MAY KUMULBIT kay Leah, kaya naman napatingin naman siya sa batang nakatingin sa kanya, napabuntong-hininga na lamang siya.
Kailangang makalabas na siya rito. Napasabi sa kanyang isipan. Kinuha niya ang bata sa kulungan. Ngunit, ibinalik niya ito kaagad nang may maramdaman siyang hindi maganda.
Not now. Napasabi sa kanyang isipan.
"Ashley," tawag niya rito.
Napalingon naman ang bata sa kanya. "Kaya mo bang maglakbay?" biglang natanong niya sa bata.
"Maglakbay?" tanong naman nitong nalilito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya kung paano niya ipaliliwanag sa bata ang nais niyang iparating. May matang nakatingin sa kanya, kaya naman napalingon siya. Ang isa pala niyang katauhan.
"Kaya kong ibigay sa kanya iyon." Napasabi na lamang nito sa kanya.
Hindi siya sumagot nito. Nag-iisip siya.
"Dalhin mo ang isipan ni Ashley kapag nakalabas ako rito, may titingnan lang ako." Agad siyang naglakad sa walang katapusang kadiliman.
Sumunod naman sa kanya ang isa niyang katauhan, nabigla na lamang siya na ang isipan ng batang dala nito ay binigyan niya ng katauhan, tila totoong kasama nila si Ashley ngayon.
Napatitig naman siya sa isa niyang katauhan. "Kaya ba niyang mapalayo sa totoo niyang katauhan?" napatanong na lamang nito sa kanya.
"Hindi ko sinubukan, pero kaya niyang makipag-usap kay Vivianne."
Napakunot naman ang kanyang noo. "Sinasamahan mo ba siya?" tanong naman niya.
Napailing-iling naman ito sa kanya. "Ginagabayan ko lamang siya paano niya gagamitin iyon."
Alam ba iyon ng mga nandoon? Muli itong umiling sa kanya.
"Ashley, pwede mo bang tawagin si Vivianne rito?" tanong naman niya.
Tanging tango na lamang ang sinagot ng bata.
"Ashley." May boses na kilala niya.
"Ate Vivianne."
Nabigla naman ito sa kanya; sinenyasan niyang umalis ang isa niyang katauhan, at kaagad itong naglaho na parang bola. Napatitig ito sa kanya at sa bata.
"Pinapalaya mo na ba si Ashley?" tanging tanong na lamang nito sa kanya.
"Isipan pa ang kaya kong palayain ngayon, kaya nakakausap mo siya minsan na ikaw lang naman ang tanging may kakayahang gawin iyon."
"Isipan?" napatanong na lamang nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
"Bago malaman lahat ni Sharlene ang buo niyang katauhan, makalalaya na ang bata." Sabi naman niya rito.
"Pamangkin mo si Sharlene." Tanging sabi na lamang ng kanyang kausap.
"Hindi ko siya kadugo; kadugo siya ng magaling kong asawa."
Hindi ito nakasagot sa kanya. "Mabibigyan ka na rin ng tamang burol, Leah."
Napatawa naman siya. "Wala na akong pakialam kong mabibigyan ako ng tamang burol."
"Dadalhin ko ang tatlong kaluluwang bihag ko kung saan ako mapupunta; hindi sila pwedeng makawala sa akin." Tanging sabi niya na nag-aapoy na naman ang galit sa puso niya.
"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo, Leah?" tanong naman nito sa kanya.
"Napapagod?" Napangisi naman siya. "Hindi ako mapapagod, hindi pa rin ba nag-sink-in sa isipan mo ang ginawa ng lola mo sa akin?" tanong naman niya. "Hindi lang sa lola mo, kundi sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang buo noong nabubuhay pa ako." Sabi pa niya.
"Alam kong madaming kasalanan ang lola namin sa iyo, dahil sa pera at kayamanang inilantad ng angkan ng Santiago at pati rin sa iyo, isa lang naman kaming ordinaryong taong nabubuhay sa mundo, Leah. Alam kong walang kapatawaran iyon, ngunit nakapapagod kung palagi mo itong dala-dala sa kamatayan mo." Saad naman nito sa kanya.
"I wonder kung anong mararamdaman ni Sharlene kapag bumalik ang alaala niya? Magiging si Sharlene pa rin ba siya?" tanong naman niya rito.
"Mama ko pa rin siya," biglang sagot naman ni Ashley sa kanila na ngumiti pa. "Hindi magbabago si mama, alam ko iyon."
Hindi sila nakapagsalita na dalawa na nakatingin lang sa bata.
"Ashley." Tanging sambit lang ni Vivianne. "Babalikan kita rito, tawagin mo lang si Ate Vivianne, tapos, pupunta ako rito." Napasabi na lamang ito.
Hindi siya nagsalita noon; tiningnan siya ni Vivianne. "Gagawa ako ng paraan, gagawa ako ng paraan, Leah. Ayokong magsisisi na naman ako sa huling pagkakataong ito na hindi kita natulungan noon." Rinig niyang sabi.
Napabuntong-hininga na lamang siya. "Huwag kang mangako, Vivianne." Tanging sabi na lamang niya.
"Hindi kita bibiguin." Sabi pa nito sa kanya.
Napataas na lamang ang kanyang kilay sa narinig niya. "Dadalhin ko na muna ang bata sa mundo ninyo, kung kaya ba ng isipan niyang maglakbay at mapalayo sa totoo niyang katauhan na nakakulong." Tanging sabi niya noon.
"Sasama ako." Napasabi na lamang ni Vivianne.
Napatitig na lamang siya rito. "Sumunod ka kung gusto mo."
Dinadalaw na naman niya ang kanyang anak sa lumang mansion; nakasunod lang ito sa kanya. Nabigla na lamang siya na may bulaklak na iniligay si Vivianne sa kanya.
Hindi naman siya kumibo.
"Naparami mong alaala rito, Leah." Iyon lang ang narinig niya kay Vivianne.
"What memories?" napatanong na lamang niya rito.
"Masasaya at masalimoot." Napasabi na lamang nito sa kanya.
Napangisi na lamang ito sa kanyang kausap. Umalis siya, napunta siya sa sekretong basement noon kung saan pinaglaglag ng kanyang asawa ang dala-dala niyang sanggol sa sinapupunan.
"Maawa kayo, maawa kayo, walang kinalaman rito ang bata." Pagmamakaawa niya kay Manuel.
"Manuel, alam mo namang bad omen sa pamilya natin ang babae lalong-lalo na at panganay ninyo iyan. Ipalaglag mo iyan, Leah. Para rin naman ito sa inyo." Rinig niyang sabi ng isang lalaki na nasa katandaan na.
Pumikit si Leah; ayaw niyang maalala iyon. Nakita na lamang niya ang dugong bumalisbis na nanggaling sa sinapupunan niya; wala siyang nagawa, lumabas ito, pitong buwan kung saan buo na ang kalamnan ng sanggol.
Napasigaw na lamang siya noon.
"Kalunos-lunos." Komento ni Vivianne na nakita rin ang nakaraan.
Napansin niyang hindi na kaya ng bata ang lumayo.
Hinawakan niya ang bata at napabalik sila sa kadiliman. Nakasunod pa rin sa kanya si Vivianne.
"Kailangan mo na ring umalis, hindi na kaya ng katawan mo." Sabi pa niya kay Vivianne.
Bigla itong naglaho sa kanyang paningin, dumating naman ang ikalawa niyang katauhan.
"Ibalik mo na ang bata."
Hindi ito nagsalita, sinunod naman siya nito. Siya lang ang nag-iisang naglalakbay sa kadiliman.
Hindi ka ba napapagod? Nakintal sa isipan niya nang tanungin siya ni Vivianne.
Walang kamatayan ang galit ko, kaya wala akong karapatang mapagod. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Ang mapaglarong mundo ang gumising sa diwa niyang maghiganti sa mga taong umapi sa pamilya niya. Naghihintay siya ng pagkakataon, at ito ang pagkakataon niyang iparamdam ang galit niya.
Hindi siya dapat maawa ni kahit kanino man, pero nasa isipan niya palagi na hindi niya dapat dinamay ang mga inosente na hindi naman napasali sa gulo na nasuungan nila.
Nakita niya muli si Carmela na naglalakbay, pumapatak ang luha, hinahanap ang anak nito, nakasunod ang asawa nito.
Biktima ng sariling angkan, biktima ng sariling pamilya, kung saan nagkakaroon ng lamangan. Napailing-iling na lamang siya sa kanyang naiisip ngayon.
Pero, alam kong matatahimik na sila kapag naalala nito ang totoong pagkatao ng kanilang nawawalang anak. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Kailan ko ulit makikita ang pinatay kong anak sa sinapupunan ko? Napatanong na lamang sa kanyang sarili.
Hindi mo na ulit masisilayan, dahil sanggol pa'y pinatay na. Sagot naman ng kanyang isipan, napatawa na lamang siya sa kanyang iniisip ngayon.