HER POV XII

"No matter how outstanding, smart, or excellent we see ourselves as, there will always be days when we encounter situations where we realize that we're stuck."

SOMETIMES, we find ourselves embracing the fact that we don't know what we're doing or feeling, and that's okay.

"Do you still remember the time when I gave you a pen—" he paused and placed snacks on my table.

My brows furrowed. "Talaga bang aaraw-arawin mo na ako?"

He mouthed, "Yes."

I rolled my eyes and started to ignore him until he said, "That pen was my favorite."

I stopped reviewing his case as a memory from not so long ago began to overwhelm my mind.

August 25, 2003.

I was in the 3rd grade.

Magulo sa loob ng silid-aralan.

Ang mga boses ng mga kaklase ko ay nagkakabuhol-buhol sa aking pandinig— mga tawa, mga sigawan, mga asaran. Tila isang orkestra ng mga batang walang pakialam sa mundo. Ngunit ako, tahimik na naka-upo sa aking upuan na malapit sa bintana.

Pinagmamasdan ko ang langit. Ang langit na tila may kwento ring nais iparating.

It was gloomy. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa madilim na ulap na unti-unting sumasakop sa kalangitan o dahil sa kabang nararamdaman ko para sa exam namin sa English.

Pakiramdam ko, kahit gaano pa ako mag-aral, may kulang. Parang may bahagi ng isip ko na laging naglalakbay kung saan. At sa mga oras na iyon, hindi ko pa alam kung saan nga ba talaga ako papunta.

Sa di kalayuan, tanaw ko ang aming English teacher na naglalakad patungo sa direksyon ko habang bitbit ang mga naka-pile na puting papel. Exam papers. Ang mga puting papel na iyon ang siyang maghuhusga sa aming mga natutunan sa klase namin sa kaniya sa first quarter.

Habang papalapit siya, lumalakas din ang ingay sa loob ng klase. Parang mga insektong nag-iingay bago ang bagyo.

Ngunit sa pag-apak niya sa loob ng classroom, ang ingay ay biglang nawala na parang bula. Isang senyales na oras na para maging seryoso.

Ngumiti si teacher at isinaad ang mga palatuntunan sa aming first quarter exam sa subject niya.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang hawak ang nag-iisang ballpen na dala ko. I could feel the sweat on my palm. Parang ang simpleng pagsusulit ay isang labanan na hindi ko alam kung kaya ko bang mapagtagumpayan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot nang biglang tumigil sa pagbuhos ng tinta ang nag-iisa kong ballpen.

I tried my very best not to make a noise sa takot na baka ako ay mapagalitan habang binubuhay ko ang tinta ng aking ballpen gamit ang aking sariling hangin mula sa aking bibig.

Paulit-ulit.

Hinihipan.

Pinipilit ipagpatuloy ang pagsusulat.

But all my efforts were in vain.

Nagsimula na akong mabalisa sapagkat malapit nang matapos ang oras na inilaan para sa pagtataya. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang pagsusulit kung wala akong ballpen. Parang ang bawat segundo ay may bigat na katumbas ng buo kong pagkatao.

Lahat ng ingay sa paligid ay naging katahimikan. Parang ako lang ang nandoroon sa silid. Ako at ang aking mga kaba.

But then, biglang may bumato sa akin ng ballpen. A sudden thud by my feet.

Nagulat ako. I was nervous upon thinking na baka napansin ni Ma'am ang ingay ng ibinatong ballpen. Bawal magpasa-pasa ng gamit habang may exam. Alam kong isang malaking violation iyon.

Napahinga ako ng maluwag nang mapagtantong hindi niya pala iyon napansin. Marahan kong pinulot ang ballpen na nakahandusay sa tabi ng aking paa.

Ang ballpen ay may ukit. Hindi basta-basta. Maganda ang pagkakagawa. At may pangalan.

DAKARAI

Maganda ang cursive na pagkaka-ukit dito, dahilan para mapangiti ako. It was the kind of pen na hindi basta-basta ibinabato. Para bang may espesyal na dahilan kung bakit iyon ibinigay sa akin.

Lumingon ako sa kinauupuan ni Dakarai at nadatnan ko siyang focus sa pagsasagot na tila ba'y walang pagbato na nangyari. Parang hindi niya napansin ang lahat. Pero alam ko, alam ko na siya ang nag-abot nito.

Ang mga mata niya ay nakatuon sa papel. Ang kaniyang kamay ay walang alinlangang nagsusulat. Parang lahat ng bagay ay madali para sa kaniya. Samantalang ako, palaging nagtataka kung tama ba ang ginagawa ko.

"So what?" tanging naisambit ko na lamang nang mapagtanto ko ang init ng kaniyang mga titig sa akin.

Kabit balikat niya akong tinawanan at napaisip ako kung may mali ba sa pagmumukha ko. O baka naman iniisip niyang nakakatuwa ako dahil sa sobrang kaba ko.

Years have passed since then. And yet, somehow, that memory feels fresh.

Like a wound that never healed.

Parang isang alaala na paulit-ulit kong binabalikan sa bawat pagkakataong nagtatangka akong kalimutan siya.

"Kumain ka na muna, Attorney. I deliberately chose these for you kasi naisip ko na baka hindi ka pa kumakain."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa pagre-review ng case at evidences na maaari naming magamit sa kaso niya. I couldn't afford to be distracted. Not now. Not by him.

But the truth is, I've always been distracted by him. His presence alone is like a haunting melody— luring me back to a time I've tried so hard to forget.

"Say ahh."

Napatigil ako mula sa pagre-review nang marinig ko ang pa-cute niyang ani, only to find out na nasa ere na pala ang kanan niyang kamay at handa na akong subuan ng Jollibee spaghetti.

Hindi ko binuksan ang aking bibig, ngunit dinig na dinig niya ang hiyaw ng aking nagugutom na tiyan at kasama na roon ang pilit kong itinatagong kilig.

God, I can't be weak in front of him at baka mapaghalataan niyang simula noong elementary pa ako at hanggang ngayong 28 years old na ako, tanging siya pa rin ang gustong-gusto ko.

His hands froze in the air as time seemed to stop while we looked into each other's eyes.

I wondered if our hearts beat in harmony.

I cannot exactly describe the mixed emotions overwhelming me right now, but they bring me to life.

A feeling of happiness.

A feeling of sorrow.

A feeling of hope.

A feeling of hopelessness.

A feeling of pursuing.

A feeling of withdrawal.

A feeling of intimacy.

A feeling of pain.

And I am stuck in the middle, feeling these different emotions simultaneously and at the same pace.

I don't know how to overcome these…

I don't know what to follow.

I am stuck.

Dakarai sighed nang mapagtanto niyang hindi ko kakain ang pilit niyang isinusubo na pagkain sa akin.

Bakat na rin sa pagmumukha niya ang pag-inda mula sa pagngangalay, kaya't isinubo niya na lamang ang pagkain sa kaniyang sarili.

Napansin ko ang munting pagkadismaya sa mga mata niya. He was trying so hard to break through the walls I've built around me. Pero parang isang palasyo na yari sa bakal ang puso ko— hindi basta-basta nabubuwag, kahit pa ba siya ang kumakatok.

Bumalik ako sa pagre-review nang muli siyang sumambat. Parang wala talagang balak sumuko.

"Sometimes, you just gotta do it despite what you're thinking— despite what you're feeling, just do it."

I hated that he could be so straightforward. Na para bang lahat ng bagay sa buhay ay may simpleng solusyon. Sa mundo ko, walang ganoong kadaling paraan. Every decision feels like a double-edged sword.

"Alam mo, Dakarai, hindi lahat ng bagay nadadaan sa ganyan. Minsan kailangan mo ring isipin kung tama ba o mali ang gagawin mo bago ka kumilos."

"True. Pero minsan din, overthinking will kill you faster than any mistake you could ever make."

May punto siya. Pero hindi ko iyon aaminin. Hindi ko siya pagbibigyan ng kalamangan.

"I'm not overthinking." I denied, my voice coming out firmer than I intended.

Ngumisi siya. The kind of grin that says he's already read through me. Ang ngiting parang nang-aasar pero hindi naman nakakasakit. Parang alam niyang alam ko na tama siya.

"Oh really? Then bakit parang sobrang bigat ng mundo mo ngayon?"

I didn't respond. I couldn't. Dahil ang totoo, tama siya. At ang masakit doon, alam ko rin iyon.

He shifted his chair closer to mine, the wooden legs making a soft screech against the tiled floor. His presence was overwhelming, like the sun trying to break through a storm.

"Lanxie," he said, his voice softer. "Why do you always try to carry everything on your own?"

I pretended to focus on the papers in front of me. Pretended that his words didn't pierce right through me. Because if I acknowledge his question, I might crumble.

"Hindi ko dinadala ang lahat, Dakarai. I'm just doing my job."

"Your job? Or are you trying to prove something?"

My eyes darted to his, surprised by the intensity of his gaze. Parang gusto niyang basahin ang bawat lihim ko. Ang bawat takot ko.

"You're not just trying to win a case, Lanxie. You're trying to win yourself. You're trying to prove that you're still that topnotcher everyone admired."

I swallowed. That hit too close. Too deep. Because the truth is, Dakarai's right. No matter how much I deny it, I am trapped in a cycle of chasing a version of myself that feels unreachable.

"Hindi mo naman kailangan laging patunayan ang sarili mo, Lanxie. People will always have something to say. You don't have to keep burning yourself just to give them light."

His words lingered in the air like a song you can't forget. Parang siya, laging bumabalik sa isip ko kahit gaano ko pa tangkaing kalimutan.

"Ano ba talaga gusto mong mangyari, Dakarai? Ano ba ang punto nito? Bakit ka nandito?" I asked, frustration leaking through my voice.

He didn't flinch. He just stared at me, unblinking, his gaze full of something I couldn't quite understand. Or maybe I understood it, but refused to acknowledge it.

"I'm here because I want to be here. Because I care."

"Dahil kailangan mo ako as your lawyer, you mean."

"No." He shook his head. "Dahil kailangan kita as you. Not just as my lawyer. Not just as the girl who broke the bar exam record. Not just as the woman who tries so hard to hide her pain behind professionalism."

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang may bagyong dumadaan sa loob ko. His words hit me like a relentless storm, washing away every defense I've put up.

"Ano bang gusto mong patunayan, Dakarai?"

"Wala." He chuckled softly, his smile tinged with something I couldn't place. "Maybe gusto ko lang na malaman mo na nandito ako. At hindi ako aalis."

"Why?" I asked, my voice almost a whisper. "Why do you keep coming back?"

"Bakit hindi?" sagot niya, tila ba natural lamang sa kaniya ang magtanong ng ganoon. "Minsan kasi, kung saan ka paulit-ulit bumabalik, doon ka dapat manatili."

Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Parang lahat ng argumento ko ay natutunaw sa bawat salita niya. I hated how easily he could make me question everything.

I turned away from him, pretending to go back to my review. Pero kahit anong pilit ko, wala akong maintindihan sa mga salita sa harapan ko. Because all I could think about was him.

Si Dakarai.

Yung batang lalaki na nagbigay ng ballpen noong grade school. Yung binatang naging dahilan kung bakit ako natutong mangarap nang mataas. Yung lalaking naging parte ng bawat hakbang ko kahit hindi niya alam.

Pero kahit na ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin maiwasang tanungin ang sarili ko— paano kung ibang direksyon ang pinili ko noon? Paano kung hindi ko siya iniwan? Paano kung hindi ako nagpaka-abala sa pagpapakabisi para lamang kalimutan siya?

I pushed the thoughts away, trying to reclaim the composure I've built over the years. Pero parang lahat ng pader na itinayo ko ay isa-isang gumuho.

"I've been trying so hard," I confessed, almost too softly. "Trying to be someone… someone better than the person I was before. Para patunayan sa sarili ko na kaya ko. Na may halaga ako."

"You already have value, Lanxie. Kahit hindi mo pa nakukuha ang validation ng iba. Kahit hindi mo pa nararating ang gusto mong marating."

Napakagat ako sa labi ko. His words were like a soothing balm on wounds I didn't even realize were still bleeding.

Tahimik akong napatingin sa mga papel sa harapan ko— mga ebidensyang pilit kong inuunawang tila wala namang kahulugan.

But maybe the truth I was searching for wasn't in those documents or the victories I kept chasing.

Maybe it was in the quiet acceptance of myself, flaws and all.

————————————

Author's Note:

To my dearest and precious reader, as you read this story, I wholeheartedly wish that you find comfort, solace, and healing in my words, hoping they will build a pure connection between us, my precious, dearest reader.

If you'd like to stay in touch with me or chat about my work, feel free to reach me directly at my crib via cribofharaya@gmail.com. I'd love to hear from you. Hiraya manawari!