Chapter 1 - Bakit sya pa?

"Ako si Zeikru Domingo Camacho—isa sa pinakaguwapo, matalino, at sikat sa school namin. Grade 10 ako... baka gusto n'yong magkantuten tayo, haha!"

Nagla-live si Zeikru sa Facebook habang hawak ang phone, nakatutok sa sarili niyang mukha.

"Ang bastos mo talaga," sabi ni Keizru habang tahimik lang na sumusulat sa gilid ng classroom.

"Ito nga pala si Keizru S. Alonzo—ang sobrang pogi kong kaibigan, pero sabi niya kahapon, hindi na daw siya virgin!"

Nilapit ni Zeikru ang camera kay Keizru.

"Ano ba! Nagsusulat ako ng kanta natin."

Itinaboy ni Keizru ang phone at tinakpan ang mukha.

"Wow, sipag naman."

Sabay pisil ni Zeikru sa pisngi ni Keizru.

"Gagi! Ang sakit! Sige ka, gusto mo pala ng ganyan ha."

Hinabol ni Keizru si Zeikru habang natatawa.

"Ahhh! Aray! Sobrang sakit! Dali, dalhin mo na ako sa ospital, dumudugo na 'ko oh!"

Kunwaring umiiyak si Zeikru habang tumatakbo.

"OA ka masyado. Para ka nang kamatis d'yan."

Inaasar lang siya ni Keizru, sabay tawa.

"Tang-"

Ring. Ring. Ring.

May tumawag kay Keizru. Bigla siyang natahimik at nag-iba ang mood habang kausap ang nasa kabilang linya. Hindi na siya tinanong ni Zeikru kung sino ang tumawag—kitang-kita niyang tila wala na sa mood si Keizru. Pagkababa ng tawag, agad itong umalis sa school, hindi man lang nagpaalam.

Ilang araw siyang hindi pumasok.

Nag-aalala na si Zeikru. Sa totoo lang, matagal na siyang may nararamdaman para kay Keizru. At ngayong malapit na silang mag-Senior High, natatakot siyang baka lumipat na ito ng paaralan.

"Uy bro, ba't wala pa rin si Keizru?" tanong ni Zaru.

"Hindi ko rin alam," sagot ni Zeikru habang nakayuko.

"Kayo nga 'yung pinakaclose. Para nga kayong mag-jowa." sabat ni Xyru.

"G*go, magkaibigan lang kami since Grade 1."

Pero kahit nasabi niya 'yon, ramdam niya ang bigat sa dibdib.

"Weh, 'di nga?" tukso ni Kezinur.

"At hindi pa rin siya nagse-seen sa messages ko."

Napabuntong-hininga si Zeikru.

"Baka nagtatampo. Anong ginawa mo?"

"Ewan ko..."

Habang naglalakad silang magkakabarkada, napansin nila si Qurina na mag-isa sa gilid, malungkot.

"Uy, si Qurina, parang nagre-relapse na naman. Simula nung hindi na lumilitaw si Keizru." sabi ni Zaru.

"Sino si Qurina?" tanong ni Xyru.

"Si Qurina Trocino. Section 1. 'Yung obsessed na obssessed kay Keizru. Laging nagpo-post ng myday niya, puro pictures ni Keizru." sagot ni Kezinur.

"Grabe, pang-32 na ata 'yan na stalker ni Keizru this year."

"Matagal na 'yan. Grade 7 pa lang tayo, may fan page pa nga si Keizru."

"Baka may hubad na picture si Keizru doon, HAHA!" sabat ni Zaru.

"Hoy, ang bastos niyo!"

Namumula si Zeikru habang pinipigilan ang tawa.

"Uy, namumula si Zeikru. May iniisip 'to, o!"

"Tangina niyo!"

Pero kahit tinatawanan niya sila, may kaba na sa dibdib niya.

Kinabukasan.

Pumasok na si Keizru. Pero ibang-iba na siya. Tahimik. Tulala. Mabilis magalit. Parang wala sa sarili. Kahit si Zeikru, hindi na niya kinakausap.

Habang papunta sila Zeikru, Kezinur, Xyru, at Zaru sa music club para mag-rehearsal, narinig nilang nag-uusap si Qurina at ang mga kaibigan nito.

"Beh, ano balak mo? Nandiyan na ulit si Keizru."

"Magko-confess na ako mamaya, uwian. Ilang araw na lang, baka 'di na kami magkita."

Narinig ni Zeikru ang sinabi. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang kailangan na niyang unahan si Qurina. Ngayon na ang tamang oras.

Uwian.

Nilapitan niya si Keizru, na tulog sa upuan.

"Kei, gising na. Tapos na ang klase," bulong niya, sabay pisil sa pisngi.

"Gusto mo... sabay na tayong umuwi?"

"Geh."

Umuulan. Madilim. Kumikidlat.

Naglalakad silang dalawa sa ilalim ng iisang payong—ang payong ni Zeikru. Tahimik lang si Keizru. Halos wala ring tao sa paligid. Isang eksenang parang nasa pelikula.

Huminga nang malalim si Zeikru. Ramdam niya ang kabog ng dibdib. Wala na siyang pakialam sa basang sapatos o sa ginaw. Ang mahalaga, masabi niya na.

"Kei..."

"Hmm?"

"May aaminin ako."

Pigil ang boses niya, nanginginig sa kaba.

"Ano 'yon?"

"Simula pa lang... simula pa lang nung bata tayo... gusto na kita. Hindi lang bilang kaibigan. Matagal ko nang tinatago 'to. Pero ngayon, gusto kong sabihin..."

Napatingin siya sa mata ni Keizru. "I like you, Kei."

Tumahimik si Keizru. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.

"Bakit ako?"

"Kase, ika-"

Naputol ang salita ni Zeikru sa isang salita ni Keizru.

"Sorry."

"Ha?"

"Sorry, I don't like you. At alam mo naman na ayaw ko sa bakla, 'di ba? Nandidiri ako ro'n. Bakit ikaw pa?"

Bago pa makasagot si Zeikru, inihagis ni Keizru ang payong at tumakbo palayo.

Kumidlat.

Basang-basa si Zeikru sa ulan, nanginginig. Di niya alam kung dahil sa ginaw o sa sakit ng narinig.

"Wait... Keizru..."

Pero hindi na siya lumingon.

Pagkalipas ng isang linggo.

Hindi na ulit pumasok si Keizru. Hindi na rin siya sumasagot sa messages.

Hanggang sa dumating ang balita.

Namatay si Keizru.

Hit and run.

Noong gabing 'yon.

Noong gabi na tinanggihan niya ang tanging taong nagmahal sa kanya nang totoo.