"Okay ka lang?" tanong nila habang sabay-sabay na tumatakbo palapit kay Zeikru.
"Ano bang ginagawa mo diyan? Gusto mo na atang mamatay? HAHA," sabi ni Xyru.
"Parang gusto na talagang madaliin, mamaya ka na magpakamatay, may filming pa tayo," dagdag ni Zaru.
"Kupal, natapilok lang ako eh," sagot ni Zeikru.
"Wag niyo na siyang asarin, lampa na nga eh, aasar pa kayo," sabat ni Kezinur, sabay tawa nilang lahat.
"Uy... 'di ba lapida ni Keizru 'yon?" tanong ni Qurina, sabay turo sa lapida.
Biglang lumamig ang hangin, at parang may aninong nakita sila sa harap ng lapida ni Keizru.
"WAHHHHHH! Kaluluwa ata 'yan ni Keizru! Takbo!" sigaw ni Zaru habang tumatakbo silang lahat palayo.
Sa kabilang banda, nagtatawanan sina Keizru, Karra, at Reo dahil sa ginawa nilang pananakot. Si Keizru ay nakaupo lang sa harap ng sariling lapida.
"Kuya, ate, tanong ko lang po... kanina, parang nakita ako ng isa kong kaibigan. Nag-eye contact kami. Possible po ba 'yon?" tanong ni Keizru.
"Wait, nakita ka niya? At buti naman may bumisita sayo after three years," sagot ni Karra.
"Opo. Pero maya-maya, bigla na lang akong nawala sa paningin niya. Paglingon niya ulit, wala na ako," sagot ni Keizru na may pagtataka.
"Isa lang ang dahilan niyan," sabi ni Reo. "May kaibigan kaming multo dati, fifteen years ago, na biglang nakita ng asawa niya. Nakipag-usap pa siya."
"Sabi niya, dahil daw sa malakas na relasyon nila, binigyan siya ng abilidad para magpakita, mahawakan, at makipag-usap," dagdag ni Karra.
"Ay, wehhh? Pwede pala 'yon?" tanong ni Keizru na parang nabuhayan ng pag-asa.
"Oo. Pero ang mahirap lang ay kontrolin ang emosyon. Kapag malakas ang emosyon mo, mas madali kang makipag-interact sa tao. Pero habang tumatagal, pwedeng magbago ang emosyon mo at hindi mo na makontrol. Minsan, ang ibang kaluluwa, nagiging masama—nananakot at pumapatay," sabi ni Karra na may pag-aalala.
"Ahh... kaya ko 'to. Kaya kong kontrolin. Promise. Wait lang, hanapin ko sila, baka maabutan ko pa."
Samantala, sina Zeikru ay nasa kabilang side na ng sementeryo at nagtatawanan pa rin sa takot nila.
"Grabe, nagparamdam na si Keizru. Yung utang mo daw, Zaru," sabi ni Kezinur.
"Kupal! Nagre-revenge lang 'yan kay Qurina. Tinakot mo kasi siya dati, napakacreepy mo, takot na takot sya dati sayo, lagi mong sinusundan. " tawa ni Zaru.
"Hoy... si Zeikru 'yon, nag-confess kasi siya dati kay Keizru," sabi ni Qurina.
"Wag mo na ipaalala... guilty na nga ako eh," sagot ni Zeikru.
"Hoy! Yung film natin, last scene na 'yon!" paalala ni Zaru sabay tumayo.
"Ay, oo nga pala. Tara na," sagot ni Xyru.
"3, 2, 1, action!"
Habang nagfi-film sila, lumamig ang hangin. Pinapanood sila ni Keizru. Dumating sina Karra at Reo, mga kaibigan niya, at nagpaalam na siya.
"Kuya, ate, paalam na po. Maraming salamat sa lahat. Susunod na ako sa kanila. Gusto ko na ring makita si nanay at ang kapatid ko. Miss ko na sila," paalam ni Keizru.
"Keizruuuuuu, wag ka muna umalis... kawawa ako dito huhu," iyak ni Reo.
"Paalam, Keizru... huhu. Mami-miss ka namin. Hayaan mo, susunod din kami," sabi ni Karra.
Habang nagdadrama sila sa likod, tapos na rin sina Zeikru sa filming at nagliligpit na.
"Zei, punta ka bukas? Sabado naman eh. Mall tayo, tayong lima," yaya ni Zaru.
"Sige ba, anong oras?"
"11 AM?"
"Game ako d'yan."
Pag-uwi nila, sumunod si Keizru kay Zeikru. Namangha siya—marunong palang mag-drive ng kotse si Zeikru. Umupo siya sa likod at pinagmamasdan si Zeikru. Ibang-iba na ang mukha nito.
Pagdating sa dorm, nagulat si Keizru—may sarili pala siyang kuwarto! Pero sobrang kalat.
Pumasok si Zeikru sa banyo para maligo, habang si Keizru ay nililibot ang mata sa paligid. Nakita niya ang litrato nilang dalawa. Nang matapos niyang tingnan ito, sinubukan niyang maglinis. Hindi siya mapakali sa gulo ng kwarto.
Habang naglilinis, napansin niya ang isang papel sa lamesa. Lyrics ito ng kantang siya mismo ang gumawa noong buhay pa siya. Napaluha si Keizru habang binabasa ito—miss na miss na niya ang pagiging tao.
Biglang lumabas si Zeikru mula sa banyo—walang suot.
"Sino ka?! Magnanakaw ka no?!" sigaw ni Zeikru. Dahan-dahang humarap si Keizru.
"Kei?" gulat na tanong ni Zeikru.
"Nakikita mo ko?" tanong ni Keizru.
"Oo... totoo ba 'to?" Napaluha si Zeikru.
"Oo," sagot ni Keizru na may matamis na ngiti.
Lumapit si Zeikru at sinubukang yakapin si Keizru, pero tumagos lang ito at nadapa siya sa mga gamit sa sahig.
"HAHA! Yan kasi, ang dumi ng kwarto mo!" tawa ni Keizru.
"Wow, salamat! 'Yan talaga unang bungad mo matapos ang apat na taon?" asar ni Zeikru.
"Joke lang, haha."
"Hindi ka na galit sa 'kin?" tanong ni Zeikru.
"Galit? Bakit naman ako magagalit?"
"Yung tungkol sa confession?"
"Ah. Hindi mo ba maalala?"
"Yeah... Bakit, si Qurina ba ang nag-confess?"
"Hindi... basta," sagot ni Zeikru, ayaw na niyang masira ulit ang relasyon nila.
"College ka na? Anong course?"
"Computer Engineering. Magti-third year na ako."
"Ay wow! Akala ko magiging tambay ka lang dito HAHA," biro ni Keizru habang umupo sa kama.
"Hoy! Galing ka sa lupa, madudumihan 'yan!"
"Wow, nagsalita yung humiga sa damuhan ko sa sementeryo. Inupuan mo pa yung tinanim kong halaman!"
"Ay, sa'yo pala 'yon? Akala ko damo lang! HAHA!"
"Wowww. Ilang buwan kong pinaghirapan 'yon. Ikaw nga, ni hindi mo nililinis kwarto mo."
"Yung puntod mo nga eh, hindi malinis-linis. Sinesermonan mo pa ako."
"Mukha ba akong tao? Hindi ko nga mahawakan masyado ang mga bagay."
"Pero nahahawakan mo pa rin? Naggaganon ka pa?" tanong ni Zeikru sabay baba at angat ng kamay at ungol.
"Hanggang ngayon bastos ka pa rin HAHA," sabi ni Keizru.
"Hoy... By the way, ba't walang naglilinis ng puntod mo?" tanong ni Zeikru.
"Wala kasing dumalaw sa akin for 3 years. Pinaka-last si Raziku, pero hindi na nasundan."
"Ahh..."
"Kumusta pala pamilya ko?"
"Hindi ko alam. Wala kaming balita. Punta ako nang punta sa bahay n'yo pero parang walang tao."
"Ahh... bukas uuwi ako, pero dadaan pa rin ako sa inyo."
"Sige, dumalaw ka ha. Miss na miss ka na namin. 'Di mo alam kung gaano kadaming luha ang inilabas ko."
"Luha lang ba? O may iba pa?" sabay ngiti.
"Hoy gagi, HAHA."
"Sige na, matulog ka na. Gabi na. Magliligpit pa ako."
"Wow, ang sipag talaga ni bff ko, HAHA," biro ni Zeikru.
"Tabihan mo muna ako matulog."
"Magbihis ka muna, hindi man lang ka nahiya, kitang kita ko yung titi mo"
"Ay HAHA, wait" nagbibihis
"Tabi tayo matulog ha"
"Sige, baka masaniban kita d'yan, HAHA. Eme."
"Hoy wag na pala. Baka may gawin ka sa katawan ko!"
"Biro lang, HAHA. Tara, ihehele kita, bondying!"
"Baliw, HAHA."
Pagkagising ni Zeikru, maayos at malinis na ang kanyang kwarto. Pero wala na si Keizru.