HER POV XIII

"Even in your disappearance, I see you. Even in your silence, I hear you."

KASALUKUYAN akong nakatitig sa apat na sulok ng aking apartment. Tahimik. Walang galaw. Para bang kahit ang hangin ay takot gumalaw. Parang lahat ng bagay ay nag-aalangan kung dapat ba silang magpatuloy o huminto.

Then suddenly, bumukas ang pinto. Hindi ito marahas, hindi rin naman malumanay— sakto lang para muling alalahanin na may ibang mundong umiikot sa labas ng katahimikan ko.

At siya ang bumungad.

Si Dakarai.

Parang nilamon ng kalangitan ang buo niyang pagkatao. Para siyang batang nawala sa gitna ng palengke. Ang mga mata niyang dati'y puno ng ningning, ngayo'y tila bituin na lang ang naiwan— malayo, malamig, malungkot. Nakakunot ang noo, at may kirot sa bawat galaw ng labi.

"Funny face lang 'to," biglang aniya, pilit ang ngiti, habang bitbit ang isang supot ng Jollibee.

Napako ang tingin ko sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin, alam ko. Ramdam ko. Nararamdaman ko ang bigat sa likod ng kaniyang tinig.

Alam ko ang itsura ng isang pusong pilit nagbibiro para lang mapagtakpan ang sakit. Isa rin kasi akong ganyan.

Tahimik akong nanatili. Hindi ko kailangan ng paliwanag. Hindi ko kailangan ng salaysay.

Nakikita ko siya.

Naririnig ko siya.

Lumapit siya at naupo sa sahig, katabi ko. Inilapag niya ang mga pagkain. Spaghetti, Chickenjoy, burger steak— lahat ng comfort food ng isang batang 'di pa rin tuluyang lumalaki.

"Ganito pala siguro ano habang tumatanda ang isang tao, nagiging tahimik," aniya habang isinusubo ang spaghetti. "Hindi ka naman ganiyan noon, Lanxie, ah."

Ngumiti ako ng tipid at agad na dinampot ang chicken drumstick. "Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Ikaw…" Tumigil siya, tumitig sa akin. "Sa sahig nakaupo, then sobrang tahimik, mga mata lang ang gumagalaw."

"Aba, sinabayan mo nga ako sa sahig e. Binasag mo lang ang katahimikan," sagot ko habang ngumunguya.

"Ganiyan talaga 'pag mahal mo," he whispered.

Ayon na naman siya.

Mahal?

Napakunot ang noo ko pero hindi ako nagpahalata. Narinig ko siya, pero tinulugan ko ng pakunwaring kawalang-malay. Hindi madaling mag-assume. Lalo na kapag puso ang nakataya.

Golden Rule: Confession Before Assumption.

"What?" tanong ko, kahit malinaw na malinaw.

"Nothing," aniya, sabay sip ng softdrink.

Tahimik.

Minsan, ang katahimikan ay mas maingay pa sa kahit anong sigawan.

Kaya pilit kong binago ang usapan.

"Ano palang nangyari sa'yo noong high school?" tanong ko.

Kaming dalawa ay naging magkaklase lamang noong elementarya. After that, nada. Bigla na lang siyang nawala, para bang nilamon ng ibang mundo. At kahit pa gusto ko siyang hanapin noon, naunahan na ako ng takot. O pride. O baka pareho.

Laro talaga ng buhay. Pinagtagpo ulit kami— hindi sa isang romantic reunion, kundi sa loob ng isang courtroom. Siya bilang akusado. Ako bilang abogado.

Who would've thought?

"Your honor, hindi ko na po maalala," pabiro niyang sagot.

I rolled my eyes. "Korni."

"Well, normal lang naman naging buhay ko sa high school. I went to the top 1 na pinakamahal na paaralan sa bansa then nag-aral lang. Minsan pumapasok, madalas absent. I spent millions sa tuition, wala rin naman akong naalala sa mga naging lesson."

"Kasi madalas kang absent," I interjected.

"Exactly," sabay ngiti niya.

Napailing ako. Siya pa rin. Walang pinagbago sa panlabas— still the confident, careless boy. Pero sa loob… iba na. Hindi na siya ang batang kaklase kong binibigyan ko ng answers during quiz.

Ngayon, siya na ang lalaking binibigyan ko ng reason para lumaban.

"Yup and thank God, nakapagtapos ako ng high school kahit na ang panget ng record ko."

"Pero gwapo ka naman," sigaw ng utak ko, na agad kong kinurot.

"By the way, may date na ba sa trial proper?" tanong niya.

"Mag-antay lang tayo sa update," sagot ko, sabay kagat sa fries.

Tumango siya, at muling nanahimik ang paligid. Pareho kaming abala sa pagkain, pero sa likod ng katahimikan ay may tanong na bumabalik-balik sa utak ko.

Paano kung hindi siya naglaho noon?

Paano kung hindi kami pinaglayo?

"Life works in unexpected ways, doesn't it?" I muttered.

Napalingon siya sa akin pero hindi nagsalita agad. Ang mga mata niya, para bang may sinusukat. O baka pinipigilan lang niya ang sarili niyang hindi sumabog.

"Yes," aniya sa wakas. "Sometimes, hindi mo alam kung tadhana ba talaga o trip lang ng buhay na pagtagpuin kayo ulit sa pinaka-alanganing panahon."

Natawa ako, mahina lang. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa pagkakatama ng sinabi niya. Parang joke na hindi mo alam kung tatawanan mo ba o iiyak ka na lang.

"Naalala ko nung Grade 4 tayo," bigla niyang saad habang abala sa pagbukas ng ketchup. "Lagi mo akong inaaway kasi hindi ako nag-aabot ng papel pag may quiz."

Napangiti ako. "Kasi ang damot mo talaga. 'Di ko alam kung allergic ka ba sa sharing o sadyang competitive ka lang."

"Competitive," sabay angat ng kilay niya. "Pero hindi lang sa quiz. Pati sa patintero. Lahat gusto kong talunin, lalo ka."

"Hindi mo naman ako tinalo kahit kailan."

"Exactly." Kumindat siya.

Pumikit ako saglit at huminga nang malalim. Gano'n naman tayo lahat, 'di ba? Sa gitna ng seryosong buhay, babalik tayo sa mga simpleng alaala. Mga larong walang premyo, mga away na walang galit, mga bagay na hindi natin alam ay mahalaga pala.

Tumigil siya sa pagkain. Ibinaba niya ang burger steak at tumingin sa kawalan.

"Lanxie," mahinang tawag niya. "Masakit pala 'yung hindi mo na maalala kung sino ka bago ka naging kung sino ka ngayon."

Napalingon ako.

"Akala ko noon, 'pag nakaangat ka na sa buhay, automatic okay ka na. Pero hindi pala gano'n. Hindi mo pala basta-basta mababawi ang sarili mo."

Tahimik ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang yakapin o hayaan lang.

Kasi totoo 'yon.

Kahit ako, hindi ko na rin kilala kung sino si Lanxie bago naging topnotcher. Bago naging abogado. Bago naging abogadong walang kliyente.

Bago naging tahimik.

"Baka nga kaya tayo naging tahimik," saad ko. "Kasi napagod na tayong ipaliwanag ang sarili natin sa mundong hindi naman talaga nakikinig."

Napatingin siya sa akin. "Napagod… o nadala?"

Hindi ako sumagot.

Kumain kami ulit. Walang usap. Walang tingin. Pero hindi nakakailang. Minsan, 'yung pagkain ang nagiging tulay para mapuno ang puwang na hindi kayang tapatan ng salita.

Ilang minuto ang lumipas bago siya muling nagsalita.

"Kanina, bago ako pumunta dito… napadaan ako sa dati nating school."

Napalingon ako sa kaniya. "Bakit ka na naman napadpad doon?"

"Wala lang. Naisip ko lang… gusto kong makita kung nandoon pa ba 'yung upuang lagi nating inaagawan."

"Yung luma? Yung sira 'yung isang paa?"

"Oo. Nandoon pa. Nilagyan na lang ng bagong takip, pero halata pa rin na 'yun 'yung dati."

Napatawa ako, di ko mapigilan. "Grabe 'no? Ang tagal na nun. Pero 'yung upuan, nandiyan pa rin."

"Samantalang tayo," sambit niya, "matagal na ring hindi nakabalik."

Hindi ko alam kung may ibig siyang sabihin, pero pinili kong huwag unawain. Minsan, ang mga salita ay sapat na bilang alaala. Hindi na kailangang hukayin pa.

Tumayo ako sandali at kinuha ang tubig sa mesa. Inalok ko siya.

"Thanks," aniya, sabay inom.

"Gusto mo ba ng extra rice?" tanong ko.

"Hindi, okay na 'to. Basta may gravy."

"Oo nga pala, gravy boy ka pa rin pala."

"Walang kupas," sabay ngiti niya.

Nagkatinginan kami sandali. Hindi masyadong matagal. Sakto lang para maipasa ang katahimikan sa isa't isa.

May gusto pa sana akong itanong, pero pinili kong huwag muna.

Bumalik ako sa pagkakaupo at sinimot ang fries.

"Hindi ba nakakabigla?" tanong niya. "Na dati, magkaagawan lang tayo sa lapis. Ngayon, magkatabi tayo habang naghihintay ng trial date."

"Wala sa lesson plan 'yan," biro ko.

"Wala rin sa multiple choice," sagot niya.

At doon kami natawa.

Tunay na tawa.

Tawang matagal nang hindi kumawala sa dibdib.

"Naalala mo pa ba 'yung principal natin noon?" tanong niya habang hinihigop ang natitirang gravy. "Si Ma'am Celio. 'Yung palaging naka-pearl earrings at ayaw ng madungis na sapatos?"

"Of course," sagot ko agad. "Kahit 'yung paghinga natin noon, pakiramdam ko graded."

Napailing siya habang tumatawa. "Bawal tumawa nang malakas, bawal kumain ng junk food sa loob ng classroom, bawal magsulat ng hindi blue ink. Prestihiyosong paaralan, pero parang military training din minsan."

"Tapos tuwing flag ceremony, 'pag hindi pantay ang socks mo, uuwi kang umiiyak."

"Kahit puti naman pareho!"

Napahagalpak kami sa tawanan.

Pero sa gitna ng tawanan, may kakaibang lamig na dahan-dahang dumapo sa dibdib ko. Dahil habang binabalikan namin 'yung mga alaala sa prestihiyosong paaralan na 'yon, hindi ko maiwasang mapaisip: ano nga bang nangyari sa atin pagkatapos nun?

Saan tayo lumiko?

Kailan naging iba ang tono ng mundo?

Tumahimik si Dakarai. Bigla na lang. Parang naputol ang rewind ng mga alaala sa isip niya. Hawak niya ang spork, pero hindi niya tinutuloy ang pagkain. Tinitigan lang niya 'yung kanin na may natuyong gravy.

"Nakakapagod din pala 'yung masyadong maraming expectations 'no?" aniya.

Tumango ako, mabagal. "Oo. Lalo na 'pag hindi mo naman sila hiniling."

"Dati, parang ang dali lang ng lahat. Basta mataas grades mo, tapos ka na. Pero ngayon, kahit anong galing mo, parang kulang pa rin."

Nakatitig lang ako sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko nga alam kung bakit ako nagpunta dito, e. Siguro kasi… wala na akong ibang mapuntahan."

Hindi siya humihingi ng simpatiya. Ramdam ko 'yon. Hindi ito drama. Hindi ito hingi ng awa. Isa lang siyang taong napuno at sa wakas, may kakwentuhan sa katahimikan.

"Okay lang 'yan," mahina kong tugon. "May spaghetti ka naman."

Napatawa siya, pero bahagya lang.

"Hindi ka ba napapagod?" tanong niya bigla.

"Sa alin?"

"Sa pagiging malakas kahit wala ka namang dahilan para maging gano'n."

Napakurap ako.

Parang tinamaan ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi wala akong inasahan na makarinig noon mula sa kaniya. Sa isang taong dati kong inakalang hindi kailanman mapapawi ng mundo. Pero heto siya ngayon—marupok din pala. Tulad ko.

"Hindi naman ako malakas," sagot ko. "Tahimik lang ako."

"Tahimik ka, pero naririnig kita."

Napalingon ako.

"I mean, kahit wala kang sinasabi, nararamdaman ko 'yung pagod mo, 'yung frustration, 'yung disappointment."

Hindi ako agad nakasagot. Gusto kong tumawa. Gusto kong magbiro. Pero sa puntong 'yon, wala akong masabi.

Kahit isang salita.

Minsan pala, may mga taong kahit matagal mong hindi nakita, alam pa rin kung paano ka basahin.

Kahit pa ang tagal n'yong nawala sa isa't isa.

Kahit pa ang tanging dahilan ng muli n'yong pagkikita ay isang kasong hindi mo hiniling na harapin.

"Lanxie," bulong niya, "kung hindi mo ako kinuhang kliyente, nasaan na kaya ako ngayon?"

Napahawak ako sa tubig. "Hindi ko alam."

"Siguro wala na ako."

"Siguro."

"Pero andito ako."

Tumango ako.

"Salamat," dagdag niya.

Tumango ulit ako. Mahina lang. Kasi minsan, sapat na 'yon. Hindi lahat ng pasasalamat kailangan ng grand gesture.

Sa labas ng bintana, dahan-dahan nang dumidilim. Mga ilaw sa kabilang gusali ang nagsisilbing anino ng buhay sa labas ng maliit kong mundo.

"Ikaw, saan ka pupunta?" tanong niya.

Napaisip ako.

"Wala. Dito lang."

"Hindi ka ba aalis? Hindi ka ba lalaban?"

"Lalaban ako. Pero hindi ngayon. Hindi pa ngayon."

"Bakit?"

"Kasi ngayon… kailangan ko muna maramdaman 'yung pagkatalo."

Tahimik siya. Ramdam ko 'yung bigat ng sagot ko. Pero hindi ako bumawi. Hindi ko binawi ang sinabi ko. Kasi minsan, kailangan mo talagang tanggapin na bagsak ka, para may dahilan kang bumangon.

"Gano'n din pala ako," mahina niyang sagot. "Kailangan ko rin munang tanggapin na mali ako, bago ko ayusin ang tama."

Naupo kami roon nang matagal. Wala nang pagkain. Wala nang usap. Pero sapat na 'yon.

Kasi minsan, sa isang gabi ng katahimikan, sapat na ang presensiya ng isa pang taong hindi mo kailangang paliwanagan.

Sapat na ang pagkaing malamig.

Sapat na ang upuang sahig.

Sapat na ang katotohanang, kahit paano— may nakaririnig pa rin sa 'yo.

I heave a deep sigh.

Kahit saan man kami dalhin ng bukas— sa laban man o sa pagkatalo— ang mahalaga ay narinig namin ang katahimikan ng isa't isa, at doon nagsimulang muli paghinga.

————————————

Author's Note:

To my dearest and precious reader, as you read this story, I wholeheartedly wish that you find comfort, solace, and healing in my words, hoping they will build a pure connection between us, my precious, dearest reader.

If you'd like to stay in touch with me or chat about my work, feel free to reach me directly at my crib via cribofharaya@gmail.com. I'd love to hear from you. Hiraya manawari!