"NANDITO si ate Sharlene?" Gulat niyang tanong kay Vivianne.
"Oo." Tipid na sagot ni Vivianne sa katanungan niya ngayon.
Napabuntong-hininga pa ito. "Dalawin mo muna siya roon, baka hindi na iyon nagpapahinga." Napasabi pa nito sa kabilang linya.
Napatango na lamang siya sa suhestiyon ng kanyang kausap ngayon. Maaga siyang nagising ngayon; hindi naman maganda ang tulog niya dahil sa mga nakikita niya na puro nakaraan. Isa pa'y nag-aalala siya sa isang tao.
Mapuntahan na nga muna si ate Sharlene doon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Dali-dali siyang nagbihis matapos makausap nito si Vivianne sa kabilang linya. Iniwanan na muna niya ang kanyang kasama.
Malapit lang naman ang inaabangan nilang bahay sa mansion ng kanyang lola. Sampung minuto'y agad siyang makaabot doon. Dahil nga masyado pang maaga ay napakatahimik ng paligid, wala siyang mga taong nakikita sa daanan. Kailangan niya lang magmadali, baka hindi na niya maabutan si Sharlene sa mansion.
Nakaabot naman siya kaagad, nasa harapan na siya sa gate, bumuga na muna siya ng hangin. Nasilayan niyang may isang taong nandoon, nangunot naman ang kanyang noo, sinilip-silip pa niya ito.
"Tashia, right?" May taong biglang sumulpot sa kanyang likuran.
Napatalon siya sa gulat at dali-daling tiningnan kung sino ang nagsalita. Agad tumambad ang mukha nito na si Lawrence.
"I'm sorry if I startle you. Are you okay?" Tanong naman ito sa kanya.
Binawi na muna niya ang gulat niya; kinokolekta niya ang kanyang isipan.
"I'm okay, pasensya na kung ganoon ang reaksyon ko." Paghihingi naman niya ng pasensya.
Ngiting tipid lang ang ibinigay nito sa kanya.
He's a nice man. Komento naman sa kanyang isipan.
"M—May susi ka ba?" tanong naman niya rito.
"Ah, don't worry, baka gising na iyong si Sharlene. Tawagan ko lang." napasabi pa nito.
Tumango—tango na lamang siya. Tiningnan niya ito nang mataman, habang dina-dial ang number ng kanyang kapatid sa phone nito. Nakikinig lang siya sa pag-uusap noon.
Siguro'y may pagtingin ito kay Ate Sharlene. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
"Ah, nandiyan ka na pala, Lawrence, pasensya na." Rinig niyang paghihinging—pasensya ni Sharlene, habang binubuksan ang gate, nakasuot ito ng jacket, dahil nga malamig ang panahon ngayon at papausbong pa lamang ang araw.
"No, it's okay. Kumusta ang tulog mo?" Pangungumusta naman ng lalaki kay Sharlene.
"Ngayon lang ako nagising, masakit lang talaga ang ulo ko, kung hindi ka tumawag baka tulog pa ako ngayon."
"Oh, I'm sorry for that."
Mahina lang napatawa si Sharlene. Napapansin ni Tashia na komportable itong kausap; papalihim lang siyang napangiti rito.
"Halika na, tuloy." Napasabi pa ni Sharlene.
Hindi niya dinisturbo ang dalawa, na papalihim na nakangiti.
"Tashia, halika na," yaya naman ni Lawrence sa kanya.
"Tashia---?" tanong nito, binalingan siya kaagad.
"Tashia?" gulat pa nitong tanong sa kanya.
Ngumiti lang siya rito. "W—What are you doing here?" it asked her.
Napatawa naman siya sa reaksyon ng kanyang kaharap ngayon.
Napasimangot naman ito sa kanya. "Teka, akala ko ba'y busy ka sa pag-aaral? Bakit nandirito ka sa Mateo?" Napatanong naman ito sa kanya.
"Oo nga, ate, busy nga ako sa school; for educational purposes po kung bakit ako napadpad rito." Paliwanag naman niya, dahil nakakunot na ang noo ng kanyang kaharap.
Bumuntong-hininga na lamang ito. "Kanina ba kayo nag-aantay?" tanong naman nito sa kanila.
"No, nauna si Tashia rito." Sagot naman ng lalaking kasama nila.
Tumuloy na sila sa loob. May nakatingin na naman sa kanila. Bigla na lamang siyang inatake ng kanyang abilidad. Biglang nagbago ang paligid; may nakita siyang masayang pamilya, isang batang babaeng nagngangalan ay Leah, mabilis ang takbo ng pangyayari.
Napapasinghap siya nang makita siyang pinatay sa mansion. Mga dugong nakakalat sa bawat sulok ng mansion, hindi niya maintindihan ang pangyayari. Mga taong nag-uusap at nagtatalo, lumalalim na ang kanyang paghinga.
May nasagi siya sa kanyang paningin, isang lalaking nakangisi habang minamasdan ang nangyayari.
"Tashia, Tashia." Iyon ang naririnig niya.
Tinitigan siya nang mataman ni Sharlene. Inayos nito ang buhok niya noon.
"Tumuloy ka na muna." Sabi pa ni Sharlene sa kanya na inalalayan siya. Bigla na lamang nanlamig ang palad niya, pinagpawisan siya nang malagkit sa nakikita niya.
Sino ang nakatira rito noon? Napatanong sa kanyang isipan. Hindi na niya naramdaman ang presensyang nakatingin sa kanila.
"Umupo ka na muna." Napasabi na lamang ng kanyang kaharap na nag-aalala sa kanya.
Tumango na lamang siya. Hindi ko kayang tingnan ang nakaraan rito, ayoko, natatakot ako. Umuurong ang sarili ni Tashia; ayaw niyang may mahawakan na kahit anong gamit o makakita kahit sino man. Sinasabi sa kanyang sarili na baka hindi niya kaya ng isipan niya at hindi siya handa.
"Ngayon lang kasi nakapasok si Tashia rito sa mansion ni Lola Felicia, hindi ba, Tashia?" tanong naman nito sa kanya.
Napatango na lamang siya. Kaya ba ayaw rin ni ate na magpunta rito? Noong nalipat ito rito? Napatanong na lamang sa kanyang sarili.
"Maghanda na muna ako nang makakain; magpahinga ka na muna, Tashia." Iyon lang ang narinig niya kay Sharlene.
Tanging tango na lamang ang isinagot niya sa kanyang kapatid ngayon. Naiwan siya kasama si Lawrence, inilibot nito ang paningin.
"Ngayon ka rin ba nakapasok rito?" tanong naman niya sa kanyang kasama.
Napalingon naman ito sa kanya. Mahina itong napatango sa kanyang katanungan.
"Yeah." Matipid nitong sagot sa kanya.
"Ano, si—sino ang unang nagmamay-ari sa mansion na ito?" napatanong na lamang siya noon.
Tinitigan naman siya nang mataman nito bago ito magsalita.
"Dito ipinanganak si ate Leah, dito siya nagkaroon ng pag-iisip."
Napalunok siya. Alam ng isipan niyang konektado na naman ito kay Leah.
"A—Anong nangyari?" tanong naman niya rito.
Napabuntong-hininga na lamang ito bago sumagot.
"Hindi ko alam ang buong pangyayari, pero, dito pinatay ang magulang ni Leah nang bigla siyang mawala." Napasabi na lamang nito sa kanya.
"Pinatay?" napatanong na lamang sa kanyang kausap.
Napatango ito. "After that incident, of what happened to Leah, may mga armanadong taong sumulong rito at pinagpapatay ang mga kasambahay ng mga Martinez at ang totoong nagmamay-ari sa mansion na ito." Inilibot pa nito ang paningin.
Nagsitaasan ang balahibo niya sa katawan; hindi niya alam kung gaano ba kalalim ang pinag-uugatan ng gulo.
"P—Paano nalipat kay lola ito?" Biglang tanong naman ni Sharlene.
Halata rito ang gulat sa narinig; nakita pa niyang may dala-dala itong pagkain nila ngayon, pinipigilan lang ang kalamnan nito para hindi mahulog ang pagkaing nasa tray. Dahan-dahan pa nitong inilagay sa lamesa.
Napabuntong-hininga na lamang si Lawrence.
"Sharlene, hindi ko alam kung paano nalipat ang lahat ng ari-arian sa lola mo. That time, wala na silang tito at tita, kaya nga nag-alsa balutan kami nang marinig namin ang nangyari. Matapos naming mabigyan ng tamang libingan ang magulang ni ate, umalis na kami sa bayan ng Mateo dahil sa takot namin noon na kami ang isusunod." Paliwanag naman ito sa kanila.
"Ate?" napatanong na lamang niyang nalilito noon.
May ipinakita si Sharlene sa kanya na mga pictures ng documents, na nakapangalan sa kanyang lola Felicia.
No way. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon.
Habang pinapakita iyon ni Sharlene, napansin niya ang pulseras.
"Ano iyan ate?" Napatanong na lamang niya kay Sharlene.
"Nakita ko iyan sa cabinet ni lola." Pag-amin naman nito sa kanya.
Hindi siya magkakamali na nakita niya ang pulseras na iyan sa nakaraan niya tungkol kay Geraldine.
Alam na ba ni ate kung sino siya? Napatanong na lamang sa kanyang isipan na tinitigan ang kanyang kaharap.