NAKATITIG pa rin si Sharlene sa isang pulseras na kanyang nakita sa cabinet ng kanyang lola ngayon; hinihila siya nito kaya naman, hinila niya ito sa kanyang kamay.
Ellena, sino ka ba talaga? Napatanong sa kanyang isipan. Kapag binabanggit niya ang pangalan na iyon, tila may gustong magpumiglas na alaala sa kanyang isipan, ngunit pinipigilan ito ng isang bagay hanggang sumakit ang sentedo niya kapag pinipilit niyang pakawalan iyon.
Dinadalaw naman siya ni Lawrence, pero, ngayon, hindi na muna sila magkikita pa, at bumalik na rin si Tashia matapos ang ginagawa nito rito sa bayan.
Nagulat siya sa kwentong narinig niya galing kay Lawrence na pamamahay ito ni Leah.
Kaya pala may mga koneksyon pa rin ako sa kanya rito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan ngayon.
Bukas, kailangan na niyang bumalik sa lungsod, dahil kailangan niyang bantayan si Ashley.
Ashley, babalik din si mommy kaagad. Napasabi sa kanyang isipan.
Biglang pumitik ang sentedo niya; naalala niya ang kanyang nakita na pinangakuan ito ng magulang na babalik at kukunin ito sa nakakatakot na lugar kung saan itinago ang bata.
Bumangon siya noon, hinahanap niya ang ointment niya para ipahid na sana ito sa kanyang ulong sumasakit. Nakaramdam siyang may nakatingin sa kanya, kaya agad niyang itinaas ang kanyang ulo.
Nasalubong niya ang tingin ni Leah, na ngayon lang niya nakitang nakasuot ng puting damit; natatandaan niya ang huling kasuotan nito nang mailibing ito nang buhay.
Hindi siya nagsalita; tumitig lamang ito sa kanya na walang imik na pumapatak ang luha sa daliri nito.
Dinala siya sa kadiliman, hawak-hawak pa rin niya ang pulseras na nasa kamay niya, nabigla na lamang siyang nasa teritoryo ulit siya ni Leah, nakita niya ang tatlong kaluluwang ikinulong ni Leah, at ang anak niya nama'y katabi sa trono ni Leah.
Nandoon itong nakahalumbabang tiningnan siya. Tiningnan ang dala-dala niyang pulseras noon.
"Bakit nasa iyo ang pulseras na iyan?" tanong naman ng isang lalaki na gulat na gulat pa sa nakita nito.
Tiningnan niya si Manuel, at pabalik-balik ang tingin niya sa pulseras at sa kaharap niya ngayon.
Tiningnan niya ang kanyang lola Felicia, na nagbabala sa kanya na huwag siyang mag-eskandalo rito.
Ngunit, hindi siya nagpatalo; sinasabi ng kanyang isipan na may alam nga ito.
"Lola, nakita ko sa notebook mo noon, alam kong kilala mo ang dalawang mag-asawa, sino ang batang anak nila?" diretsahan niyang tanong rito.
"A—Anong pinagsasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng ulo ngayon?" Tanong naman nito sa kanya na hindi mapakali.
"La! Magsabi ka sa akin ng totoo! Sige, ganito, papalayain ko kayo kapalit ang katotohanan." Sabi pa niya na tinitigan si Leah.
Napataas naman ang kilay ni Leah sa sinabi niya, ngunit nananatili pa rin itong kalmadong tinitingnan sila.
Nagsitahimik naman ang dalawang kaluluwa pati ang babaeng kasama nito.
"Magsalita kayo! Magsalita kayo!" Hindi niya alam pero nakararamdam siya ng isang nagbabadyang katotohanang mahirap tanggapin.
"Bago ang lahat, s--- saan mo nakita ang pulseras na iyan?" tanong ni Manuel sa kanya.
"Itinago ito ni Lola Felicia sa cabinet niya." Sagot naman niya sa katanungan na ito.
"La, hindi ko pa masyadong naalala ang pangyayari sa kabataan ko, pero, alam kong alam mo ang katotohanan kung sino ang anak ni Carmela, di ba?" tanong naman niya rito.
"Oo na! Kilala ko si Carmela, hindi ko siya tinulungan sa paghahanap ng anak niya, para may makain kayo! Hindi libre ang serbisyo ko! Naghahanap-buhay ako para may makain kayo! Okay na tayo?" tanong naman nitong pabalang ni Felicia sa kanya.
"Felicia!" narinig niya ang galit na boses nitong lumamon sa kadiliman. "Bakit nagsinungaling ka sa akin?" tanong naman nito sa kanya.
"Pasensya ka na, Manuel, kailangan ko iyong ilihim sa iyo, dahil may malaking rason ako."
"Spill that reason of yours, Felicia." Panghahamon naman ni Leah sa kanyang lola na nakatingin rito.
"Spill that. Kung kaya mo ngang magsalita nang purong katotohanan, hindi pa nalilinawan si Sharlene kung buhay ba ang bata o hindi ba?" Napatingin naman ito sa kanya.
Nalilito na ang isipan niya ngayon.
"So, kilala mo nga ang batang hinahanap ko noon? Kung nasa iyo ang pulseras na iyan, nakita mo ang nawawala kong pamangkin." Napasabi pa ni Manuel.
"Heaven knows kung saan-saan ko hinanap ang pamangkin kong si Ellena! I kept searching and searching! Tapos—tapos nandoon lang pala ang hinahanap ko! Damn! Felicia!" Galit na galit ang boses ni Manuel.
Hindi na niya kayang magsalita pa, napapangunahan siya ng takot ngayon.
"Felicia! Where is Ellena?" tanong nito.
"Nasa harap mo na siya! Nasa harap mo na siya, Manuel!"
Huminto ang oras ni Sharlene nang marinig niya iyon, hinihila ng kanyang isipan ang nangyari na matagal nang nakatago sa kanyang isipan.
"Babalik si Mommy at Daddy kaagad."
"Aalagaan kita, Ellena."
"Natatakot ako."
Napaluhod siya dahil sa mga nag-uunahang mga alaalang nakalaya sa isipan niya.
A -- Ako si Ellena? Napatanong sa kanyang isipan noon.
Hindi, hindi, hindi, hindi ako si Ellena. Napasabi sa kanyang isipan na pilit tinatanggi ang katotohanan.
"Sharlene Ellena ang totoo mong pangalan." Narinig niyang sabi ni Leah noon.
"A—Alam mo rin ang totoo, Leah?" Mahina niyang napasabi.
"Magkasintahan pa lang kami ni Manuel, palagi na niyang sinasabi sa akin na may hinahanap siyang isang bata, dahil gusto niyang makita ulit at alagaan ang batang naiwan ng kanyang bunsong kapatid dahil sa sakit—iyon ang rason niya namatay ang Mom mo sa sakit, pero alam mo ang katotohanan kung sinong pumatay sa totoo mong magulang." Paliwanag naman ni Leah sa kanya.
"Dahil sa kabaitan ko noon, I tried to search for you everywhere; kaya pala, hindi kita mahanap dahil naampon ka na ng anak ni Felicia noon, saka, para itago ang pagkakilanlan mo, itinago ng lola mo ang pulseras na iyan."
"Sharlene," tawag ni Manuel sa kanya. "Patawarin mo ako, patawarin mo ako, hindi kita nailigtas sa kamay ni Dad. I'm so sorry—I'm so sorry, Sharlene." Paghihingi nitong pasensya sa kanya.
Tahimik lang siyang tumatangis; hindi na niya alam kung kanino siya maniniwala, kung kanino siya kakampi sa sitwasyon ngayon.
"Lola, minahal kita na parang totoong pamilya, minahal ko ang pamilyang Rosario, bakit—bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" Napatanong naman ito sa kanya.
"Lola! Sabihin mo sa akin na akin na isa akong totoong Rosario! Walang dugong nanalaytay sa akin sa mga angkan na iyan! Lola!" Pagwawala niya noon.
"Tanggapin mo ang katotohanan, Sharlene, na nananalaytay ang magulo nating angkan, kasali ka sa angkan na iyon at hindi maiiwasan iyon. Isa pa'y naging asawa mo ang Francisco, talagang pinaplano nga itong mabuti."
"Hindi ba, Felicia?" tanong naman ni Leah sa kanyang lola.
Bigla siyang nalinawan sa lahat kung bakit, pilit, pinapakasal siya ng kanyang lola kay Martin. Tiningnan niya ang tatlong kaluluwa at napailing-iling siya.
"Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin ko." Napasabi na lamang niya. Tiningnan niya si Leah.
"Ibalik mo na ako, magdedesisyon ako kung papalayain ko ba sila." Sabi pa niya.
"Sharlene! Patawarin mo ako!" Naulinigan niyang sigaw ni Manuel.
Nasa hihigan na siya ngayon; nandoon pa rin ang kaluluwa ni Leah na nakatingin sa kanya. Hilam ng luha ang pisngi niya, hindi niya mapigilan ang kanyang luhang nag-uunahang pumapatak.
Bigla niyang naulinigan ang boses ni Lawrence; naabutan siyang umiiyak noon. Nawala ang kaluluwa ni Leah.
Litong-lito si Lawrence na tiningnan siya. "H—Hey, Sharlene, w—what happened? Why are you crying?" pag – aalala nitong tanong sa kanya.
Napailing-iling na lamang siya. Dali-dali itong kumuha ng handkerchief at ibinigay sa kanya.
Sumasakit ang ulo at puso niya sa nalaman, ang mundong punong-puno ng pagkukunwari. Paano ba niya ulit haharapin ang mga ito?
Napahagulhol naman siyang umiiyak ngayon.