo nito.
"Sharlene, hey, are you okay?" tanong nito na inalalayan ang babae.
Bigla itong nawalan ng malay na hawak-hawak ang pulseras nito at tantiya niya'y mahahalagang dokumentong nahanap nito sa bahay.
Papaalis na sana siya nang may tinawagan ang lalaki na nakaalalay lang kay Sharlene.
"Hello, Drake." Halata sa boses nito na nagmamadali.
"Yeah, magkita tayo mamaya—maya, may mahalaga akong documents na ipapatingin sa iyo," sabi pa nito.
"Saka, baka rin makatulong ang paghahanap mo sa pinsan mong nawawala." Seryoso nitong sabi.
Mas lalo siyang naging curious kung ano na naman ba ang kinasadlakan ni Sharlene, at bakit kilala nito ang dalawang mag-asawa?
Napailing-iling na lamang si Martin; nagtago na muna siya, pinauna niyang makalabas ang dalawa na karga-karga pa si Sharlene noon, sumunod siya pagkatapos.
Agad umalis ang sasakyan, at siya naman ay umalis na rin sa lugar na iyon. Naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang pinag-uusapan ng dalawa kanina.