CHAPTER SEVENTY – ONE

BIGLA na lamang may tumawag kay Lawrence.

 

“Sorry, lalabas lang ako saglit.” Paghihingi niya nang pasensya sa mga kasama nito.

 

Tumango lang si Justine sa kanya, hindi naman kumibo si Martin. Nang nakalabas na si Lawrence, tiningnan niya kung sinong tumatawag sa phone niya.

 

Sharlene? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.

 

Dali – dali niya itong sinagot.

 

“Lawrence, hindi ka ba abala ngayon?” tanong naman nito sa kanya.

 

Halata sa boses nito na may nais itong puntahan na lugar ngayon. “Why?” tanong naman niya.

 

“Magpapatulong sana ako sa iyo, ang dami kong katanungan ngayon.” napasabi na lamang.

 

“May kausap kasi ako ngayong mga tao.” Napasabi na lamang niya. “But, if you’re okay, I will go to your place, after that.” Napasabi na lamang niya.

 

“Kami na lamang ni Vivianne ang pupunta riyan, don’t worry, mag – aantay lang kami sa iyo, kung okay lang sa iyo.” Napasabi na lamang nito sa kabilang linya.

 

“You really okay with that? Saka, kilala mo ang mga taong kausap ko ngayon.”

 

“Ha? Sino?” napatanong na lamang niya.

 

“If you’re curious enough, pwede kang pumunta rito, and you’re welcome sa pag – uusapan namin.” Sabi naman niya.

 

“S--- Sige.” Tanging sabi nito na parang nagdadalawang – isip pa ito.

 

“Antayin kita.” Sabi pa niya.

 

“Mag t – text lang ako kapag malapit na ako, para di ako makaabala.” Napasabi pa nito. “Sige, bye.” Sabi pa nito sa kanya.

 

“Yeah.”

 

Nag - end kaagad ang call nito. Napabuntong – hininga na lamang siya, pumasok kaagad si Lawrence.

 

“We have a guest.” Sabi pa niya sa dalawa.

 

Nagkatinginan naman ang dalawa niyang kasama.

 

“Please be considerate to her.” Paalala na lamang niya sa dalawang lalaki.

 

“Hindi ba niya alam na nandito kaming dalawa?” tanong naman ni Justine sa kanya.

 

Umilling – iling na lamang siya.

 

“Kailangan din niyang malaman iyon.”

 

“Yeah, sabi ko sa inyo, konektado si Sharlene kay Leah.” Rinig niyang sabi ni Martin.

 

Napabuntong – hininga na lamang siya ngayon. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita nito ang dalawa niyang kasama.

 

“Justine, it’s time to tell the truth na may kaanak siyang nabubuhay rito.” Sabi pa naman niyang binalingan si Justine.

 

“Why she needs to know, may pamilya naman iyong itinuring?” tanong pa ni Martin sa kanya na may hinahalungkat na ebedinsya.

 

“I don’t know what happened between you two, but don’t give her a family that already broken, ikaw ang nakipaghiwalay sa kanyan, hindi ba?” kalmang tanong naman niya rito.

 

“You cheated on her.” Napailing – iling na lamang siya.

 

“Cheated? Gosh, we never liked nor loved each other, ilusyon lang ang pamilyang nagawa namin.”

 

“Kung ilusyon lang pala, sana, hindi ka ganyan umasta na parang that she’s part of your family.” Napasabi naman ni Justine.

 

“Just let her go.” Matipid na sabi ni Justine “I will help you to convince her.” Sabi pa nito.

 

“Saka, sa iyo na si Sheila, huwag mo ng guluhin iyon at ang anak mo, you miserable father.”

 

Napakunot naman ang noo ni Martin sa pinagsasabi ni Justine ngayon. “What the fuck are you saying? Are you insulting me, Mr. Gonzalez?” tanong naman nito.

 

“Halata naman, nagsisisi ka lang dahil may nangyari kay Ashley.”

 

“What?” nagkakainitan naman itong sagot.

 

“Please, gentlemen, please.” Kalma niyang sabi para hindi na mas lalong gugulo ang lahat. “Wala akong pakialam kung ano man ang issue ninyong dalawa, pero, I will not tolerate na saktan ninyo nang ganyan si Sharlene, please, she’s going through a lot! Hindi ninyo alam ang luhang binubuhos niya.” tinitigan niya ang dalawang lalaki.

 

Nagkatinginan naman ang dalawa. Namuo na naman sa kanila ang katahimikan, bigla na lamang may nag -text sa kanya.

 

“She’s here.” Napasabi na lamang niya sa dalawa.

 

Agad siyang lumabas para salubungin si Sharlene, nandoon rin si Vivianne.

 

“Tapos na ba kayo? Pasensya na kung nadisturbo ko kayo sa mahahalagang pag – uusap ninyo.”

 

“No, it’s okay, halika na, saka, we have a short- break for a while.” Napasabi na lamang ni Lawrence.

 

Napansin niyang hindi sumunod sa Vivianne. Tinawag niya ito. “Come inside, also Vivianne.” Napasabi na lamang niya.

 

“Halika.” Tinawag pa niya ito.

 

Tahimik ang dalawang lalaki pagpasok niya, alam niyang nagulat si Sharlene sa bisita niya ngayon.

 

“Sila bisita mo?” tanong naman ni Sharlene noon.

 

“Unfortunately, yes.” Napasabi na lamang niya at napabuntong – hininga.

 

Hindi man ito kumibo. “Take a seat, Sharlene.” Sabi pa niya, may marami namang bakanteng upuan na nandoon, nakita niyang tumabi si Vivianne kay Sharlene na nagtataka rin ang pagmumukha. Kumapit lamang si Vivianne kay Sharlene noon.

 

Isang mahabang katahimikan ang namamagitan sa bawat tao sa loob, hindi niya alam kung paano niya gawin ang pag – uusap nilang lima ngayon.

 

“Anong nahanap mo rito, Sharlene?” wika ni Martin.

 

Kaya napatingin na lamang siya sa lalaki. He’s very insensitive. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

“Kilala ninyo ba si Raymundo?” tanong naman ni Sharlene sa kanila.

 

Nagkatinginan naman silang tatlo, napatitig pa siya rito.

 

“Bakit alam mo ang pangalan na iyan?” tanong naman ni Lawrence na nagtataka sa kanya.

 

“Bakit naman hindi niya makilala ang taong iyon, kadugo niya si Raymundo, hindi ba?” tanging tanong na lamang ni Martin.

 

“Of course, she knew it, dahil Raymundo Santiago is her grandfather, am I right, Sharlene?” napatanong na lamang nito.

 

Napatitig sa kanya si Sharlene, hindi kaagad ito nakaimik. “Alam mo na pala ang katotohanan.” Kalmang sabi ni Sharlene sa lalaking kaharap niya ngayon.

 

“Of course, Sharlene Ellena Santiago - Gonzalez.” Ipinakita pa nito ang documents na ibinigay ni Justine noon.

 

“So? Anong solusyon ang nasa isipan mo ngayon, Sharlene?” napatanong na lamang na hinahamon ang asawa nito.

 

Magsasalita na sana si Vivianne, pero, pinigilan nito ni Sharlene, napabuntong – hininga na lamang siya. May kinuha ito sa bag at isinoot ang pulseras nito.

 

“Idemanda si Raymundo Santiago.”

 

Biglang napatawa si Martin. “Oh, I’m really sorry, for what case? Do you have any evidence na pinanghahawakan mo ngayon?” napasabi naman nito.

 

“Why are you questioning your wives like that, Mr. Francisco? Natatakot ka ba?” tanong naman ni Justine rito.

 

“Sharlene, anong nalalaman mo.” Sabi niyang kalma, hindi niya pinakinggan ang dalawang taong nasa harapan niya. Nandito si Sharlene para humingi sa kanya ng tulong, para tulungan ito sa bumabagabag nito ngayon.

 

“H – Hindi ko alam, pero, alam kong konektado ang lahat ng pagkamatay ng magulang ko, ni Leah Martinez, sa dalawang magkakapatid, kay Manuel at kay Lola Felicia, hindi ka man naniniwala pero, involved sa malaking sindikato si Raymundo.” Paliwanag pa nito sa kanya.

 

Napatango naman siya. “Anong maari nating gawin?” tanong naman niya rito.

 

“Excuse me? Kayo lang ba ang taong nandirito?” tanong pa ni Martin sa kanila.

 

“Martin, kung gusto mong tulungan ang anak mo, alam kong may kilala kang mga journalist na kasabayan ng ama mo,” napabaling pa ito kay Martin na matamang tinitigan.

 

“Isang batikan ang ama mo sa kabataan niya hindi ba? Alam ko ring madami kang alam na kailanman pinagsawalang – bahala mo noon at sa pamilya mo.”

 

“Hindi para sa akin, para sa anak ko, para sa anak mo, kahit ngayon lang maging ama ka sa anak mo, iyon lang ang hinihiling ko, saka, kapag natapos na ang lahat, pipirmahan ko iyong divorce paper, para makalaya ka na.” Ngumiti ito na may halong kalungkutan at napakuyom na lamang.

 

Tinitigan pa siya nang mataman ng asawa nito, hindi ito nagsalita.

 

“Huwag kang makipaglandian sa harap ko, hindi ka pa malaya, Sharlene. Asawa pa rin kita.” Ito lang ang sagot nito at tiningnan siya nang mataman.

 

Is he having a hard time to accept it? Kaya hindi na siya nangungulit ni Justine para asikasuhin ang divorce paper nito? O kaya’y natutunan nitong tanggapin si Sharlene? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.

 

“Don’t looked at me like that, hindi ako kagaya mo ng gawain Mr. Francisco.” Napabuntong – hininga na lamang siya at napailing – iling na lamang.