DINALAW ni Leah ang matandang nakaratay sa higaan nito, minasdan niya ang lalaking nangulo na malaglag ang dala – dala niyang sanggol sa kanyang sinapupunan, nanlilisik ang kanyang paningin at umuusbong na naman ang kanyang galit sa taong gumawa sa kanya na naging isa siyang mabuting manugang sa kanya.
Napangisi siya. Titingnan natin kung naalala pa niya ako. Napasabi sa kanyang isipan.
Nagbihis at naging nars siya para naman may thrill ngayon ang gagawin niya. Pumasok siya nang walang salita. Kaya nama’y nagising ito.
“Alam mo namang natutulog ang matanda rito.” Kahit nasa katandaan na ito, mataas pa rin ang tingin nito sa kanyang sarili.
“Pasensya na sir.” Napasabi naman niya na humingi nang pasensya rito. Tiningnan pa siya kung ano ang kanyang ginagawa na para bang kapag nagkamali siya ay pagbabayarin siya nang malaking damyos nito.
Tumalikod siya kaagad. Akala ng matanda na nakalabas na siya, nakatingin lang siya sa nagtataasang building noon.
“Damn it, kung wala ka ng gagawin rito, umalis ka na.”
Nag – umpisa siyang tumangis, napansin niyang nabigla si Raymundo, pinangunahan na ito ng takot na may nangyayari ng kakaiba na hindi nito maipaliwanag.
Alam niyang tumatawag ito ng nars para makaalis na siya. Tumatangis pa rin siya noon.
“S—Sino ka? Hindi ako natatakot sa iyo.”
Daddy, Daddy, tawag niya rito. Nakita nito sa mukha ang pagkatakot at gulat, nag – umpisa na itong magpanic.
Bakit? Bakit, Dad? Napatanong naman niya rito na humahalo ang nakakakilabot niyang palahaw, naging maputla ang mukha nito.
“C – Carmela.” Tawag pa nito sa kanya. Napangisi siya noon. Magpanggap nga siyang si Carmela at magpapalit siyang bilang Leah.
“C – Carmela, h—huwag kang manakot, m – magkikita na tayo, malapit na h—huwag mong guluhin ang d—dady mo rito.” Napalunok pa ito.
D—Daddy, bakit, bakit? Napatanong naman niya.
Nakalapit siya ang ang kanyang paa’y lumutang sa hangin, narinig niyang napasinghap pa ito.
“C – Carmela.” Napasabi pa nito na ginagawa pa rin ang lahat para makatawag ng pansin sa nars nito.
“Nars! Nars! Tulong! Anak, magpapaliwanag ako.” Napasabi pa nito.
Bakit mo ako pinatay?! Anong ginawa mo sa anak ko!? Anong kasalanan ko sa iyo!? Pinakita niya ang kalunos – lunos na kalagayan ni Carmela ng pumanaw ito.
Umalingawngaw ang sigaw ni Raymundo sa loob ng kwarto, ngunit, kahit anong sigaw ay walang makaririnig rito.
“Nars! Nars!” ulit niyang tawag rito.
Papalapit nang papalapit ang kanyang dalawang kamay na inabot ang leeg ni Raymundo, agad niyang sinakmal ng kanyang kamay ang leeg nito. Napangisi siya, unti – unti niyang linagyan nang lakas ang pagkawak nito sa leeg.
Papatayin kita nang pakunti – kunti. Napasabi sa kanyang isipan. Pilit nitong tinatanggal ang kanyang dalawang kamay sa leeg nito.
“C – Carmela.” Banggit nito sa pangalan ng anak ng babae.
Hindi ako si Carmela, too bad, ayaw kang makita ng anak mo, Dad. Pabulong niyang sabi rito, unti – unting nagpalit ang kanyang hitsura, nakita niya sa mukha nito na hindi ito makapaniwala, ang takot na takot nitong tingin.
Surprise. Pabulong pa niyang sab isa punong – tainga nito, nakita niya ang reaksyon ni Raymundo, nanlaban na ito dahil sinasakal na niya ang lalaki.
“L—Leah.” Pagkilala nito sa kanya.
Yeah, ako nga, Raymundo, ang babaeng inilibing mo nang buhay, bumalik ako sa kailaliman ng kalupaan para isama ka. Napatawa pa siya.
Umiling – iling ito na hindi ito sasama sa kanya.
“T—Tulong,” pabulong nitong tawag kung sino man ang matatawag nito.
Tumawa siya nang tumawa, nawawalan na ito nang hangin, siguro’y inatake na ito ng niyerbyos.
Naalala mo ang ginawa mo sa akin? Ang ginawa mo sa pamilya ko? Pwes, sa kamatayan wala kang ligtas, Raymundo, wala kang ligtas!
Narinig niya na may mga yabag siyang narinig. Gumagawa ng paraan ang lalaking kaharap niya. Nabigla ang nurse noon.
“Don Raymundo, Don Raymundo.” Tawag nito na naalarma sa nangyayari.
Pinagmasdan niya ang nangyayari.
“Tulong! Tulong!” tawag pa ng isang nurse. Aliw na aliw si Leah sa kanyang pinapanood ngayon.
Nagkagulo sa kwarto nito.
“Tulong! Sinasakal ni Don Raymundo ang sarili niya! Ang lakas niya! Kailangan nating kalasin ang pagkakawak ng kamay niya sa kanyang leeg.” Iyon ang naririnig ni Leah habang umaalis siya, napapataas ang kanyang kilay, kakaiba ang ngiti niya, mahina siyang tumatawa, hanggang papalakas ito nag papalakas.
Unti – unting naglalaho ang hospital, nabalik siya sa kadiliman. Biglang nagpakita sa kanya si Carmela.
Napatitig na lamang siya rito, hindi na ito umiiyak na hinahanap ang anak nito.
“Leah.” Tawag nito sa kanya.
Tiningnan niya ito, inilahad nito ang palad nito. “Halika na, pupunta na tayo sa liwanag, Leah.” Sabi pa nito sa kanya.
“Doon ka nababagay, huwag ka nang magtagal sa kadiliman, at magpalamon sa galit mo.” Malungkot nitong tugon sa kanya.
“Hindi ako pupunta sa liwanag, alam ko ang kahihinatnan ng kahilingang makapaghiganti kahit dito lang sa mundong ito.” sagot naman niya at hindi niya inabot ang palad niya kay Carmela.
“Hanggang saan ka ganito, Leah?” napatanong sa kanya.
“Hanggang maubos ang galit ko.” Tipid niyang sagot rito. “Nahanap at nakita mo na ang hinahanap mo, Carmela, magpahinga ka na.” tanging sabi niya rito.
“Susunduin muli kita sa huling pagkakataon, Leah. Kung hindi ka ulit sasama sa akin, makukulong ka rito panghabang – buhay.” matapos itong magsalita, naging isa itong liwanag na nakasisilaw.
Alam sa sarili ni Leah iyon, napabuntong – hininga na lamang siya. Pinagmasdan niya ang kanyang ikalawang katauhan, at nawala ito bigla sa kanyang paningin.
Bumisita ulit siya sa anak niya, at mga kasambahay ng kanyang magulang na hindi mabigyan ng isang simpleng lamay.
Kung makikita at huhukayin kayo, makikita rin ninyo ang liwanag. Napasabi sa kanyang isipan.
Anak, nakita mo na ba ang liwanag? Nauna ka na ba riyan? Pasensya na kung hindi kita masasamahan riyan, may gagawin lang si Mommy, magpahinga ka riyan, anak. Napasabi sa kanyang isipan na hinipo – hipo ang libing na walang pangalan.
May naglagay na bulaklak doon na siyang ikinagulat niya.
Alam na ba ito ni Sharlene? Napatanong sa kanyang isipan.
Bumalik siya sa kanyang ginawang palasyo sa kadiliman, hinaplos – haplos niya ang batang nakakulong. May matang nakatingin sa kanya.
Agad niyang nasalubong ang tingin ni Manuel. Hindi ito nagsalita sa kanya.
“Anong gagawin ko para makalaya siya diyan?” biglang tanong naman ni Manuel sa kanya.
Nabigla naman ang dalawa nitong kasama, hindi siya nagsalita, gusto niyang marinig ang dalawang umangal.
“Tanungin mo iyang si Felicia.” Tipid niyang sagot rito.
“Alam mo ang kasagutan, Leah.” Napasabi naman ni Felicia.
“You just absorb that curse, and reverse it, Manuel.” Napasabi na lamang niya. “Kaya mo bang gawin iyon?” tanong na lamang niya na hinahamon si Manuel.
“Palabasin mo ang bata.” Sabi pa nito sa kanya.
Napabuntong – hininga na lamang ito, dahan – dahan niyang pinalabas ang bata.
“Reverse the curse, Manuel.” Sabi pa nito.
“Palayain si Ashley, at ang magiging kapalit ay ang pagkabulok ng aking kaluluwa rito panghabang – buhay.” Sabi pa nito. “Ashley, alagaan mo ang mommy mo para sa akin, mabubulok ako sa kadilimang ito.” napangiti pa ito.
Napansin niyang nagtagumpay nga ito. Hindi na ito tinablan ng sumpa ni Felicia.
Naglakad sila sa kadiliman, ihahatid na niya ang bata sa tamang destinasyon nito.
“Tito, salamat po, alam kong babalik pa rin si Mom rito.” Pagpapasalamat ng batang si Ashley kay Manuel.
Ngumiti lang ang lalaki sa bata.
“I’m happy to see you again, Ellena.” Napasabi pa nito. “The little version of Sharlene Ellena and Carmela.” Napangiti pa ito.
Unti – unti na silang lumalayo at naglalakad sa walang katapusang kadiliman.