Chapter 4 - Paggala ng Barkadahan

"Umuwi na ata si Keizru," bulong niya sa sarili.

"Sana makita ko ulit siya... hayyyysss," bulong ni Zeikru sa sarili.

Ring. Ring. Ring.

"Hello? San ka na? Ikaw na lang ang kulang," sabi ni Zaru sa cellphone.

"Ha? Anong oras na ba?" tanong ni Zeikru.

"11:46 na. Ang tagal mo."

"Wait, on the way na," sabi niya habang papunta sa CR para maligo.

"On the way daw, pero on the way sa CR para maligo," sabi ni Zaru.

"..."

"Hindi ah! Nandiyan na ko in 30 minutes," sabi ni Zeikru habang nagmamadaling ayusin ang gamit.

"Sabi mo 'yan ha. Pssst, orasan mo nga si Zeikru, Xyru," sabi ni Zaru sa cellphone.

"Kapag late ka, hindi ka namin ili-libre," dagdag pa ni Zaru.

"Wait, malapit na."

"Geh, ingat sa biyahe. Bye." Call ended.

"Tangina, saan ba nilagay ni Keizru yung gamit ko?" pabulong niya sa sarili.

"Mamaya na nga 'to. Maligo muna ako," dagdag niya pa.

...

Samantala, si Keizru ay naligaw. Hindi niya alam kung nasaan na siya.

"San na ko? Anong lugar 'to? Parang wala na ko sa Pilipinas. HAHA," bulong niya sa sarili.

"Uwi na nga lang muna ako, tanungin ko na lang si Zeikru," dagdag pa niya.

"Wait... saan nga ulit ako dumaan? Ang daming tao at mga kalsada kasi."

"Luh, naliligaw na ko. Nubayan."

Naglakad siya papunta sa malapit na SM (mall), baka p'wede siyang magtanong sa mga kaluluwa doon.

Habang siya'y naglalakad, nakita niya si Zeikru na nagmamadaling pumasok sa SM. Sinundan niya ito.

"Oyyy, yung 30 minutes mo naging 41 minutes and 29 seconds na. Ang tagal mo," sabi ni Kezinur.

"Traffic eh," sagot ni Zeikru.

"Grabe, 41 minutes traffic? Bahala ka diyan, sagot mo na 'yung sayo," sabi ni Zaru.

"Huyy, wala na kong pera oh."

"Problema mo na 'yan," balik ni Zaru.

"Nag-one night stand ata 'to," sabi ni Qurina.

"Huy, hindi ah. Marami lang akong ginawa," sagot ni Zeikru.

"Naglu-Lulu ata yan kaya marami siyang ginagawa," sabi ni Xyru.

"Hoy, ingay mo. Nasa labas tayo HAHA," sabi ni Zeikru.

Si Keizru ay nakatayo lang sa tabi ni Zeikru, tahimik na nakikinig sa usapan nila.

"Zei, pwede patulong mamaya? Hindi ko alam kung nasaan bahay namin," sabi ni Keizru kay Zeikru.

Pero parang hindi siya naririnig o nakikita nito.

"Ay... hindi na naman ako makita. Paano ko ba nagawa 'yon?" bulong niya sa sarili.

12:47 PM

Silang lima ay pumunta sa Jollibee, kasama si Keizru na tahimik na sumusunod sa kanila.

"Grabe talaga 'yung lamig dito. Kanina nung wala ka, Zeikru. hindi masyadong malamig. Baka may dinala kang kaluluwa. HAHA," pabirong sinabi ni Xyru.

"Ay, may sasabihin pala ako," ani Zeikru habang sila ay nakaupo.

"Guys, kagabi nakasama ko matulog si Keizru," kwento ni Zeikru.

"Weh? Edi wow," sabi ni Kezinur.

"Totoo nga!"

"Nagdu-drugs ka ata," sabi ni Zaru kay Zeikru.

"Huy baliw HAHA, pero totoo. Nagparamdam si Keizru sakin. Inuwi ko pa sa dorm ko. HAHA."

"Weh... may proof ka?" tanong ni Qurina.

"Oh eto, malinis at maayos yung dorm ko. Si Keizru yung naglinis," sabay pakita ni Zeikru ng cellphone niya.

"Huy, totoo nga oh! Parang bagong linis," sabi ni Zaru.

"Baka pumunta lang si Tita Ria sa dorm mo kasi nahiya sa kalat ng anak niya. HAHA," biro ni Kezinur.

"Huyy, legit nga," sabi ni Zeikru.

"Baka kaya malamig 'yung hangin dito, baka nadala ko pala kaluluwa ni Keizru. HAHA," nananakot na sabi ni Zeikru.

"Dalin niyo na nga 'to sa mental hospital. Baliw na ata 'to," pabulong ni Qurina.

"Kupal," sabay hampas ni Zeikru kay Qurina.

"Aray! Sakit oh," reklamo ni Qurina.

Natatawa si Keizru habang pinapakinggan ang usapan nila. Tumayo siya at tinangka silang takutin sa pamamagitan ng pagpatay-sindi ng ilaw sa table nila.

Light switch on.

Light switch off.

Light switch on.

"Gagi, si Keizru ba yon?" sabi nila na may halong takot at pangamba

"Huy, ginagalit niyo na si Keizru," sabi ni Zeikru.

"Oo na, please huwag ka na magparamdam. Alam ko marami akong masamang ginawa sa'yo. Hinalikan ko pa mga larawan mo dati. Please, wag mo kong saniban. Saniban mo na lang si Zeikru," sabi ni Qurina na takot na takot.

"Hoy, nasa labas tayo," sabay-sabay nilang sabi.

"Oo na, naniniwala na kami. Pero mabait naman siya, noh?" tanong ni Zaru.

"Oo naman. Siya nga nagligpit ng gamit ko. Sa sobrang linis, hindi ko na mahanap mga gamit ko," sabi ni Zeikru.

"HAHA, di na ata matiis ni Keizru 'yung kalat mo doon kaya tinapon na niya lahat. HAHA," sabi ni Kezinur.

"Sige lang..."

"Table number 17!"

"Yan na pala order natin. Wait, kunin ko. Tara, samahan mo ko Xyru," sabi ni Kezinur.

Nagkuwentuhan sila, nagtawanan habang kumakain. Si Keizru ay nasa tabi lang ni Zeikru, pinagmamasdan sila. Naiinggit siya dahil hindi niya naranasan 'yun—at maaga siyang namatay.

Naglaro sila sa arcade pagkatapos kumain. Si Zeikru ay naglaro ng basketball arcade, habang si Keizru naman ay nakaupo sa taas at sumasalo ng mga bola, at ini-shoot ito sa ring.

"O ang galing ko oh, lahat ng bola na-shoot ko!"

"Ang daya nito oh, kahit 'yung mga bolang malabong ma-shoot, napupunta pa rin sa ring," sabi ni Xyru.

"Keii, kung nasaan ka man, pwede tulungan mo din ako sa claw machine. HAHA," sabi ni Kezinur.

"Malabong tulungan ka niyan. Naging pabigat ka nga dati kay Keizru," sabi ni Zaru.

"Hoy, 'di ah! Ako nga 'yung naghawak ng visual aids natin. Kapag wala ako, di tayo makakapag-present," sabi ni Kezinur.

"Pwede naman i-dikit 'yun sa board," sagot ni Zaru.

"Basta... Zei, pakidala sakin si Keizru. Gusto ko makuha yung malaking teddy bear na 'yon," sabi ni Kezinur.

"Ewan ko sa kanya kung tutulungan ka," sabi ni Zeikru.

"Pleaseee po. Sorry na sa lahat. Gustong gusto ko talaga 'yung teddy bear na 'yon," nagmamakaawa si Kezinur.

Ngumiti si Keizru at pumunta sa claw machine. Si Kezinur, namamakaawa pa rin. Inihulog ni Keizru ang isang boteng tubig malapit sa kanya—senyales na tutulungan siya.

Isang token lang, nakuha agad ni Kezinur ang malaking teddy bear sa tulong ni Keizru.

"Thank you so muchhhh, Keiii! Muawhh! Pakiss nga. " sabi ni Kezinur.

"Kanino mo 'yan ibibigay?" tanong ni Zeikru habang tinali ang panyong blue sa leeg ng teddy bear.

"Secret..." sagot ni Kezinur.

Matapos ang arcade, umuwi sila ng 4:39 PM.

Sa dorm ni Zeikru, biglang lumitaw si Keizru sa kanya.

"Hindi ka man lang nagpakita," tampo ni Zeikru.

"Sorry. HAHA. Di ko alam paano magpakita... Hindi pa ko sanay. HAHA," sagot niya.

"Ay, HAHA," nagtawanan sila.

"Ay, oo nga pala. Nakapunta ka na?" tanong ni Zeikru.

"Hindi pa nga eh. Naligaw ako," sabi ni Keizru.

"Ahhh. Gusto mo bukas pumunta tayo?" sabi ni Zeikru.

"Sige. Miss ko na sila. Atsaka para ma-convince ko na rin sila na i-ritual ako para makaalis na ko dito. HAHA," sagot ni Keizru.

"Oo nga eh..." malungkot na sabi ni Zeikru.