CHAPTER SEVENTY – FOUR

NABIGLA na lamang si Sheila sa sinabi sa kanya ng nurse na sinasakal ni Raymundo ang sarili nito kagabi.

 

“O—Okay lang po ba siya?” tanong naman niya rito na may halong gulat at pag – aalala sa kanyang boses.

 

“Yes, po Ma’am, as of now, kumalma na naman po ang pasensya, sinasabi niyang may nakapasok sa kwarto niya at sinakal siya.” paliwanag naman ng nurse sa kanya.

 

Tumango – tango naman siya at nagpasalamat sa sa kanyang nakausap na nurse. Nagtungo siya sa mga nagbabantay kay Raymundo.

 

“May napansin ba kayo kagabi sa kwarto?” tanong naman niya sa mga nagbabantay.

 

Nagkatinginan naman ang mga ito. “Wala po ma’am tahimik na tahimik po ang kwarto niya kagabi, nagulat na lang po kami nang sinabi ni ng nurse nang nag – round ito na sinasakal nito ang sarili.”

 

“Wala ba talagang nakapasok rito? Baka natutulog kayo that time.” Panigurado niyang tanong rito.

 

Sabay – sabay namang napailing ang mga pinagtanungan niya.

 

Sinasakal ang sarili? babae? Napatanong sa kanyang isipan.

 

Napailing – iling naman siya, kaya naman, pumasok siya sa room nito. Naka – oxygen ito ngayon, nawalan ito ng malay dahil sa sariling kagagawan nitong pagsakal sa kanyang sarili.

 

Siguro’y ito na rin ang dahilang makalaya na ako, please, huwag ka na ring magising. Dasal sa kanyang isipan.

 

Nauulinagan niya ang boses nito, hindi niya naintindihan kaya naman, maigi niyang pinakinggan nito ang sinabi.

 

“Leah, Carmela.”

 

Biglang nagsitayuan ang kanyang balahibo sa katawan. Naalala niya bigla na dinala siya sa kadiliman at nakita niya ang kanyang kapatid na babae.

 

Ayoko ng bumalik doon. Napailing – iling na lamang siya. Napapansin niyang bumibigat ang paghinga nito tila nahihirapang huminga.

 

Tatawag ba ako ng nurse? O hahayaan ko lang siyang mawalan ng buhay rito? Napatanong sa kanyang isipan.

 

No, no, kapag hindi ka humingi ng tulong, ikaw ang paghihinalaan. Gusto mo bang makulong, Sheila? Dali – dali niyang binuksan ang pintuan.

 

“Pakitawag rito ng nurse!” utos niya sa guwardiya, naalarma naman ang mga ito. Kaya agad itong tumawag ng nurse sa station nito. Maya – may pa ay mabilis ang kilos na pumunta ang nurse at agad naman itong ni re – revive ang pasyente.

 

Nanginig naman ang kanyang kamay, tinatawagan niya si Martin. Mabuti na lang at agad itong sumagot.

 

“Can you please come here in hospital? Please?” Suyo naman niya.

 

“What happened? Are you okay?” tanong naman nito sa kabilang linya.

 

“I’m okay, but Dad, inatake siya, so please can you come here?” tanong naman nito.

 

“Okay, I’ll be there.” Sabi pa nito.

 

Binaba niya kaagad ang tawag, sinilip niya sa loob, ni – re – revive naman ito. May nakita siyang isang babaeng nakatingin sa kanya.

 

Leah? N – No, N –o. Tanggi sa kanyang isipan at napailing – iling na lamang, baka, niloloko siya ng kanyang paningin ngayon.

 

Are you happy now? Sheila? May bulong siyang nanggaling sa kanyang likuran, ayaw niyang tingnan kung sino iyon at baka mapasigaw pa siya nang wala sa oras.

 

Nakatingin pa rin siya sa pasyente, mabuti na lamang naagapan ito at hindi tuluyang namatay.

 

Aww, are you disappointed now? Bulong na naman nito sa kanya.

 

Umalis ka, umalis ka, hindi kita kailangan ngayon! Lumayas ka! Pabalik – balik na sabi sa kanyang isipan.

 

“Sheila.” May tumawag naman nito sa kanya at inakbayan siya.

 

“Martin.” Agad siyang napayakap rito. Nakita niya ang ngiti ni Leah sa kanya, sinenyasan siyang tumahimik.

 

Isinaayos pa ng mga nurse ang mga apparatus na nandoon, hanggang sa maging maayos ang pulse rate at heart rate ng pasyenteng si Raymundo.

 

Tinapik – tapik na lamang ni Martin ang kanyang braso noon. Nakahinga naman siya nang maluwag.

 

“Masigla pa naman si tito noong huling dalaw ko sa kanya, what happened, Sheila?” usisa naman nito sa kanya.

 

Napabuntong – hininga na lamang siya, hindi niya alam kung paano niya ipaliwanag kay Martin ang sitwasyon.

 

“Ang sabi ng nurse at doctor, na stress daw si Dad, kaya inatake siya ng niyerbyos.” Dahilan naman niya noon.

 

“Why? Ayaw ba niya sa hospital?” tanong naman ni Martin sa kanya.

 

“It’s not that, sa bawat pagtulog niya kasi naalala niya ang kanyang anak na babae, palagi niya itong tinatawag.”

 

Napatango naman ito sa kanya. “Maybe he missed her daughter so much.” Napailing – iling lamang ito.

 

Siya naman ang napatango.

 

“Just calm down, tito will recover soon, don’t worry too much.” Napasabi na lamang nito sa kanya na niyakap siya.

 

“Thank you, na nandito ka.” Pagpapasalamat naman niya sa kanyang kaharap.

 

“Of course, palagi lang naman akong nandito sa iyo.” Ngumiti na lamang ito sa kanya.

 

May bigla na lamang tumawag sa kanyang phone, nag – v- vibrate ito, tiningnan niya kung sinong tumawag.

 

“Oh, Attorney Justine Madrigal is calling,” puna naman nito sa kanya.

 

Dumaklot ang kaba sa puso niya, magpapaliwanag sana siya nang nagsalita si Martin.

 

“Go on, answer that phone, baka importante ang pag – uusapan ninyo, about sa kaso na sinampa mo or sa divorce paper namin ni Sharlene.” Sabi pa nito na tinitigan siya sa mata.

 

“Y – Yeah, siguro, sasagutin ko muna ito.” Napasabi na lamang niya noon.

 

Tumango lang si Martin sa kanya.

 

“Justine.” Kaagad niyang banggit sa kabilang linya.

 

“Pupuntahan kita sa hospital.” Napasabi na lamang nito sa kanya.

 

“W --- What, no way, Martin is here also.” Napasabi na lamang niyang tiningnan si Martin na tahimik lang na nag – aantay sa kanya.

 

“Eh, nandito na ako sa elevator, paakyat na.” sabi pa nito.

 

“Huwag ka na munang pumunta rito.” Mahina niyang sabi.

 

Biglang lumapit si Martin sa kanya.

 

“Hon,” tawag ni Martin sa kanya.

 

Napalingon na lamang siya. “Y – Yeah, hon, in a bit.” Ngumiti pa siya ni Martin. Tumango ito sa kanya.

 

“Sige na, huwag ka na munang pumunta rito.” Sabi pa niya.

 

“But I’m here.” Sagot pa nito na napabuntong – hininga pa.

 

“Oh, is that Mr. Madrigal?” puna naman ni Martin na may tinitingnan sa labasan ng elevator. May dala – dala pa itong mga bulaklak. Kumaway pa ito sa kanila, kay inend niya ang call nito.

 

Kinakabahan siya sa mangyayari.

 

“Oh, is that Mr. Francisco? Good evening.” Bati pa ni Justine sa kanya.

 

“Sinong bibigyan mo ng bulaklak?” napatanong naman ni Martin kay Justine.

 

Napatingin naman si Justine sa kanya. “Ah, pinasabi kasi ni Miss Atienza na magpapabili raw siya ng bulaklak for her dad.” Napasabi pa nito.

 

Napakunot naman ang noo ni Martin. “Dad? He knows Mr. Raymundo?” tanong naman nito sa kanya.

 

Justine, what happened? Sinabi ko sa iyo na si Martin lang ang nakakaalam tungkol kay Daddy. Napasabi sa kanyang isipan.

 

“Oh, nagkwento kasi minsan si Ms. Atienza about her father – figure, syempre, dahil kliyente ko siya, hindi ko pwedeng malimutan iyon.” Kalmang sagot naman ni Justine.

 

Napatango – tango na lamang ito sa kanilang dalawa.

 

“That’s correct hon, ilalagay ko iyang bulaklak mamaya – maya.” Kabado niyang sagot kay Martin.

 

“By the way, bibili na muna ako ng cigarattes, then, babalik ako agad.” Pagpaalam sa kanya ni Martin.

 

“Y – Yeah.” Napatango na lamang siya, at nakahinga nang maluwag.

 

Naglakad na papalabas si Martin at sasakay ito sa elevator.

 

“What are you doing?” pabulong niyang tanong rito. “Muntik na tayong nahuli, kung hindi ka nagpalusot.” Napasabi na lamang niya.

 

“I’m really sorry, namiss ko lang ang sweetie ko.” Napasabi pa nito.

 

Hinalikan naman siya ni Justine at tinanggap niya ito. “Halika na at baka mahuli pa tayo ni Martin.” Napatawa pa siya.

 

Napatango na lamang siya nito. Ngunit, paglingon niya ay nakita niya si Martin na nakatingin lang pala sa kanila. Biglang nanlamig ang kanyang kamay at para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa buo niyang katawan.

 

Napalunok na lamang siya. Napatitig din si Justine sa lalaking nakatingin sa kanila.

 

“Nakabalik ka na pala?” tanong naman ni Justine kay Martin na nananatiling kalmado.

 

“Yeah, can you explain it to me, Sheila?” tanong naman ni Martin sa kanya na tiningnan siyang pagkalamig – lamig na tingin na siyang dahilang manginig ang buo niyang pagkatao.