FINALE

"BAKIT sumama kayo rito?" tanong pa ni Tashia na may nakasunod sa kanya. Naglalakad sila sa kadiliman na may hinahanap. 

May isang babaeng nagpakita sa kanila, ang isang katauhan at orihinal nitong si Leah. Hindi ito nagsalita, ngunit alam niyang tinuturuan sila patungo kina Sharlene; mabilis din ang lakad nila ngayon.

"Huwag kayong magpaiwan rito, at baka hindi kayo makabalik." Paalala niya sa kanyang kasama. 

Huminto ito bigla, lumusot ito noon, nagdadalawang-isip pa siyang sumunod, pero nandito na sila ngayon.

Bumulaga kaagad sa kanila ang tatlong kaluluwang nandoon. Nakita niyang nakayakap lang si Sharlene kay Leah.

"Bumalik ka na sa totoo mong katauhan, Leah. Alam ko ang sakit na nararanasan mo, alam ko iyon. Nakaganti ka na, huwag mo nang dumihan ang kamay mo." Rinig niyang sabi ni Sharlene habang niyayakap pa ito.

Umiling-iling ito. "Hindi, hindi." Matigas nitong sabi.

"Kailangan ko silang habulin, huwag na ninyo akong sundan! Huwag na ninyo akong pakiusapan." Tiningnan pa sila nang mataman.

"Tita." Tawag naman ng batang si Ashley at lumapit.

"Tita, nag-aantay po ang baby mo sa kabila." Sabi naman nito.

Biglang napatulo ang luha nito. "Kaya, Tita, bumalik ka na sa katauhan mo, bumalik ka na, Tita. Nag-aantay sila sa iyo roon." Napasabi naman nito na hinawakan ang kamay ni Leah, bigla itong nagpakita ng kahinaan sa kanila.

"Ate Leah." Tawag naman ni Lawrence. Biglang yumakap si Lawrence rito. "I’m so sorry kung hindi ka namin hinanap noon. I’m so sorry kung nagpapaniwala kami kaagad sabi-sabi. Ako na ang bahala, ako na ang bahala sa lahat, Ate Leah. Napakalaki ng pagkakamali namin." Nakita ni Tashia na mahigpit itong niyakap, at ramdam niya ang pagsisisi at pagkalungkot nito sa sitwasyon ni Leah.

Hindi ito nagsasalita, umiyak ito nang umiyak, alam niya ang lungkot ng palahaw na pinakawalan nito ngayon. Biglang nagpakita ang isang Leah, nilapitan nito ang isang katauhan nitong punong-puno ng pighati at galit. 

Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, naiyak din siya.

"Leah, walang dapat sisihin sa mga nangyayari sa atin, hindi ikaw ang karma nila, sa akin, sa atin, kundi tayo na mismo ang gumagawa ng karma sa bawat desisyon, sa bawat mali nating desisyon, bumabalik ito sa atin, kay Lola, sa mommy ko noon, sa anak ko, ang mga angkan natin, desisyon natin ito na naging karma natin, Leah." Napasabi pa ni Sharlene na humihikbi rin. 

"Bumalik ang karma sa atin e, kaya nga lumabas ka sa isang katauhan mo. Hayaan mo, haharap sila sa totoong karma, Leah. Kaya, bumalik ka na sa sarili mo." Napangiti pa ito.

Nakita nilang unti-unting bumalik ito sa totoong katauhan, habang nakayakap lang ito, hanggang naging iisang kaluluwa na ang kanilang nakita.

Niyakap pa nito ang sarili, humihikbi pa rin ito, nakasuot na ito ng puting damit. Bigla na lamang yumakap si Manuel rito.

"No words can’t explain, Leah. Kahit mabulok ako rito, habang-buhay na akong nasa kadiliman." 

Tinulungan niya si Sharlene na tumayo.

"Manuel, walang paglagyan ang galit ko sa ginawa mo sa anak natin, hinding-hindi kita basta-bastang mapapatawad. Ngunit, hindi ako ang magdedesisyon noon," sabi pa nito.

"Umalis na rin kayo, guguho ang mundong ginawa ko, kailangan na ninyong umalis rito." Napasabi naman nito sa kanila.

Kaya dali-dali silang lumabas. Nakita pa nila ang pagguho sa palasyo na ginawa nito. Naging kalmado na ito ngayon, naglalakad sila sa kadiliman. Nang makita nila ang tatlong kaluluwang tumatakas.

"Wala ka nang kakayahan pang kulungin kami, Leah." Sabi pa ni Felicia noon.

"Lola, tama na po." Napabuntong-hininga na lamang si Tashia. "Lola, let go of that past, let go of that greediness, Lola. Kapag dala-dala mo iyon, hindi mo mahahanap ang pahingahan." Sabi pa niya na tinitigan si Felicia.

"Lolo, hindi mo man lang ako kinilalang apo noong namatay si Mom. Pero, hayaan na, naging matapang naman ako sa kabila nang ginawa mo sa akin."

"Tito Manuel, salamat sa pagtulong sa anak kong si Ashley, sa pag-aalaga sa akin noong nawala si Mom at Dad." Ngumiti pa si Sharlene kay Manuel.

"Ellena." Biglang yumakap ito kay Sharlene. "I’m really sorry, I’m really sorry for what I’ve done. Gustuhin man kitang iligtas pero nababahag ang buntot ko noon. I’m sorry, I’m sorry, Ellena." Nakita pa ni Tashia na lumuhod pa ito sa harapan.

"Tito, alam ko po iyon." Ngumiti pa ito. 

Biglang may sumalubong sa kanila nang nakasisilaw na liwanag; may apat silang kaluluwang nakita noon.

"C—Carmela, D—Donald." Pagkilala pa ni Manuel sa mga ito.

Napalingon naman sila noon. 

"Ellena, ikaw ba iyan?" tanong naman nito kay Sharlene.

Nabigla pa ito sa katanungan, ngunit mahinang tumango si Sharlene. Bigla na lamang itong niyakap. "Anak ko." Tawag nito.

Klarong-klaro sa mukha nito ang gulat at hindi alam kung anong emosyon ang ipapakita nito noon. Bigla na lamang napaiyak ito, hindi niya alam na pumapatak na naman ang luha niya, bigla na lamang may humawak sa kamay niya.

Tiningnan niya ito, si Ashley pala na masayang tinitingnan ang Mommy nito. 

"Ah, so much drama. Susunduin ninyo ba kami? Let’s go, I need to rest." Sarkastikong sabi ni Raymundo. 

Kaya napatitig na lamang si Carmela rito. "Dad." Tawag pa sa ama nito. "Let’s go, let’s go." Napangisi pa nito.

Napabuntong-hininga na lamang si Carmela. "Hindi kami nandirito para sunduin ka." Napasabi pa nito.

Binalingan naman nito si Leah, lumapit ito.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong naman nito.

Tumango lang ito. Napangiti naman siya sa desisyon nito at inabot ang kamay ni Leah. 

"Anak, maging masaya ka kapiling ang supling mo. Masaya na akong makita kang malusog at lumaki ng ganyan. Pasensya ka na hindi kita nasamahan sa paglaki mo. Hindi ka namin naalagaan bilang magulang mo, pero you’re a very strong person, Ellena." Napasabi pa nito.

Hindi na lamang nagsalita si Sharlene at tumango na lamang na umiiyak noon. Sumunod lang si Leah; nakita niyang hindi sumunod si Manuel, pero napangiti na lamang ito.

Bigla na lamang nitong mahinang tinulak-tulak ni Donald "Alam kong may kasalanan ka sa anak namin, pero hindi mo siya pinabayaan." Napasabi pa nito.

May narinig silang isang iyak ng sanggol na dala-dala ng matatandang lalaki. 

"Ate, iyan ang baby ni Tita Leah." Pabulong na sabi ni Ashley sa kanya.

Kinarga—karga pa ito ni Leah na pumapatak ang luha.

"Wait for us!" sabi pa ni Angely.

Bigla na lamang itong nawala kasama si Manuel.

"Ano ng gagawin natin ngayon, Felicia?" tanong naman ni Angely.

Ngumisi ito sa tatlo. "Tayo ang papalit sa mga katauhan ng mga naglalakbay na iyan."

Nagulat naman sila. Naalarma siya bigla sa sinabi nito at bigla na lamang nawala.

"Kailangan na nating bumalik, kundi, hindi na tayo makababalik sa katawan natin." Napasabi na lamang ni Tashia.

Tumango na lamang ang iba. 

Napasinghap na lamang siya, at nakaramdam nang pananakit sa ulo nito; nahihilo rin siya noon.

Tiningnan niya ang buo niyang pagkatao noon. Nakabalik siya.

"Ate Vivianne," tawag niya rito.

Tiningnan niya ang mga kasama niya. Nagising naman ito at nagpapasalamat siyang walang nangyari rito.

"Nag—aalala ka bang aagawin nila ang katawan ninyo?" napatanong na lamang ni Vivianne.

Mahina na lamang siyang napatango. "N—Nasaan sila?" tanong naman niya.

"Bumalik sa kadiliman, habang natutulog kayo at naglalakbay ang diwa ninyo, syempre may ginawa rin ako rito. Hindi niya yata alam ng matandang iyon na alam ko ang gagawin ko kapag sumanib ang isang ligaw na kaluluwa." Napailing—iling pa ito.

Nakita niya si Sharlene na hanggang ngayon, natutulog pa. Dumaklot ang kaba niya sa dibdib.

"Ate Sharlene?" tanong niya rito. 

Nagkatinginan pa sila ni Vivianne. "What happened?" biglang tanong ni Lawrence sa kanya.

"Baka hindi kinaya ni ate ang paglalakbay ng diwa niya; ngayon lang siya naglakbay, hindi ba?" tanong naman ni Tashia kay Vivianne.

"Oo." Napakamot na lamang siya noon. 

"We need to observe what will happen, Saka. Ganyan talaga ang kabayaran, hindi ba?" tanong naman ni Justine sa kanila.

Mahina lang siyang napatango. Hindi lang nagsasalita si Ashley, ngunit kitang-kita sa mga mata nito ang pag-aalala. 

Pinahinga na muna nila si Sharlene; si Sheila, tulog pa rin ito hanggang ngayon. 

Makakahinga na ba kami nang maluwag nito? napatanong na lamang sa kanyang sarili at napabuntong-hininga.