BIGLANG dumalaw si Martin kay Sheila ngayon sa kanyang mansion; nagpapasalamat siyang nakaalis na ang kanyang kasama.
"Gosh, hon, bakit hindi ka nagpasabi na dadalaw ka?" Tanging tanong na lamang niya sa lalaki na sinalubong pa niya itong ng yakap.
Mahina lang itong napatawa sa kanya, matapos siyang halikan nito sa labi.
"To surprise you." Nakikita sa mga mata nito na masaya siyang nakita ng lalaking kanyang kaharap.
"You're so sweet." Napasabi na lamang niya.
May dala-dala pa itong bulaklak at mga pasalubong galing syudad. Pinatuloy niya ang kanyang kasintahan sa kanyang palasyo. Nilagay lang nila ang dala nitong pagkain sa table nito.
Inulan na naman siya nang mainit na halik nito; halatang sabik na sabik ito sa kanya ngayon, subalit ayaw ng kanyang katawan dahil pinaligaya nang husto ang kanyang katawan kagabi.
"Martin."
"Yeah?" tanong naman nito sa kanya na sabik na sabik.
"Kailangan ko pang magpahinga." Palusot naman niya.
Tumigil naman ito at tinitigan siya. "Oh, I'm sorry, hindi ko naisip iyon." Tiningnan naman siya nito.
"It's okay, hindi pa kaya ng sugat sa katawan ko." Sabi naman niya.
"Yeah." Ngumiti naman ito sa kanya. "Wala bang nanggugulo sa iyo, simula nang lumipat ka rito?" tanong naman nito sa kanya.
Umupo sila sa sala noon. "Yeah, I'm fine, Saka. May bodyguard naman ako, kapag dumidilim na nakabantay sa mansion."
"That's good to hear; para naman iyan sa safety mo." Ngumiti pa ito sa kanya.
Ngumiti naman siya pabalik dito. Kailangan niya itong gawin para maangkin niya ang kayamanan ng Francisco.
Kaunting tiis na lang, Sheila. Napasabi sa kanyang isipan noon.
"Villa ito ng ate mo, hindi ba?" biglaang tanong naman ng kanyang kasama at nililibot pa ang tingin sa loob ng kanilang mansion.
"Yeah, pinag-iponan ito ng ate ko at ng kanyang asawa, saka, ipinamana pa sa akin." Napatawa na lamang siya nang ikuwento niya iyon.
"I got curious, hon," tumingin pa ito sa kanya.
Nag-aantay na lamang siya kung anong sasabihin nito, nakatingin ito sa malayo na tinitingnan ang papalubog na araw sa bintana kaharap ang magandang hardin sa labas ng mansion.
"I heard before that your sister Angely is a mistress," napatanong pa nito sa kanya.
Nabigla naman siya sa katanungan nito.
"S—Saan mo naman iyan narinig, hon?" tanong naman niya.
"Kumalat kasi noon ang usap-usapan tungkol doon," nilingon naman siya.
Hindi siya naka-imik noon.
"Don't worry, I got curious about that. I know chismis lang iyon rito noon, and I know your sister is the legal wife of Mr. Fredrick Manuel Santiago." Napasabi naman nito na ngumiti sa kanya.
"Y – Yeah, hindi mo dapat kailangang paniwalaan ang ganoong pag-uusap, dahil hindi naman iyon totoo." Sabi naman niya.
Walang nakakaalam na isa ring kabit ang kanyang kapatid na babae; noong namatay ang totoong asawa nito, nagpakasal ito sa kanyang kapatid. Napatitig na lamang siya sa lalaking kaharap niya ngayon.
"Yeah, I'm sorry kung bigla kong natanong sa iyo iyon." Pahinging pasensya naman nito sa kanya.
"Hon, mistress mo ba ako?" tanong naman niya rito.
Napakunot naman ang noo nito at napatawa sa kanyang katanungan.
"Of course not, huwag kang mag-aalala, magiging legal din kitang asawa kapag napirmahan na ni Sharlene ang divorce paper." Paninigurado pa nito sa kanya. "You know that you're my queen, right?" pabulong pa nitong tanong sa kanya.
Nakiliti naman siya sa pagbulong ng lalaki sa punong-tenga niya. Malagkit niya itong tinitigan, at napangiti.
"That's why I love you, Martin." Sabi pa niya noon.
"Yeah." Niyakap lamang siya ng lalaki.
Napangiti na lamang siya nang papalihim. Kailangan maging maingat ang galaw niya; magpapakasal siya kay Martin para sa kayamanan nito.
"By the way, how's your business?" tanong pa nito sa kanya.
Nabibigla siya sa mga katanungan nito ngayon; hindi siya kaagad nakaimik sa katanungan nito, naghuhukay pa siya ng palusot sa kanyang isipan, baka mahuli pa siyang nagsisinungaling. Isa pa, nagasta na niya ang pera para sa kanyang luho.
"Ah, that business, hindi ko pa nasimulan, alam mo namang nagpapagaling pa ako ngayon, but nakausap ko naman ang mga kasosyo ko na in any minute makikipagkita ako sa kanila para pag-usapan namin iyon." Agad niyang sabi rito.
Napatango—tango na lamang ito sa kanya.
"Give me a call if makikipag-meet ka sa kanila; I want to meet them also, to ensure that your business is okay." Sabi pa nito.
"Y—Yeah, I will give you a call." Ngumiti naman siya. "But I want to surprise you with a business; sasabihin ko iyo kapag naging stable na iyon. Gusto lang kitang surpresahin." Napasabi na lamang niya.
Napangiti naman ito sa kanya. "Well, desisyon mo iyon, I know that business of yours will be successful; you know that I am always rooting you to your success, hon." Sabi pa nito sa kanya.
"Aww, thank you so much for that. You're my big fan, always in my achievement. That's why ang hirap mong pakawalan." Hinaplos pa niya ang pisngi ng lalaking kaharap niya.
"Kapag kaligayahan mo, kaligayahan ko rin, Sheila." Ngumiti pa ito sa kanya.
Ngumiti naman siya sa lalaki. "By the way, we have an early dinner today. Pinahanda ko na sa kasambahay ko ang magiging hapunan natin; just wait here, okay?" tanong naman niya rito.
"Sure, I'm enjoying this beautiful view here." Tiningnan naman siya nang mataman nito.
Napatango na lamang siya, napailing-iling siya sa mga katanungan nito, walang negosyo at kasosyo ang mangyayari, lahat ng sinabi niya kanina ay puro kasinungalingan lamang, tinulungan niya ang kasambahay niyang maghanda ng kanilang makakain.
Kailangan niyang makabawi ngayong gabi, baka mabulyaso ang plano niya. She felt the uneasiness feeling nang kausap niya si Martin.
Something's off. Napasabi sa kanyang isipan. Piniling niya ang pag-iisip na iyon, dahil nakikita naman niyang mapapaikot niya pa rin si Martin sa kanyang mga palad.
You need to calm down, Sheila. Pagpapaalala niya sa kanyang sarili. Pinakalma niya ang kanyang sarili, at biglang nag-vibrate ang phone nito. Agad niyang binura ang text na galing kay Justine.
Nagpapasalamat siyang abala rin sa trabaho ang lalaking iyon; baka mahalata pa ni Martin na may namamagitan sa kanila ni Justine.
Ang perang binigay ni Martin sa kanya, ang iba'y nagasta niya sa luho at ang iba nama'y nasa bank account niya. Binigyan niya rin si Justine bilang kabayaran na rin na sinamahan siya rito sa mansion ng kanyang kapatid.
Nandito si Sharlene, hindi ba? Napatanong sa kanyang isipan.
"Manang, pakitawag po si Martin." Utos niya sa kanyang kasambahay.
Tumango ito at agad pinuntahan ang lalaking nasa sala na pinapanood ang view sa bintana. Nakahanda na ang lahat na pwede nilang kainin ngayon.
"Wow, ang bango naman." Komento naman ni Martin noong nakalapit ito sa hapag.
"Of course, halika na, kumain na tayo." Yaya naman niya noon.
Tumango na lamang ito sa kanya na napakalapad ng ngiti; pinagsilbihan niya si Martin ngayon.
"Thanks, napakaalaga talaga."
"Basta, ikaw." Kindat pa niya.
Mahina lang itong napatawa sa kanya. Kumain na sila noon.
"Martin, I heard that nandito si Sharlene." Pag-uumpisa naman niya rito.
"Oh, yeah? Saan mo narinig?" tanong naman nito.
"Well, kilala ng kasambahay ko si Sharlene, ang sabi'y may kasamang lalaki."
Tiningnan niya ang reaksyon ng lalaking kanyang kaharap.
"Really? The nerve." Tanging komento nito.
"I don't want to comment on anything about her life, hon. But what if hindi mo talagang totoong anak si Ashley?" Napatanong na lamang siya.
Hindi ito nakaimik sa kanya, at napaisip. Papalihim siyang ngumiti ngayon. Unti-unti niyang sisirain ang pagkatao nito.
Hindi ito nagsalita at kumain lang ito.
This will be my sweet revenge on you, Sharlene. Napasabi sa kanyang isipan.