Chapter 5 - Tawag

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ni Keizru.

"Mamaya na, mag-aaral lang muna ako," sagot ni Zeikru.

"Ano ba kasi 'yan?" Tanong ni Keizru habang tumingin sa pinag-aaralan ni Zeikru. Hindi niya napansin na sobrang lapit na pala ng mukha niya kay Zeikru.

"Ayan? Madali lang 'yan... piliin mo lagi 'yung letter C. Mapape-perfect mo 'yan," sabi niya. Si Zeikru naman ay nakatitig sa mukha ni Keizru, at parang gusto na niyang halikan ito.

"Oyy, anong tinititigan mo d'yan?" tanong ni Keizru.

"Huh? Ay, ano... curious lang ako kung ano kayang pakiramdam ng maging multo," sagot niya habang nahihiya sa ginawa.

"Bakit, gusto mo bang maging multo?" tanong ni Keizru.

"Pwede rin. Para wala nang review-review! HAHA!" sagot niya, sabay tawang may halong nerbyos.

"HAHA! Mabo-boring ka lang. Sa apat na taon kong nakakulong sa sementeryo nang walang gadget, hindi ko ma-imagine kung makaka-survive ka pa ro'n," sabi ni Keizru.

"Wala ka man lang kahit isang pampalipas-oras? Kahit ganito?" tanong ni Zeikru habang pinapakita ang kamay na mabilis inaangat at binababa.

"Haha! Hanggang ngayon talaga, bastos ka pa rin. At saka, bawal 'yon doon," sagot ni Keizru.

"Ay, wag na pala! HAHA!" sabi ni Zeikru.

"Kei?" tawag niya kay Keizru.

"Hmmm?"

"Matutulog ka na?"

"Oo. Bakit? Gusto mong tulungan kita d'yan?" tanong ni Keizru.

"Yes please, ang sakit na sa ulo nito," sabi ni Zeikru.

"'Di ko na alam 'yan. Hanggang Grade 10 lang alam ko," sagot ni Keizru habang lumalapit kay Zeikru.

"Bigay ko notes ko, i-review mo ako," sabi ni Zeikru habang inaabot ang notebook.

"Pati ba naman sulat mo ang gulo. Hindi ko man lang mabasa. Ano 'to, hieroglyphics?" sabi ni Keizru habang pilit binabasa.

"Ako na nga..." sabay kuha ni Zeikru ng notes.

"Joke lang! HAHA! Eto na, uhhh..." Pilit pa rin niyang binabasa pero hindi talaga mabasa ang sulat ni Zeikru.

"Akin na nga. Halatang hindi ka pa sanay sa sulat ko."

"Hindi ah! Nagbibiro lang ako. Haha!" sabi ni Keizru habang inaabot muli ang notes kay Zeikru.

"Wag na, nahihiya na 'ko sa sulat ko," sagot ni Zeikru, habang umaakyat si Keizru sa upuan para abutin ito.

"Hindi, ganda nga eh. Para ngang masterpiece," sabi ni Keizru. Bigla siyang nawalan ng balanse at muntik nang matumba, buti na lang at agad niyang nahawakan ang upuan. Naglapit ang mukha nila at nagkatitigan.

Nagkatitigan sila ng ilang segundo, hanggang sa natauhan si Zeikru.

"Uy, ang lapit ng mukha mo," sabi ni Zeikru kay Keizru.

"Ay, sorry. May iniisip lang ako," sagot ni Keizru, sabay tumayo.

"Huy, kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak mo," sabi ni Zeikru.

"Hindi ah! Wag mo 'kong itulad sa'yo, HAHA. Iniisip ko lang, what if hindi ko nahawakan 'yung upuan."

"Edi matutumba ka," sagot ni Zeikru.

"Hindi lang 'yon. Sabi sa 'kin dati, pwede kitang masaniban."

"Ayyy, HAHA! Ayaw mo non?" tanong ni Zeikru, nahihiya.

"Gusto ko rin naman, kaso sabi sa 'kin, may chance na makulong ako sa katawan mo."

"Ahhh... wait lang ha, CR lang ako," sabi ni Zeikru habang pulang-pula at init na init.

"Sige, matutulog na muna ako," sagot ni Keizru habang papunta sa CR si Zeikru.

Sa CR.

"Ughhh... ano ba 'yan, ba't ngayon pa... Pag ito nakita ni Keizru, baka magalit pa siya sa 'kin," bulong niya sa sarili.

"Tapusin ko na nga agad... ughhh, ughhh..." dagdag pa niya habang umuungol.

Kinabukasan.

"Ohh, ayun 'yung bahay mo," sabi ni Zeikru habang itinuturo ito.

"Salamat. Tara, pasok ka," yaya ni Keizru.

"Bawal. Mapapagalitan ako ng kapatid mo," sagot ni Zeikru.

"Hindi 'yan. Sapakin ko 'yon," sabi ni Keizru sabay tumagos sa gate ng bahay nila.

"Sana all kaluluwa na lang. Kahit saan, pwedeng tumagos," sabi ni Zeikru na may halong tampo.

"Wait, haha. Hanapin ko 'yung susi," sabi ni Keizru habang pumapasok sa bahay.

"Nasaan na ba 'yon? Ayun... ano ba 'yan, hindi ko makuha, tumatagos," bulong ni Zeikru.

"Tangina naman oh, 'di ko mahawakan," dagdag pa niya. Habang pilit kinukuha ang susi. Maya-maya na aksidenteng nasiko niya ang vase.

"Tangina naman talaga. Ughhh! Ang malas ko naman. Ang hirap maging multo," bulong niya sa sarili.

Maya-maya, may narinig siyang bumaba...

"Sino 'yan?!" sigaw ng kapatid ni Keizru na si Raziku, may hawak na pink na kutsilyo.

"Magpakita ka! Wag mong sabihing akyat-bahay ka na, Zeikru!" sigaw niya.

"Binasag mo pa 'yung vase ng kuya ko!"

"Vase ko??" tanong ni Keizru, nagtataka.

Biglang sumakit ang ulo ni Keizru at natumba. Nabangga niya ang lamesa at nahulog ang susi. Nakita ni Raziku ang paggalaw ng mesa at dali-daling lumapit para tingnan, pero wala siyang nakita. Pagtungin niya sa bintana, nakita niya si Zeikru na tila may inaabangan. Galit na galit si Raziku at lumabas ng bahay.

"Ano ba, Zeikru?! Hindi ka ba titigil?!" sigaw ni Raziku.

"Kailangan mo pa bang malaman? Patay na si Keizru!" sagot ni Zeikru.

"Matagal nang patay si kuya! Gusto mo bang tawagan ko na ang pulis? Sa pagiging akyat-bahay, paninira ng gamit, at pang-iistorbo ng tao?" pasigaw na sabi ni Raziku.

"Papatayin na talaga kita! Isa pa, nakikita mo itong kutsilyo? Nagamit na ito sa pagpatay," dagdag pa niya.

"Nandito lang ako para ihatid si Keizru..." sagot ni Zeikru, bahagyang natatakot.

"Aba! Baliw ka na talaga! Hindi mo pa ba magets?! Matagal nang patay si Keizru! Gusto mo i-translate ko pa sa English? O i-spell ko pa?!" galit na galit si Raziku.

"Ba't ba galit na galit ka sa 'kin?" tanong ni Zeikru.

"Tinatanong mo pa?! Ikaw 'yung dahilan kung bakit nagkagano'n si kuya sa ospital! Dahil sa confession mo, na-stress siya at laging tulala!" sagot ni Raziku.

"At tuwing nakikita kita, naaalala ko lang 'yung araw na 'yon. 'Yung araw na namatay si kuya..." dagdag niya habang napapaluha.

Samantala, si Keizru na nakahiga sa sahig ay sobrang sakit ng ulo at biglang may naalala...

"Ahhh! Aray! Sobrang sakit! Dali, dalhin mo na ako sa ospital, dumudugo na 'ko oh!" sigaw niya habang umiiyak si Zeikru.

Sa alaala nya:

"OA ka masyado. Para ka nang kamatis d'yan," pang-aasar ni Keizru, sabay tawa.

"Tang—"

Ring. Ring. Ring.

"Hello?"

"Ughhh, ang sakit! Tama na!" sigaw ni Keizru, hindi na niya kinaya ang sakit.

"Si Keizru Alonzo po ba ito?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Yes po."

"Umm... ano po kasi ehh... pasensya na ha, pero patay na po ang mama niyo," sabi ng nasa kabilang linya.

"..."

"Hello? Nand'yan ka pa?"

CALL ENDED.

"..."

Pagkababa ng telepono, agad siyang umalis ng school na hindi nagpapaalam kay Zeikru. Wala na siyang gana makipag-usap.

"AHHHHH! TAMA NA!!!" sigaw ni Keizru habang pa-litaw-litaw sa sahig, inaalala ang tungkol sa tawag.