CHAPTER FIFTY-NINE

NABIGLA na lang si Vivianne nang biglang napasugod si Sharlene sa private room na halata sa pagmumukha nito na nalilito. Pabalik-balik lang ang tinging ipinukol ni Sharlene sa kanya at kay Tashia; hindi niya mawari kung anong nangyari kay Sharlene.

 

"Ate, ayos ka lang ba?" tanong namang nag-aalala ni Tashia sa kanilang kaharap ngayon.

 

Bigla na lamang silang niyakap nito.

 

"Walang magbabago, ako pa rin ito."

 

Napakunot naman ang kanyang noo sa sinasabi nito sa kanila ngayon. Nagkatinginan naman silang Tashia na humagolhol sa pag-iyak. Ngayon lang niyang nakitang umiyak si Sharlene, dahil simula pa pagkabata nila noon, nagiging matapang ito; hindi ito madaling magpakita nang kahinaan sa harapan ni kahit sino.

 

Pero ngayon, hinayaan na lamang nilang maging mahina ito. Pinakalma na lang muna nila ngayon si Sharlene para mapag-usapan nilang mahinahon ang mangyayari, lalong-lalo na alam na nito kung saan ito nanggaling at kung sino ang magulang nito.

 

"H—Hindi ko na alam ang gagawin ko." Iyon lang ang narinig nila kay Sharlene. "Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko."

 

"Ate, ikaw nga ba ang nawawalang anak ni Carmela?" tanong naman ni Tashia.

 

Kahit pumapatak ang luha ni Sharlene, tumango lang ito sa kanila. "Ako nga." Tipid nitong sabi sa kanila na may halong kalungkutan ang boses nito.

 

"Alam kong malalaman mo rin iyon, hindi mo ba natatandaan ang ginawa ng lola sa iyo?" tanging tanong na lamang niya.

 

Litong-lito ang mukha nitong tiningnan siya. Hinila niya ang kamay ni Sharlene. Kaya niyang dalhin si Sharlene kung ano ang nakikita niya sa nakaraan.

 

Nakita niya ang pitong taong gulang na si Sharlene, tatlong taon makalipas nang kopkopin ito ng kanilang ina, at dalawang taong gulang naman si Tashia ng panahon na iyon. Soot—soot pa rin ni Sharlene ang kanyang pulseras.

 

"Ate, hindi mo ba talaga naalala kung sinong nagbigay niyan sa iyo?" tanong ng batang si Vivianne, limang taong gulang.

 

Tanging iling na lamang ang isinagot sa kanya ni Sharlene noon. Nakikita niya minsan ang pasa nito kapag nanggaling sa lola niya.

 

"Kahit hindi ko naman iyon naalala, nararamdaman kong importante ito sa akin." napasabi na lamang ng batang si Sharlene.

 

Hindi na siya nagtanong pa at napatango na lamang sa sinagot ng kanyang kasama.

 

Nag-aaral na ng high school ang ate niya, at siya naman ay nagsisimula pang mag-aral ng high school sa kanilang bayan. Kung saan dala-dala niya noon ang katotohanang nangyari kay Leah, na siya lamang ang nakakaalam.

 

Minsan, hindi soot-soot ng kanyang kapatid ang pulseras, dahil nga, pinapahalagahan nito at wala pa rin itong alaala sa pagkabata nito.

 

Ilang araw matapos mangyari na kausapin siya ng kanyang lola tungkol kay Leah na itago na lamang ang totoong nangyari, bibigyan siya ng pabuya kapag tinikom niya ang kanyang bibig tungkol sa totoong pangyayari. Natakot rin siya sa pagbabantang natanggap niya kay Angely kaya itinikom niya ang kanyang bibig.

 

Hindi pa nakatira ang lola niya sa mansion, pero kaya na nitong paaralin sila nang sabay. Nasa tahanan si Vivianne nang panahong pinatawag ito ng kanyang lola para mag-usap. Hindi niya masyadong narinig ang pag-uusap nito.

 

Kaya naman minabuti niyang lumapit nang kaunti para marinig niya ang pinag-uusapan nito.

 

"Nasaan ang pulseras mo?" biglang tanong naman ng kanyang lola na tinitigan ng masamang tingin si Sharlene.

 

"B – Bakit po lola?" inosente nitong tanong.

 

"Ibigay mo sa akin."

 

"Po? H – Hindi po pwede." Tanggi naman ni Sharlene na umiling-iling pa na ayaw ibigay ang pulseras na nakatago sa bulsa ng uniporme nito.

 

Dahil nainis si Felicia, sinampal niya si Sharlene. "Huwag mo akong inisin ngayon, Sharlene. Alamin mo kung sino ang nagpalamon sa iyo at nagpaaral sa iyo! Gusto mo bang gutumin ko silang Vivianne?" pagbabanta nito kay Sharlene.

 

Kahit labag man sa kalooban ni Sharlene, nagkaroon ito nang takot, kaya dali-dali nitong iniabot ang pulseras sa lola niya noon.

 

"Madali ka palang kausap e." Agad nitong tinago ang pulseras ni Sharlene.

 

Nakikita sa mukha ni Vivianne na hindi papayag si Sharlene, pero natatakot ito sa bawat bantang binibitiwan nito.

 

May ibinigay na tubig si Felicia kay Sharlene.

 

"Inumin mo iyan." Rinig nitong utos ni Felicia.

 

"Lola, hindi po ako nauuhaw." Napasabi naman nitong natatakot na sagot ni Sharlene.

 

"Ako pa ba magpapa-inom sa iyo, Sharlene?" tanong naman nito na galit ang boses.

 

Kahit nakikinig lang si Vivianne, natatakot na rin siya sa boses nito. Kaya naman, ininom kaagad iyon ni Sharlene.

 

Maya—maya pa ay nakita niyang nahihilo ang isa, at biglang nawalan ng malay. Napasinghap siya noon, kaya dali-dali siyang nagtago kung saan siya magtatago ngayon.

 

Nakita pa niyang inaalalayan ng lola niya si Sharlene na walang malay at ipinahiga sa kwarto nito. Matapos ihatid, lumabas ang lola niya na parang walang nangyari at pangiti-ngiti pa na parang nasisiyahan.

 

Pinakiramdaman ni Vivianne ang paligid, nang walang taong umaaligid, hindi naman naka-lock ang pintuan nito. Nakita niya si Sharlene na natutulog, soot pa ang uniporme nito.

 

Nakabantay lang siya, napansin niyang namimilipit pa ito sa sakit na hawak-hawak ang noo nito na bumakod.

 

"Vivianne." Tawag nito sa kanya.

 

"Okay ka lang ba?" tanong naman niya sa kanyang kaharap.

 

"Medyo masakit lang ang ulo ko ngayon, lalagnatin ata ako." Sabi pa nito.

 

"W – Wala ka bang natatandaan, kung bakit nandirito ka?" Tanong naman ito sa kanya.

 

Nagtaka naman ang mukha nito sa dami ng kanyang katanungan ngayon. "Pinatawag lang ako ni Lola, dahil walang tao rito, iyon lang naman ang pinag-usapan namin."

 

Kumunot ang kanyang noo. Dumaklot ang kaba niya sa posibleng ginawa ni Felicia sa kaharap niya.

 

"Tingnan mo iyong kanang kamay mo, may nawawala ba sa iyo?" tanong naman nito sa kanya.

 

"Ha?" tiningnan pa iyon ni Sharlene na sinusuri ang kanang kamay nito. "W—Wala naman, bakit Vivianne?" tanong naman nito sa kanya.

 

May narinig siyang mga yabag, kaya dali-dali rin siyang umalis nang panahon na iyon; ayaw niyang magpahuli sa kanyang lola Felicia.

 

Nabalitaan ni Vivianne na nagkaroon ng lagnat ito na hindi makapasok sa paaralan. Matapos ang lagnat, napapansin niyang hindi nito naalala ang pinakaiingatan nitong pulseras.

 

"Binura ni lola ang alaala ko?" tanong naman nito. Pumatak ulit ang luha nito.

 

"For goddamn sake! Ikalawang ulit nilang binura ang alaala ko." Napasabi naman nito.

 

Biglang nagpakita sa kanya si Ashley na ngumiti sa kanya. Kinuha niya bigla ang kamay ni Sharlene at Tashia.

 

"Mama." Malambing na tawag ni Ashley.

 

Nabigla na lamang si Sharlene noon at si Tashia.

 

"A—Ashley, anak?" tanong nito na tumulo ang luha na masilayan ang anak nito.

 

Nagpalinga-linga na lamang siya sa paligid; nakita niya ang nakaputing soot na damit na si Leah na nakatingin sa kanila.

 

"Huwag ka na pong umiyak." Pinahid pa nito ang luha ni Sharlene.

 

"Anak ko." Niyakap pa ito ni Sharlene.

 

"Huwag ka nang malungkot, hindi po ako pinabayaan ni tita Leah, isa pa'y inaalagaan niya ako, at gawa siya ng paraan para makalabas ako." Rinig niyang sabi ni Ashley.

 

Kahit litong-lito si Sharlene, napatango na lamang ito sa sinabi ng bata.

 

"Mama, sinasabi mo sa akin na kailangan kong magpakatatag, di ba? Ikaw rin, mama, kailangan mo rin magpakatatag. Love ko po kayo lahat." Ngumiti pa ito sa kanila.

 

Matapos iyon sabihin, nawala ring parang bola ito sa kanilang paningin; nasa private room pa rin silang tatlo.

 

Tiningnan ni Sharlene ang bata.

 

"Thank you, anak." Pagpapasalamat nito sa batang natutulog. Kumalma na rin si Sharlene na pinapahid ang luha nito.

 

Tinapik niya lang si Sharlene sa likod nito, para sabihing naka-suporta silang Tashia sa kanyang desisyon.

 

Isa pa'y kailangan nilang magtatag ulit, dahil hindi nila alam kung saan sila dadalhin ng katotohanan, ang masakit na katotohanan na umaaligid sa kanilang buhay.