NASA mansion siya ng Gonzalez ngayon; nandito siya nagpalipas nang gabi dahil din makukuha na niya ang DNA test bukas. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang pinsan niyang matagal nang nawalay sa pamilyang Gonzalez.
How should I react? Napatanong na lamang sa isipan ni Justine. Kailangan na muna niyang mapag-isa; naghahanap din naman siya ng mga patunay na magagamit niya sa Santiago. Ang pinagtatakahan din niya ay kung bakit kumilos ito nang patago ngayon.
Ano kayang pinaplano ng lalaking iyon? Napatanong na lamang siya sa kanyang isip. Napailing-iling na lamang siya, tinungga na niya ang mild wine na nasa baso, maaga pa siyang aalis bukas, saka, magkikita sila ni Lawrence para pag-usapan uli ang next move nila.
Maaga siyang pumunta sa hospital para kunin ang result na kanyang ipinagawa ng kanyang kakilalang doctor na nagtatrabaho sa hospital na iyon.
“Oh, ang aga naman.” Iyon lang ang nasabi nito sa kanya.
Mahina lang siyang napatawa. May bitbit itong isang envelope. Tinitigan lang siya ng doctor na kanyang kausap. Tiningnan niya ang result, dahil wala na ang kanyang ama at tito, kumuha rin siya ng hibla ng kanyang buhok kung mag-match ba sila na pinaghihinalaan niyang pinsan.
It’s positive, which means she’s my cousin, siya nga ang nawawalang anak ng tito ko. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
“Your DNA test sample ng buhok mo at buhok ng participant ay nag-ma-match, yeah, she’s your closest relative to your father.” Iyon lamang ang paliwanag ng doctor sa kanya.
“Thank you so much, doc.” Napasabi na lamang ito.
“You’re always welcome, Drake. Sige, dito na ako.” Sabi pa ng doctor sa kanya.
Napabuntong-hininga rin siya. Ano ang next move mo, Justine? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Pamangkin ko rin ang anak niyang si Ashley. Should I help her and give assistance? Paano ko ba ito maipaliliwanag? I need some advice. Napasabi na lamang sa kanyang isipan na nalilito.
Nabunutan siya ng tinik nang nahanap na rin niya ang pinsan niya, pero ang pinoproblema niya ngayon, paano niya ipapaliwanag ang sitwasyon.
Natigil ang kanyang pag-iisip nang biglang nag-vibrate ang phone niya. Kaagad niya itong sinagot.
“Pupunta ka na ba rito?” tanong ni Lawrence sa kanya.
“Well yeah, pupunta ako riyan.” Napasabi na lamang niya.
“Well, you should be, my unexpected guest, tayo rito.” Napabuntong-hininga na lamang ito sa kabilang linya.
Unexpected guest? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
“Sige, I need to drive. I will call you if malapit na ako.” Pagpapaalam na lamang niya.
Nagtungo kaagad siya sa kanilang usapang tagpuan, sa mansion ng Salazar siya pumunta, napansin nga niyang may sasakyan ding naka-parking rito, kaya nagtaka na lamang siya kung sinong bisita ni Lawrence ngayon.
Nakapasok na siya sa loob ng mansion; may kasama nga itong bisita na nakatalikod sa kanya.
“Hey, Lawrence.” Tawag niya sa nakahalumbabang lalaki na nag-aantay sa kanyang pagdating.
“Take a seat, Drake.” Napasabi naman ng kanyang kausap, pabalik-balik pa siyang tiningnan ni Lawrence at ng bisita. Wala itong kibong nag-aantay; nasa pribadong silid sila ngayon. Naglakad siya para rin makaupo siya sa round table na nandoon.
Nasilayan niya ang pagmumukha nito, kaya naman napakunot ang kanyang noo na tiningnan si Lawrence.
Tiningnan siya nang mataman ni Martin, napangisi naman siya sa lalaking kaharap niya ngayon. Nararamdaman niyang may mangyayaring kakaiba sa pag-uusap ngayon.
Tumikhim naman si Lawrence sa dalawa.
“Akala ko ba tayo lang ang mag-uusap ngayon, Lawrence? Bakit may kasama tayong bisita rito?” tanong naman niya rito.
“Akala ko rin, Drake.” Napabuntong-hininga na lamang ito at umupo na rin.
“Ipaliwanag mo nga sa akin ang sitwasyon, ngayon, Justine Zach Madrigal.” Sabi pa ni Martin sa kanya na tiningnan siya nang mataman.
“Hindi ko inaasahang nandirito ka rin, Martin. Pagpupulong namin ito sa kliyente kong si Lawrence; hindi ko pwedeng pagsabayin ang kliyente ko, I don’t want to mix my work.” Sabi pa niya na napailing-iling na lamang.
Nakita niya ang mapang-asar na ngiti nito.
“Can you explain the situation? In what relationship do you have to Sheila?” tanong naman nito sa kanya.
“So, nandito ka para alamin ang relasyon namin sa babaeng iyon?” paglilinaw niya.
“And also, anong ginagawa mo sa hospital at bakit ka bumisita kay Sharlene?”
“Oh, you’re very territorial of your women, Martin.” He said mockingly, napailing – iling na lamang si Lawrence sa kanya na nakikinig lang.
“Tell me straight to my face.” May mga larawan itong nakalap at mga impormasyon pa.
He has a talent for digging up some facts. Napangisi na lamang siya.
“Kaano-ano mo ang mga Gonzalez?” tanong naman nito sa kanya. “You’re not Justine Zach Madrigal, but your true name is Justine Drake Madrigal-Gonzalez, am I right?” tanong naman nito sa kanya ng diretsahan.
“So, hindi ka pala nandito para suntukin ako sa mga babae mo.” Ngumisi siya kay Martin.
“Yeah, I’m Justine Drake Madrigal-Gonzalez. Sino ako? Ako pala ang natitira sa angkan ng Gonzalez,” napaisip naman siya. “No—let me correct it, dalawa pala kaming Gonzalez.” Napatawa pa siya noon.
“Drake, nahanap mo na siya?” tanong naman ni Lawrence na nagulat pa sa sinabi niya.
Tiningnan niya si Lawrence. “Nandito ako para marinig sa iyo kung paano ko siya ngayon kakausapin, dahil she’s your childhood friend and,” nilingon niya ang bisita nila ngayon.
“Ex-wife of this bastard.” Napasabi na lamang niya.
Nakita niya ang gulat sa mukha ni Martin, napabuntong-hininga na lamang si Lawrence.
“Hey, Lawrence, bakit hindi ka nagulat?” tanong pa niya.
“I’m sorry about it, pero, alam kong may relasyon talaga kayo ni Sharlene. Her memories are messed up right now, but she remembers her name and her parents.” Paliwanag na lamang ito sa kanya.
“Hindi ko sinabi sa iyo, because ayoko rin namang biguin ang pangako ko sa kanya.” Napasabi na lamang nito sa kanya.
“Geez, akala ko, magugulat ka ngayon, pero, alam mo na pala.” Napabuntong-hininga na lamang siya.
“Where is your proof that Sharlene is blood-related to Gonzalez?” Tanong naman nito sa kanya na hindi pa rin naniniwala.
“You need proof?” Agad niyang binigay ang DNA test result na kinuha niya kani-kanina. “That’s my proof, Mr. Francisco.”
Agad nitong tiningnan ang result, nakita niya ang gulat sa mga mata ng taong kaharap niya.
“No way,” maang nitong sabi.
“By the way, papadaliin ko pala ang proseso ng divorce paper ninyong dalawa, pipilitin ko na rin siyang pumirma; she’s not deserving of you.” Napabuntong-hininga na lamang siya.
“Look who’s talking now,” napasabi pa ni Martin sa kanya. “Do you think hindi ko malalaman na may relasyon kayo ni Sheila?”
Napahalagapak na naman siya ng tawa. Nandito na sila ngayon, harap-harapan na rin niyang ilalantad ang lahat, lalong-lalo na alam na niya kung sinong pinsan niya, and he will make sure na wala nang makasasakit nito kahit kanino.
“You’re really funny, man, Martin. Kung sana inalam mo rin kung bakit ko ginawa iyon, oh no, hindi ako interesado kay Sheila. Gusto mong malaman kung bakit may relasyon kaming ganoon? Because it’s a cover-up of my two faces.” Sabi pa niya at napangisi na lamang.
“By the way, Martin.” Napasabi na lamang niya “Alam mo ba ang relasyon niya kay Raymundo Santiago?” Binato niya ang mga nakalap niyang larawan.
“She has this carnal desire for that old man, and also, the funny thing is, her sister Angely also—that sibling thing is really something.” Napailing-iling na lamang siya.
Napakunot naman si Lawrence at tiningnan ang mga larawang kanyang nakalap.
“Siguro’y kilala mo rin si Raymundo, hindi ba? I don’t want to deny this na nanalaytay pa rin sa babaeng iyon ang Santiago.” Sabi pa niya noon.
“Malinaw na nga sa akin ang lahat, thank you for explaining it, Justine.” Sabi pa nito sa kanya.
“Nandito na tayong lahat, Martinez, Gonzalez, and Francisco, magkakaalaman na tayo nito,” panghahamon niya sa kanyang kaharap. “Alam ng mga angkang Francisco ang pinagagawa ng balahurang lalaking iyan, ang pamilya mo ang nakakaalam ng sekretong tinatago ng lalaking iyan, hindi ba?” diretsahan niyang tanong.
Hindi nakaimik si Martin sa katanungan niya. Wala nang lihiman; kung magkakainitan sila ngayon, wala na siyang pakialam, siya ang magpapatuloy sa paghahanap ng katarungan sa tito at tita niya.