"AALIS na muna ako, hon." Paalam ni Justine sa kinakasama nito.
"Okay, balik ka kaagad ha?" Malambing pa nitong tugon na ngumiti sa kanya.
"Yeah, babalik ako kaagad." Kumaway lang ito sa kanya nang lumabas siya sa mansion na tinutuluyan nito.
Pumunta na muna siya kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan, binuhay niya ang makina nito at agad pinatakbo. Tinawagan siya ng isang kliyente; makikipagkita siya rito, dahil may mahalaga silang pag-uusapan.
Napabuntong-hininga na lamang si Justine noon; nadaanan niya ang lumang warehouse na nandoon, pati na kung saan nakita ang dalawang bangkay ng mag-asawa. May lead rin itong sinabi sa paghahanap ng kanyang pinsan.
Ang sabi ng kanyang kliyente, magkikita sila sa mansion nito. Kaya nama'y nagtungo siya kaagad roon.
Well, I'm bored na rin; kailangan ko na ring kumilos. Napasabi sa kanyang isipan.
Nakaabot kaagad siya sa kanyang pupuntahan, pinatuloy kaagad siya ng kasambahay na nandoon. Diretso siya sa private room nito.
"What is it?" diretsahan niyang tanong rito, at napabuntong-hininga pa.
Hinarap naman siya nito.
"Please take a seat, Drake." Sabi pa nito.
Umupo naman siya kaagad noon, nakahalumbaba itong may malalim sa pag-iisip, kaya naman tumikhim siya sa kanyang kaharap.
"Ah, I'm really sorry; may nangyari ngayong araw na hindi agad naproseso sa isipan ko ngayon." Nakita pa niyang napasandal ito sa upuan at inayos ang postura.
"Oh, that's why you cancelled our meeting." Napasabi naman niya.
"Look, I'm sorry kung last minute ko na sinabi sa iyo at naikansela iyon, may mahalaga lang akong taong hinarap ngayon." Napabuntong-hininga naman ito .
Hindi na nagsalita si Justine; nandito siya para makinig sa sasabihin nito ngayon, bilang kliyente.
"Hey, Drake. May lead ka ba kung paano mo hahanapin iyong nawawalang anak?" napatanong naman nito sa kanya.
Nabigla siya sa katanungang iyon. "Nope, wala akong lead kung paano ko hahanapin ang dalawang dekadang nawawalang anak nito," sagot naman niya.
May kinuha itong documents sa bag nito. Ibinigay ito sa kanya.
"Hope that helps, Drake."
Kunot—noong niyang tinanggap ang binigay nitong documents sa kanya na halatang pinaglumaan na ng panahon.
"Saan ito galing?" tanging napatanong na lamang niya.
"Iyan ang pinagkakaabalahan ko kanina."
Hindi siya nagsalita pa; agad niyang sinuri ang ibinigay nitong mga dokumento sa kanya, napakunot naman ang kanyang noo.
Namutawi sa kanyang labi ang isang ngiti.
Interesting. Komento sa kanyang isipan.
"Here."
"What is it?" tanong naman niya sa kanyang kausap.
Habang tinitingnan ang mga papeles na nasa kamay niya ngayon. Agad niyang tiningnan kung ano ang ibinigay nito.
Larawan ng isang pulseras.
"Para saan iyan?" tanong naman niya na kinuha ang printed picture ng isang pulseras.
"That will be your guide para matunton mo ang hinahanap mo, Drake."
"Paano nagiging guide ito sa akin?" napatanong naman niya ulit sa kaharap niya.
"Ibibigay ko sana sa iyo ang totoong physical na pulseras na hawak ko, but, kailangan niya ring alamin iyon." Napasabi ito at napabuntong-hininga na lamang.
Hindi na siya nagsalita pa.
"And also," bumuntong—hininga naman ito. "Pasensya ka na kung ang dami kong hinihinging pabor."
"Don't worry, kung usapang bayad naman, alam kong hindi mo ako titipirin." Sabi naman niya.
Napatawa na lamang ito sa kanyang sinabi. Biglang sumeryoso ang boses nito.
"Observe their mansion."
Alam niya kung sinong tinutukoy nito. "Why? Ano ang nadiskubre mo?" tanong naman niya sa kanyang kausap.
Nagkibit-balikat pa ito bago sagutin ang kanyang katanungan, parang nagdadalawang-isip ito.
"I heard dati iyang abandunadong lote na ginawang mansion, hindi ba?" tanong naman nito sa kanya.
Napatango na lamang siya. "Why?" Itinago niya ang mga mahahalagang documents na ibinigay sa kanya.
"Doon ang naging libingan ni Ate Leah."
Nagimbal siya sa kanyang narinig. Hindi siya naka-imik kaagad sa sinabi nito. "Paano mo nasabi iyan?"
"Rosario's family was involved in this case. Lalong—lalo na si Felicia Rosario." Nasabi naman nito.
"Mahirap paniwalaan, but sinasabi ng kutob kong alam nila kung saan nalibing si ate Leah. Alam kong tatawanan mo ako, but this case involved something that we can't explain." Paliwanag naman ito sa kanya.
Hindi na lamang nagkomento si Justine sa pinagsasabi ng kanyang kaharap. "Observe them, please, lalong—lalo na ang kapatid ni Angely Atienza."
Napabuntong-hininga na lamang siya, napatango siya, at tumayo. "You need to rest." Tanging sabi na lamang niya noon.
Tumango—tango naman ito sa kanyang sinabi.
"Aalis na ako." Pagpapaalam pa niya sa kanyang kliyente. Napabuntong-hininga ito at tumango na lamang.
Lumabas na siya sa private room, at diretso siya kung saan niya pinarada ang kanyang sasakyan. Agad siyang sumakay. Pinoproseso niya ang mga haka-hakang kanyang narinig ngayon, tiningnan niya ang mga documents na nakuha niya ngayon.
Kailangan niyang pag-aralan, at bakit nasabi niyang napasali ang pamilyang Rosario?
Paanong nalipat ang bawat titulo ng lupa, bank account, at kayamanan sa pamilyang Rosario na siyang patay na noon si Leah Martinez? Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
This case involved something that we can't explain. Naulit nito ang sinabi ng kanyang kliyente.
Kumakagat na ang kadiliman; wala siyang pakialam kung saan nagpupunta ang kanyang kinakasama palagi.
Damn, ang dami-dami kong trabaho ngayon. Bumuntong-hininga na lamang siya ngayon.
Dumadalaw na muna siya sa sementeryo, dahil death anniversary din iyon ng kanyang ama. Bumili na rin siya ng kandila.
Tahimik ang paligid; magkatabi lang ang burol ng kanyang ama at ng kanyang tito at asawa nito. Nabigyan nga nila ito ng tamang libingan, ngunit hindi pa rin nila makita—kita at mahuli—huli kung sinong pumatay sa dalawa.
Palaging nakatatakas ang may sala. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon.
Nag-alay siya ng dasal. Lalong—lalo na sa tito at tita niya.
Sana bigyan ninyo ako ng clue kung buhay pa ba ang anak ninyo, tito. Napabuntong-hininga na lamang siya noon.
Ano bang clue ang maibibigay ninyo sa akin? Napatanong na lamang siya sa mga nahihimlay.
Bigla na lamang nasagi sa kanyang isipan ang pangalan ng anak nito. Napatitig siya sa burol ng mag-asawa; tila nasagot agad ang kanyang katanungan.
Gabayan ninyo ako, tita, tito.
Dali—dali siyang umalis, bumalik kaagad siya sa sasakyan, at hinanap niya kaagad ang mga documents na ibinigay ng kanyang kliyente. Lalong—lalo na ang larawang ibinigay nito.
Nakita niyang may nakalagay doon.
S.E.? Napatanong sa kanyang isipan.
Maybe pangalan ito ng kanilang anak. Ano ba ang pangalan ng anak ni tito na laging binabanggit ang pangalan nito? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Ellena. Sagot sa kanyang isipan.
Ano itong S?
Nag-iisip naman siya noon.
Santiago?
Maybe? Pero, pangalan ang Ellena at hindi Santiago ang apelyido niya, kundi Gonzalez. Inaanalisa niya ang nasa isipan niya ngayon.
Ngunit, kahit anong kalkal ng kanyang isipan, hindi pa rin niya mahanap ang kasagutan.
Dumidilim na at kailangan na niyang bumalik. Ibang-iba ang bayang ng San Mateo, dahil kapag kumagat na ang kadiliman, unti-unting tumatahimik ang paligid nito.
Pag-aaralan pa niya ang mga documents at kailangan niyang mag-obserba. May nadadaanan siyang mga kabataang naglakad-lakad; baka pauwi na rin ito sa kani-kanilang tahanan. Nakaabot na siya sa mansion na minana nito sa kapatid.
Tiningnan niya ang kabuuan nito.
I can't believe ito ang naging libingan ni Leah Martinez. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Kaagad siyang bumusina para buksan siya ng mga kasambahay nito; hindi naman siya nabigo at pinagbuksan siya nito.
Pinarada niya ang kanyang sasakyan, at pumasok kaagad sa mansion. Itinago na muna niya ang documents sa kanyang bag. Diretso siya sa kwarto niya na walang makaabala sa kanya.
Lumabas siya, at nag-antay si Sheila sa kanya.
Sumalubong kaagad sa kanya ang isang mapusok na halik, napangisi naman ito sa kanya at pumulupot ang kamay nito sa kanyang leeg.