"TIGILAN na nga iyang sisihan na iyan!" Iritang saad ni Angely sa dalawa niyang kasama.
"Nandito pa tayo, nagsisihan pa kayo. Isa lang naman ang nais nating adhikain dito, kundi makatakas at makalabas sa lugar na ito." Dagdag pang sabi ni Angely sa dalawa noon, nagkakaroon ito nang matinding bangayan matapos ang pangyayaring pumunta ang pamangkin ni Manuel sa lugar ni Leah.
"Isa pa nga, Felicia! Hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nakalalabas rito." Reklamo niya ulit sa kasama niyang babae.
Napatitig na lamang ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Nagtitimpi lang ako sa ugali mo, Angely, huwag ka ngang umasta na wala kang kasalanan sa mga nangyayari sa atin." Tinuro pa siya noon ni Felicia.
Hindi naman siya nagpatalo. "Ikaw ang gumawa ng problema mo, Felicia, hindi ako. I just offered you some help at that time." Sabi pa niyang inirapan ang matanda.
"Enough!" Umalingawngaw ang boses ni Manuel na puno nang galit. "Enough is enough!" sabi pa nito sa kanila.
Hindi na siya nagsalita pa.
Tsk! Kung hindi lang kayo tatanga-tanga, hindi tayo mahuhuli rito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan iyon.
Napabuntong-hininga lang siya. Nag-aalala siya sa kanyang bunsong kapatid na si Sheila, lalong-lalo na alam na ng pamangkin ni Manuel ang totoong pagkatao nito.
I don't want my effort to be wasted! Hindi ako nagpakahirap para marating ang narating ko noon at ngayon, bago ako namatay dahil lang sa aksidenteng nangyari sa buwisit na lalaking kasama niya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Pareho lang naman kaming nasilaw sa kayamanan ng mga angkan na iyon, kaya kailangan kong makahagip ng magandang plano para pasukin ang mundo nila.
Naging malapit niyang kaibigan si Leah noong nag-aaral sila ng high school sa probinsya ng San Mateo.
Siya na ang nagpa-aral sa kanyang sarili noon, pati na binubuhay nito ang kanyang sarili. Hindi sila magkaklase ni Leah, dahil nag-aaral ito sa prestihiyosong paaralan, at siya naman nag-aaral sa pampublikong paaralan.
Dahil sa hirap ng buhay, minsan, namamasukan siya bilang isang kasambahay, o kaya naman namumulot ng mga plastic na basura para kalakalan niya at pagkakakitaan. Tumatanggap din siya ng labahin para lang may pera siya.
Marami ang nagka-interes sa kanya dahil sa kagandahan din niyang tinataglay; minsan, napapasabak siya sa maling trabaho dahil kailangan niya nang madaliang pagkakakitaan.
Tinatawag siyang pokpok, higad, sa kanyang mga kaklase noon. Pero, wala siyang pakialam, dahil doon nabubuhay at nagkakalaman ang kanyang sikmura pati ang bunso niyang kapatid na si Sheila.
Pinagtagpo sila ng pagkakataon ni Leah nang mamasukan siya bilang isang labandera sa pamamahay nito. Isa rin naman itong magandang dalaga, at alam niyang wala siya sa kalingkingan nito dahil nga nagmula sa mayamang angkan.
Akala niyang isang supladang tao ito, pero nabigla na lamang siya na kinausap siya nito habang naglalaba siya ng damit.
Nasa labinlimang taong gulang sila noon nang nagtagpo ang kanilang landas.
"Anong pangalan mo?" tanong naman nito sa kanya.
Nabigla siya sa katanungan nito, pero sinagot na lamang niya ito ng tipid na sagot, dahil amo niya ito ngayon.
"Angely."
Ngumiti ito sa kanya bigla. "Leah, nice to meet you." Sabi pa nito sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa, dahil abala siya noon. Hindi siya muling dinisturbo nito, at nang matapos siya at nagpapahinga, bigla siyang dinalhan ng makakain nito.
"Kumain ka na muna." Yaya pa nito sa kanya, napansin nitong may dala-dala itong tatlong taong batang lalaki.
"Ah, si Lawrence, pinsan ko." Pakilala pa nito sa batang lalaki.
Tumango naman siya noon. "Huwag na nag-abala ka pa, ma'am."
"Ma'am?" tumawa pa ito sa kanya. "Leah na lang, alam ko namang magka-edad lang tayo, hindi ba? Saka, huwag kang mag-aalala, kumakain din naman iyong mga kasamahan mo, alam namin gaano kahirap gumawa nang mga mabibigat na gawain."
Kumalam naman ang kanyang sikmura at napangiti na lang si Leah sa kanya, kahit nahihiya siya, kinain pa rin ni Angely ang ibinigay nitong pagkain.
"May kapatid ka ba?" tanong nito sa kanya.
Mahina lang itong tumango. "Nasa bahay, kailangan ko ring maagang umuwi ngayon," napasabi na lamang niya.
"Ilang taon?" tanong naman ni Leah.
"Kaedaran ni Lawrence."
"Eh? Sa susunod isama mo ang bata rito, kawawa naman kung maiiwan." Sabi pa nito na nag-aalala. "Hindi na kita gagambalain pa, saka, ang kasambahay na namin ang magsasampay niyan. You need to go. Wait, ipapaalam ko lang kay Mom." Dali—dali pa itong tumakbo sa loob ng mansion nito na kasama si Lawrence na dala-dala niya.
Hindi naman ito nagtagal at kinausap siya ng magulang ni Leah, pinasabi sa kasambahay na sila na ang magsasampay, binigyan siya nang kaukulang bayad, ngunit, pinasobrahan pa ito.
Hindi makapaniwala si Angely na ang ganoong angkan ay mabait sa kagaya niyang dukha; pinadalhan rin siya ng pagkain na pagsasaluhan niyang magkapatid. Natuwa ang puso niya noon.
Umusbong ang pagkakaibigan nila nang panahon na iyon, walang inggit na humalo sa katawan niya habang naging kaibigan niya ito, saka, naging regular siyang labandera habang nag-aaral, lumayo siya sa makamundong pagnanasa na kumakapit sa patalim nang makilala niya ito.
Nagkaroon ng direksyon ang buhay niya. Ngunit, ang masasayang pagsasama na iyon ay panandalian lamang, dahil nang matapos mag-aral ng high school si Leah ay ang magulang nito at siya ay pumunta sa ibang bansa para doon magkolehiyo si Leah.
Nalungkot siya at napaiyak dahil iiwan siya nito; dahil naging matalik niya itong kaibigan, nakaipon siya ng pera dahil sa oportunidad na iyon.
Tuluyan siyang iniwan ni Leah, at pinipilit niyang buhayin ang sarili niya sa panahong umalis si Leah sa bayan ng San Mateo; pinipilit niyang huwag makagawa nang kasalanan. Dahil sa gipit siya at naubos ang savings niya noon, at nag-aaral na rin ang bunso niya, kailangan niyang bumalik sa trabahong pinakawalan niya noon.
Nagtatrabaho siya sa club, kapit patalim na naman siya hanggang huminto siya sa pag-aaral; uunahin niya na muna si Sheila kaysa ang sarili niya.
Sumisipsip siya at nakisiksik na maambunan din siya ng kayamanan ng mga lalaking kanyang nakakasama sa iisang gabi; naging mapangahas siya sa mundong ginagalawan niya.
Tinuruan niya ang kanyang kapatid na mabuhay na kailangang lumaban sa hamon ng buhay. Bata pa si Sheila, at inaamin niyang hindi naging mabuti ang pagpapalaki niya sa kanyang bunso.
Ngunit, sino ba siya? Isa lang naman siyang babaeng lubog sa putikan na nagpupumilit makaahon.
Hanggang nakilala niya ang ama ni Manuel, ang mayamang angkan ng San Mateo ang Santiago, naging isa babae siya nito. Alam niyang mapanganib ang nasadlakan niya, dahil isa ito sa mga taong nagtatago sa kadiliman at nag-ooperate nang malalaking sindikato.
Binalaan siya ni Raymundo Santiago na walang makakaalam na iba, kundi pupulutin ang bangkay niya kapag nagsumbong siya sa mga awtoridad.
Wala siyang pakialam noon, sumiksik siya kay Raymundo, para lang makahuthot ng pera para rin ma-satisfy ang makamundo niyang luhong kanyang ginagalawan.
Binibigay pa ni Raymundo ang lahat sa kanya, kahit may dalawa itong anak na kaidaran niya at may anak na babae. Alam niyang hindi na siya makakawala pa sa sinuong niyang gulo.
"Alam ba ito ni Manuel?" biglang tanong ni Leah sa kanya na tinitigan siya noon.
Napakurap na lamang siya at nagulat sa kanyang kaharap; ngumiti pa ito nang makahulugan sa kanya.
"Siguro'y hindi rin niya alam ang itinatago mo, no?" pabulong pa nito sa kanya.
Hindi siya nakasagot noon. "I will keep that secret, pero, dalian mo, baka mabagot ulit ako, Angely." Napatawa pa ito.
Lumabas ito sa kanilang kulungan at tiningnan siya, binigyan siya ng isang matamis na ngiti, at sumenyas na hindi ito mag-iingay. Napatawa pa ito habang umalis sa kadiliman.
That damn woman! Napasabi na lamang sa kanyang isipan.