ILANG araw ding nawalan ng malay si Sharlene, kaya naman pagkagising niya, sinalubong siya ng mga mukhang nag-aalala, at si Ashley maiyak-iyak itong yumakap sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang si Lawrence at napangiti na lang.
Nabalitaan niyang sumuko si Sheila sa kapulisan. Sinasabi nitong sangkot ito sa sindikatong nasalihan ni Raymundo bilang kabayaran sa ginawa ng kanyang ate na si Angely. Narinig niya ring naglalakbay sa walang katapusang kadiliman na humihingi ng tulong, ngunit binabalewala na lamang ito ni Vivianne.
Ang lahat ng property na ninakaw ni Raymundo Santiago ay ibinalik sa tagapagmana sa angkan nito.
"Ate, gusto ka raw makausap ni Justine ngayon," sabi naman ni Tashia sa kanya.
"Nandito siya ngayon?" tanong naman niya na tinitirintasan ang buhok ni Ashley.
Tumango na lamang ito. "Nasa sala, ako na muna magbabantay ni Ashley, namiss ko itong batang ito," napasabi pa nito.
Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon; napabuntong-hininga na lamang siya. Ngayon, magdedesisyon na siya para sa kapakanan niya. Napabuntong-hininga na lamang siya. Agad niyang pinuntahan si Justine kung saan ito nag-aantay sa kanya.
Tahimik lang itong nakaupo, habang may kinukulikot sa phone nito.
"Gusto mo raw akong kausapin." Agad niyang sabi patungo sa direksyon nito.
Napahinto naman ito sa ginagawa at napatingin sa kanya. "Oh, you’re here, Ellena." Napasabi na lamang nito sa kanya.
Umupo siya na kaharap ang pinsan niya.
"Inayos ko na muna ang birth certificate mo at mga properties na minana mo sa iyong magulang, saka, you can visit anytime about it, Ellena." Napasabi naman nito sa kanya.
"Salamat, pero, hindi ko alam kung paano ko gagamitin ang ipinamana sa akin ng magulang ko." Napabuntong-hininga naman siya at napakamot na lamang.
"You can start if you need a refresher, Ellena. Alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo, pero you need to accept these properties. Mumultuhin ako ng Dad ko na pinabayaan ko ang pinsan ko." Napabuntong-hininga na lamang ito.
Mahina lang siyang napatawa sa pinagsasabi nito.
"Maybe kung wala na akong pasok, saka, kailangan ko na ring bumalik sa pagtatrabaho." Sabi pa nito.
"Well, it’s your choice. May phone number ka naman sa akin, you can call me anytime, Ellena." Napasabi na lamang nito sa kanya.
Napatango na lamang siya bilang pagsang-ayon. "Salamat, Justine." Napasabi na lamang ito.
Napangiti na lamang ito sa kanya.
"Are you ready to sign that divorce paper?" Pag-iiba naman nitong tanong sa kanya.
Ito na nga ang sinasabi ng isipan niya, mawawalan na siya ng asawa, at magiging malaya na si Martin sa kanya.
Mahina siyang napatango. Tumututol ang isipan niya, ngunit kailangan niyang gawin iyon.
"Justine, may karapatan naman siya sa bata, hindi ba?" tanong naman nito sa kausap.
Tinitigan pa siya nito, napabuntong-hininga pa ito sa kanya. "Of course, pumayag naman ang lalaking iyon sa agreement ninyong makikita at makakasama pa rin niya si Ashley if he wants to; ama pa rin siya ng bata, kahit hindi na kayo mag-asawa." Paliwanag naman ito sa kanya.
Napatango naman siya. "Mabuti naman kung ganoon, nakausap na namin si Ashley. It's a hard decision dahil naawa ako sa bata, pero sinabihan namin siya na makikita pa rin niya ang Dad niya. Justine, am I really doing the right thing?" Bigla na lamang niyang napatanong rito.
"Ellena, walang tama o mali sa desisyon mong maging malaya sa isang relasyon; kung ano ang sinasabi ng puso at isipan mo, sundin mo iyon." Napasabi naman nito sa kanya.
Napatango na lamang siya; agad niyang pinirmahan ang divorce paper. Hindi na siya ang asawa ni Martin Francisco; para sa kanya, nakabubuti iyon para sa kanilang dalawa. Saka, bumalik na rin si Lawrence sa ibang bansa para asikasuhin ang naiwan nitong gawain.
"Justine, alam kong marami akong tanong, but how’s Sheila?" tanong naman niyang nag-aalala.
"As I told you, siya ang nabuntunan sa lahat ng kaso ni Angely at Raymundo dahil sa napasali rin siya sa sindikato noon." Napasabi nito.
"May kilala ba siyang ka-sosyo ni Lolo?" tanong naman nito sa kausap.
Nag-isip naman ito.
"Yeah, nabanggit niya ang isang mayor sa bayan ng Regondo." Sabi pa nito.
"Mayor ng Regondo? Sino?" tanong naman niya na nagtaka.
"You heard before of what happened sa mga anak nitong babae? I think it’s really a big scandal that time."
Kinalkal naman niya sa kanyang isipan kung nasaan niya narinig ang balitang iyon. "Pinaliguan ng maraming bala ang dalawang anak nito’t nawawala ang dalawa, hindi ba?" tanong naman niya.
Tumango naman si Justine sa kanya. "Pero, wala pang masyadong pruweba kung nasangkot ba talaga ang Mayor na nandoon."
"Bernard Fuego, siya ang Mayor doon, hindi ba?" tanong naman nito sa kausap.
Napatango ito. Biglang sumagi sa kanyang isipan na may mga dalagang may tinatakasan, may mangyayaring konektado sa nabanggit niyang pangalan kanina.
"Talamak ang mga babaeng nawawala doon. Hindi safe ang bayan ng Regondo ngayon." Napabuntong-hininga na lamang ito.
Sumagi na naman dito ang pagkamatay ng dalawang dalaga. Napapikit siya para mawala ang mga nakikita niya ngayon.
"Ellena, are you okay?" tanong naman niya rito.
Tumango na lamang siya. "Sorry kung pinag-aalala kita." Pinilig niya ang kanyang ulo.
Tinapik lang siya nito.
"If you have time, pwede mo namang dalawin si Sheila." Napasabi na lamang ito. "I need to go, Ellena." Pagpapaalam nito sa kanya.
Tumango lang siya. "Mag-ingat ka." Sabi pa niya rito.
Ngumiti ito sa kanya at tumango. Inihatid niya si Justine sa labasan at kumaway na lamang ito nang makasakay na ito sa sasakyan.
Napapakunot noo na lamang siya kung bakit niya nakikita ang pangyayari.
"Ate," tawag ni Tashia.
"Ma, talaga bang hindi na kayo magbabalikan ni Papa?" Tanong naman ng bata sa kanya na nalulungkot.
"Kailangan kong gawin, Ashley, kailangan naming palayain ang sarili namin sa isa’t isa, but kung gusto mong makita si Papa mo, then you can call him naman anytime." Paliwanag naman niya sa bata.
Napabuntong-hininga na lamang ito. "Hayaan mo, paglaki mo anak, unti-unti mo ring maiintindihan iyon." Hinalikan niya ito sa pisngi.
Yumakap lamang ang kaniyang anak. Naging normal ang buhay niya ulit; bumalik na rin siya sa pagtuturo, at ang kanyang anak naman, si Ashley, ay masiglang pumasok pagkatapos ng insidente sa paaralan. Hanggang ngayon, pinagbabawalan pa rin ang field trip ng mga bata.
Isang araw ay mga bisita sila na kagaya nilang guro, na siyang nanggaling sa bayan ng Regondo. Doon, nakilala niya ang isang guro na nandoon.
"Jake Roman." Pakilala nito sa ibang guro dahil may event sila na kilalanin ang ibang guro.
Bigla na lamang sumasagi sa isipan niya ang mangyayari sa kaharap niya; pinipigilan niya lamang ang isipan niyang maglakbay. Magkakaroon ng ingkwentro at patayan.
Sharlene, wala ka nang pakialam doon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Pinakalma na lamang niya ang kanyang sarili at napabuntong-hininga na lamang.
Nakikita niyang masaya na si Leah at naging tahimik na ito sa wakas. Hindi niya lang makontrol minsan ang kakayahan niya. Pinipilit niyang huwag madamay sa gulo ng karatig-bayan. Tapos na ang gulong kinakaharap niya.
Kung ano mang konektado sa nakikita niya, hindi rin niya alam. At para sa kanya’y magiging tahimik ang lahat.
Dumadalaw rin siya sa sinasabing properties ni Justine, binibigyan naman siya ng kalayaan nito at kung ano ang gagawin nito sa mga properties.
Minsa’y dinadalaw ni Martin ang bata at nag-uusap sila minsan, ngunit hanggang doon na lamang iyon sa kanila.
At para sa kanya’y nabibigyan niya ang batang si Ashley ng tamang gabay na hindi niya naranasan sa kanyang magulang noon, dahil nawalay siya nang maaga.
Kung ano man ang haharapin nila sa kasalukuyan, ihahanda niya lamang ang loob niya at haharapin ito.
Nagtatanong minsan ang isipan niya kung bakit nagpapakita ang dalawang dalagang napaslang sa bayan ng Regondo.
Don’t mind them, don’t mind them. Paalala sa kanyang isipan at napabuntong-hininga na lamang.
Para sa kanya’y nasagot na ang katanungan sa isipan niya sa buhay ni Sharlene.
--------------------------------- W. A. K. A. S -------------------------------