CHAPTER SEVENTY

Hindi agad naproseso ni Martin ang pinagsasabi niya; hawak-hawak pa rin niya ang DNA test result na siyang pruweba na pinsan nito ang kanyang asawang si Sharlene.

 

“Hold up, you two.” Kalmang sabi ni Lawrence sa kanilang dalawa ngayon, nagkakainitan na rin silang Justine.

 

Tiningnan silang dalawa pabalik-balik na tingin at napabuntong-hininga.

 

“You two, can you calm down, Justine? Lumabas ang pagiging bad-tempered mo ngayong nahanap mo ang matagal mo nang hinahanap. Please, magkaiba nga tayo ng angkan, but we’re here para malaman kung sino ba talaga ang dapat sisihin sa nangyayari sa atin.” Kalma nitong paliwanag sa kanilang dalawa.

 

Hindi nagsalita si Justine; umupo itong nakaharap sa kanya. Pinoproseso ng kanyang isipan ngayon, hindi pa niya inalam kung ano ba ang koneksyon ni Sheila sa Raymundo na iyon at nagulat siya sa sinabi ni Justine na may relasyong namamagitan.

 

Damn, grabe ang karma na natanggap mo ngayon, Martin. Kaya pa ba? Tanong sa kanyang isipan.

 

Isa pa’y sasagipin pa niya ang kanyang anak ngayon; hindi niya alam kung paano niya ito sasagipin at pababalikin sa katawan ang kaluluwa ng kanyang anak na si Ashley. Tiningnan niya si Lawrence.

 

Kung natatandaan niya’y nagkaroon ng massacre sa pamilyang Martinez sa dahilang linooban, ngunit kataka-taka naman dahil pinatay ang lahat ng nakatira na nandoon, mga kasambahay ay walang sinasanto.

 

Napabuntong-hininga siya. Ang kanyang ama ay naghihinala na sa pamilyang Santiago, lalong-lalo na kay Raymundo, his Dad, maliban sa tagapagmana sa angkan ng Francisco, ay may hidden agenda ang kanyang ama na amoyin at himayin ang mga baho ng mga angkan nito at pababagsakin ito sa pamamagitan ng media.

 

Ngunit, iba ang naaamoy ng kanyang ama, kundi, ang kapamahakan, lalong-lalo na naamoy nito ang matinding baho na itinago ng pamilyang Santiago. Tumigil ang kanyang ama, dahil alam niyang hindi maganda kung makabuntot sa pamilyang iyon, kaya palaging sinasabi ng kanyang ama na hindi sila dapat madawit sa gulo ng ibang angkan.

 

Napabuntong-hininga na lamang siya. Nag-iisip siya kung ano pa ang mahuhukay nilang baho ngayon.

 

The funny thing is, talagang nandito ako ngayon, nakikipag-usap sa ibang angkan. Napailing-iling na lamang siya.

 

Tiningnan niya ang dalawang lalaki; sinipatan siya ni Justine noon.

 

“Lawrence, ano pa ang sinabi ng magaling kong asawa sa iyo? May nadiskobre ba kayo na kailangan kong malaman?” Napatanong na lamang siya.

 

“Asawa?” Napatawa pa si Justine sa kanya at napailing-iling na lamang. “Hindi na kayo mag-aasawa, hindi ba?”

 

“Can you shut up? asawa ko pa rin si Sharlene, dahil hindi pa kami hiwalay.” Sabi pa niya.

 

“Dapat alam mo iyon, dahil abogado ka, Justine.”

 

Makahulugan pa itong ngumiti sa kanya.

 

“Justine, please, not now, not our personal thing.” Rinig niyang sabi ni Lawrence.

 

“Hindi masyadong nagkwento si Sharlene sa akin ngayon, dahil last time, inalam lang namin ang buong pagkatao niya, at we stumbled upon documents na nahanap niya sa mansion ng magulang ni ate Leah, na pag-aari na ng Francisco, and nalamang ang kahindik-hindik na pagpatay sa mansion na iyon.” Pagpapaliwanag naman ni Lawrence sa kanya.

 

“That massacre happened decades ago.” Napasabi niyang napabuntong-hininga siya.

 

“Ano ang nalaman mo, Mr. Francisco? I bet may nakalap kang impormasyon, hindi ba?” tanong naman ni Justine sa kanya. “As I heard, your dad was a journalist and editor-in-chief at noon, tapos, ginagamit niya ang skill na iyon, para pabagsakin niya ang kalaban niya, di ba?” tanong naman nitong nakahalumbaba sa kanya.

 

“Yeah, dati, he’s a journalist, at marami siyang alam sa pangyayari, ngunit, hindi niya ibinabahagi sa amin ang impormasyon na iyon.” Sagot naman niya.

 

“Your father knows his limitation.” Napasabi na lamang ni Lawrence sa kanya.

 

“Hindi na ako magugulat kung saan mo iyan nakakalap, dahil may kaibigan ang dad mong may alam rin sa pangyayari, ngunit, nanatiling tahimik dahil sa takot ng Santiago na madamay ang pamilya nila.” Sabi pa ni Justine.

 

“Okay, may mga suspetsya na tayo na sino ang mastermind nang nasuungan natin ngayon,” napabuntong-hininga pa si Lawrence. “Paano natin mahahanapan at maikonekta sa ngayon, ang nangyayari?” tanong naman nito sa kanila.

 

Nag-isip naman siya.

 

Oh? May bigla na lamang siyang naisip at napatingin sa dalawang lalaki na nag-iisip.

 

“I don’t know if you believe me.” Napasabi na lamang niya noon sa dalawa.

 

“Narinig ba ninyo na may abilidad ang lola ni Sharlene? I mean, her foster grandmother.” Napasabi na lamang ito.

 

“What ability?” tanong naman nitong kumunot ang noo ni Justine.

 

“It sounds crazy, but, baka, may makuha rin silang lead sa mga nangyayari, especially you, Lawrence, Sharlene, connected to Leah Martinez.” Napasabi naman niya.

 

Napakunot naman ang noo ni Lawrence sa kanyang sinabi.

 

“Paanong naging konektado si Sharlene rito? Okay, Leah Martinez was a wife of Fredrick Manuel Santiago, at kapatid ito ni Carmela Geraldine Santiago – Gonzalez, which is magulang ni Sharlene, paano sila naging konektado?” tanong pa nito sa kanya.

 

“I remembered what Sharlene told me a long time ago.” Napasabi naman ni Lawrence sa kanila.

 

“Napapaganipan niya ang pagkamatay ni Leah kung paano ito naghirap nang mailibing ito sa lupa na buhay,” sabi naman ni Lawrence.

 

“Justine, iyong bahay ni Angely, may nahanap ka ba roon?” tanong pa nito na nag-iisip pa.

 

“Unfortunately, hindi pa ako naka-focus doon.” Bumuntong-hininga pa ito.

 

“You said na ang property ng Atienza at kung saan nakatayo ang mansion ngayon ay naging libingan ni Leah Martinez?” napatanong naman niya sa dalawa.

 

“Yeah, Vivianne knows it.” Sagot naman ni Lawrence.

 

Vivianne. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Napabuntong-hininga siya; iniisip pa rin niya ang kanyang anak na si Ashley. Naiinis na siya ngayon dahil paikot-ikot pa rin sila; may suspetsya na sila, pero paano nila papatunayan na may kinalaman si Raymundo Santiago sa lahat nang gulong nangyayari?

 

“Si Sheila Atienza ang pag-asa natin dito.” napasabi na lamang ni Lawrence.

 

Nagkatinginan naman silang dalawa ni Justine. “Ikaw na ang gumawa ng paraan, Martin.” Napasabi na lamang nito sa kanya.

 

“No, panindigan mong kaya mo siyang paikutin, Justine.” Napasabi na lamang niya noon.

 

“Stop that. Alam kong may kinalaman ang mga Atienza rito, pati na ang Rosario; kailangan natin sila para tulungan tayo.” Sabi pa ni Lawrence sa kanilang dalawa.

 

“The question is, makikipag-cooperate ba sila? Isa pa’y hindi ko alam kung paano ko ipaliwanag ni Sharlene na magkadugo kami.” Nasabi naman ni Justine at napabuntong-hininga na lamang.

 

“She’s a good listener; mauunawaan niya ang sitwasyon kung magaling kang magpaliwanag.” Napasabi na lamang niya.

 

Totoo naman, sa limang taong pagsasama nila ni Sharlene, kilala niya itong tao.

 

“Yeah, I agree with that she’s a good listener, maiintindihan niya iyon, don’t worry about her, marami lang iyong iniisip, especially sa baby girl niya, but she always leaned her ear to listen, lalong-lalo na interesado ito sa pinsan ko.” Napabuntong-hininga na lamang si Lawrence.

 

Paanong hindi magiging interesado si Sharlene? Kinuha niya ang kaluluwa ng anak ko. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

Mainit pa rin ang dugo niya kay Justine, na napangisi na lamang sa kanya ngayon na nang-aasar.