CHAPTER SIXTY-TWO

"HEY, hon saan ka galing?" Biglang tanong sa kanya ni Justine na nag-aantay sa kanya.

 

Nabigla naman siya sa katanungan nito; akala niya hindi siya maabutan nito. Kaya naman nag-isip siya ng kanyang alibi.

 

"Ah no, may nilakad lang ako ngayon." Napasabi na lamang sa kanyang kaharap.

 

Napatango na lamang ito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Niyakap pa siya nito at tinapik. "Magpahinga ka na muna." Sabi pa nito sa kanya.

 

Napatango na lamang siya. Nag-iisip siya kung ipapakilala ba niya ito na itinuring siyang parang anak nito.

 

"Justine, samahan mo ako bukas." Sabi naman niya rito.

 

Napalingon na lamang ito sa kanya. "Saan tayo pupunta bukas?" tanong naman nito sa kanya.

 

"Basta, sumama ka sa akin bukas." Hinalikan pa niya ito sa labi.

 

"Okay." Napatango na lamang ito sa kanya. "Magpahinga ka na muna." Sabi pa nito sa kanya.

 

"Yeah."

 

Pumasok siya sa kanyang kwarto. Napabuntong-hininga na lamang siya.

 

Dati na itong kilala ng kanyang kapatid na babae; ito ang ama ni Manuel Santiago na naging asawa ng ate niyang si Angely Atienza Santiago. Alam niyang naging sugar daddy nito si Raymundo Santiago ni Angely para mabuhay sila sa mundo.

 

Kumakapit sa patalim ang kanyang kapatid; lahat ng trabaho, kahit maligo ito sa putikan, gagawin nito ang lahat. Bago pa man pumanaw ang kanyang kapatid, dahil sa aksidente, lahat ng kayamanan na nakamkam nito ay ipinamana rin sa kanya.

 

Basta't sundin pa rin niya ang hinihingi ni Raymundo Santiago, magiging maayos ang buhay niya kahit nawala ang kanyang kapatid sa mundong ibabaw.

 

Bilang kapalit, siya ang nag-aalaga sa matanda, kaya dinadalaw niya ito sa hospital. Kung kayang lunukin ng ate niya ang lahat, kailangan din niyang gawin iyon.

 

"Sheila, magiging maayos ka kahit wala ako rito." Naalala niyang sabi ng kanyang kapatid, huminto sa pag-aaral sa kolehiyo ang kapatid niya para matustusan din ang pangangailangan nilang magkapatid.

 

Tumango naman si Sheila, nasa labinlimang taong gulang na siya, at si Angely ay nasa dalawampu't pitong taong gulang na, naipakasal ito sa Santiago noong nawala bigla ang totoong asawa ni Manuel Santiago.

 

Ipinakilala siya sa ama ni Manuel na noo'y malakas pa ang pangangatawan.

 

"She's your sister." Napasabi na lamang ito.

 

Napatango na lamang ang kanyang kapatid.

 

"Huwag kang matakot sa kanya." Pabulong na sabi ni Angely sa kanya noon.

 

Napatango na lamang siya, kahit sinasabi ng kanyang isipan na mapanganib itong tao. Ngumiti ito sa kanya at sinenyasan pa siya.

 

Tumingin na lamang muna siya sa kanyang kapatid. "Go on." Napasabi na lamang nito sa kanya.

 

Kaya agad siyang lumapit na ngumiti pang pumunta kung nasaan si Raymundo.

 

"You really like your sister; I'd like to borrow her for a while." Napasabi na lamang nito na tinitigan ang kanyang kapatid.

 

Alam niyang hindi pumayag ang kapatid niya, ngunit binantaan ito ng isang tinging nababalot ng kasamaan, kaya naman, umu-oo na lamang ito.

 

Ipinasok siya sa silid. Dahil nga nasa murang isipan niya, natatakot siya kung anong mangyari. Ngunit, ang masamang mangyayari sa isipan niya ay naganap nga; hinalay siya nito nang paulit-ulit, ngunit ang pagkawala ng kanyang dignidad ay may kapalit.

 

Binigyan siya nang higit na kalayaan at kapangyarihan sa pera nito.

 

"Sheila, pwede ka pang tumalikod kung hindi mo na kaya." Napasabi naman ng kanyang kapatid.

 

Hindi siya nakapagsalita. "Ate, hindi ka tumalikod noon, kaya hindi rin ako tatalikod. Nandito na tayo, mamumuhay na tayo at mabibili na natin ang gusto natin." Napasabi na lamang niya noon.

 

Tinanggap niya at ginamit iyon ni Raymundo ang kahinaan nilang magkakapatid; hindi alam ng asawa nitong si Manuel ang nangyayari. Minsa'y napapasali sila sa sindikato dahil dinadala sila minsan ng matanda bilang babaeng bayaran.

 

Doon niya nalaman na pinatay nito si Leah kasama si Manuel at kanyang kapatid.

 

"Ate, nakapatay kayo ng tao noon?" Napatanong na lamang siya rito.

 

"Sheila," sinenyasan siya nitong huwag mag-iskandalo dahil alam niyang maririnig sila ng matanda.

 

"I—it's too much, too much. Pinatay ninyo siya nang walang kalaban-laban?" Napatanong na lamang siya ulit.

 

"Sheila, tapos na ang lahat, tahimik na ang lahat, hindi na mabubuhay ang patay na nadamay rito."

 

"Naging kaibigan mo si Leah noon, hindi ba?" Tanong naman niya noon na nagtataka sa kanyang kapatid.

 

"Shut up! Shut up Sheila!" galit siyang tinitigan ng kanyang kapatid.

 

Pinapakalma ni Sheila ang takot na nararamdaman niya ngayon; nangangatog ang tuhod niya kapag naalala niyang may pinatay ang kapatid niyang babae, pati ang asawa nito.

 

"Ate, may kinalaman ba siya rito?" tanong naman niya noon.

 

Hindi kaagad nakasagot ang kapatid niya. "Wala na akong magagawa, kailangan kong sumunod, kundi papatayin niya tayo." Napasabi na lamang nito sa kanya.

 

"Ginusto natin itong pasukin ang maduming mundong ito, kaya, huwag ka sanang bibitaw, Sheila. Pakisamahan mo siya at magiging ligtas ka sa kalaban." Napasabi na lamang nito sa kanya.

 

"Kalaban? Ate? Siya ang kalaban." Napasabi na lamang niya.

 

"Sheila, you need to clench your mouth shut; mapapahamak ka kapag hindi mo nasunod ang gusto niya. Please, Sheila."Napasabi naman nito sa kanya.

 

Wala na siyang magawa noon. Nang tumanda dahil sa edad nito, nakakahinga na siya nang maluwag; inaalagaan niya lang ito at dinadalaw. Sanay na siya minsan kung may humihipo sa kanyang katawan.

 

Kailangan niyang tiisin ang lahat nang iyon at magiging malaya siya kapag namatay si Raymundo, at lahat din ng kayamanan nito ay mapupunta sa kanya.

 

Kunting tiis, Sheila. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, na tiningnan ang kanyang anyo sa salamin ng kanyang kwarto.

 

Hindi niya alam ang buong pangyayari; ang alam lang niya'y ginagamit din siya ng matanda para mapaikot ang angkan ng Francisco.

 

Napabuntong-hininga na lamang siya noon.

 

Nabigla na lamang siyang may isang babaeng nakatingin sa kanya. Nakangisi naman ito sa kanya; nakilala niya kaagad ito, ito ang babaeng nakasuot ng panluksa.

 

"Hello, Sheila." Nakalapit pa ito sa kanya.

 

"A—Anong kailangan mo sa akin?" tanong pa nitong napalunok na lamang.

 

Narinig niya ang tawa nito na nagmula sa hukay. "Sheila, gusto mo bang dalawin ang ate Angely mo?" tanong naman nito sa kanya.

 

Nanginig ang kanyang kamay noon dahil sa takot kung ano na naman ang gagawin nito sa kanya.

 

"Just relax, hindi kita sasaktan." Napasabi pa nito sa kanya.

 

Bigla siyang dinala sa kadiliman, at nakita niya ang tatlong taong nandoon.

 

"Welcome to my humble home, Sheila." Napasabi pa nito sa kanya.

 

Nakilala niya ang tatlong taong nakakulong. Nabigla pa ito.

 

"Leah!" galit ang boses ng kanyang kapatid na si Angely.

 

"A—Ate?" napatanong niya na nalilito.

 

Napapatawa na lamang ito sa reaksyon ng kanyang kapatid.

 

Leah? Napatanong sa kanyang isipan. Napasinghap siya sa kanyang naisip.

 

"Leah Martinez?" tanong naman niya rito.

 

"Oh, I'm glad that you'd remember me, my dear Sheila." Napangiti naman ito sa kanya.

 

"Bakit mo dinala ang kapatid ko rito?" paangil na tanong ng kanyang kapatid.

 

"Oh, gusto lang niyang malaman kung anong ginagawa ng kapatid niya. Karapatan naman ng kapatid mo ang malaman kung anong kinahahantungan mo rito."

 

"Ate, anong ginagawa mo rito?" Napatingin siya rito at napatingin din siya kay Leah na nakangiti sa kanya.

 

"Are you happy to see your older sister and that she's doing fine?" pabulong nitong tanong sa kanya.

 

"Sheila, huwag na huwag kang magpa-apekto sa babaeng iyan." Napasabi na lamang ito.

 

"Oh dear, ibabalik na kita, masyadong natuwa ang kapatid mong makita ka niya."

 

Nilamon siya ng kadiliman, bigla siyang nagising sa kanyang kama, nasapo niya ang kanyang noo kinakabahan pa rin siya.

 

"Maglaro tayo ulit, Sheila, ngunit kasali na ang kapatid mo." May bumulong na tinig sa kanyang tenga.

 

Napalunok na lamang si Sheila na nanginginig ang kamay nito.