CHAPTER FIFTY-SIX

"FELICIA, nandito ka na pala." Ito lang ang narinig ni Felicia dahil pinapunta siya ng isang lalaki; alam niyang ama ito ni Manuel, naninigarilyo ito kaya amoy na amoy niya ang hinihithit nitong sigarilyo.

 

"Huwag kang matakot sa akin; bagkus, gusto ko lang pasalamatan ka sa iyong ginawa." Napangisi pa ito sa kanya.

 

Wala siyang kibo na nakikinig na lamang sa pinagsasabi nito. "Name your prize, my dear Felicia." Napasabi pa nito sa kanya.

 

"Kagaya ng napag-usapan natin," tipid na tipid sumagot si Felicia sa kanyang kaharap.

 

"Sure, sure, ibibigay ko ang lahat nang iyon, alam ko namang madali kang kausap e." May mga pinirmahan itong mga papeles.

 

Ito ang kapalit na hindi siya tumuloy sa pagtulong sa kaso ni Leah, isa pa'y kapag hindi siya sumunod dito, manganganib din ang buhay niya.

 

Hindi lang ito isang ama na kaharap niya; napabilang ito sa isang sekretong sindikato noon, kaya, nang malaman niya iyon, kailangan niyang mag-ingat, kahit ma'y ilaglag niya ang mga tinulungan niya.

 

Iisa lang ang buhay ko, ayokong madamay rito sa gulong ito. Napasabi na lamang sa kanyang sarili.

 

"Dad, tapos mo na bang bigyan iyan ng pabuya?" tanong naman nitong si Angely.

 

"Yep." Agad itong ibinigay ni Felicia.

 

Iniabot naman niya ito, bigla siyang hinila nito. "Felicia, alam kong marami kang nalalaman. oras na may nakaalam nito, hindi lang buhay mo ang wawakasin ko, kundi pati na rin ang buhay ng pamilya mo." Pabulong nitong sabi, at alam niyang nagbabala na naman ito sa kanya.

 

"Pati rin ba ang apo mo, sasaktan mo?" palaban nitong tanong sa kanya. "Oras na may sinaktan ka isa sa pamilya ko, hindi rin akong magkakamaling sabihin sa lahat ang totoo, pati na sa pamilyang Gonzalez, hawak ko ang bata."

 

Napa—ismid naman ito sa kanya. "You're a really tough one, alam mo ang kahinaan ko, at alam ko rin ang itinatago mo, Felicia. Kaya, magtulungan tayo."

 

Agad siyang lumayo sa lalaki. Dala-dala na niya ang mga papeles na kinakailangan niya.

 

"Felicia." Tawag ni Angely sa kanya.

 

Tiningnan na lamang niya ang babaeng pumalit kay Leah. "Siguraduhin mo ang pangako mo, huwag mo ring idamay ang kapatid ko rito." Napasabi pa nito sa kanya.

 

Hindi siya sumagot. Sa mundong ginagalawan ni Felicia, kapag ang kakayahan niya ang nagiging trabaho niya, alam niyang mapapahamak siya dahil rito, pero ginusto niya itong gamitin—sumpa na iyon sa kanya.

 

No, hindi sumpa, kundi karma ko ito sa lahat ng kasalanan na ginawa at panloloko ko sa mga naging kliyente. Napasabi na lamang sa kanyang isipan na naglalakad.

 

Kapag mamamatay man siya, hindi niya ipamamana ang problemang kanyang sinuong, kahit mapasama siya sa mata ng ibang tao; sa ganoon pinoprotektahan niya ang kanyang pamilya.

 

Pupuntahan na niya ang mansion na nakasaad sa titulo; hindi naman iyon masyadong kalayuan. Hindi pa siya nakaabot sa kanyang destinasyon nang may nag-uumpukang tao; may mga sirena siyang naririnig, kaya naman takbo-lakad ang kanyang ginawa para agad siyang makarating sa kanyang paroroonan.

 

Naki—usyoso siya kung ano bang mayroon, tumambad sa kanyang mga mata ang maraming bangkay, pati na ang may-ari nito ay isang malamig na bangkay na. Hindi siya makapaniwala, kaya naman dali-dali niyang tiningnan ito kung hindi ba siya nagkamali sa address na pinuntahan.

 

Gago! Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

Agad niyang tinawagan ang numero ng lalaking kausap niya kanina. Sinagot naman ang tawag nito.

 

"Ito ba talaga ang titulong binigay mo sa akin?" Paangil niyang tanong, naghalo ang inis at galit sa boses ni Felicia.

 

Napatawa pa ito. "You don't like it? Ikaw na ang magmamay-ari sa isang titulo ng mga Martinez." Napasabi pa nito.

 

"Gago ka ba? Patitirahin mo ako rito!?"

 

"Bakit? They're defenseless now, wala na sila." Sabi pa nito na ngumisi.

 

Napansin niyang may nakamasid sa kanya; nakita niya kaagad ang lalaking kausap niya kanina, kasama si Angely.

 

"You don't like it? A little gift also, don't worry, may maglilinis naman diyan after that investigation, rest easy, Felicia."

 

"May kinalaman ka ba rito?" tanong naman niya na lumayo sa mga nag-uumpukang tao.

 

Tumawa naman ito sa kabilang tawag. "Yeah, have a problem? Felicia?" tanong naman nito sa kanya.

 

Nanginginig ang kamay niya sa galit ngayon, agad niyang pinatay ang tawag. Nakatingin pa rin siya sa mga bangkay na nandoon, mga inosenteng mamamayan na nadadamay. Biglang nagsitaasan ang balahibo sa kanyang katawan.

 

Pakiramdam niyang tinitigan siya nang mataman sa mga bangkay na kanyang nasisilayan. Biglang bumuka ang mata nitong nakatitig sa kanya; may isinusulat itong pangalan, kundi pangalan niya.

 

Hindi, hindi ko ito kasalanan. Napasabi sa kanyang isipan na natatakot sa kanyang nakikita. Tiningnan niya ang kabuuan ng bahay; nababalot na ito ng isang mabigat na pakiramdam, nakaririnig na siya ng mga iyakan, sigaw, at pagsusumamo kung sino man ang pumatay sa mga ito.

 

Hindi niya nakayanan, kaya dali-dali siyang umalis sa pinangyarihan ng krimen na sa tanang buhay niya ngayon niya lang nasaksihan, ang sariwang dugo nito, alam niyang nakakalat ito sa buong mansion.

 

Biglang tumunog ang phone ni Felicia. Tiningnan niya kung sinong tumatawag sa kanya. Sinagot naman niya ito.

 

"Don't you want to stay in that mansion?" napatanong na naman ito sa kanya.

 

Wala siyang magawa kundi umu-oo na lamang.

 

"Ipalinis mo ang kalat mo." Tanging sabi niya at pinatay niya ito kaagad.

 

Hanggang ngayon, pasan-pasan pa rin niya ito.

 

"Glad nagising ka na, Felicia, masaya ba ang panaginip mo?" Napatanong naman ni Leah sa kanya na nakangiti.

 

Sinipatan niya ito.

 

"Why are you so grumpy? Hindi naman kita inaaway, Felicia." Napasabi pa nito.

 

"Pwede ba, itikom mo iyang bibig mo, Leah, kung wala kang maidulot na magandang sasabihin."

 

"Kagaya ba ng pagtikom ng bibig mo noon sa nalalaman mo?" Ngumiti naman ito sa kanya nang makahulugan.

 

Kaya naman napatitig siya rito. "Anong pinagsasabi mo?" tanong naman niya rito.

 

"Oh, do you think hindi ko malalaman iyon? Pati pamilya ko, hindi mo pinalampas." Pabulong nitong sabi sa kanya.

 

"Tell me, masaya bang manirahan sa isang mansion na nakukulayan ng dugo? Masaya bang manirahan sa mansion na napupuno ng mga bangkay?" Kakaiba ang ngiti nito sa kanya.

 

Naalala niya iyon, ngunit hindi siya pwedeng lumipat dahil papatayin din ang buhay niya.

 

"Oh, nakikita ko sa mga mata mo ang takot. Ngayon ko lang iyan nakita." Lumayo si Leah sa kanya na minamasdan siya noon.

 

"Sayang nga lang, hindi pa talaga namatay ang totoong mastermind nang lahat ng ito. Ano kaya ang lalaruin namin?" Nag-iisip-isip pa ito.

 

"Nga naman, mahirap talagang patayin ang ligaw na damo." Napatingin naman ito sa kanila. "Hindi ba, Manuel?" Napatanong na lamang ito sa kanila.

 

"Enough of your ignorance, Leah."

 

"Oh, ako pa ang nagiging ignorante ngayon, Angely. Huwag kang mag-aalala, isusunod kita, my dear." Napatawa pa ito nang walang bukas.

 

Bumalik ito sa trono nito at minasdan silang tatlo. "May isa-isa tayong karma na dala noong namatay tayo, harapin natin iyon at maglaro tayo sa karma na ginawa natin." Iyon lang ang narinig niya kay Leah.

 

"Oops, ako pala ang karma ninyo rito." Napatawa pa ito na walang katapusan, nagagalak itong tumatawa.