CHAPTER SEVENTY – TWO

MATAPOS ang kanilang pag – uusap, hindi naman iyon inaasahan ni Sharlene na nandoon ang lalaking iyon. Napabuntong – hininga na lamang siya.

 

Napaupo siya at tiningnan niya ang kanyang pulseras.

 

“Ikaw nga iyong batang nakausap ko noon.” Lumapit sa kanya si Martin na hinila pa ang pulseras niya.

 

Napakunot naman ang kanyang noo. “Nakausap ba kita noon? Pasensya ka na kung hindi ko pa naalala iyon.” Paghihingi niya ng pasensya sa kaharap niya.

 

Hindi niya maunawaan kung bakit siya tinitingnan ni Justine ngayon.

 

Baka hinihingi na naman nito ang divorce paper, hindi ko pa naman iyon dala. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

“Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong naman ni Vivianne sa kanya.

 

Napansin niyang hapong – hapo ang katawan nito ngayon, siguro dahil sa paglalakbay nito para makita nila ang nakaraan noon.

 

Kailangan lang nilang magtulungan.

 

“Sharlene, gusto ka lang makausap ni Justine.” Tawag ni Lawrence sa kanya.

 

“Mauuna na ako.” Pagpapaalam naman sa kanya ni Martin at kaagad naglakad papalayo sa kanya.

 

“Dito lang ako.” Tanging sabi ni Vivianne na napaupo sa upo.

 

Tumango lang si Lawrence.

 

“Pagsasabihan ko lang si manang na maghanda ng makakain.” Kaagad itong umalis.

 

Tinapik pa ni Lawrence si Justine. Kaya naman lumapit siya rito.

 

“Ano bang pag – uusapan natin?” tanong naman naman ni Sharlene sa kanyang kaharap.

 

Napabuntong – hininga na lamang ito bago magsalita. “Hindi ka ba nagtataka kung saan nanggaling ang DNA Test na ito?” ipinakita pa nito ang brown envelope sa kanya.

 

Iyon ang pinakita ni Martin sa kanya, para malaman na siya nga ang nawawalang anak ng mag – asawang pinatay. Bigla niyang nakalimutan iyon. Pero, ngayon naging kyuryoso siya. Kaya naman, napatingin lamang si Sharlene sa kanyang kausap.

 

“Natatandaan mo ba ang daddy mo noon? May kapatid ang daddy mo, nakatatandang kapatid. Matagal ka niyang hinanap, hanggang namatay ito, ikaw pa rin ang inaalala niya, and, ipinagpatuloy iyon ng kanyang anak.” Napasabi nitong tiningnan siya.

 

Nakuha niya kaagad ang tinutukoy nito. “M – May kadugo pa ako sa pamilyang Gonzalez?” tanong naman niya sa kaharap.

 

“Yes. Guess who’s that person.” Napasabi naman sa kanyang kaharap na tinitigan siya nang mataman.

 

Napasinghap siya. “I – Ikaw?” turo pa niya rito kay Justine.

 

“Yeah, ako nga iyon, Sharlene.” Napabuntong – hininga pa ito. “Nakatatanda ako sa iyo ng dalawang taon, I know it’s a bit awkward to us, dahil ngayon lang tayo nagkita at nag – usap.” Napasabi naman nito.

 

“But I assure you that, ibibigay ko ang mga kayamanan na siyang inilaan ni Dad sa iyo.”

 

“Hindi ko kailangan ng kahit na ano ngayon, ang kailangan ko ay ang anak ko.” Napatitig pa siya sa kanyang kausap.

 

Napatango ito sa kanya. “I will give your assistance, if you want too.” Sabi pa nito sa kanya.

 

“Saka, kung saan handa ka ng iproseso ang divorce paper mo, para makalaya ka na rin sa lalaking iyon.” Napasabi pa nito sa kanya.

 

“P – Pwede bang pagkatapos nang lahat na ito, magde – desisyon ako sa divorce namin ni Martin.” Tanging sabi na lamang niya. “Iyong gising at ligtas na ang buhay ng anak ko, h—hindi ko alam kung kakayanin ba ni Ashley na mawalay sa kanyang ama.” Napasabi na lamang niya sa kanyang kausap.

 

“Talaga bang magiging maayos ang kapakanan ng anak mo, kung hindi kayo maghihiwalay? She questions you kung anak ba talaga niya si Ashley hindi ba?” tanong naman nito sa kanya.

 

“Anak niyang tunay ang bata.” Tanging napasabi na lamang niya. “Nanalaytay ni Ashley ang dugo ng kanyang ama, wala akong kalaguyong lalaki, bukod sa kanya.” Napakuyom naman siya sa palad.

 

Napabuntong – hininga na lamang ito. “I know that, that bastard are really lucky to have you, hindi na rin siguro ako papayag na pahirapan ka nang ganyan.” Napasabi pa nito sa kanya.

 

Hindi na siya nagsalita pa.

 

“May namamagitan kayo ni Sheila hindi ba?” tanong naman ni Vivianne sa lalaking kaharap niya.

 

Napatitig naman siya kay Justine “Namamagitan?” tanong naman nito sa kanya.

 

Narinig niyang napatawa ito. “Carnal desire, so be it, iyon lang ang namamagitan sa amin, I don’t know if ganoon bai to sa akin, wala akong pakialam kay Sheila, I do that to find you, Ellena.”

 

“Niloloko mo si Sheila?” tanong naman niya.

 

Napabuntong – hininga ito. “Pareho lang kaming naglolokohan sa isang relasyon, Ellena, do you know who she really was? I heard that she’s your bestfriend before. Alam mo bang nadamay rin ang Atienza? Lalong – lalo na sa kapatid niyang babaeng si Angely.” Sabi pa nito sa kanya na tinitigan siya nang mataman.

 

“Oh, by the way, Vivianne Rosario, talaga bang nakita mo sa sarili mong mga mata kung sino ang mga taong nasa likod ng nawawalang si Leah?” napatanong nito kay Vivianne.

 

“Oo, kitang – kita ko sa mga mata ko.” Pag – amin naman ni Vivianne.

 

“Pero, paano natin maipakukulong ang may sala?” napasabi naman niya. “Matanda na si Raymundo Santiago, palagi siyang dinadalaw ni lola Felicia noong malakas pa si lola. Anong gagawin natin?” tanong naman niya sa kanyang kaharap.

 

“Don’t mind it so much, let me handle it, Ellena. Focus ka sa anak mo, at focus ako sa mga legal basis, I’m always here, saka, kapag maayos na ang lahat, ibabalik kita sa iyong totoong mansion na kasama ang mga mahal mo sa buhay.” sabi pa nito sa kanya.

 

“It’s the least that I can do to you.” Dagdag pa nito.

 

Hindi na siya muling sumagot.

 

“Maybe you should start new life, with the one you love.” Napangisi pa ito sa kanya.

 

Napakunot na lamang siya sa pinagsasabi nito.

 

“Kailangan mong lumingon, para makita mo ang hinahanap na kasiyahan mo, hindi pa naman huli ang lahat para magsimula.” Ginulo pa ang buhok nito.

 

Napatawa ito sa kanya. Pinuntahan na sila ng kasambahay na kailangan na nilang kumain ng hapunan.

 

“Napasarap ba pag – uusap ninyo?” napatanong naman ni Lawrence sa kanila.

 

“Lawrence, maraming salamat.” Napasabi na lamang niya noon.

 

Ngumiti ito sa kanya na wala itong problema. Napabuntong - hininga na lamang siya.

 

“Kailangan naming umalis bukas nang maaga.” Pagpapaalala niya sa mga kasama niya.

 

“Justine, isabay mo na.” sabi pa ni Lawrence na napatawa.

 

“Yeah, I would love too, but, kailangan ko munang puntahan si Sheila.” Napabuntong – hininga na lamang ito.

 

“Huwag kayong masyadong gantihan si Sheila, hindi niya alam ang nangyayari, or maybe she knows but, baka biktima rin siya.” napasabi na lamang niya noon.

 

Napabuga na lamang ng hangin ang kasamahan niya.

 

Kailangan ko ulit makausap si Leah. Determinado niyang sabi sa kanyang isipan.

 

Kakayanin ko bang harapin silang Lola? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.

 

Kailangan mong babaan ang pride mo, Sharlene, kukunin mo na ang bata. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

Iniisip pa lamang niya ay, sumusuko ang dibdib niya, kung kaya pa ba niyang magpatawad.

 

Hindi, hindi. Kailangan hindi ako magpapalamon sa galit, you need to know the other side of their story, not focusing of your point of view. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, na pinapaalalahanan niya ang kanyang sarili.