HER POV (Prologue)

"FRIENDS"

"Lovers"

"Affection"

"Engage—"

Napatigil ako mula sa aking lihim na pangungusap sa aking sarili.

Pigil-hininga kong tinitigan ang letrang "E" sa salitang "FLAMES" habang nakakunot ang aking noo, at pagkaraan ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

I shook my head to clear my mind. Bakit ba ako nag-aalala? Isang laro lang naman ito.

Isang laro na nagsimula lang sa isang simpleng biro sa klase, pero ngayon, napapalalim na.

Habang sinasambit ko ang mga salitang "Friends, Lovers, Affection," hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba na tumitibok sa aking dibdib.

Bakit ba ako nagiging ganito? Ang simpleng laro ay tila nagiging komplikado na. Kung laro lang naman ito sa pagitan naming mga kabataan, bakit parang ngayon, may malalim na kahulugan na ito sa akin.

Hindi ko inaasahan na madadala ko siya sa isip ko tulad ng mga araw na ito. Lalo na siya.

Ang tanging hangarin ko lang naman ay malaman kung anong klaseng connection ang mayroon kami ng batang lalaki na ito.

Hindi ko naman inaasahan na madadala ko siya sa isip ko tulad ng mga araw na ito. Nasa isip ko pa rin siya kahit papatapos na ang klase at sigurado akong wala na siyang balak pa na umalis sa isip ko at least sa ngayon siguro, oo.

Napansin kong patuloy pa rin akong nagsusulat, kaya pinilit kong maging maligaya at hindi masyadong seryoso. Walang masama kung maglaro kami, di ba?

Hindi ko naman siya gusto, o baka lang hindi ko pa kayang aminin sa sarili ko.

"Ang pangit ng sulat-kamay mo," rinig kong sabi ng isa sa aking mga kaklase, kasabay ang dagundong ng kanyang tawa.

Agad ko siyang inirapan at itinago ko ang aking papel sa loob ng aking kulay rosas na bag. Mahirap na, baka makita at mabasa niya ang nakalagay sa papel na hawak-hawak ko.

Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagsusulat ko, kahit na ang mga kamay ko ay nagsisimulang manginig.

Mahirap na, baka makita at mabasa nila ang hindi ko pa kayang aminin.

Natatakot akong mabuko nila ako. Natatakot akong malaman nilang hindi ko kayang maging kaibigan lang ang isa sa aming mga kaklase.

Natatakot ako na malaman nila na ang "FLAMES" na laro ay may ibig sabihin na para sa akin.

Nag-isip ako sandali. Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga salitang ito?

"FRIENDS." Okay, friends lang naman kami. Walang higit pa roon. Pero bakit kaya parang may kulang?

"LOVERS." Teka, bakit ko naiisip ang salitang ito? Wala naman yata akong nararamdaman na romantiko para sa kaniya?

"AFFECTION." Ang salitang ito ay tumama sa akin. Hindi ko kayang itanggi na may mga sandali na kahit na sa maliit na paraan, nararamdaman ko na kahit papaano ay.... Ngunit paano ko malalaman kung tama ba ito o isa lang itong ilusyon?

Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Dahan-dahan. Hindi ko masyadong iniisip ang mga nararamdaman ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit may malalim na bahagi ng akin ang naghahanap ng atensyon niya, at ang laro na ito ay tila nagpapalakas lang ng aking nararamdaman.

Nag-isip ako, habang binabaybay ang mga kalsada ng aking isipan. Ano nga ba ang mga tunay na nararamdaman ko para sa kaniya?

Siguro, may bahagi ng akin na nagnanais na maging "FRIENDS" lang kami. O siguro, may bahagi na mas interesado sa "LOVERS." Kung ganoon, ano ang "AFFECTION"?

Naisip ko lang na baka hindi ako handang tanggapin ang mga nararamdaman ko sa kanya. Muling binasa ko ang papel. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Ang isang bagay na masakit minsan ay siyang nagiging pinakamagandang alaala.

Hindi ko pa alam kung saan patungo ang aking laro, pero sigurado ako na may mga pagkakataon sa buhay na hindi natin kayang kontrolin ang ating mga nararamdaman.

Papalubog na ang araw, at kasabay ng ningning nito na pinaghalong dilaw at kahel ay ang malamig na simoy ng hangin mula sa habagat, habang sinasayaw nito ang iilang bahagi ng aking itim at wavy na buhok.

I stopped myself from walking for a while at dinama muna ang lamig ng yakap ng hangin.

Ang bawat simoy ng hangin na dumarampi sa aking balat ay parang may lihim na mensahe, isang paalala na may mga bagay na hindi ko pa rin kayang iwasan.

Hindi ko alam kung bakit ang tanong ko tungkol sa larong FLAMES ay naging ganito— mas malalim, mas personal. Anong nangyari sa akin?

Tapos na ang aming klase, at kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay habang sinasambit na naman ang mga kahulugan sa likod ng salitang FLAMES.

I took a few steps habang titig na titig sa aming pangalan na isinulat ko sa papel, habang naka-cross ang parehong letra sa mga pangalan namin.

Pagkatapos ng lahat ng ito, ano ba talaga ang ibig sabihin ng larong ito? Ano ba ang magaganap kung makikita namin ang bawat isa sa huling pagkakataon?

Habang naglalakad ako, bigla akong natisod.

Aksidente kong naitapon ang papel na hawak-hawak ko, ngunit dahil wala nang mas mahalaga pa sa papel na iyon, ginawa ko ang aking best para masalo ito, kahit ang kapalit ay ang paglagpak ng mukha ko sa sementong daan.

"Ang tanga mo naman."

Agad akong bumangon mula sa pagkakadapa nang marinig ko ang boses na pamilyar sa aking puso't isipan.

Pinagpag ko ang aking uniform nang hindi tumitingin sa kanya, at dali-daling itinago ang papel sa bulsa ng aking palda.

Kailangan ko siyang iwasan. Ang takot na mabuko at magmukhang tanga sa harap niya ay hindi ko kayang harapin.

Nakatayo siya sa harap ko, ang kanyang dalawang kamay nakapasok sa bulsa ng kanyang pang-uniform.

Hindi ko mapigilang humanga sa taglay niyang kagwapuhan nang sinubukan kong sumilip sa kanya.

Natatabunan ang kanyang noo ng tuwid at shiny niyang buhok habang nakikisabay ang mga ito sa bawat galaw ng hangin.

The rays of the setting sun reflected on his visage, mas lalo nitong pinatingkad ang taglay niyang kagwapuhan.

His chubby cheeks were turning red as he intently stared at me.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang bugso ng damdamin na hindi ko maipaliwanag. May kasabay itong init na parang nagsimula sa aking puso, umabot sa aking mga pisngi, at lumaganap sa buo kong katawan. Bakit ganito?

Inilabas niya ang kanyang mga kamay, hawak-hawak ang kanyang maliliit na mga daliri.

Katahimikan ang bumagabag sa pagitan namin habang nakatitig kami sa isa't-isa.

Habang ang katahimikan ay nagha-hari, siya rin namang malakas na tibok ng aking puso ang bumubulabog sa akin. It's so loud. Parang ang bawat tibok ay tunog na tumutuligsa sa katahimikan ng aming paligid.

Ngayon ko pa lamang nararanasan ito.

Kaakibat ng bugso ng damdamin ko habang nakatingin kami sa isa't-isa ay ang sigaw ng isip ko na tumakbo na papalayo sa kanya.

I panicked.

I took a few steps at sumigaw sa harap niya, "ENGOT!"

Umirap ako at tumakbo palayo sa kanya.

Kahit hindi maganda ang naging reaksyon ko, inaamin kong nasiyahan ako. Tila ba may bigat na gumuho sa aking mga balikat pagkatapos ng matinding pagkabigla.

Ngunit napagtanto ko na kahit papaano, may kaligayahan akong nakamit, kahit sa pinakamaliit na paraan.

Inaamin kong tinatago ko ang pag-akyat ng aking kaligayahan sa pamamagitan ng pagsigaw ko sa mukha niya na engot siya.

I could hide but I couldn't lie.

Hindi ko alam kung bakit ramdam kong buong-buo ang araw ko noon. Sa kabila ng pagiging normal ng araw na iyon, hindi ko maipaliwanag kung bakit tila natatangi ito.

Sa bawat yabag ng mga paa ko papalayo sa kanya, umaasa ako na sa ibang dimensyon— sa ibang sansinukob— tumatakbo ako, hindi papalayo kundi papalapit sa kanya, habang nakabukas ang mga braso niya, hinihintay akong sumanib sa init ng kanyang yakap, habang tinitingnan ako sa aking mga mata.

Sa bawat yabag ng mga paa ko papalayo sa kanya noong araw na iyon, kaakibat nito ang buong puso kong hiling na sana, sa pagtakbo ko palayo sa kanya ay siya ring pagguhit ng tadhana sa aming daan patungo sa isa't-isa.

Sa mga saglit na iyon, napansin ko rin ang pangarap na, marahil, isang araw, ang mga tibok ng puso ko ay magkakasunod, magkasama kami, hindi na nagtatago o nag-iwasan.

"ENGOT," pag-uulit kong bulong.

Bumalik lamang ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata.

"Ang unfair mo, engot," saad ko sa kawalan, sabay singhot.

Dali-dali kong pinahid ang aking mga luha nang makita kong paparating si Eloise, ang aking legal secretary.

Pagbukas niya ng glass door, bumungad sa akin ang mukha niya na nagpapahiwatig ng iba't-ibang emosyon.

Nahihirapan akong batid kung anong mensahe ang dala niya.

Nakakunot ang noo niya habang pilit na nakangiti sa akin, tambad ang kanyang ceramic braces.

Suot ang kanyang usual brown office suit at silver round-toe office heels, lumapit siya sa aking kinauupuan, dala-dala ang nanginginig na brown folder.

I raised my right eyebrow, "Bakit?"

She took a deep breath, "Hindi ko alam kung magugustuhan mo 'to pero nagpumilit sila e."

My brows crossed, "What do you mean?"

She roamed her sight around the corners of my poky office. "Kanina, around 30 minutes ago, dumating sila dito pero hindi ko sila pinapasok kasi alam kong—" she paused.

"Alam kong hindi mo sila gustong makita or, in other words, ayaw mo sa particular na taong gusto nilang ilapit sa'yo."

Mas kumunot ang noo ko, "Huh? Ano bang pinagsasasabi mo? You know I don't loathe someone without any substantial reason—" I paused, caught off guard.

"Eloise, narrate it directly to me," I commanded, clearing my throat, trying to remain composed.

She gulped. "It's about Dakarai."

My eyes widened as I looked at her in disbelief.

"Hindi na siya dapat nandito," sagot ko ng matigas, hindi alam kung anong uri ng galit ang sumik sa aking puso. "Ayaw ko siyang makita."

"Pero—"

"Wala nang pero, Eloise," sigaw ko, bago ko pa naisip ang mga salitang lumabas sa aking bibig.

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kanya, pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha na nagtatago sa mga mata ko.

Nagkatinginan kami ni Eloise, at sa mga mata niya, naisip ko na naiintindihan niya ang bigat na nararamdaman ko.

Ngunit, bakit nga ba?

"Okay," sagot ni Eloise, na para bang wala nang magagawa pa. Pinagmasdan ko siya, at nakita ko ang alinlangan sa mata niya.

Ilang saglit ng katahimikan, at naramdaman ko na parang may sumasakal sa aking dibdib.

"Lanxie, it's just that… he—"

Hindi ko siya pinayagan magpatuloy. "Wala nang he."

Malamig ang hangin na dumadampi sa aking balat, at napansin ko na nag-iisa na lang ako sa loob ng aking opisina. Tumayo ako mula sa aking desk at tinapik ang ibabaw ng mahirap at malamig na desk. Parang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ko kayang harapin siya. Pero si Dakarai…

At sa kabila ng lahat ng sakit, ang kanyang pangalan ay patuloy na bumangon sa aking isipan. Dahil ba sa nagtataglay ng mga alaala? Dahil ba sa mga hindi natapos na pangarap, mga pangarap na tila hindi ko kayang iwaksi?

Sa bawat hakbang ko palayo sa opisina, naramdaman ko ang takot na hindi ko na siya kayang tanggalin. At kahit na ilang ulit ko na siyang pinilit kalimutan, ang pangalan niya ay paulit-ulit na sumasabay sa bawat hakbang ko sa buhay.

Pero, sa bawat hakbang ko palayo, alam ko na ang tadhana ang maghuhusga kung kailan kami magkikita ulit.

————————————

Author's Note:

To my dearest and precious reader, as you read this story, I wholeheartedly wish that you find comfort, solace, and healing in my words, hoping they will build a pure connection between us, my precious, dearest reader.

If you'd like to stay in touch with me or chat about my work, feel free to reach me directly at my crib via cribofharaya@gmail.com. I'd love to hear from you. Hiraya manawari!