CHAPTER FIFTY-ONE

NAPABUNTONG-HININGA si Vivianne matapos niyang makausap ang kanyang kapatid.

 

Ang dami naming hindi alam. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, minasdan niya ang batang natutulog ngayon.

 

Nakakaguilty ito. Kung hindi ba napahamak si Ashley? Hindi rin ba namin malalaman ang lihim na iyon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.

 

Kung kailan pa talagang madamay ang bata, doon pa talaga malalaman, no? napailing—iling na lamang si Vivianne.

 

Mahimbing siyang nakatulog nang tumawag ang kanyang kapatid na si Tashia. Hindi pa nakabalik noon si Sharlene, dahil aalamin pa nito ang katotohanan; isa pa'y isa siya sa dahilan kung bakit hindi niya natulungan si Leah noon.

 

Habang tinitingnan niya ang bata, bigla na lamang bumukas ang pintuan. Akala niya'y bumalik na si Sharlene, laking gulat na lamang niya sa bisitang hindi naman niya inaasahan.

 

Biglang napataas ang kanyang kilay, napatitig na lamang siya rito, tahimik niyang tinitingnan ito na nakatingin rin sa kanya.

 

"Wala si Sharlene rito." Iyon lang ang sabi niya sa kaharap niya ngayon.

 

"I know, nandoon sa San Mateo, hindi ba?" Tanong naman ito sa kanya.

 

Nabigla naman siya sa pinagsasabi. "Alam mo palang nasa San Mateo, anong ginagawa mo rito?" Napataas naman ang kanyang kilay.

 

"Hey, talaga bang walang kalaguyo ang ate mo noong nagpakasal kaming dalawa?"

 

Napantig ang tenga niya sa katanungan nito. "Pinagsasabi mo ngayon?"

 

"Nandoon si Sharlene, nakipagkita kuno sa kababata niya; akala ko namang naging mabuting ina sa batang iyan." Napailing-iling na lamang ito.

 

"Akala ko ba hiwalay na kayo ni ate? Bakit pinapakialaman mo siya ngayon?" tanong naman niya rito.

 

"Gusto ko lang siguraduhing anak ko talaga iyang si Ashley." Tinitigan pa nito ang bata.

 

"Ipa DNA test mo, kaya mo naman iyon." Panghahamon naman niya sa kanyang kausap.

 

Napatitig na lamang ito sa kanya at hindi ito kaagad nakasagot. Napailing na lamang ito.

 

"Pwede ba kung may problema kayo ni Sheila, huwag kang magtapon rito ng hinanakit mo at isisi mo kay Sharlene." Dagdag pa niyang sabi noon.

 

"Anong nalalaman mo tungkol sa amin ni Sheila?" tanong naman nito sa kanya.

 

"Pareho kayong maliliit ang utak." Pang—insulto naman niya.

 

"Hindi ako nandirito para makipag-away sa inyo."

 

"So anong trip mo ngayon, Martin?" tanong naman niya na tinitigan nang mataman ang kausap niya. "Make sure hindi masasayang ang oras ko sa pakikipag-usap ko sa iyo."

 

Napangisi naman ito sa kanya, kaya naman, naging seryoso na rin ang pagmumukha niyang hinarap si Martin.

 

"Bakit nangingialam ang ate mo ngayon sa alitan ng tatlong angkan?" tanong naman nito sa kanya.

 

Hindi niya kaagad naproseso ang katanungan nito. "Oh, my bad, my bad." Napasabi pa nito at mahinang napatawa.

 

Alam niya ang tinutukoy nito. "Anong nalaman niya?" sunod-sunod nitong tanong sa kanya.

 

"Ano bang pakialam mo? Pinakialaman ka ba ng ate?" Pabalik niyang tanong sa taong kaharap niya.

 

"Carmela Geraldine Santiago-Gonzalez, iyan ang babaeng pilit niyang inaalam, isa pa'y Leah Martinez, anong nakain ng kapatid mong si Sharlene, bakit niya hinuhukay ang matagal ng patay?"

 

"Siguro'y kagagawan ito ng Lola mo?" tanong nitong napangisi sa kanya.

 

"As I heard, kilala ng lola mo ang pamilyang Martinez, Gonzalez, at Santiago. Kaya ba may biglang yaman at lupain kayo noon dahil nakahuthot ng malaking halagang pera ang lola mo?" pang-uyam nitong tanong sa kanya.

 

"Huwag ka ngang masyadong magmalinis diyan, sino bang lalaking bahag ang buntot na sundin ang payo ng magulang para huthotin din ang yaman ng Rosario?" tanong naman niya noon.

 

Napatitig ito sa kanya. "Akala mo hindi ko alam?" Napangiti naman siya noon, hindi kaagad ito nakaimik sa katanungang binato niya ngayon.

 

"Kayamanan ng Rosario?" Napatawa pa ito nang makabawi ito sa binato niyang katanungan noon.

 

"O kaya'y kayamanan ng dalawang pamilya? Well, pinagkasundo kami ng magulang ko at lola ninyo noon, I'm a good son at kailangan kong sundin ang magulang ko." Depensa pa nito sa kanya.

 

Napatawa naman si Vivianne sa kanyang narinig. "Bahag nga ang buntot mo." Napailing-iling naman ito sa kausap.

 

"Naintindihan ko na kung bakit ayaw mong isali si ate sa mga ari-arian mo, naintindihan ko na kung bakit ayaw mo siyang isali sa kayamanan mo, dahil ayaw mong mawala ang kayamanan mo at mapunta sa lola namin noon." Napabuntong-hininga na lamang si Vivianne sa kausap niya.

 

"Nang namatay si Lola Felicia, para kang nabunutan ng tinik, dahil pwede kang makipaghiwalay kay ate anytime, at mawawalan ng bisa ang napagkasunduan ng pamilya mo kay Lola Felicia."

 

"Saan hanggan ang nalalaman mo, Vivianne?" napatanong pa nito sa kanya.

 

Ngumiti siya rito. "Alam ko, dahil pareho tayong gahaman sa bagay na binigay sa atin ng mundo, Martin. Pero, huwag kang mag-aalala, walang pakialam si ate sa kayamanan mo o kayamanan ni Lola Felicia." Napasabi pa niya noon.

 

"Dahil walang iniwang last testament si lola sa aming tatlo. Ika nga, ayaw ng matandang iyon na ipamana sa amin ang pinaghirapan niya. What a selfish grandmother, right?" Napatawa pa siya noon.

 

"Well, we're still here, alive and kicking." Napasabi pa niya rito. "Kaya huwag mo nang pakialaman si ate Sharlene sa ginagawa niya ngayon."

 

"Well, confirmed nga na kilala ng lola mo ang tatlong angkan na kasabayan ng pamilya ko." Napatango pa ito na napabuntong-hininga.

 

"Ano ba talaga ang gusto mong malaman, Martin?" diretsahan niyang tanong sa kanyang kaharap na tinitigan nang mataman ang lalaki.

 

"Alamin mo kung bakit ako nandirito, Vivianne, namana mo sa lola ninyo ang kakayahan niya, hindi ba?" Tanong naman ito sa kanya.

 

Siya naman ang hindi nakaimik sa pinagsasabi nito. Bigla siyang tinapik sa balikat ni Martin; may mga nakikita siya.

"Oops." Napangisi ito sa kanya.

 

Alam niyang sinadya iyon ng lalaking kaharap niya.

 

"Nandito ka para paghigantihan at alamin ang katauhan ng ate ko?" tanong naman nito sa kausap.

 

"Ate? Hindi mo siya totoong kapatid. Stop that honorific to her. Hindi kayo magkadugo." Sabi pa nito sa kanya.

 

"Huwag na huwag mong idadamay si Sharlene sa problema mo, Martin." Babala niya sa lalaking kaharap niya. Marahas niya itong hinila.

 

"Huwag na huwag mong idamay ang nasaktan mong babae noon, nagpakita ka lang at nahimasmasan ka ngayon, kaya guguluhin mo ulit si Sharlene?" Napatanong na lamang siya rito.

 

"Hindi ko guguluhin si Sharlene, I want to know who she is. Kung sino ang totoo niyang magulang, because my gut says that she's involved in the Santiago– Gonzalez feud."

 

Napabuntong-hininga si Vivianne. Nagtaas siya ng kanyang mukha na buong tapang na tiningnan si Martin.

 

"Huwag kang makialam sa gulo ng ibang tao."

 

"Oh no, I'm involved in everything, you know what they called our family? The neutral one, kung may involve man sa ibang angkan, lalong-lalo na sa kapatid ni Sheila." Napatawa na lamang ito.

 

Minasdan nito ang batang mahimbing na natutulog; nilapitan ito ni Martin at hinaplos ang mukha.

 

"Daddy will come here again, little one. Make sure magpagaling ka." Napasabi na lamang ni Martin at bigla umalis ito na walang sabi.

 

Napaupo siya, minasdan niya ang batang natutulog. Nakita niya ang kaluluwa ng batang si Ashley na nag-aalala sa lalaking si Martin.

 

Napabuntong-hininga na lamang siya at hinawakan ang kamay ng batang natutulog nang mahimbing.