Chapter 2 - Long Time No See

Beep. Beep.

Car crash

Water splashes loudly, like someone falling

Ambulance and police sirens

"AAAHHHH!" sigaw ni Keizru nang magising siya mula sa bangungot.

"Keizru, okay ka lang? Nag-aalala na kami ni Karra," sabi ni Reo habang hini-headpat siya.

"Ilang araw na 'yan ha, hindi normal managinip ang mga multo kagaya natin," umupo si Karra sa damuhan ni Keizru, katabi ni Keizru.

"Eh, ewan ko po, hindi ko pa rin alam kung anong ibig sabihin nun... baka 'yun ang dahilan ng pagkamatay ko," sagot ni Keizru.

"Sana nga, at kapag nakaakyat ka na, huwag mo kaming kalimutan, huhu," ani Reo habang umiiyak.

"'Ano ka ba, syempre hindi tayo kakalimutan. Apat na taon tayong magkakasama at parang magkapatid na tayo," sabay sapak ni Karra kay Reo.

"Haha, pero grabe, 20 years na po kayo dito. Sana umakyat na rin kayo. Siguro boring kapag wala ako dito, haha," pabirong sagot ni Keizru.

"Hindi kami mabo-boring dito kahit wala ka. May masasapak pa rin ako," sabay paturong palihim kay Reo.

"Isama mo na ako please! 20 years na akong binubugbog ng matandang babae na 'yon, huhu," nagmamakaawa si Reo.

"Sinong matandang babae? Hmm?" tanong ni Karra na may masamang tingin kay Reo.

"Sorry! May pupuntahan pala ako hehe, bye and good luck po!" sabay takbo ni Keizru palayo.

"Keizruuuuuuu... Arayyyy, sakitt, tama na pooo, sorry na, huhu," reklamo ni Reo.

Naglalakad si Keizru sa sementeryo. Hindi siya makaalis doon dahil ang mga kaluluwa ay nananatiling nakakulong, maliban na lang kung may isinundang tao na palabas ng sementeryo na may malakas na relasyon sa kanya.

Samantala, sa kabilang banda, si Zeikru, simula nang mabalitaan na namatay ang matalik na kaibigan niya, lagi siyang nasa harap ng bahay ni Keizru, kumakatok, nagmamakaawa sa kapatid ni Keizru na si Raziku, na grade 12 na ngayon. Araw-araw siyang kumakatok para tanungin si Raziku kung saan banda ang puntod nito. Pero tulad ng dati, walang paring sagot.

"Raziku, please... kausapin mo naman ako. Hindi ka ba nagsasawa na apat na taon na kitang kinukulit?" sabi ni Zeikru habang patuloy na kumakatok.

Tahimik pa rin na parang walang tao sa bahay.

Kaya tulad ng dati, umalis na lang si Zeikru at nag-asikaso para sa klase niya. Isa na siyang second-year Computer Engineering student. Kasama niya sa major sina Zaru Tocono L. Espinoza, Xyru D.C. De Leon, Kezinur S. Gonzales, at Qurina D. Trocino, na naging kaclose at kabarkada rin nila. Lahat din sila ay miyembro ng Music Club.

Tanghaling tapat, nag-lunch sila sa malapit na tapsilugan.

"Kuya, dalawang sisig, isang hotsilog, isang longsilog, at... ano sayo, Zeikru?" tanong ni Zaru habang nag-oorder.

"Hoy, Zeikru!" sabay pisil sa pisngi ni Zeikru.

"Ahh! Sorry, tapsilog sakin," napabalik siya sa ulirat.

"Kuya, dagdag mo ng isang tapsilog," dagdag ni Zaru.

"By the way, lagi ka pa rin bang pumupunta sa bahay nila Keizru?" tanong ni Qurina.

"Ikaw, lagi mo pa rin ini-stalk yung FB ni Keizru?" balik-tanong ni Zeikru.

"Huy, tama na. Pero oo nga no? Curious ako, kamusta yung mga miyembro ng fan page ni Keizru?" tanong ni Xyru.

"Hanggang ngayon, di pa rin sila makamove on," sagot ni Qurina.

"Ikaw?"

"Matagal na, pero sayang... hindi ko siya masyadong nakausap noon."

"Haha, ikaw kasi, nung high school pa tayo, napaka-creepy mo, kaya lumalayo kami sayo," sabay tawa ni Kezinur. Nagtawanan sila.

"Past is past," nahihiyang sagot ni Qurina.

"Past is past daw, pero wallpaper pa rin niya si Keizru, haha!"

"Huy hindi ah! Wallpaper ko yung bago kong boyfriend!"

"Weh? Pangalawa mo na 'yan ah," sabi ni Zaru.

"Ang alam ko kaya sila nag-break kasi ang wallpaper ng phone niya, hindi yung boyfriend niya kundi si Keizru," sabay kwento ni Zeikru.

"At lagi mong ikinukuwento si Keizru," dagdag pa niya.

Biglang tinakpan ni Qurina ang bibig ni Zeikru. "Sige lang, ikuwento mo lahat. Pati kung paano ako pinanganak," namumula.

"Huy, kawawa naman. Tama na nga, haha," sabat ni Xyru.

"Gagi, nakalimutan ko may filming tayo ngayon!" sabi ni Zeikru.

"Awit! May final exam din tayo next week HAHA," tawa ni Kezinur.

"Wag ng magreview sa finals, mag-film muna tayo. May alam akong magandang lugar. Kita tayo sa sementeryo malapit sa bahay ni Xyru after school," ani Qurina.

"Ba't sa sementeryo?" tanong ni Xyru.

"El Filibusterismo kase diba, halatang hindi nakikinig," sagot ni Qurina.

Nagtawanan sila habang dumating na yung inorder nila.

Sa sementeryo, gabi na. Nagtungo na silang lima. Naghaharutan, nagtatakutan habang naghahanda ng props. Hindi nila napansin na si Zeikru ay napapalayo na.

Habang naglalakad, parang may humihila sa atensyon niya. May kakaibang pakiramdam. Natapilok siya at natumba sa damuhan. Pagbangon niya, nakita niya ang lapida:

"Keizru Samson Alonzo — 200X - 202X"

Parang huminto ang mundo. Hinaplos niya ang lapida, nanginginig ang kamay. Lahat ng alaala ay bumalik. Tila nawala ang lakas niya at nawalan ng malay.

Sa kabilang banda, kasama ni Keizru sina Reo at Karra nang bigla siyang tumigil.

Nakita niya na may tao sa puntod niya.

Agad siyang tumakbo.

Nagkamalay si Zeikru. Nanlalambot, nanginginig. Pagtingala niya, may nakatayong anino... unti-unting luminaw. Si Keizru.

"Z-Zeikru?" bulong ni Keizru.

Hindi makapagsalita si Zeikru. Parang multo sa paningin niya pero totoo.

"K-Kei? Ikaw ba 'yan?"

Tumango si Keizru.

"Bakit? Paano? Hindi ka ba...?"

Tahimik.

Narinig ni Zeikru ang mga tinig ng mga kaibigan niya.

"ZEIKRU! Nasaan ka?"

Paglingon niya kay Keizru, wala na ito. Hindi niya alam kung totoo ba yung nakita niya o hindi.